Chapter 27
❝ Wala akong ideya sa mga nangyayari
Sa akin tuwing kasama kita.
Paulit-ulit kong isinisiksik
Sa isip kong kaibigan lang kita.
Pero paulit-ulit din ang sarili
Na nabibigo sa kasinungalingang ipinipilit
Dahil . . . gustong-gusto kita.
Gustong-gusto kitang talaga. ❞
Kinabukasan, maaga ulit akong umalis ng bahay para maghintay kay Mona, pero hindi na katulad ng kahapon na sobrang aga. 6:35 AM nang lumabas ako ng bahay at nagsimulang maglakad papuntang terminal ng jeep.
Malayo-layo pa ako, may nakita na akong babae na ikinakaway ang nakataas na kamay.
"Caleb!"
Napangiti ako nang malawak bago binilisan ang paglalakad papunta sa kan'ya. Nang makarating ako, iniabot niya sa akin ang isang paper bag.
"Good morning!"
Kinuha ko sa kan'ya ang paper bag. "Ano 'to?"
"Breakfast. Baka hindi ka pa kumakain."
Tumawa ako bago ginulo ang buhok niya. "Kumain na ako, pero sige. Kainin natin 'to mamaya pagkarating sa campus."
Hindi ko alam kung bakit nagkusa na ang kamay ko na hawakan ang kamay niya bago kami sumakay ng jeep. Nagbitiw rin kami nang makaupo na para kumuha ng pamasahe.
"Ako naman ang magbabayad ngayon," sabi niya bago nakisuyo sa isang pasahero na iabot ang 50 pesos niya. "Manong, dalawang Saint Lorenz Colleges po."
Tumango ang driver sa kan'ya bago ipinabot sa mga pasahero ang sukli niya. Nang makuha 'yon, tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Kumusta na ang PerDev project mo?" tanong niya.
Nagkibit-balikat ako. "Dalawa na ang natatapos ko."
Tumango siya. "Ako malapit nang matapos."
Napakunot-noo ako. "Bakit ang bilis mo?"
Tumawa siya nang bahagya. "Matagal na kiatng inoobserbahan. Naging advantage ko siguro 'yon ngayon sa project."
Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya pero hindi ko na 'yon pinansin pa. Ngumisi ako sa kan'ya na naging dahilan ng pagkunot ng noo niya.
"Bakit inoobserbahan mo ako noon?" tanong ko. "Crush mo ba ako?"
Mabilis na namula ang mukha niya kasabay ng panlalaki ng mga mata niya. "H-Ha! Asa ka!" Nag-iwas siya ng tingin. "H-Hindi kita type, 'no!"
Humalukipkip ako at lalo siyang inasar gamit ang mga tingin ko. "So, bakit mo ako inoobserbahan?" panunukso ko pa.
Tumikhim siya nang ilang ulit bago lumayo nang konti sa akin sa inuupuan. Nakaramdam ako ng kung anong lungkot sa simpleng ginawa niya.
"H-Hindi nga! S-Sinabi ko naman na kasi na . . . w-wala kang pakialam sa mundo. G-Gusto ko rin ng gano'n. 'Wag ka nga. Caleb! Hindi kita crush! Never!"
Gusto kong humagalpak ng tawa sa pagiging defensive niya pero ang tanging nagawa ko lang ay hawakan ang palapulsuhan niya at hilahin siya pabalik sa tabi ko.
"Sige na, hindi na kita aasarin. 'Wag ka nang lumayo sa akin."
Umawang ang bibig niya sa sinabi ko. Hindi na siya nagsalita pa pagkatapos n'on, hanggang sa tuluyan nang umandar ang jeep.
Nang makarating kami sa campus, dumiretso kami sa cafeteria para kainin ang breakfast na ginawa niya. Tulad ng mga dati niyang ginagawa sa akin, vegetable sandwich ulit. Medyo nakakasanayan ko na rin at hindi naman masama ang lasa. Masarap din naman.
"Sorry, wala talagang meat. Next time, malay mo?" pagpapaliwanag niya.
Umiling ako. "Okay na 'to. Masarap naman."
Tumawa siya nang bahagya bago sumandal sa inuupuan. Ibinulsa niya ang mga kamay sa jacket na suot. "Sawang-sawa na ako d'yan, kung alam mo lang."
