Chapter 42

❝ Hindi ko alam noon na

Ang mga ginagawa ko pala kasama mo

Ay isa sa mga paraan para magpaalam sa 'yo.

Kung alam ko lang, sinabi ko na sa 'yo

Gaano man ako kalito

Sa sarili kong nararamdaman para sa 'yo. ❞

  

Sabado nang umaga nang umalis kami ni Ramona papunta sa retreat house kung saan siya nag-register para sa aming dalawa. Pareho kaming may dalang backpack na may lamang kaunting damit na gagamitin namin para doon dahil marami raw activity ang gagawin.

"Gusto ko sanang three days tayo do'n kaso hindi p'wede dahil exam week na next week," paliwanag niya habang kinukwento niya ang tungkol sa mga gagawin mamaya. "Sayang kasi may horse backriding din do'n at may iba pang activities na mukhang interesting."

Tumawa ako bago umakbay sa kan'ya at hinila siya papalapit para yakapin. "Marami pa namang susunod. Sa ngayon, ito na muna tayo."

Makalipas ang mahigit isang oras ng byahe, nakarating kami sa harap ng isang napakalaking tarangkahan kung saan, pagpasok mo ro'n, bubungad sa 'yo ang malawak na lupain.  Mayroong mga kubo na nakatayo nang magkakatabi, malaking pool area sa labas, may ilan ding building kung saan nakalagay kung anong area at function nito.

Sa hindi kalayuan ay matatanaw ang mga bundok kung saan sinabi ni Ramona na ang isang activity ay hiking.

"Tara na," sabi niya bago hinawakan ang kamay ko at hinila papunta sa lounge area.

May ilang mga tao ang nandoon, naghihintay rin tulad namin. Maraming estudyante, matatanda at ang ilan pa ay isang buong pamilya.

Ilang sandali pa, dumating na ang receptionist at ipinaliwanag sa amin ang mga service na in-avail ni Ramona para sa aming dalawa.

"Sa Double Queen Size bedroom po kayo," paliwanag nito bago itinuro sa amin ang daan papunta doon.

Ilang sandali pa, natapos nang ipaliwanag ang mga gagawin ngayong buong araw kaya naman nagpunta na sa kani-kanilang k'warto ang lahat. Pumasok kami ni Ramona sa isang kubo na mayroong dalawang kama na magkahiwalay.

"Isang King Size sana 'yung kukuhanin ko kaso baka . . ." Tumikhim siya pagkababa ng gamit. "Charot."

Tinawanan ko lang siya. "Mauna ka nang magbihis," sabi ko dahil base sa paliwanag kanina, unang activity namin ngayon ay yoga.

"Okay. Wait lang."

Hinubad niya ang sapatos na suot at kinuha ang damit pamalit sa bag bago pumasok sa loob ng CR. Napangiti na lang ako bago kinuha ang damit na pamalit ko. Nakita ko ro'n ang camera na nabili ko kahapon na balak ko talagang gamitin para sa araw na 'to.

Isa itong Instax Mini LiPlay kung saan p'wede kong i-store ang pictures kung ayaw ko pang i-print nang deretso. Pero isa sa mga nagandahan ko rito ay p'wede akong gumawa ng voice recording for 20 seconds at isama ang QR code nito sa pag-print ng picture.

Naalala ko kasi 'yung mga panahong sinasabi ni Ramona na mahal niya ako pero hindi ko masabi sa kan'ya. Gusto ko rin na sa unang beses na sasabihin ko 'yon sa kan'ya, maire-record ko gamit ito at maisasama sa picture na ipi-print dito.

Ilang sandali pa, lumabas na si Ramona ng CR suot ang shirt at leggings. Dahil sa hindi long sleeve ang suot niya, tumambad sa akin ang maraming peklat at sugat niya sa braso.

"Ikaw na—wow! May camera ka!" malawak ang mga ngiti na sabi niya bago lumspit sa akin at kinuha ito. "Instax Mini LiPlay! Kailan ka pa nagkaroon nito? Mahilig ka rin ba sa camera?" tanong niya habang tinitingnan ang mga function nito.

Nagkibit-balikat ako. "Nakita ko lang."

Tumawa siya bago naupo sa tabi ko. "May voice recorder! Gagi, ang ganda nito! May screen din sa camera mismo na parang digicam at p'wede mong i-store ang pictures dahil may memory card slot!" Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Let's try!"

Iniharap niya sa aming dalawa ang camera saka kami ngumiti. Ilang sandali pa, pinindot na niya ito. May mga kung ano-ano pa siyang ginawa bago nag-recordng boses.

