Chapter 25

❝ Naging palaisipan sa akin

Kung anong rason ang iyong sinasabi

Para piliing mabuhay muli.

Gusto kong malaman kung tao ba ito

O pangyayari sa buhay mo.

P'wede bang maging ako

Para magkaroon din ako ng dahilan

Para hindi ko bitiwan ang sarili ko? ❞


"Gusto mong kumain?" tanong niya matapos akong kumalma.

Nakabalik na siya sa pwesto niya kanina sa swing. Mahina niyang inuugoy ito gamit ang paa niyang nakasayad sa sahig.

Umiling ako bilang tugon bago kinuha ang kamay niyang nasa kandungan niya. Tinitigan ko lahat ng sugat at peklat na naroon at marahang hinagkan. Ramdam ko ang akma niyang pagbawi pero hindi na lang din itinuloy, saka siya nagbuntonghininga.

"Bakit ginagawa mo 'to?"

"Huh?" Saktong paglingon ko sa kan'ya ay nag-iwas siya ng tingin. "Gumagaan ang pakiramdam ko."

Napakunot-noo ako sa isinagot niya. "Gumagaan ang pakiramdam mo kapag . . . sinasaktan mo ang sarili mo?"

Nagbuntonghininga siya bago tumango, kasabay ng paghila ng braso niya na hawak ko. "Oo. Whenever I cut my own skin, parang nakakahinga ako nang maluwag."

"Why? Kailan mo sinimulang gawin 'yan?"

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko na alam yung exact date. Pero usually, kapag mag-isa ako at naiisip kong magiging abogado ako at hindi doktor, sumisikip ang dibdib ko." Lumunok siya kasabay ng paghawak sa magkabilang kadena ng duyan. "That's when I will look for anything sharp so I can punish myself."

"Punish yourself?" kunot-noong tanong ko. "For what?"

"For not being brave enough to fight for my dream." Tumingin siya sa akin bago ngumiti. "You see, I have already given up since my parents won't give up their dream of having a daughter with the same profession as them. Giving up on your dream is the same as giving up your life. So . . ." She shrugged. "Yeah."

Sunud-sunod na paglunok ang ginawa ko kasabay ng pag-iwas ng tingin sa kan'ya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero . . . pero ang sakit sa loob marinig sa kan'ya lahat ng sinabi niya ngayon.

"Then . . ." Ibinalik ko ang atensyon sa kan'ya. "What about the letter you kept on asking from me?"

Umawang ang bibig niya, kasabay ng pagbaba ng tingin. "Wala."

"Kailangan mo ng sulat para magkaroon ka ng dahilan para magpatuloy--'yon ang sinabi mo sa akin noon."

"Kalimutan mo na 'yon."

"Mona . . ." Tumingin siya sa akin. Nangingilid na ulit ang mga luha niya habang mahigpit ang hawak ng mga kamay sa magkabilang kadena. "Kung talagang sumusuko ka na sa buhay mo, bakit nanghihingi ka sa akin n'on? Gusto mo pang lumaban, 'di ba?"

Umiling siya nang sunud-sunod kasabay ng pagpatak ng mga luha niya. "Sumuko na ako, Caleb. Niloloko ko lang ang sarili ko noong mga oras na 'yon."

"Pero bakit nanghihingi ka sa akin n'on? Gusto kong maintindihan lahat."

Matagal siyang natahimik habang nakatitig sa akin. Halata sa kan'ya ang pag-aalangan kung sasabihin ba sa akin ang lahat. Ilang sandali pa, nagbuga siya ng malalim na buntonghininga bago tumingin sa harapan niya, saka yumuko.

"Simula pa lang, napansin na kita. Wala kang pakialam sa mundo at sa sasabihin ng mga tao sa paligid mo. Gusto kong mabuhay sa paraan na katulad ng sa 'yo. Gusto kong mabuhay sa paraan na gusto ko, hindi sa paraan ng mga taong nagluwal at bumuhay sa akin. Kaya noong nakakuha ako ng pagkakataon na makausap ka . . . sinubukan ko. Kinaibigan kita kasi kailangan ko ng sulat mula sa taong walang pakialam sa mundo--sa lahat ng tao. Pero . . . pero hindi kasi gano'n."

Napakunot ako ng noo sa huli niyang sinabi. "Ano? Anong hindi gano'n?"

Lumingon siya sa akin at ngumiti. "Nag-iiba na ang dahilan ko para gustuhing mabuhay pero mas nasasaktan ako dahil kapag pinili kong mabuhay, magsa-suffer ako for the longest term kasi once I chose to live my life because of this odd reason, I have to live my life doing the things that I don't want to do for the rest of my life."

Tumayo siya kasabay ng pagpunas ng mga luha niya. "Let's go home, Caleb."

Odd reason . . .

Ano 'yon? Bakit hindi niya sinabi sa akin? Hindi ko ba p'wedeng malaman?

Nang makitang medyo nakalayo-layo na si Mona, humabol na ako sa kan'ya at sinabayan na siya sa paglalakad. Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng mga minutong 'yon, hanggang sa makarating kami sa harap ng village nila.

"Dito na lang. P'wede ka nang umuwi, Caleb," sabi niya pagkalingon sa akin.

