Chapter 26

❝ Kung p'wede ko lang pigilan

Ang oras sa tuwing kasama kita

Matagal ko na sanang ginawa.

Sana nga binagalan ko.

Baka sakaling napahaba ko

Ang mga minuto at segundo

Na nandito ka pa sa buhay ko. ❞

   

Maaga akong nagising kinabukasan. Nang dahil do'n, maaga na rin akong gumayak para maghintay kay Mona sa sakayan ng jeep. Naalala ko kasi na sabi ng guard kahapon, maagang-maaga siyang umalis para pumasok. Baka mamaya, maghintay na naman ako sa wala.

6:20 AM pa lang, naghihintay na ako sa kan'ya sa terminal ng jeep. Ramdam na ramdam ko na naman ang kaba habang naghihintay sa kan'ya dahil . . . paano kung naghihintay na naman ako sa wala? Paano kung umalis na siya?

Wala pang 30 minutes ang nakakalipas pero pang-apat na stick ng sigarilyo na ang sinindihan ko ngayon. Hindi ko talaga maialis sa akin na manigarilyo nang walang tigil sa tuwing tensionado ako.

Pero para saan? Para saan ba ang pagiging tensionado ko ngayon?

Titingnan ko na sana ang suot kong relo para malaman kung dapat na ba akong pumunta sa bahay ni Ramona o manatiling naghihintay pa rin nang marinig ko ang boses niyang tumawag sa akin.

"Caleb!!!"

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses niya at nakitang tumatakbo siya papunta sa akin. Tulad ng araw-araw na nakagawian niya, nakasuot siya ng jacket na hindi naka-zipper at stockings para mapagtakpan ang lahat ng sugat at peklat na ginawa niya sa sarili.

Huminto siya sa harap ko nang humihingal. Yumuko siya at ipinatong ang mga palad sa binti.

"K-Kanina ka pa d'yan?" Tumango ako. "H-Hinihintay mo ako?"

Patuloy siya sa paghingal habang binabato ako ng mga tanong. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya at itinayo siya nang maayos.

"Oo."

Tumingin siya sa paligid bago sa tinatapunan ko ng upos ng sigarilyo sa gilid. Ilang sandali pa, tumango-tango siya. "Mukhang kanina ka pa nga . . ." Tumingin siya sa akin. "Anong oras ka nandito?"

Lumunok ako bago humithit sa sigarilyong hawak, saka itinapon na ang natitirang mahigit kalahating stick bago tinapakan para ang sindi nito. "Mga . . . 6:20 AM."

Nanlaki ang mga mata niya. "Ang aga naman!" Humalukipkip siya bago tumingin sa akin nang masama. "Anong naisipan mo at ang aga mong naghintay dito?" Tiningnan niya ang relong suot. "May 40 minutes pa before ang 7:30 AM."

Nagkibit-balikat ako. "Hinintay kita dito kahapon kaso maaga kang umalis. Kaya naisip ko na baka maaga ka ulit umalis kaya inagahan ko rin."

Bakas sa mukha niya na hindi niya inasahan ang isinagot ko. Umawang nang bahagya ang bibig niya at lumunok nang ilang beses, bago tumikhim saka nag-iwas ng tingin.

"B-Bakit kasi hinintay mo pa ako . . ." mahinang sabi niya habang pinaglalaruan ang mga daliri sa kamay. "N-Na-late ka tuloy."

Hindi ko na napigilan pa ang pagngiti. Kinuha ko ang dalawang kamay niyang nilalaro ang daliri ng isa't isa, dahilan para mag-angat siya ng tingin sa akin.

"I'll always wait for you, Ramona. You won't be alone in your own battles anymore."

Mabilis na nangilid ang mga luha niya sa sinabi ko, hanggang sa suminghot siya at namula ang ilong. Ilang segundo lang ang lumipas, mabagal nang umaagos ang mga luha niya sa magkabilang pisngi.

"Bakit mo ginagawa 'to?" she asked.

I sighed. "Ewan ko rin. Bakit nga ba?"

"S-Sigurado ka bang hindi ka naaawa sa akin dahil sa mga nalaman mo?"

Napatitig ako sa mga mata niyang namumula na dahil sa pag-iyak ngayong umaga. Nagbuga ako ng malalim na buntonghininga bago pinunasan ang mga luha niya.

"Hindi ko pa alam ang tungkol d'yan sa mga laban mo sa buhay, gusto na kitang samahan sa lahat. Mula sa pag-iisa, pananahimik, sa kalungkutan, sa kadaldalan, sa tawanan at pagkain ng karne--gusto na kitang samahan. Sa lahat."

"Pero bakit nga?" basag ang boses na tanong niya.

Tumawa ako sa naging tono niya. "Who knows, really? Baka isa 'to sa mga dapat nating alamin ang sagot habang . . . ginagawa natin ang project sa PerDev. Tingin mo?"

Ilang sunod na hikbi ang kumawala sa bibig niya. Kinuha niya ang dalawang kamay niyang hawak ko kanina bago pinunasan ang sariling mga luha.

"You don't have to do anything for me if it's out of pity--"

"I never pity you. There's no reason for me to feel that towards you," mabilis na sabi ko para matigil siya sa sasabihin niya.

"Pero--"

I sighed. "I don't want to say anything I'm still not certain about. Hayaan na natin ang mga sarili nating tangayin ng agos ng buhay. Kung saan tayo dalhin, Mona."

Tumitig siya sa akin nang ilang segundo pero hindi sumagot sa sinabi ko.

"N-Nagtitiwala ka ba sa akin?"

