Chapter 34
❝ Noong umagang 'yon
Hindi sana ako nagpapigil sa 'yo.
Hindi sana ako nagsisisi ngayon
Sa mga bagay na gusto ko sanang
Ulit-ulitin nang kasama ka. ❞
Simula no'ng nakasalamuha ko ang mga kaklase namin ni Ramona sa library at naobserbahan kung gaano siya kabait sa kanila, hindi na ako tumigil pa na mas obserbahan siya sa kung paano makitungo sa ibang tao. Sa loob ng mahigit isang linggo, 'yon ang ginawa ko. At ang dami ko pang nalaman.
Pagkauwi galing sa eskwelahan, nagpahinga lang ako sandali, binuksan ko na ulit ang folder at kinuha ang questionnaire para sa social area ni Ramona. Sinagutan ko ang ilan sa alam ko at napansin ko tungkol sa kan'ya sa tuwing nakikisalamuha siya sa mga professor at mga kaklase namin. Nang masiguradong nasagutan ko na ng tama, sinagutan ko na rin ang summary ng kabuuan ng social area.
Ramona Castillo is a friendly student who likes helping them whenever she's asked. She may hang around with very few people but she has captured the heart of many students and professors here in SLC. She smiles a lot with everyone, especially to the people she thinks are nice to her.
Bigla kong naalala 'yong araw na naninigarilyo ako sa smoking area tapos nakipagngitian siya sa hindi niya kakilala. Ngayon ko lang napagtanto na gano'n talaga siya . . . palangiti sa lahat. Walang pinipili.
I never heard from her that she cared with other people but with the way she taught them when she's asked for help academically, she gladly helps without a complaint even though she already explained it to them a few times.
She offers food to someone who she thinks didn't eat breakfast or a proper meal everyday, especially when she knows the situation of a person. She may be a vegan and that's all that she can offer from her home, but the fact that she always tries to make an effort to make someone feel better is really heartwarming.
Her smile and laughter with everyone is pure . . . genuine . . . sincere. She never faked a smile or laugh. She never had a fight with someone--be it silent or vocal. Even the professors cared a lot about her, especially knowing her condition with her mental and emotional health.
Napangiti ulit ako nang maalala ko kung paano mag-alala sa kan'ya ang mga tao sa clinic, pati ang mga professor namin. Pero hindi ko makakalimutan 'yung professor namin sa PE na sinabi sa akin ang lahat . . . mga dapat at hindi dapat gawin dahil nag-aalala rin siya kay Ramona.
Ramona is loved by everyone. She never let them down. She never disappoints anyone, despite her being unable to play volleyball properly. They understand her and she understands them, too. I never heard her complain about the people around her.
She made everyone love her . . . except herself.
I hope that she'll appreciate herself a little bit more, the way she made everyone love her with simple things in life.
Matapos kong maisulat 'yon, ibinalik ko na ang lahat sa folder at nahiga sa couch. Nakahinga ako nang maluwag dahil dalawa na lang din ang kulang ko sa kan'ya. May sagot ko na rin naman ang ibang part ng emotional area niya kaya sa spiritual ko na lang kailangang mas mag-focus.
In less than three weeks, pasahan na n'on. Konti pa lang ang nasasagutan ko sa Understanding The Self. Tang ina naman, akala ko madadalian ako sa part na 'yon pero hindi pala.
Baka nga hindi ko pa kilala ang sarili ko?
Kinuha ko ang kaha ng yosi sa bag pati ang lighter. Pagkabukas ko ng kaha, nakita kong dalawang stick na lang ang mayroon do'n.
"Puta naman," nasabi ko na lang sa sarili ko bago kumuha ng isang stick at isinubo, saka sinindihan.
Hindi ko na tanda ang eksaktong araw kung kailan ko nabili 'to, pero napapansin ko na napapanatili ko ang isang kaha ko nang ilang araw. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko.
Parang dati, wala pang dalawang araw, ubos na ang isang kaha ko. Ngayon, nagtatagal na talaga siya. Maganda bang senyales 'yon? Hindi ko rin alam kung ano ang naging eksaktong dahilan ng lahat ng 'to. Hindi ko naman binabawasan ang pagyoyosi ko.
Baka nagkataon lang siguro na busy ako ngayon. Malalaman ko rin siguro ang sagot sa mga tanong ko kapag hindi na ako masyadong busy.
🚬
Ilang araw pa ang lumipas, birthday na ni Ramona. Seventeen na siya. Hindi ko na kailangang isipin pa na malaki ang age gap naming dalawa dahil ngayon, isa na lang talaga.