"Tss. Bakit kasi pinipilit ka ng mama mong maging vegetarian?" tanong ko bago inubos ang natitirang sandwich.
Nagkibit-balikat siya. "Maganda raw 'yon sa figure. And religious shits I can never understand." She sighed. "I can't wait to be an adult."
Ininom ko ang natitirang Tropicana juice na kasama sa ibinigay niya sa akin. "Kailan ba ang birthday mo?"
Tinikom niya ang bibig at saka ngumiti. "End of September." Fuck, malapit na pala. "Pero mag-17 pa lang ako niyan. Anong malay natin, baka hindi na ako abutin ng 18?" She laughed.
Nawalan ako ng ganang ubusin ang juice na nasa bottle na hawak ko. Ibinaba ko 'yon bago sumandal at humalukipkip.
"Aabot ka ng 18. You'll live until 80. You will lose your teeth, your skin will be wrinkled and your hair will turn grey. Your back will curve and your bones will be weaker by that time."
Tumawa siya sa sinabi ko. "Ang sama mo, ayaw ko nga! Gusto kong mamatay nang maganda at fresh!"
I smiled a little. "You'll die pretty."
You have always been beautiful to me in every situation. Sigurado ako na pagtanda mo . . . magandang-maganda ka pa rin para sa akin.
"Kahit matanda at uugod-ugod na, katulad ng sinabi mo?" natatawa niyang sabi bago umiling. "No way."
"Kailan ka ba kasi naging pangit? I don't think that you'll ever get ugly even if you're a hundred year-old grandma with lots of kids and grandkids. I'll prove that."
Nawala ang mga ngiti niya matapos ko 'yon sabihin. Nakita ko ang pamumula ng mukha niya bago siya nag-iwas ng tingin kasabay ng pagtikhim.
"T-Tara na nga, baka kung saan pa mauwi ang usapan na 'to."
Tumayo siya at kinuha ang bag, saka naglakad palabas ng cafeteria. Natatawa akong niligpit ang pinagkainan bago sumunod sa kan'ya sa labas.
"Grandma Mona . . ." pagtawag ko sa kan'ya nang nang-aasar.
Tumingin siya sa akin. "Don't call me that!"
Tumawa ako bago kinuha ang kamay niya. Muli kong pinagsalikop ang mga daliri namin.
"Pasok na tayo, Grandma."
Tumikhim siya. "B-Bakit ba lagi mong hinahawakan ang kamay ko? Ikaw yata ang may crush sa akin, eh."
Tumawa ako nang mahina bago tumingin sa kan'ya. "Who knows? Baka kasama 'yan sa malalaman natin sa PerDev project."
Pigil ang ngiti niyang humawak sa kamay ko pabalik. Ito ang unang beses na naramdaman ko ang mga daliri niya sa kamay ko. Ganito pala ang pakiramdam.
"Eh 'di sige . . . alamin natin."
🚬
Nang mga sumunod na araw at linggo, walang mintis ang pagpunta ni Mona sa terminal nang mas maaga kaysa sa akin. Lagi siyang nauuna. Kahit isang beses, hindi ako nauna sa kan'ya para maghintay.
Nahihiya na tuloy ako.
"Lagi na lang ikaw ang naghihintay sa akin," reklamo ko habang naglalakad kami papunta sa building.
Tumawa siya bago naglakad papunta sa harap ko. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad nang nakatalikod. "I'm doing this for . . . me and you. You're saving me, and so am I."
Matapos niyang sabihin 'yon, nauna na siyang umakyat sa hagdan papunta sa classroom namin. Pagkarating ko sa loob, nakita ko si Mona na nakikipag-usap na sa seatmate niyang babae na hindi ko naman alam ang pangalan.
Gusto ko sanang itanong kung tungkol saan 'yon, pero hayaan na nga.
Nang makaupo ako sa upuan ko sa tabi ni Mark na nakasubsob ang mukha sa table, bumangon siya.
"Tang ina mo, ang bango mo. Miss ko na amoy ng yosi mo sa umaga," pagdadrama niya.
Hindi ko na siya pinansin pa. Isinubsob ko na lang din ang mukha sa table habang naghihintay sa professor para sa unang klase ngayong umaga.
