Chapter 37

❝ Isa . . . dalawa . . . tatlo

Ano bang alam ko

Sa paghawak ng relasyon?

Kaya hindi ko maintindihan

Kung bakit nagawa mo 'yon.

Bakit ka nagsinungaling

Sa harap ko mismo? ❞

   

Pagkapasok ko sa loob ng napakalaking bahay nila, sinalubong ako ng tumatakbo at tumatahol na si Chase. Nagpaikot-ikot pa siya sa akin na para bang gusto niyang kargahin ko siya o laruin. Narinig kong tumawa si Ramona bago dumiretso sa kusina. Kinuha ko ang malaking fried chicken na tumatahol para kargahin. Ilang beses niya ulit dinilaan ang mukha ko na para bang ang tagal na niya akong nami-miss.

"Magseselos ang mommy mo n'yan," natatawang sabi ko habang karga si Chase.

Ilang sandali pa, natahimik na siya at nanatili na lang na karga ko. Parang kuntento na siya sa buhay niya ngayon kaya naman sumunod na ako kay Ramona habang karga siya. Sakto namang pagbalik niya dala ang cake na kulay lavender.

"This is the cake I baked last night," paliwanag niya pagkalapag nito sa gitna ng dining table. "I'm really good at baking, you know? Pero iba kasi ang foods ng vegan people so ngayon ko lang 'to ginawa. And, it's for you." She smiled.

Natatawa akong tumango. "Parang ako naman ang may birthday niyan."

Tumawa siya bago ako pinaupo na. Ibinaba ko na sa sahig si Chase at hinayaan itong maglaro-laro habang kami ni Ramona ay naghahanda na para kumain.

"Heads up lang. This pasta is what us, vegans, eat. Hindi naman siya totally gulay. It's actually good. It's called Fettuccine Alfredo. Try mo."

Tumango ako bago kumuha ng pasta na may white sauce na kung normal na tao, iisipin na carbonara lang ito. Nang tinikman ko 'to, parang normal na pasta nga lang siya at hindi mo iisipin na para sa mga vegan lang. Nakita yata ni Ramona na nasarapan ako kaya ngumiti siya sa akin bago nagsalita.

"May meat d'yan na pinaluto ko para sa 'yo. Kainin mo na. Wala namang kakain niyan dito."

Napakunot-noo ako bago lumingon sa tinawag niyang Manang kanina. "Vegan din si Manang n'yo?"

She laughed. "Cute mo sa part na 'yan, ah?" Uminom siya nang bahagya sa juice. "Bawal talaga kumain ng karne dito unless visitor ka. Pero si Manang, nasanay na rin siya. She's eating meats din naman minsan, kung may pagkakataon dahil nga madalas wala ang parents ko. Pero . . . nagustuhan na yata niya ang meals nina Mama at Papa? Not sure talaga."

Tumango na lang ako at tinuloy ang pagkain. Napangiti ako nang makita ko ang yosi na pendant na nasa dibdib niya. Sabi ko na nga ba, bagay 'yon sa kan'ya.

"Nasaan ang parents mo?" tanong ko.

Nagkibit-balikat siya bago sumubo ng pasta. Nginuya niya 'yon nang ilang segundo bago sumagot. "Bukas pa yata uuwi. May case silang hinahawakan na medyo importante yata at malaking pera ang involve. I don't really know. I'm not really interested."

Napatango ako. Inubos ko ang kinuhang pasta bago muling nagtanong ulit.

"Uhh, anong klaseng lawyer ang parents mo?" Napakunot-noo siya nang dahil do'n. "I mean, anong specialty nila?"

'Tang ina. Ano nga ba kasi ang tamang term para do'n? Argh!

"Ahh . . ." tumatangong sabi niya. "Corporate Lawyer si Papa. Tax Lawyer si Mama. So, basically, they were both Accountancy students before. Classmates sila and do'n sila nagkakilala. Sabay silang pumasok sa law school pero magkaiba sila ng ini-specialize. Lolo ko rin, yung papa ni Mama, lawyer pero Criminal Defense."

