Chapter 21
❝ Ang sakit marinig ng bawat pagkabasag ng boses mo
Pero masaya ako na kahit papaano
Naramdaman ko kung gaano kaimportante
Na magkaroon ng pakialam sa tao.
May pakialam ako sa 'yo.
Sa 'yo lang ako natutong mag-alala nang ganito. ❞
"Yung buhay na mayroon ako ngayon, hindi ko ramdam na sa akin 'to," sabi niya sa gitna ng mga hikbing lumalabas sa bibig niya. "Ano pa bang . . . p-p'wede kong gawing dahilan para hindi ko gawin lahat ng 'to sa sarili ko?!"
Akala ko noon, normal lang na makakita ng babaeng umiiyak . . . kasi babae sila. Normal lang na maging outlet nila ang pag-iyak. Mas normal 'yon sa kanila, kaysa sa aming mga lalaki.
Pero normal pa rin ba 'to kung hindi normal para sa akin na ganito siya? Ayaw ko nang ganito siya. Ayaw ko nang ganito si Mona, lalo na sa harap ko. Pero ano bang magagawa ko? Wala naman.
Ngayon lang naman ako nagkaroon ng pakialam sa tao. Tapos, nangyari pa 'yon sa kan'ya--sa kan'ya na walang pakialam sa sarili niya.
"I'm so tired of hearing all those professors asking me to get a regular consultation or counselling from a psychiatrist. They always told me that professionals like them can help me with my condition; that they are not invalidating me and what I need is professional help so that I can start healing from all these pain that I am feeling."
Bahagya siyang tumawa kasabay ng sunod-sunod pang paglabas ng mga luha mula sa mga mata niya.
"Sana nga, nagkasakit na lang ako! Sana nga, may chronic disease na lang ako, hindi yung ganito! Ayaw ko ng ganito, Caleb! Ayaw ko rin naman ng nararamdaman ko! Ayaw ko nitong mga nararamdaman ko! Sana . . . sana ibang sakit na lang, hindi yung ganitong sinusukuan ko ang sarili ko!" she shouted as she sobbed. "If only I am physically sick, doctors can cure me, 'di ba? Baka subukan kong lumaban para mabuhay. Kaso hindi! I am mentally ill and I don't want to live this fucking life anymore!"
Sunod-sunod na hikbi ang kumawala sa bibig niya habang patuloy ang pagpunas ng dalawang palad niya sa mga luhang umaagos sa pisngi niya. Iniangat ko ang kanang kamay para . . . para sana punasan ang luha niya, pero mabilis ko rin binawi 'yon dahil . . . tama ba 'to?
Kailangan niya ba ang ibang kamay para punasan ang mga luha niya? O kailangan niya ang dalawang kamay ko para . . . para hawakan siya nang mahigpit at huwag bitiwan sa bawat pagsuko niya?
Nagbuga ako ng malalim na buntonghininga bago nagsalita. "Mona . . . why?"
Hindi ko alam kung tama bang magtanong sa gitna ng sitwasyon na ito, pero gusto kong malaman niya . . . gusto kong maramdaman niyang handa akong makinig. Handa akong magtanong nang magtanong kasi . . . may pakialam ako sa kan'ya.
"Bakit sinusukuan mo ang sarili mo? Bakit . . . bakit pinarurusahan mo ang sarili mo?"
Lalong lumakas ang pag-iyak niya, kasabay ng paggalaw ng dalawang balikat niya matapos kong magtanong. Ilang segundo pa ang lumipas, ibinaba niya ang dalawang palad na nagpupunas ng mga luha niya kanina. Tumingin siya sa akin gamit ang namumula at lumuluhang mga mata.
"I don't want this life," she said in her broken voice. "I don't want to live the life that my parents wanted for me. This is not what I want. I . . . I don't want to become a lawyer like them."
Ilang segundo pa siyang nanahimik habang humihikbi bago itinuloy ang sinasabi.
"Simula bata pa ako, iminulat na nila ako sa buhay na magiging . . . magiging katulad nila ako. Planado na ang buhay ko para sa kanila. Hindi pa ako graduate ng elementary, alam na nila kung saang university ako magko-college, saang law school ako papasok at kung anong klaseng lawyer ako. Everything has been planned by them. They already built a path for my future . . . for the life I'll be living in the future."
She sobbed before she continued talking.
"Noong bata ako, akala ko okay lang 'yon kasi hindi ko pa naman alam ang gusto ko. Hinayaan ko sila kasi akala ko, sila ang mas nakakaalam ng kung anong makakabuti para sa akin kasi . . . kasi magulang ko sila, 'di ba?" Bahagya siyang tumawa. "Pero noong nalaman ko kung anong gusto ko, at noong sinabi ko sa kanila na gusto kong maging doctor, akala ko matutuwa sila. Mataas na pangarap ang gusto ko. Parang pagiging lawyer, 'di ba? Pero hindi."