"Hello! Uhh . . . This is Ramona Castillo—girlfriend of Caleb Eusebio. This photo was taken on October 08, 20** and we're here at the Paghilom Retreat Center. We're here to refresh ourselves spiritually and spend our time together."

Matapos niyang mag-record, pinanood ko ulit siyang magpindot ng kung ano-ano bago niya pinindot ang print button. Ilang sandali pa, lumabas na ang instax film mula sa camera. 

Tumingin siya sa akin. "Magbihis ka muna habang hinihintay natin na ma-develop ito."

Tumango ako bago humalik sa ulo niya saka naglakad papuntang CR, dala ang mga damit na panalit. Mabilis lang din akong natapos. Pagkalabas ko, nakita ko siya na hawak ang film at hinihintay na mas luminaw pa ang picture.

"Ang cute talaga kapag mini lang! P'wede siyang ilagay sa wallet."

Ngumiti ako bago naupo sa tabi niya. Nakita naming mas lumilinaw na nga ang picture at nasa gawing itaas sa kanan ang QR code ng voice recording niya.

"Eh 'di ilagay mo sa wallet mo 'yan once mag-fully develop."

Lumingon siya sa akin bago umiling. "Gusto ko, voice recording mo. Ikaw magtago nito since boses ko naman 'to. Para kapag nakakita ka ng mas maganda kaysa sa akin, pakinggan mo lang ulit ang boses ko na nagsasabing ako ang girlfriend mo, babalik ka na sa katinuan at hindi magpapaakit sa ganda ng iba."

Tinawanan ko ang walang kwentang sinabi niya bago pinisil ang magkabilang pisngi.

"Wala akong balak maghanap ng mas maganda kaysa sa 'yo." Inilapit ko ang mukha niya sa akin para halikan nang mababaw ang labi. "Ikaw lang ang gusto ko."

Tumawa siya bago humawak din sa mukha ko at hinalikan din ako sa labi. "Ikaw lang din ang mahal ko."

Napangiti ako nang muli kong marinig ang sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit matapos naming mag-usap noong nakaraan tungkol dito, gumaan na ang pakiramdam ko. Ramdam ko na talagang masaya ako sa tuwing sinasabi niyang mahal niya ako at hindi na ako nape-pressure na sabihin din 'yon pabalik sa kan'ya.

Muli kong inilapit ang labi sa kan'ya para halikan siya nang tatlong segundo. Nang bumitiw ako, pinanood ko siyang tumitig sa labi ko, kasabay ang mahinang pagsinghap niya. Nang mag-angat siya ng tingin, bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin na pumikit at halikan siya ulit.

Nang magtama ulit ang mga labi namin, doon ko naramdaman na ito rin ang gusto niya. Humalik siya pabalik sa akin kasabay ng paglagay niya ng mga braso sa batok ko. Sa loob ng ilang segundo, wala kaming ibang ginawa kung hindi ito . . . at kuntento kami do'n.

Makalipas ang halos isang minuto, humiwalay kami sa labi ng isa't isa, parehong hinihingal. Hindi namin magawang tingnan ang isa't isa dahil . . . 'yon na yata ang pinakamatagal na halik na ngawa naming dalawa.

Nasa retreat pa naman kami . . .

"T-Tara na."

Iniabot niya sa akin ang instax film film bago naunang lumabas ng kubo sa akin. Natatawa akong tiningnan ang picture naming dalawa doon. Malinaw na at pareho kaming nakangiti. May filter ang picture na parang madilim na siyang mas nagpaganda sa kuha. Itinabi ko ito sa wallet na nasa bag bago sumunod sa kan'ya palabas.

Tumikhim siya nang makita ako bago nag-iwas ng tingin. "Uhh, l-let's go. Sa . . . fitness center."

Napangisi ako sa pagpipigil ng tawa dahil sa ka-cute-an niya. Nagsimula na siyang maunang maglakad sa akin pero bago siya tuluyang makalayo, hinawakan ko ang kamay niya at pinagsalikop ang mga daliri namin.

"Let's go," patay-malisya na sabi ko bago kami nagsimulang maglakad.

🚬

A/N: Hindi ko talaga alam ang mga ganap sa retreat house. Nanood lang ako ng Vlogs at nagbasa ng articles. So, kung may mali sa mga inilalagay ko, feel free to correct me po and educate me.

Thank you for supporting Cigarettes And Regrets!

🌻

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top