🚬
Nang mag-uwian, narinig ko ang mga kaklase kong babae na nag-uusap.
"Mag-movie marathon daw kami ni Cliff. Baka sa kanila ako matulog since Friday ngayon. Sakto rin, magagawa namin yung PerDev project."
Nagsimula na akong maglakad palabas ng classroom. Nasa likuran ko lang sila kaya rinig na rinig ko ang pagkukwentuhan nila.
"Naku, PerDev PerDev! Magdi-date lang kayo, eh!" bulyaw ng isa.
Tang ina, ano ba pangalan ng mga kaklase ko?
"Oo nga! Gagawa kami ng project! Para matapos na, 'no!"
Huminto ako sa gilid para hintayin si Mona na kinakausap ang professor at hinayaan nang makaalis ang mga babaeng 'yon na masyadong maraming sinasabi.
Ang iingay talaga ng mga babae. Porke sinabing movie marathon, date na kaagad? Gano'n ba 'yon? Napailing na lang ako.
Ilang saglit pa, lumabas na si Mona. Ngumiti siya sa akin.
"Uwi na tayo?"
Tumango ako. Nagsimula na kaming maglakad paalis ng building. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, iniisip ko pa rin 'yung tungkol sa mga narinig ko kanina sa mga kaklase kong babae. Alam kong wala naman akong pakialam sa kanila, pero ano bang dahilan kasi?
Bakit ba iniisip ko 'yung movie marathon?! Tang ina naman.
"Magyosi ka ba?"
Napalingon ako kay Mona na nakatayo sa smoking area, mukhang naghihintay sa akin. Napatingin ako sa kinatatayuan ko ngayon. Parang dederetso na ako sa terminal, ah? Pucha.
"Ahh, o-oo."
Nakita ko ang pigil na ngiti niya bago pumwesto sa sinasandalan niya palagi sa tabi ko. Nagsimula na akong magsindi ng yosi habang tahimik siyang naghihintay sa akin.
"Hindi ko masimulan 'yung . . . spiritual mo."
Napalingon ako sa kan'ya. "Huh?"
Lumingon siya sa akin. "Hindi ko alam paano ko gagawin yung sa spiritual mo sa PerDev. Maybe we need to do something about that."
Napakunot-noo ako. Bakit nasa spiritual na kaagad siya? Nilaktawan niya ba 'yung iba?
"Ahh . . . p'wede naman."
"Friday ngayon. We have a lot of time hanggang Sunday. Kailan ka free?" tanong niya.
Napalunok ako dahil naalala ko na naman 'yung kanina. Tang ina.
"Uhh . . . p'wede naman ako kahit kailan," sagot ko bago humithit sa sigarilyo. "Ikaw?"
"P'wede ako mamaya."
Napaubo ako sa sinagot niya kasabay ng napakabilis na tibok ng puso ko. Bakit ba ako nagkakaganito ngayon? Puta naman!
"Ahh . . . m-mamaya?" nagtataka kong tanong. Tumango siya. "Ano namang . . . gagawin natin?"
She shrugged. "Maya na lang natin pag-usapan. Punta ako sa bahay mo, ah?"
Umawang ang bibig ko. Hindi ko alam kung bakit at hindi rin naman ito ang unang beses na pupunta siya sa bahay ko pero . . . bakit nagkakaganito ako ngayon?
"Uhm . . . s-sige."
Ngumiti siya. "After dinner, punta na kaagad ako sa inyo, ha?"
Tumango ako bilang tugon.
Nang maubos ang isang stick, inaya ko na siyang umuwi.
"Sigurado ka?" tanong niya.
Tumango ako. "Oo, tara na."
Ngumiti siya bago humawak sa kamay ko, saka kami sabay na naglakad papunta sa terminal.
"Okay, then," malawak ang mga ngiti na sabi niya.
Napatingin ako sa kamay ko na hawak niya ngayon. Tang ina, ganito pala pakiramdam kapag siya ang nagkukusang humawak sa kamay ko. Daig ko pa nabasbasan ng santo dahil parang ayaw ko nang hugasan itong kamay kong hinawakan niya.
Tang ina, Caleb! Nababaliw ka na!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top