Chapter 7
"KEMBOT, DANIELLA, KEMBOT," malakas ang halakhakan ng mga kalalakihan habang pinapanood ang babaeng tila hindi na makilala ang nasa paligid nya.
Wag... tama na!
"Napakaganda mo talaga. Kaya hindi ka pwedeng maagaw ng iba," nakakapanindig balahibong bulong sa kanya ng lalaki habang hinahaplos-haplos ang mukha nya.
Putangina mo! Nakakadiri ka!
Punong-puno ng tawanan ang buong kwarto habang walang kalaban-laban na nakahiga na ngayon sa kama si Daniella. Nahihilo pa rin sya habang sinusubukang mukhaan ang mga lalaking nakapalibot na ngayon sa kama nya.
Pakawalan nyo ako rito! Ayoko rito!
Ngunit nagimbal na lang sya nang daganan sya ng isang lalaki at bago pa man sya pumiglas sa paghawak nito ay bigla syang napabangon.
Tumutulo ang kanyang pawis, naghahabol ng hininga, at nanunuyo ang lalamuna ni Daniella dahil sa klase ng panaginip na 'yon. Yinakap nya ang sarili nya dahil nakaramdam sya nang panlalamig.
Nang tingnan nya ang bintana ay nagtaka sya nang makitang bukas ito. Malalim na ang gabi at sa kwarto nya nakatama ang sinag ng buwan.
Tumayo sya't lumapit sa bintana para sana isara ito nang makita nya ang nakasabit na jacket at may nakaipit pang papel. Tiningnan nya muna kung may tao pa ba sa ibaba ng building at nang makitang sarado na ang lahat ay kinuha nya ang jacket kasama na rin ang papel saka sinarado ang bintana.
Bumalik sya sa pagkakaupo sa kama at binuklat ang papel.
Walang nagbago kaya mo pa rin akong baliwin. Pero hinay-hinay ka lang sa mga nang-aakit na lalaki sa paligid mo, alalahanin mong ako pa rin ang nagmamay-ari sayo.
Kumunot ang noo ni Daniella sa nabasa. Hindi nya kasi ito kilala. Wala rin syang naaalalang lalaking nagmamay-ari sa kanya dahil wala naman syang nobyo o asawa.
"Mga tao talaga ngayon, ang hilig mang-akin. Hindi na lang makuntento sa agawan lupa ng pamilya pati pagkatao ng iba inaangkin," wika ni Daniella at kinumos ang papel saka tinapon sa kung saan.
Babalik na sana sya sa pagtulog nang makita nya ang cold cash sa kama nya. Mukhang ito yung perang napagkasunduan nila ni Santi. Alam naman na ni Daniella sa sarili nyang hindi sya makakawala sa mga lalaking 'to. Kaya hahayaan na nya kung anong gusto nilang gawin sa kanya.
Nakakabaliw kung iisipin. Pero hangga't humihinga sya, ang hirap takasan ng mundong kinatatayuan nya. Kaya imbes na mahulog sa bangin, kakapit sya sa patalim.
"May problema ka ba? Bakit ayaw mo akong kausapin?" tanong sa kanya ng lalaki nang sundan sya nito sa room ng archery club.
Kasalukuyan nyang inaayos ang archery nya dahil gusto nyang mag-practice. Matagal-tagal na rin nung huli dahil ngayon lang sya nagkaroon ng kalayaan gawin ulit ang gusto nya.
"Ayokong makita ka. Naiirita ako sayo, naiintindihan mo ba?" inis na sigaw ni Daniella sa lalaki nang makarating sila sa field.
Nasa target ang tingin nya at nag-iisip na ng taktika kung paano tatamaan ang gitna. Hinila sya ng binata sa siko kaya napaharap sya rito.
"May ginawa ba ako sayo, Daniella?" malamlam ang mga mata nito. "Hindi ka naman ganito nung nakaraan. Dahil ba 'yon sa hinalikan kita pabalik? Hindi mo ba nagustuhan? O, masyado na ba akong sumusobra?"
Tinitigan nya ang lalaki sa mga mata at hinila ang siko nya sa pagkakahawak nito. "Anong pinagsasabi mo? Sino si Daniella? Nahihibang ka na ba? At kailan kita hinalikan? Bakit ko gagawin 'yon kung di pa naman ako nababaliw?"
Umawang ang labi ng lalaki. "Laro ba 'to? Hulaan kung sino ka ngayon?"
Umatras sya ng hakbang at iniumang ang archery sa lalaki. "Hindi ako nakikipagbiruan."
Nagtaas ng dalawang kamay ang lalaki. "Daniella naman. Nung nakaraan pa kita gustong makasama, gustong makausap, at gustong ilibre pero ganito ka pa. Hindi magandang laro ang magkaroon ng amnesia. Si Drake 'to!"
"Hindi nga sabi ako si Daniella!" sigaw nito. Hinila nya ang string kaya nanlaki ang mga mata ni Drake. "Kung hindi mo ako titigilan, hindi rin kita titigilang tadtarin ng tama sa katawan."