Hindi niya alam na alam ko ang birthday niya. Siguro, iniisip niya na wala akong pakialam sa mga gano'ng bagay pero natatandaan ko lahat ng mga itinatanong ko sa kan'ya at . . . in-add niya ako sa Facebook. Ang dali malaman kung kailan ang birthday niya, kahit na hindi niya ilagay do'n 'yon.
"Hi! Good morning!" masayang bati niya pagkarating sa terminal ng jeep. "Wow, nauna ka ngayon. Kanina ka pa?"
Nagkibit-balikat ako. "Mga five minutes ago."
Tumingin siya sa akin na parang naghihinala. Kinuha niya ang kamay ko at inamoy ang daliri. "Hindi masyadong maamoy ang yosi sa daliri mo." Binitiwan na niya ang kamay ko bago tumingin sa akin. "Nakailan ka?"
"Nakaisa bago ako umalis ng bahay."
"Wow, hindi ka nagyosi dito?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Tumawa ako. "Hindi nga. Promise."
Ngumiti siya. "Good!" Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi. "I mean, it's good for you! Hindi naman kita binabawalan pero . . . ayon." Tumikhim siya, dahilan para matawa ako. "Tara, sakay na tayo?"
Tumango ako bilang tugon. Sumakay na kami ng jeep saka nagbayad ng pamasahe namin.
"Ako na ang magbabayad ngayon. Ako taya today," pagpigil niya nang iaabot ko na ang 50 pesos ko para sa bayad naming dalawa.
Tumawa na lang ako at tumango bilang tugon. Ilang sandali lang din, napuno at umandar na ang jeep na sinasakyan namin.
Matapos niyang makapagbayad, tumingin siya sa akin at ngumiti. Hindi ko napigilan na pisilin saglit ang magkabilang pisngi niya dahil, bukod sa birthday niya ngayon, may kakaiba sa kan'ya.
"You look a lot more beautiful today. Anong ginawa mo?"
Umawang ang bibig niya panandalian bago ngumiti. "Wala naman. Bakit?"
Nagkibit-balikat ako. "Parang ang blooming mo."
Tumawa siya. "Wow, alam mo 'yung blooming!"
Pati ako, natawa na rin sa naging reaksiyon niya. "Taga-Earth pa naman ako, Ramona."
Tumawa siya nang tumawa sa isinagot ko. Ilang sandali pa, nagsalita ulit siya. "Anyway, baka masaya lang ako ngayon kaya mukha akong blooming."
Napangiti ako sa isinagot niya. "Talaga?"
Tumango siya. "Oo." Lumapit siya sa akin para bumulong. "You make me the happiest."
Hindi ko na napigilan ang mas lalong pagngiti bago hinawakan ang magkabilang pisngi niya para patakan ng mabilis na halik ang labi niya.
"Caleb!" natatarantang pagsaway niya sa akin bago tumingin sa ibang pasahero. Tumingin siya sa akin nang masama. "Ang daming tao!"
Tumingin na rin ako sa mga estudyante at iba pang pasahero sa jeep. Yung iba, halatang nag-iwas lang ng tingin dahil nakita ang ginawa ko sa kan'ya pero karamihan, wala namang pakialam sa amin. Ibinalik ko ang tingin sa kan'ya.
"They don't care."
Umamba ulit akong hahalikan siya pero hinampas niya ako nang tumatawa.
"Caleb!" She laughed. "Stop. It's . . . embarrassing."
I laughed. Niyakap ko na lang siya. "I'm just kidding."
Tumango siya nang marahan. "You can always kiss me privately, you know? I'm just not really used to . . . doing that in public," bulong niya bago tumawa nang mahina.
Tumawa ako bago kumalas sa yakap. "I have something to tell you."
Napakunot-noo siya. "Ano?"
Inilapit ko ang bibig sa tainga niya saka bumulong. "You're my first girlfriend."
"Really???" hindi makapaniwalang tanong niya habang nanlalaki ang mga mata. Tumango ako nang nakangiti. "Sabagay. You care too little to even get a girlfriend." She smirked before looking away.
Umawang ang bibig ko. Sinabi ko 'yon sa kan'ya para pakiligin siya pero . . . pagtatawanan niya lang 'yon?
"Ramona . . ."
Ibinalik niya ang tingin sa akin. "Hmm?" Mabilis kong hinalikan ang labi niya, dahilan para mapasinghap siya. "Caleb, oh my god!" She laughed a little louder.
"You're making fun of me," sabi ko sa tono nang nagtatampo.
Tumawa siya sa sinabi ko. "My god, Caleb. You're cute!" Tumawa siya nang tumawa bago niyakap ang braso ko at ipinatong ang ulo sa balikat ko. "One of the best mornings, so far. Thank you."
Napangiti ako bago hinalikan siya sa ulo. Pagkatapos n'on, nag-usap na lang kami ng ibang bagay at tinigilan na ang pangungulit sa kan'ya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top