Kung bakit ako nautal noong tinanong ko 'yon, hindi ko alam. Hindi ako sigurado sa sagot pero siguro . . . siguro natatakot ako sa p'wedeng isagot niya.

"O-Oo naman."

Ngumiti ako bago hinawakan ang kanang palapulsuhan niya. "Mabuti kung gano'n." Ngumiti ako sa kan'ya. "Tara na, pumasok na tayo."

Nagsimula na akong maglakad habang hawak ang braso niya nang sa gano'n, masigurado ko na sa akin siya tatabi at hindi na muli pang uupo malayo sa akin, tulad ng ginawa niya kahapon. Nasulyapan ko ang pagtitig niya sa braso niyang hawak ko habang pasakay kami ng jeep. Ramdam ko ang ilang beses niyang pagtangka na alisin 'yon pero hindi pa man niya nagagawa, sumusuko na siya.

Nang makaupo na kami nang magkatabi sa kaliwang dulo ng jeep, binitiwan ko na ang braso niya para kumuha ng pamasahe naming dalawa.

"Makiabot ng bayad," sabi ko.

Nakatulala siya habang nakatitig sa dalawang kamay niyang nasa kandungan, hindi gumagalaw o nagsasalita.

"Mona?"

Halatang nagulat siya sa ginawa kong pagtawag sa kan'ya. Lumingon siya sa akin na parang hindi alam kung ano ang gagawin.

"A-Ano 'yon?"

Tumawa ako. "Pakiabot ng bayad."

Umawang ang bibig niya nang mapagtanto ang lahat. Tumango siya habang napapakamot sa ulo gamit ang kaliwang kamay, bago kinuha sa kamay ko ang bayad ng jeep. Iniabot niya 'yon sa mga pasahero na malapit sa driver.

"Saan 'yung 100?" tanong ng driver.

"Dalawang Saint Lorenz Colleges po."

Nakita ko sa gilid ng mga mata ang paglingon sa akin ni Mona.

"Anong dalawa?"

Lumingon ako sa kan'ya. "Pamasahe natin."

Kinunutan niya ako ng noo. "Kahapon mo pa binabayaran ang pamasahe ko, ah!"

Tumawa ako. "Hayaan mo na, Mona. Hindi ko naman ikagugutom ang 20 pesos na pamasahe mo."

Nang makarating na sa akin ang sukli ko, humalukipkip na ako't sumandal saka ipinikit ang mga mata. Ilang sandali lang, umandar na ang jeep paalis ng terminal, pero siya, hindi ko naramdaman na gumalaw man lang kahit kaonti kahit na ilang minuto na ang lumipas.

Bahagya kong idinilat ang mga mata ko. Nakita ko siyang nakangiti habang nakatitig sa braso niyang hinawakan ko kanina. Naglalaro pa ang mga daliri niya na parang nagpi-piano sa kandungan niya na para bang ang saya-saya niya ngayon. Bahagya akong napangiti bago ibinalik sa pagkakapikit ang mga mata ko.

Ang sarap mong panooring gan'yan, Mona. Pero baka kapag nakita mong pinanonood kita, pigilan mo ulit ang sarili mo.

Nang makarating kami sa harap ng campus, nauna na kaming bumaba ni Mona dahil kami ang nasa dulo. Nauna na akong maglakad sa kan'ya papasok ng gate para mapa-scan ang ID. Lumingon ako sa kan'ya at nakita na mabagal siyang naglalakad papunta sa akin.

Natatawa akong napapailing bago bumalik papalapit sa kan'ya at muling hinawakan ang palapulsuhan niya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko.

"C-Caleb . . ." pagtawag niya habang nakatingin sa akin na parang nagtatanong kung bakit.

Nagkibit-balikat ako bago nagsimulang maglakad papunta sa building namin. "Tara na, baka ma-late pa tayo."

May 10 minutes pa bago mag-start ang klase pero gusto ko na yung sampung minutong 'yon . . . sa aming dalawa na muna. Mabagal lang kaming dalawa na naglalakad habang hawak ko pa rin ang palapulsuhan niya.

Ilang sandali pa, tumikhim siya. "B-Baka ma-late tayo."

Sumulyap ako sa kan'ya at nakita ang pigil niyang mga ngiti. Tumawa na lang ako bago ibinaba pa ang hawak ng mga palad ko . . . hanggang sa makarating sa palad niyang medyo malamig ngayon. Napatigil ako sa paglalakad sa kaba na naramdaman ko.

Hindi ito ang unang beses na nahawakan ko ang kamay niya . . . pero ito 'yung unang beses na alam ko . . . alam ko ang dahilan kung bakit ko 'to ginawa.

"Ramona . . ."

Nagsimula na ulit akong maglakad habang hawak ang kamay niya.

"C-Caleb . . ."

Napangiti ako habang deretso lang ang tingin sa daan.

"Mukhang alam ko na kung bakit ko ginagawa 'to."

Hindi siya sumagot. Sumulyap ako sa kan'ya at nakita na nakangiti rin siya habang deretso rin ang tingin sa daan.

"Ako rin."

Gamit ang isang kamay, napahawak ako sa batok nang maramdaman ang pag-init ng katawan ko. Bago kami umakyat sa hagdanan, pinagsalikop ko ang mga daliri namin at tahimik na tinungo ang hagdanan na parang walang nangyayari.

"Malapit na tayo sa classroom," sabi niya.

"Babagalan ko pa ba?" natatawang tanong ko.

Tumawa siya bago pabiro na binunggo ako habang naglalakad kami,

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top