Chapter 28
❝ Sinong mag-aakala na
'Yung taong nagsasabing ayaw niya
Ng bagay na ipinipilit sa kan'ya
Ay marami palang masasabi
Oras na magtanong ka ng isa?
Paano kung nagkakamali ka?
Paano kung gusto mo pala? ❞
Pagkauwi sa bahay, una kong ginawa ay ligpitin ang lahat ng kalat at ayusin ang mga gamit na wala sa tamang lugar. Hindi ko alam kung bakit sobrang bothered ako ngayong pupunta si Ramona sa bahay ko, eh nagawa na nga niyang linisin 'to noon.
'Tang ina, ano bang iniisip ko? Hindi naman kami magdi-date! Gagawa lang kami ng project para sa PerDev! Kikilalanin niya lang naman ako based on my spiritual beliefs, tulad ng sinabi niya kanina, dahil hindi niya raw magawa ang part na 'yon ng project. Ano bang . . . iniisip ko?
Pabagsak akong naupo sa couch at tiningnan ang kabuuan ng bahay--kung gaano ito kalinis at kaayos ngayon. Tiningnan ko ang oras sa wall clock. 7:40 PM na. Hindi pa ako kumakain at naliligo. Nagbuga ako ng malalim na buntonghininga bago tumayo at itinabi lahat ng ginamit ko sa paglilinis. Pagkatapos n'on, dumeretso na ako sa CR para maligo at gumayak.
Hindi pa ako tapos magbihis, narinig ko na ang pagtunog ng doorbell--hudyat na nand'yan na siya. Nagmamadali akong isinuot ang short, saka dinala ang shirt na nakuha sa closet para maisuot habang naglalakad, bago siya pinagbuksan ng gate.
"N-Nand'yan ka na pala . . ."
Inayos ko ang suot ko na alam kong gusot ngayon dahil sa pagmamadali ko.
"Oo." Awkward na tumawa siya. "Uhh . . . hello?"
Tumango ako bago siya pinapasok. "Tuloy ka."
Ngumiti siya. "Thank you."
Habang naglalakad papasok, kinausap niya ako. "Nakapag-dinner ka na?"
Napakamot ako ng batok. "Hin . . . di nga, eh." Nagbuntonghininga ako bago binuksan ang pinto. "Magpapa-deliver na lang ako."
"Bakit hindi ka pa nagdi-dinner? I thought we agreed to meet after that."
I shrugged. "Marami lang ginawa."
"Tulad ng?"
Tumawa ako bago kami nakaupo pareho sa couch. "Naglinis ng magulong bahay."
She chuckled. "Hindi mo naman kailangang linising mabuti. I've already seen this in its mess before."
"Tss. Dati 'yon. Sige na, maghanap ka na ng gusto mong panoorin. O-order lang ako. Wait."
Tumango siya bago kinuha ang remote na nasa center table. Pumasok ako sa k'warto para kuhanin ang cellphone at um-order ng pizza, fried chicken at softdrinks dahil wala naman akong p'wedeng ipakain sa kan'ya dito. Wala namang stock ang grocery dahil sinabihan ko si Tita na 'wag nang gawin ang mga gano'ng bagay para sa akin.
Dala ang phone, bumalik ako sa living room. Nakita ko na nagbo-browse pa rin siya ng p'wedeng panoorin sa Netflix.
"Saan ka ba mahilig?" tanong niya.
Nagkibit-balikat ako bago naupo sa tabi niya. "Hindi naman ako nanonood ng TV."
Tumawa siya kasabay ng paglingon sa akin. "You're wasting your Netflix subscription."
"One year naka-subscribe 'yan. Si Tita ang may gawa, hindi ako."
"Wow," she said, nodding. "Siya ang gumagamit nito?"
I nodded. "Noong pumupunta pa siya dito."
Tumingin ulit siya sa akin. "Hindi na ba siya pumupunta dito?"
Umiling ako. "Hindi na. Tatlong buwan na."
"Why?" kunot-noong tanong niya.
"May mga sariling anak 'yon. May sariling pamilya 'yon. Ayaw ko namang dumagdag sa alalahanin niya. At isa pa . . . kaya ko na ang sarili ko."
Napanguso siya bago ibinalik ang tingin sa TV. "Maybe she wanted to stand as your parent, that's why she's doing that for you. She knows that you need a mother figure and maybe she thought that she could do it for you since she loves you. Why stop her, though? Wala namang mawawala sa inyong dalawa."
Napangiti na lang ako. "Basta."
Tumingin siya sa akin nang nakakunot-noo. "Why? You should tell me things so we can succeed with our PerDev project."
Natatawang napapailing na lang ako sa mga rason na ibinibigay namin sa isa't isa. "Wala nga."
She smiled as she looked back on the TV before finally choosing a movie to play. "Maybe you wanted your real mother to stand where your auntie is standing." She smiled at me. "Right?"
