Chapter 38

❝ Nakaramdam ako ng takot

Nang marinig ko ang mga salitang 'yon.

Hindi ba't masyadong matindi ang emosyong 'yon?

Paano kung nagkakamali ka?

Paano kung hindi pala ako?

At paano kung . . .

Hindi pa ganoon ang nararamdaman ko? ❞

"So, you're classmates," panimula ni Ma'am Arlene habang kumakain sa hapag-kainan, matapos alamin kung saan kami nagkakilala. "Caleb, why did you take STEM as your strand? What do you want to achieve in life?"

Para akong lalagutan ng hininga sa bawat segundo na lumilipas na nasa harap kami ng maraming pagkain. Hindi naman ganito ang nararamdaman ko kanina no'ng si Ramona lang ang kasama ko. Pero ngayong nasa harap at nasa gilid ko lang ang mga magulang niya, sobrang takot na ako.

Dagdag pa na nawala ako sa mood dahil sa pagsisinungaling niya.

"Uhh . . ."

What do I want to achieve in life? Bakit ba ganito palagi ang itinatanong sa akin lately? Ano bang mapapala ng mga tao kung malaman nila kung anong gusto ko?

"Sa ngayon, wala pa ho."

"But why?" kunot-noong tanong nito. "You'll be graduating in senior high school next year, after your work immersion, right? Bakit hindi mo pa alam ang gusto mong kuhanin?"

Napalunok ako bago pinilit na ngumiti. "M-Marami ho akong pinagpipilian."

Napatango-tango ito bago sumubo ng pasta. "Ayaw mo bang maging abogado? Your future will be stable once you land in a law firm that pays a good salary."

"Ma . . ." pagsaway ni Ramona sa mama niya.

"Why? I'm just giving him an idea of how to secure his future. Isa pa, once you become a lawyer, you'll be respected--as if you're way above them."

"Ma, stop." May pagbabanta na sa boses niya ngayon pero hindi ulit siya pinansin ng mama niya.

"Ano nga palang ginagawa ng parents mo?" dagdag na tanong nito. Hindi pa rin pinapansin ang anak.

Lumingon ako sa papa niya na tahimik lang na kumakain habang nakikinig sa usapan. Hindi nga rin ako tinatapunan ng tingin. For some reason, hindi ako takot sa papa ni Ramona. Pero yung takot na nararamdaman ko sa mama niya . . . apat na beses ng normal na takot na nararamdaman ng isang tao.

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko ngayon? Wala naman akong ginagawang masama.

"Wala ho akong kasamang magulang ngayon."

"What?" kunot-noong tanong nito.

Ngumiti ako nang bahagya. "Annulled ang mga magulang ko at may sari-sarili nang pamilya ngayon. Si Papa, sa Canada na nakatira kasama ang bagong pamilya. Si Mama, she's in Manila and married with a . . . Congressman."

Nag-angat ng kaliwang kilay ang mama ni Ramona bago ngumiti, na para bang may narinig siya na hindi ko dapat sinabi.

"Who's guiding you now?"

Umiling ako. "I'm living alone."

"At your age???" dismayado ang tonong sabi nito.

Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya. "I'm eighteen."

"It doesn't matter. You're still a kid!" Nagbuntonghininga ito, tunog dismayado sa sinabi ko. "Anong klaseng magulang ang iiwan ang anak dahil nakahanap na ng bagong pamilya?"

"Ma, I said stop!"

"Mona . . ." pagsaway ng papa niya sa kan'ya.

Masamang tumingin si Ramona sa papa niya. "She's torturing my friend!"

My friend . . . natatawa na lang ako.

"I didn't! Nagtatanong lang ako!" giit nito.

Nagbuntonghininga na lang si Ramona bago uminom ng juice.

"Do you have habits?"

Naipilig ko ang ulo sa tanong niya. Hindi ko maintindihan kung anong gustong ipunto ng mama niya.

"I mean, may bisyo ka ba? What do you usually do kapag wala kang magawa?"

"Ma, ano ba!"

"Mona, shut up," saway ng mama niya sa kan'ya.

"I smoke cigarettes."