Bumuntonghininga ang lalaki. "Okay, okay... kung hindi ikaw si Daniella. Sino ka? Anong pangalan mo?"
"Lollita," sagot nito. "Iyon ang pangalan ko. Kaya huwag mong mabago-bago kasi hindi ako natutuwa sayo."
Tumango-tango si Drake. Hindi malaman ng binata kung sasakyan na lang ba ang biro ng babae para iwasan sya. Hindi nga alam kung anong rason pero alam nyang sa mga puntong ito, ayaw na nyang lubayan ang dalaga.
"Okay... so, asan si Daniella kung hindi ikaw sya?"
Hindi na sya sinagot ni Lollita nang humarap na ito sa target. Mukha itong focus na focus at nang bitiwan nya ang string ay umawang ang labi nya nang makitang tumama iyon sa target.
Napasigaw si Drake sa tuwa at pumalakpak pa. "Hala, ang galing mo!"
Hindi pinansin ni Lollita si Drake at muling nag-aim ng tira. At nang makahanap ng chempo ay muli nya itong pinakalawan.
Walang mintis na tumama ang arrow sa target.
"Hindi ko alam na magaling ka pang mag-archery," halata ang saya sa boses ni Drake. "Nadagdagan ang paghanga ko sayo," dagdag pa nito.
Ilang beses pang ganoon ang ginawa ni Lollita ngunit pare-pareho pa rin ang resulta. At sa loob ng ilang minuto, nandoon lang si Drake sa tabi nya. Pinapalakpakan sya at tuwang-tuwa sa nadiskubre tungkol sa kanya. Kahit na walang ideya si Lollita kung bakit ayaw syang tigilan ng lalaking 'yon sa kakatawag sa kanyang 'Daniella', kahit hindi naman 'yon ang pangalan nya.
"Aalis na ako," ani Lollita nang matapos syang mag-archery. Bitbit ang mga equipment ay lumabas sya sa field ng archery club. Kasunod pa rin si Drake.
"Nagugutom ka na ba? Gusto mo bang ilibre kita?"
"Hindi na. May pera ako."
Totoo naman 'yon. 'Pag gising ni Lollita kaninang umaga ay natagpuan nya ang iilang libo sa kama nya kaya hindi nya kailangan ng libre.
Nang makarating sa banyo ay hinarap nya si Drake. "Ano? Wag mo sabihing sasama ka pa sa loob baka tamaan ka sakin."
Napalunok si Drake dahil sa mga linyahan ni Daniella sa kanya. Kumbinsido pa rin kasi syang pinaglalaruan lang sya ng dalaga.
"Hindi...ano. Hintayin lang kita rito sa labas," ani Drake.
Inirapan lang sya ni Lollita at pumasok na sa loob ng banyo sabay lock dito. Nilibot ng dalaga ang tingin at nakitang bukas ang bintana sa dulo ng banyo.
Aaminin nya, nagtatapang-tapangan lang sya pero kinakabahan sya sa presensya ni Drake sa kadahilanang hindi nya ito kilala.
Kaya naman agad syang nagbihis sa suot nya kaninang pagdating nya sa eskwelahan at iniwan ang equipment sa ibabaw ng lababo. At nang matapos ay hindi na syang nagdalawang isip na takasan si Drake.
Medyo mataas ang pader ng bintana kaya naman pumasok sya sa cubicle at pumatong sa inidoro bago kumapit sa pinto at dingding nito. Pasalamat na lang talaga syang magaan ang katawan nya dahil sa pagiging atleta.
Kumapit sya sa bintana at binuhat ang kalahating katawan para makalabas sa banyong 'yon. Hindi naman kasi jalousy type ang bintana ng banyong 'yon kaya madali syang nakalabas. Bumagsak nga lang sya sa kadugtong na bubong at tila kulog ang tunog ng pagkabagsak nya.
Tiningnan nya kung gaano kataas ang tatalunin nya at hindi na sya nagdalawang isip na tumalon doon nang makitang mababa naman.
"Daniella!" may kung sinong sumigaw.
Nang tingnan nya ay nakita nya si Kaloy. Lumawak ang ngiti ni Lollita dahil kay Kaloy. Crush nya kasi si Kaloy na kapitbahay nya sa tenament. At ang gwapo nito sa uniporme nya.
"Ba't ka tumalon do'n?" Tumakbo ito palapit sa kanya.
"Hi, Kaloy!" bati nya nang parang hindi sya tumalon sa bubong. "Kamusta?"
Kumunot ang noo ni Kaloy, nagtataka dahil ang Daniella na nakausap nya noong nakaraan ay ayaw sa kanya. "A-Ayos lang naman..."
Tinapik ni Daniella ang pisngi nito at nagpaalam na. "Kita na lang tayo sa tenament, ha? Uuwi muna ako!"
"Huh, teka pano yung klase mo—"
"Bye!" paalam ni Lollita at tuluyan nang tumakbo palabas ng eskwelahan.
Paniguradong sa mga oras na 'yon ay nagtataka na si Drake kung bakit napakatagal nyang lumabas ng banyo.
Bahala sya sa buhay nya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top