Pinunasan niya ulit ang mga luhang lumabas mula sa mga mata niya. Wala akong ibang magawa kung hindi ang tumayo lang at panoorin siya sa harap kong umiyak . . . at makinig sa lahat ng sinasabi niya.
Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko. Parang . . . parang may ibang bagay akong dapat gawin.
"Sabi ni Mama, matagal na panahon ang gugugulin ko sa pag-aaral para lang sumweldo nang maliit na halaga. Matagal daw ang hihintayin ko para makamit yung success. Hindi rin daw para sa lahat ng pagdo-doktor kaya 'wag ko nang subukan. Para sa kanila ni Papa, kailangan kong maging abogado. Kailangan kong maging . . . katulad nila." Tumawa siya nang mapait. "Hindi ko maintindihan kung bakit ko naging kailangan 'yon. Hindi ko maintindihan kung bakit . . . bakit hindi para sa akin ang pagdo-doktor. Hindi ko maintindihan kung bakit . . . bakit hindi nila maintindihan na hindi 'yon ang gusto ko?"
Umiyak ulit siya nang umiyak. Hindi ko na napigilan ang sarili kong hilahin siya nang marahan para yakapin. Ramdam ko ang kung anong sakit na nasa lalamunan ko habang ramdam na ramdam sa dibdib ko ang bawat hagulgol niya.
"I can't take the path that my parents built for me. I don't want to live the life that they wanted for me." She sobbed. "I want to become a doctor to save lives, not the lawyer that my parents wanted. I don't want to be part of the dirty world of politics the way my parents wanted me to do. Ayaw ko, Caleb. Ayaw ko n'on. Ayaw kong gamitin ako ng mga trapong politiko para ipagtanggol at pagtakpan ang . . . ang mga krimen nila."
Marahan kong hinagod ang likod niya para sana pakalmahin siya pero bigla kong naalala . . . paano kung may mga sugat din siya doon? Nakaramdam ako ng kaba at takot kaya tinapik ko na lang nang marahan ang itaas na bahagi ng likod niya. Ilang sandali pa, kumawala siya sa pagkakayakap ko.
Mabilis niyang pinunasan ang mga luha bago muling nagsalita.
"I . . . I never got the chance to take what I want. Sa lahat ng bagay, kailangan ko munang marinig ang opinyon nila at makuha ang approval nila before I could have what I want. All my life . . . I've been doing everything they told me to do. Sinunod ko naman sila. Ginawa ko ang mga gusto nila. Pero . . . pero paano naman ang mga gusto ko? Paano naman 'yung mga sarili kong pangarap?"
Sa ilang linggo o buwan ng pagkakakilala ko kay Mona, nakikilala ko na siya nang paunti-unti. Gusto ko sanang magtanong kung . . . ayaw niya ba talagang maging abogado. Pero alam ko na hindi ito ang tamang panahon para do'n.
Matalino siya. Alam kong kaya niyang maging abogado kung gugustuhin niya. Baka 'yon din ang dahilan ng mga magulang niya kung bakit pinipilit nila siya na kuhanin ang pagiging abogado. Pero mali pa rin na pilitin nila si Mona sa bagay na hindi naman niya gusto.
Nagbuga siya ng malalim na buntonghininga bago tumingin nang deretso sa akin. "Kung magiging abogado ako para sundin sila, it would be a lifetime career, right?" Bahagya siyang tumawa bago dinugtungan ang sinasabi. "So . . . I'd rather die early than die doing the things I never wanted in the first place."
Matalim ang mga tingin niya sa akin na para bang ako ang mga magulang niya na nagbigay sa kan'ya ng ganoong sama ng loob. Magsasalita na sana ako nang magsalita siya ulit.
"I'd rather die young than not having the chance to reach for my dreams."
Matapos niyang sabihin 'yon, tumalikod na siya sa akin at nagsimulang maglakad papasok ng village. Kumabog ang dibdib ko sa kaba dahil gusto ko pa siyang makasama--gusto ko pa siyang makausap. Ang dami ko pang gustong malaman.
"Mona!"
Mas lalong kumabog ang dibdib ko nang huminto siya sa paglalakad at lumingon sa akin. Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng sasabihin ko . . . ito pa.
"G-Gusto mong mag . . . yosi?"
This chapter is dedicated to AnnemerieveElgracia! Thank you so much for your comment and, of course, for supporting Mona and Caleb's story! I hope that you're enjoying your stay. God bless! ♥
-mari 🌻
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top