"Ohh."

Lumingon siya kay Ramona na ngayon ay nakatingin sa akin na parang mali ang ginawa ko. Bakit? Anong mali? Mali ba na sagutin ko nang totoo ang tanong ng mama niya?

"Kaya pala no'ng minsan, gabing-gabi umuwi ang anak ko at amoy usok ng sigarilyo."

Nakita ko ang pangingilid ng mga luha ni Ramona bago tumayo at humarap sa mga magulang.

"Kung wala na po kayong sasabihin, pauuwiin ko na ang kaibigan ko. This is supposed to be a happy birthday of mine but you ruined it!"

"Why? Dahil dumating kami?" nakataas ang kaliwang kilay na tanong ng mama niya.

"Yes! You shouldn't have come if you're only going to do this!"

Pagkatapos niyang sabihin 'yon, naglakad siya paikot sa lamesa dahil nasa kabilang parte siya, bago ako hinawakan sa braso at hinila palabas ng bahay. Hawak niya lang ang braso ko habang naglalakad kami palabas ng village nila. Hindi ko nakikita ang mukha niya pero siguradong umiiyak siya ngayon.

Sa itsura niya pa lang kanina, halata mo nang hindi siya masaya sa ginawa ng mga magulang niya.

"Mona . . ."

"I. Am. Ramona," matigas na sabi niya bago lumingon sa akin. "It's Ramona for you, I told you!"

Patuloy pa rin siya sa paghila sa akin hanggang sa tuluyan na kaming nakalayo sa bahay nila. Napabuntonghininga ako bago hinawakan ang braso niyang nakahawak sa akin para pigilan siya sa paglalakad. Iniharap ko siya sa akin saka pinunasan ang mga luha na nasa pisngi niya. Lalo siyang umiyak nang dahil do'n.

"I'm sorry, I lied. Hindi ko alam na makakauwi sila ngayon. I'm sorry, I was so afraid that my mom would hurt me if I told her that you're my boyfriend. I'm sorry, I lied."

Matapos niyang sabihin 'yon, umiyak siya nang umiyak. Parang may kung anong mahapdi sa dibdib ko matapos kong marinig ang lahat ng 'yon, lalo na sa tono ng boses niya. Wala akong ibang magawa kung hindi ang yakapin siya. Mabilis siyang yumakap sa akin pabalik bago isinubsob ang mukha sa dibdib ko, saka umiyak nang umiyak.

"I'm so sorry, Caleb. I'm sorry."

"Shh . . ." I sighed. "It's okay. I understand. Hindi ako galit. It's okay," I assured her.

"It's not!" giit niya bago kumalas sa yakap at hinarap ako. "I wanted to tell everyone that you're my boyfriend but I couldn't do that because I was so scared for the both of us. My mom is not the kindest person you'll ever meet. That's why I just can't . . . say it immediately. I'm really sorry, Caleb." She sobbed continuously.

Napabuntonghininga na lang ako at hinayaan na lang siyang umiyak dahil, kahit na nasaktan ako sa ginawa niya, siguradong mas nasasaktan siya.

"You have a lot of time to tell them about that. 'Wag mo na munang isipin, Ramona. It's okay. You're still not ready and you're scared, so it's fine for me. Hintayin na lang natin na maging handa kang harapin ang takot mo sa kanila. I am willing to wait, Ramona."

Sunud-sunod na hikbi ang kumawala sa bibig niya, kasabay ng pag-agos ng mga luha niya bago lumapit sa akin at yumakap nang mahigpit.

"I'm so sorry," she said in the middle of her sobs.

I sighed. "It's okay."

"C-Caleb . . ."

"Hmm?" I responded as I ran my fingers through her hair.

"I . . ."

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, kumabog ang dibdib ko. Ilang segundo akong naghintay sa sasabihin niya. Mukhang nagdadalawang-isip pa siya sa sasabihin niya.

Sa huli, narinig ko ang mga salitang kahit kailan, hindi ko naisip na maririnig ko ngayon; mga salitang hindi ko naisip kung kailan ko masasabi sa isang tao.

"I love you."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top