Chapter 20
❝ Sa unang pagsigaw mo,
Ginusto kong takpan ang mga tainga ko.
Pero nang makita kita kung paano isigaw
Ang bawat salita na kailanman
Hindi ka naging malayang ihayag,
Doon ko naintindihan ang sinabi mo noon.
Kailangan kita . . .
Kaya huwag ka sanang mawala. ❞
Natapos na ang klase sa umaga kaya naglalabasan na ang mga estudyante sa bawat classroom para kumain ng lunch. Nakita ko si Ramona na nagmamadaling lumabas ng classroom kasabay ng iba naming mga kaklase.
Napabuntonghininga na lang ako bago kinuha ang bag ko, saka lumabas na rin ng classroom.
Tahimik akong sumunod sa kan'ya sa paglalakad. Alam kong alam niyang nakasunod ako sa kan'ya at gusto kong malaman niya rin 'yon. Gusto kong magtanong siya sa akin kung bakit ko siya sinusundan, o kahit na anong tanong. Basta kausapin niya lang ako!
Pero nakarating na kami ng cafeteria, hindi man lang siya lumingon sa akin kahit na isang beses. Magkasunod lang kami sa pagbili ng pagkain namin pero kahit isang lingon, hindi niya ginawa. Nakaupo na siya sa table na nasa harap ko lang din pero hindi pa rin siya tumitingin sa akin kahit na literal na nasa harap lang niya ako!
Tang inang buhay 'to.
Kaya ayaw kong nagkakaroon ng pakialam, eh. Ang dami-daming emosyon na dapat maramdaman kapag nagkakaroon ka ng pakialam. Hindi ko nga alam kung bakit nagkakaganito ako ngayon, eh.
Bakit? Sino ba siya? Partner ko lang naman siya sa PerDev. Bakit ako may pakialam sa kan'ya? Tang ina! Kung may problema siya, sabihin niya, hindi yung ganito!
Hindi ko pa nauubos ang pagkain ko, uminom na ako ng tubig at padabog na tumayo, dala ang bag, saka lumabas ng campus. Pumunta ako sa smoking area at doon nagsimulang manigarilyo. Tiningnan ko ang oras sa suot kong relo. Halos 40 minutes pa ang natitira bago magsimula ang klase sa hapon. Marami-rami siguro akong mayoyosi ngayon kung hindi ako magtatanga.
Nakakatatlong stick na ako ng yosi nang makaramdam ng inip. Dati pagkalingon ko sa kaliwa ko, nandoon lang si Mona na hinihintay akong matapos. Ngayon, tang ina, wala!
Nakalima akong stick ng yosi bago ko napagdesisyunang bumalik na sa loob. Pagkatapos ko ng campus, saktong nakita ko si Mona na palabas. Parang napahinto pa siya nang makita niya ako pero dumiretso lang siya sa paglabas na parang nagmamadali.
Gusto kong sumunod sa kan'ya, pero . . . bakit pa? Ano bang napapala ko?
Nagbuntonghininga na lang ako bago ipinagpatuloy ang paglalakad papunta ng building. Limang minuto bago magsimula ang klase, bumalik si Mona. Nakita ko siyang nakatingin sa akin bago naupo sa upuan niya.
Saan kaya siya nagpunta?
***
Nang matapos ang klase para sa hapon, gusto ko sanang manigarilyo ulit dahil sa frustration na nararamdaman ko simula pa kahapon. Parang hindi sapat yung dami ng nahihithit kong sigarilyo para ma-relax. Hindi ako mapakali dahil ang dami kong gustong malaman o marinig.
Nang makalabas ng campus, liliko sana ako sa smoking area nang makita ko si Mona na dumeretso papunta sa sakayan ng jeep. Nagkaroon ulit ako ng dillema: kung maninigarilyo ba o uuwi na kasabay siya.
Pero p'wede naman ako manigarilyo pagkauwi, kaya pinili ko na lang na sumunod sa kan'ya sa sakayan ng jeep.
Dahil alam kong hindi siya tatabi sa akin kung sakaling mauna akong sumakay, hinintay ko na lang siyang makasakay ng jeep bago ako sumunod, saka ako naupo sa tabi niya. Ramdam na ramdam ko ang kaba sa dibdib ko dahil sa ginawa kong 'yon, pero ngayon pa ba ako aatras? Tang ina, nilakasan ko na nga ang loob ko, eh!
Kailangang makausap ko na siya ngayong araw kung ayaw ko pang mabaliw kaiisip sa kung anong mali ba ang ginawa ko.
Kumuha ako ng pamasahe sa bulsa at iniabot sa kan'ya kahit na malapit naman kami sa driver.
"Makikiabot ng bayad," sabi ko.
Tumingin siya nang nagtataka sa akin, tapos sa driver na nasa tabi niya lang, bago siya nagbuntonghininga at kinuha ang isang daan sa akin.
"Bayad daw po," cute na sabi niya.
Sa hindi ko malamang dahilan, napangiti ako nang lihim matapos kong marinig 'yon. Tumikhim pa ako ng ilang beses bago kinausap ang driver.
"Dalawa ho 'yan."
Tumingin sa akin si Mona na ngayon ay kumukuha ng pamasahe sa coin purse niya. Kinunutan niya ako nang noo na parang tinatanong kung bakit dalawa, pero hindi pa rin nagsasalita.