Tumango ako. "Sige na. Pumasok ka na."

Tumango siya at naglakad na palayo. Pero bago pa siya tuluyang makapasok sa loob ng village, may naalala ako.

"Mona!"

Huminto siya sa paglalakad bago lumingon sa akin.

"Bakit?" medyo malakas na tanong niya.

Ngumiti ako sa kan'ya. "Hindi ako naaawa sa 'yo. Kahit na konti, hindi!" pasigaw na sabi ko. "Saka . . ."

Lumunok ako nang sunud-sunod kasabay ng pagtingin sa ibaba dahil sa kabang naramdaman nang maalala ko na naman ang itsura ng bawat sugat at peklat niya.

"Anooo?" malakas na tanong niya.

Tumingin ako sa kan'ya. "Sobrang ganda mo pa rin sa kabila ng lahat. Hindi mo kailangang magtago."

Kunot ang noo niya matapos kong sabihin 'yon. Hindi niya na siguro narinig dahil hindi masyadong malakas ang pagkakasabi ko, pero ayos lang. Saka ko na lang sasabihin sa kan'ya kapag . . . kapag mas matapang na ako.

"Pakiulit!"

Tumawa ako't umiling bago sumenyas na umalis na siya. "Pumasok ka na para makauwi na ako!"

Ngumuso siya bago humalukipkip. "Sabihin mo sa akin lahat next time!"

Tumango ako. "Oo! Sige na, pumasok ka na!"

Para kaming mga tanga na nagsisigawan sa labas ng village nila. Nakita ko rin na pinanonood kami nang tahimik ng guard, walang pakialam sa ingay na dala namin dahil malayo naman ang mga bahay sa gate. Ibinalik ko ang tingin kay Mona at nakitang kumakaway siya sa akin.

"Good night, Caleb!"

Kumaway ako sa kan'ya pabalik bago siya tumalikod at tumakbo papasok sa loob.

Nang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko, napabuntonghininga ako. Parang bigla akong napagod. Bigla akong . . . nawalan ng lakas at nakaramdam ng kung anong emosyon na hindi ko maipaliwanag.

Parang . . . emptiness ulit.

Naglakad ako pabalik sa bahay ko sa kabilang village, hindi kalayuan sa kung nasaan ang village na tinitirhan ni Ramona. Nang tuluyan nang makauwi, ibinagsak ko ang katawan sa couch at ipinikit ang mga mata.

Ilang segundo lang ang nakalipas, napadilat ako. Nahagip ng mga mata ko kanina ang ash tray na nasa center table. Bumangon ako at tinitigan ang ash tray ko na walang laman kung hindi ang mga bakas ng abo na naroon. Walang kahit na isang upos ng sigarilyo.

Naalala ko kanina pagkauwi ko galing sa eskwelahan, may iniisip akong gawin na hindi ko maalala. Alam ko sa sarili ko noon na may nakalimutan akong gawin na palagi kong ginagawa sa araw-araw: at 'yon ay ang magyosi pagkauwi ng bahay.

Puta, sa lahat ng makakalimutan ko, magyosi pa talaga?

Napapailing ako na tiningnan ang kaha ng sigarilyo na nasa bulsa ko. Ang dami pa rin laman ngayon kahit na kahapon ko pa 'to binili. Ngayon ko lang din napagtanto na sa tuwing nagyoyosi ako sa smoking area sa labas ng campus, parang tatlo na lang yata ang nauubos ko. Isang beses lang ang naaalala kong naparami ng yosi at 'yon ay noong hinihintay ko si Mona sa labas noong nawalan siya ng malay.

Ano bang nangyayari sa akin? Dati, sa loob lang ng 24 to 48 hours, ubos ko na ang isang kaha. Samantala ngayon, anim lang ang bawas at ang isa ay si Mona pa ang gumamit.

Napahawak ako sa dibdib ko nang makaramdam ng kung anong kaba. Hindi ito yung kaba na natatakot. Ito yung kaba na . . . nagulat . . . masaya.

Bakit? Bakit ako nagkakaganito? Bakit parang nababawasan na ang pagyoyosi ko?

Bago matulog, kinuha ko ang questionnaire para sa project namin ni Mona sa PerDev. Sinagutan ko ang iba bago ako nagsulat ng summary para sa category na physical.

Ramona Castillo doesn't like sports. She hates it when she's forced to join a sports activity for the reason that PE and sports won't be of use when she becomes a doctor in the future. Even though she usually ate healthy foods because she was raised as a vegan, her tolerance for physical activities is very low. She lacks exercise because all she wanted to do was study.

She easily gets tired and she doesn't like sweating too much. She doesn't want to be forced to do something she doesn't like. But after knowing her condition mentally and emotionally, she has the reason to pass a medical certificate to avoid such work that she doesn't like.

She can avoid physical activities in PE but she chose not to, simply because she's trying her best and she doesn't want to disappoint anyone except herself. She wanted to live normally, like all the others, without getting an exception from the professors.

After writing all those words and sentences, ibinalik ko na sa folder ang mga papel at ipinatong sa study table saka nahiga sa kama para matulog.

Matulog . . .

Ngayon na lang ulit ako matutulog nang ganito kaaga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top