Napatango ako nang dahil do'n. Kung tutuusin pala, pamilya talaga sila ng mga abogado. Napapaisip tuloy ako kung bakit ayaw ni Ramona maging katulad ng mga magulang niya kung simula pagkabata siya, mulat na siya sa gano'ng trabaho.

"Uy, here's the steak. Kainin mo. Ubusin mo, ah? Masarap 'yan," sabi niya bago kinuha ang plato kong wala nang laman at pinalitan ng plato na may malaking karne na parang kinakain sa isang mamahaling restaurant.

"Thanks," sagot ko bago hiniwa at tinikman. Muntik pa akong mapapikit dahil hamak na mas masarap pa ito kaysa sa mga ino-offer ng high-end restaurant. "Uhh . . . ikaw?"

"Ano?"

"Bakit ayaw mo maging abogado?" tanong ko habang hinihiwa ang karne.

Nagkibit-balikat siya. "Ewan ko. Hindi naman ako dating gan'yan. I think it just . . . grew on me?" She chuckled. "Basta biglang . . . one day . . . ayaw ko na pala."

"Kung magiging lawyer ka . . . anong gusto mo?"

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Medical Lawyer." Tumawa siya bago itinuloy ang pagkain. "Kung hindi naman, Malpractice Lawyer. Pero gusto ko talaga ang Medical Lawyer. I'd feel so, so great siguro kung nagawa ko 'yon tapos magaling ako sa field na 'yan. Nakakatuwa kaya manood ng movies and series na lawyer ang bida tapos doctor din at the same time. Tapos, maia-apply niya ang medical knowledge niya sa kaso."

Watching her right now . . . parang hindi naman niya talaga ayaw maging abogado. Siguro, mas gusto niyang maging doctor pero hindi ko naman nakikitang ayaw niya. Nandoon naman ang excitement sa mga mata niya no'ng itinanong ko kung anong klaseng abogado ang gusto niya kung sakali man. At ang saya-saya niya naman tingnan habang nagkukwento tungkol sa movie na napanood niya na related 'yon.

"Ang sarap isipin ng mga gusto nating maging pagtanda natin, 'no?" biglang sabi niya habang iniikot ang tinidor para kumapit ang natitirang pasta sa plato niya. "Why don't you try to think of your future self?"

Bahagya akong napailing kasabay ng mahinang pagtawa. "I'm really trying, Ramona."

Uminom siya sa juice na nasa baso matapos maubos ang pasta na kinakain bago nagsalita. "I'm sure na mayroon kang pangarap! Hindi mo lang siguro iniisip. Ako ngang naggi-give up sa life, may gustong marating kung mabubuhay man ako nang matagal, eh. Ikaw pa kaya?"

Hearing all these from her, ang dami-dami kong naiisip.

Baka . . . kaya siya sumusuko sa buhay niya ngayon ay dahil simula sa pagkabata, alam na niya ang gusto niya at hindi niya matutupad 'yon nang basta-basta? Kung ako ba ang nakaalam ng gusto kong gawin sa buhay noong mas bata pa ako . . . susukuan ko rin ba ang buhay ko . . . tulad niya?

Hindi ko alam kung anong mas okay. 'Yung alam ko ba ang pangarap ko o hindi?

Napapaisip tuloy ako . . . ano kaya ang magiging pangarap ko kung sakaling lumaki ako nang kompleto ang pamilya? Paano kung lumaki ako nang kasama ang mga magulang ko, may mabubuo kayang pangarap sa akin?

Nang matapos kumain, ipinasyal ako ni Ramona sa kabuuan ng bahay nila. Sa isang parte, may malaki at magandang piano ang nandoon. Mukhang matagal nang hindi nagagamit.

"Marunong kang mag-piano?" tanong ko.

Tumango siya. "Oo. Tinuruan ako ni Mama. Kaso, busy na sila sa work nila kaya hindi na nila nagagamit. Hindi ko na rin tanda kasi 'yung mga itinuro niya."

Napatango ako bilang tugon.