Tumikhim ako bago nag-iwas ng tingin. "Kung may sasabihin ka, magsalita ka."
Hindi na siya nagsalita pa pagkatapos n'on. Kinalabit niya na lang ako at saka iniabot sa akin ang sukli ko. Nakita ko pang isasabay niya ang bayad niya sa sukli ko pero mabilis ko lang kinuha ang saktong sukli at iniwan ang pamasahe sa kamay niya.
"Caleb . . ." She sighed.
Lumingon ako sa kan'ya. "Ano, Mona?"
Tikom lang ang bibig niya bago muling nagbuntonghininga at saka nag-iwas ng tingin. Walang nagsalita sa kabuuan ng oras na nasa byahe kami, hanggang sa makarating kami sa kung saan kami bumababa.
Nauna akong bumaba sa kan'ya, saka ko siya hinintay na makababa ng jeep. Nagsimula na siyang maglakad nang mabagal habang nakasunod lang ako sa likuran niya nang tahimik. Ilang sandali pa, nakarating na kami sa harap ng village kung saan siya nakatira.
Tatawagin ko sana siya para makapag-usap na kami, dahil hindi ko na gusto ang nararamdaman ko, nang huminto siya sa paglalakad.
"Caleb . . ."
Kabang-kaba ako sa hindi malamang dahilan. Tang ina, tinawag lang ang pangalan ko pero para akong aatakihin sa sobrang kaba! Tang ina naman!
Lumingon siya sa akin. Muli kong nakita ang dismayado niyang mukha na nakita ko kahapon nang hinihintay ko siya sa smoking area. Nakaramdam ako ng kung anong kirot sa dibdib ko nang dahil doon. Nagbuga ako ng malalim na buntonghininga at kinuha ang tapang na kailangan ko para makausap siya.
"Mona . . . bakit . . . bakit ba iniiwasan mo ako?" deretsong tanong ko.
Pinagdikit niya ang mga labi bago yumuko.
"I don't want you to look at me the way you did yesterday," she said. "You . . . you found out what I've been hiding all along. Alam mo nang . . .hindi skin allergy 'to."
I gulped. "And? Ano naman kung hindi skin allergy 'yan? At ano naman kung skin allergy nga 'yan?"
Nag-angat siya ng tingin sa akin. Parehong namumula na ang mga mata niya, pati ang ilong niya ngayon.
"I hated the way you smiled at me yesterday. You never smiled at me, Caleb. You know that." She cried. "Tinanggap ko na yung katotohanang alam mo na ang katotohanan. I was prepared. Not until you smiled at me--"
"What the fuck is wrong with smiling at you?!" I shouted.
She gulped. "You smiled because you pity me."
Napakamot ako sa ulo ko sa kung anong frustration na naramdaman ko dahil sa sinabi niya. "I smiled because I felt relieved when I saw you! Anong pity sinasabi mo?!"
Nag-iwas siya ng tingin, patuloy pa rin sa pag-iyak. "Kalimutan mo na yung letter na hinihingi ko. I don't need that anymore."
Napakunot-noo ako. "What?"
Tumingin siya sa akin. "Hindi ko na kailangan ang letter. Let's just finish the PerDev project so everything can end well too."
I sighed in frustration. "Ramona! Ano bang sinasabi mo? Hindi mo na kailangan ng letter? Bakit?"
Ngumiti siya nang bahagya, nakaiwas ang tingin sa akin. "I don't want to receive anything from you out of pity."
Tang ina, 'eto na naman 'tong salitang 'to!
"Pity?! Anong nakakaawa sa 'yo? Baldado ka ba?! May sakit ka bang nakakamatay?!"
"Pero ayaw ko nang mabuhay!" pagsigaw niya sa akin pabalik na nagpagulat sa akin.
Ito yata ang unang beses na nakita ko siyang ganito. Ito rin ang unang beses na sumigaw siya sa akin. Mas gugustuhin ko pa kung sisigawan niya ako dahil may mali akong nagawa, kaysa sa mga salitang isinigaw niya ngayon.
Para akong nanghina sa narinig ko.
"Ayaw ko nang mabuhay!" pag-ulit niya. Gusto ko na lang takpan ang dalawang tainga ko at umalis dito. "Hindi ba't mas masama pa 'yon sa pagkakasakit nang nakamamatay?!"
Gusto ko siyang patahimikin dahil ayaw kong marinig sa kan'ya lahat ng sinasabi niya, pero anong magagawa ko? Para akong naubusan ng mga salita na sasabihin sa kan'ya.
"Mona . . ."
"Ako na ang umaayaw sa buhay ko, Caleb! Ano pa bang mas masahol dito?!"
Matapos niyang sabihin 'yon, umiyak siya nang umiyak sa harap ko na parang 'yon ang kaisa-isang pagkakataon sa buhay niya na nagawa niya 'yon.
Sa maikling segundo, naintindihan ko na.
Ayaw kong marinig ang lahat ng sinasabi niya dahil nasasaktan ako, pero kailangan niya ako . . . katulad ng sinabi niya noong nakaraan.
"Kailangan kita, Caleb, sa paraan na kailangan mo rin ako . . ."
Kailangan niya ng makikinig sa kan'ya . . . ng magiging pahinga at paghinga niya . . . at ako 'yon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top