Kung ikukumpara sa darts ang nararamdaman ko ngayon, parang na-bull's eye ni Mona ang lahat ng iniiwasan ko.
"Let's just watch a movie first before we start with the project at . . . habang hinihintay ang dinner mo."
Tumango na lang ako at tahimik na nanood. Ngayon ko lang nakita ang pinili niyang movie. Isa itong documentary tungkol sa karumal-dumal na krimen na nangyari sa isang babae sa ibang bansa. Mona was quietly watching the first parts of the movie as her forehead creased from time to time.
"Wow, that father is a lunatic even though we're only in the first 20 minutes of the video." She shook her head. "He's a pervert. He's obsessing over his daughter. Yuck!"
Sampong minuto pa ang nagdaan bago ko narinig ang pagtunog ng doorbell. Tumayo ako at nagpaalam sa kan'ya para kuhanin ang pagkain mula sa delivery boy sa labas. Tumango siya pero nasa TV pa rin ang buong atensyon. Natatawa na lang akong umalis ng living room para lumabas ng bahay.
Matapos kuhanin ang isang bucket ng chicken, isang box ng pizza at isa't kalahating litro ng coke, bumalik na ako sa loob ng bahay. Nakita ko siya na nakahalukipkip na para bang nag-iisip habang nakakunot-noo. Hindi pa rin nawawala sa screen ng TV ang mga paningin niya.
She seems to be interested in the case.
Nagbuntonghininga na lang ako bago itinuloy ang paglalakad. Ibinaba ko sa center table ang mga pagkain.
"Wow, ang dami naman, Caleb! Fiesta ba?" She laughed.
Napakamot na lang ako ng batok bago kumuha ng dalawang baso sa kusina. Pagkabalik ko, nakita kong naka-pause na ang movie habang binubuksan niya ang mga pagkain na in-order ko.
"Damn, meat! Nice!" Kinaskas niya ang mga palad sa isa't isa bago kumuha ng fried chicken saka ito kinain. Tumingin siya sa akin. "Caleb, let's eat!"
Natawa na lang ulit ako dahil ang cute niyang tingnan habang hawak ang isang hita ng manok. Para siyang bata na kumakain n'on ngayon.
Ibinaba ko na ang baso sa table, saka kumuha ng isang slice ng pizza. "You looked hungry."
Napatigil siya sa pagkagat ng fried chicken niya bago umiwas ng tingin. "Well . . ." Kinamot niya ang ulo gamit ang isang daliri. "I ate dinner but not enough to make me full. You know? Veggies all over again." She sighed.
Tumango na lang ako. "Do you want to eat something else?"
Tumingin siya sa akin bago umiling. "No, this is fine! Ang dami na nga nito, eh."
Nagkibit-balikat ako. "Baka lang may iba kang gusto."
She smirked. "Isa lang naman ang gusto ko."
"Ano?"
She smiled before taking a bite on her fried chicken. P-in-lay na ulit niya ang video nang hindi man lang sinasagot ang tanong ko.
For some reason, her silence made my heart flutter. Maybe because I was expecting that her silence means the same as what I am thinking.
Ang corny pero . . . sana ako 'yon.
"Walang kwenta ang mama n'ong babae. She's overlooking all the facts that her husband abducted her child. And that damn pervert man really waited until his daughter turned teenager before abducting and doing things to her. I'm guessing that he had previous rape cases and was released from prison because he behaved good inside." She rolled her eyes as she sighed. "Hindi na dapat binibigyan ng chance ang mga gan'yan kasahol na tao."
Napanguso ako sa huling sinabi niya. "What do you want to happen to him, though?"
"Life imprisonment." She looked at me. "Or death penalty." She sighed. "You see, walang puwang sa mundo ang mga rapist na tulad niya. Especially, in this case that we're watching, anak niya ang paulit-ulit niyang ginagahasa."
Napatango na lang ako bago kinain ang natitirang pizza. "Are you a pro-death penalty? Here in the Philippines?" tanong ko habang binubuksan ang bote ng softdrinks.
She laughed. "Ayusin muna nila ang mga batas at mga mambabatas bago nila maisipang ibalik ang death penalty. Sa panahon ngayon, talamak na ang mga kriminal na nagtatago sa posisyon nila sa gobyerno."
I poured the softdrinks on the glass as I listened to her.
"If things turn out to be the opposite of what they are expecting, they will do the sort of things para maibaling sa iba ang krimen na ginawa. Worst case scenario, inosente ang binabalingan at mapapatawan ng death penalty para sa kasalanan ng isang kriminal na may posisyon at koneksiyon sa nakatataas."
Wow . . .
She seriously has so much to say about these things. Buong akala ko, mahilig lang siyang mag-aral. Hindi ko man lang naisip na may mga ganito siyang opinyon tungkol sa ganitong usapin.
She's way better than what I have always had in my mind. She's continuously making me amazed and proud of her. And I hope that she's aware of that.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top