Hinila niya pa ako papunta sa isang k'warto na binuksan niya. "Dito ang library! Ang dami-daming books d'yan about law. Nakakaantok silang basahin pero interesting din at some point, lalo na kapag 'yung part ng books ay may example cases tapos lalagay mo yung batas na para do'n and other shits."

Napangiti ako bago niya ako hinila ulit paalis do'n saka isinarado ang pinto. Sobrang laki ng bahay nila para sa isang pamilya--lalo na't tatatlo lang sila. Apat kung kasama si Manang. Lima kung may driver sila. Pero kasya ang tatlong pamilya dito, ah?

"I'll show you my room," sabi niya bago ako hinila paakyat sa hagdan.

Hanggang sa pag-akyat, kasunod namin si Chase na tahimik lang na naglalakad. Sobrang behave niya ngayon, hindi katulad kanina pagkarating ko na tahol nang tahol at takbo nang takbo.

Huminto kami sa harap ng isang puting pintuan. Habang hawak niya ang door knob, kabang-kaba naman ako dahil . . . parang kailan lang, inisip ko 'yung araw na makakapasok ako sa k'warto niya.

Sobrang bilis naman mangyari ng mga iniisip ko. Pakiramdam ko tuloy, sobrang laki ng tiwala sa akin ni Ramona para ipakita sa akin ang loob ng k'warto niya.

"Here's my room."

Binuksan niya ang pinto at tumambad sa akin ang kulay lavender na k'warto na may kaunting white paint. Karamihan sa loob ng k'warto ay kulay lavender. Ang bed sheet at pillow case niya, ang study table, ang laptop na nasa kama maging ang ilang gamit na nasa shelves. Pati ang bookshelf niya, kulay lavender.

"Ito 'yung kinukwento ko sa 'yo na bahay ni Chase!"

Ipinakita niya sa akin ang dog house na nasa gilid ng napakaluwang na k'warto niya. Hindi siya kulungan. Mukha talaga siyang maliit na bahay na mayroong kama kung nasaan nakaupo si Chase ngayon. Sa labas nito ay ang pinagkakainan at iniinuman niya.

"Very behave 'yang si Chase kaya hinahayaan ko siya dito sa loob ng k'warto ko. Never siyang nagkalat dito kasi sa baba niya 'yon ginagawa."

Napangiti ako bago umakbay sa kan'ya para yakapin siya. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin pabalik bago siya nagbuntonghininga.

"I've never thought that this day would come . . . that I'll show this biggest part of my life to someone," bulong niya bago nagbuntonghininga. "Thank you, Caleb, for coming into my life."

I kissed her temple. "Thank you rin. Tinuruan mo akong magkaroon ng pakialam."

Tumawa siya bago kumalas sa yakap. "Let's take a picture! In memory of my seventeenth birthday with you," sabi niya bago pumunta sa isang shelf niya.

Ang pangit naman pakinggan. Bakit ba hanggang dito, ganito pa rin ang tono niya?

Napabuntonghininga na lang ako bago sumunod sa kan'ya. Nagulat ako nang makita na may hawak siyang polaroid camera na mukhang vintage kung titingnan. Kanina, naisip kong bilhan siya ng Instax Mini na camera kasi malakas ang pakiramdam kong magugustuhan niya 'yon. Hindi na dapat ako magulat na mayro'n siya ng gano'n.

Mas maganda pa nga ito kaysa sa dapat na ireregalo ko sa kan'ya. Mabuti na lang, nagbago ang isip ko.

"Caleb, come here!" pagtawag niya habang nakalahad ang kamay.

Hinawakan ko ang kamay niya at inilapit ang mukha sa kan'ya saka ngumiti. Hindi ko pa yata naranasang kumuha ng picture nang ganito kaya hindi ako sigurado sa mga ginagawa ko. Pero . . . bahala na. Ang mahalaga, si Ramona ang kasama ko at hindi iba.

"Hindi ako nag-self timer, ah? Smile ka lang! One, two, three!"

Matapos niyang pindutin ang shutter, nag-flash ang camera bago may lumabas na square polaroid film sa itaas nito. Kinuha niya 'yon saka inilapag sa table, bago iniangat ulit ang camera.

"Smile!"

Hinawakan ng kaliwang kamay niya ang kaliwang pisngi ko bago pinindot ang capture button. Nang lumabas ang polaroid film, kinuha niya ulit 'yon at inilapag sa table, bago iniangat ulit ang camera.

"Last!"

Umakbay ako sa kan'ya at ngumiti. Nagtaka pa ako nang lumingon siya sa akin. Magsasalita na sana ako nang humalik siya sa pisngi ko bago pinindot ang camera. Kinuha niya ulit ang polaroid film at itinabi sa mga naunang lumabas kanina at hinintay na tuluyang mag-develop ang mga 'to.

"It'll take a few minutes before we can see the photos clearly."

Natatawa akong iniangat ang kamay niyang may hawak na camera, dahilan para lumingon siya sa akin.

"Why?" she asked.

"Last."

Tumawa siya. "Sure!"

Inayos niya ang pagkakahawak sa camera bago ngumiti. "In the count of three, ah?" Ngumisi ako bago tumango. "One, two . . ."

"Ramona . . ."

Lumingon siya. "Yes?"

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at saka pumikit bago siya hinalikan sa labi.

Three . . .

Pagkatapos n'on, narinig ko ang paglabas ng polaroid mula sa camera na hawak niya. Hindi ko na naramdaman pa ang pagkuha niya ng papel dito dahil ang tanging alam ko na lang, humalik siya sa akin pabalik, kasabay ng paglagay ng mga braso niya sa batok ko.

"Mona!"

Napahiwalay ang labi namin sa isa't isa nang may narinig kaming kumatok kasabay ng pagtawag sa kan'ya. Bumukas ang pinto at nakita namin do'n si Manang na nakatingin sa posisyon naming dalawa. Nakahawak pa rin ako sa mukha niya habang nasa batok ko pa rin ang mga braso niya.

"M-Manang!"

Mabilis siyang humiwalay sa akin at umayos ng tayo. Kinuha niya ang polaroid film sa camera at itinabi sa mga naunang lumabas kanina. Ibinaba na rin niya ang camera sa table.

"Nandito na ang mama at papa mo."

Napalingon ako kay Ramona matapos kong marinig 'yon. Nakita ko ang pagpa-panic sa kan'ya bago tumingin sa akin nang namumutla ang mukha.

"L-Let's . . . go."

Mabilis niya akong hinila palabas ng k'warto niya. Si Manang na ang nagsarado ng pinto bago kami tuluyang bumaba ng hagdanan.

Saktong pagkarating namin sa huling baitang ng hagdan, siyang pagpasok ng mga magulang ni Ramona sa double front door ng bahay nila.

"Ohh . . ." Nag-angat ng isang kilay ang mama niya bago ngumiti sa akin ang mapula nitong labi. "You are?"

Napalunok ako bago ipinunas ang kamay ko sa damit. "C-Caleb po." Naglahad ako ng kamay bilang pagpapakilala.

Tiningnan nito ang kamay ko bago tumingin sa akin. "I'm Arlene. Nice to meet you, Caleb." Bumitiw ito bago lumingon sa asawa. "This is my husband, Ramon."

Naglahad ako ng kamay sa papa ni Ramona. "Nice to meet you po."

Mabait na ngumiti sa akin ang papa niya. "Nice to meet you, hijo."

Lumingon ako kay Ramona na magkahawak na ang mga kamay habang nilalaro ang mga daliri na parang kabang-kaba.

"Ano ka ng anak ko?"

Naibalik ko ang tingin sa mama niya nang magtanong ito. "Po? I'm--"

"He's a friend, 'Ma."

Mabilis akong napalingon kay Ramona nang nakakunot-noo sa sinabi niya.

Friend?

Deretso lang ang tingin niya sa mama niya. Ramdam na ramdam ko ang pag-iwas niya na magtama ang tingin naming dalawa.

"Is that true?"

Lumingon ako sa mama niya. Ilang segundo pa akong natahimik bago napabuntonghininga.

"Yes, ma'am. I'm . . . just a friend."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top