Chapter 5
DANIELLA IS THE girl your mother warned you about. Walang doubt sa bagay na 'yon. Kaya hindi nya maintindihan kung bakit sa kabila nang pagpapakita nya ng magaspang na pag-uugali ay hindi pa rin sya tinatantanan ng mga lalaki.
Lust...maybe?
Sa mundo naman kasing 'to, kung meron mang nangingibaw—iyon na siguro ang isang component ng seven deadly sins—ang lust. Sinasabi nilang katumbas daw ng salitang 'yon ay ang pagmamahal. Gustong matawa ni Daniella.
Isa kasi sa tumatakbo sa isipan nya: paano ba dapat magmamahal ang isang taong hindi kailanman naranasan ang mahalin?
Ironic, right?
Kaya kahit anong pagpupumilit ni Kaloy na pumasok sa isipan nya. Isa lang ang nagiging sagot nya at ito ang pagtanggi.
"Hindi ko alam kung anong pag-iinarte 'yang pinoposses ng pagkatao mo para hindi tanggapin ang offer sa 'yo ni Santi," pinapagalitan sya ng boss nya. Gusto na kasi nyang bumitiw sa trabaho. "At saka, ano bang inaasahan mo? Itatrato kang prinsesa gayong sa bar ka nagtatrabaho? Ayusin mo nga 'yang mindset mo!"
Kahit nakakasuka na. Pilit pa ring nilulunok ni Daniella ang mga salitang 'yon para lang bitiwan na sya ng boss nya sa trabahong meron sya. Imbes kasi na walang malisya ang pagiging waitress, nagkakaroon. Dahil sa mga katulad nila ang takbo ng pag-iisip.
"Ayoko na lang po talagang magtrabaho rito," wika ni Daniella.
Bumuga ng hangin ang boss nya. Napahilot ito sa sentido habang nakasandal ang ulo at likod sa swivel chair. Malakas sa customer si Daniella, isa sya sa mga waitress ng bar nya na nagdadala ng mga taong hindi pumapasok dito noon dahil sa kagandahan nyang taglay. Kaya alam ng boss nyang nakakapanghinayang kung bibitiwan sya.
"Gusto mo bang taasan ko ang sweldo mo? Wag ka lang umalis."
Pero matigas ang dalaga. "Kung patuloy lang naman akong babastusin ng mga customer rito, lulunukin ko na lang ang laway ko araw-araw kaysa tumanggap ng perang dinuduraan nila para pasunurin ako."
Hindi nakapagsalita ang boss ni Daniella sa hirit nyang 'yon. Hindi naman kasi pumasok si Daniella bilang dancer kundi waitress lang. Pero nabubulag sila sa tuwing binabalik-balikan ng mga malalaking tao ang bar dahil sa kanya.
Sa huli, wala na ring nagawa ang boss nya. At lumabas ng lugar na 'yon si Daniella na malaya na bilang waitress.
Ngayon mo praktisin ang paglunok ng laway araw-araw.
Bumalik si Daniella ng tenament na parang lumilipad sa hangin. Wala pa kasi syang kain nang pumunta sya sa bar. At ngayong wala na rin syang trabaho, hindi na sya makakautang sa tindahan ni Aling Beth dahil baka maging bato pa ang pangako nyang makakapagbayad ng mga utang kung uutang pa sya ngayon ulit.
"Bakit ba kasi ang taas ng standards sa Pilipinas?" tanong ni Daniella sa harapan ng body mirror nya.
Ilang gabi na syang walang tulog dahil nag-iisip sya kung paano sya kakain ngayong wala na syang trabaho. Pero napatigil din nang marinig ang katok sa pintuan.
Naglakad sya papunta sa pinto at nang pinagbuksan nya ito ay bumungad sa kanya ang isang lalaking may hawak na bouquet.
"Kayo po ba si Daniella Diaz?"
"Ako nga. Anong kailangan nyo?" tanong nya sa lalaking mukhang delivery man.
Inabot sa kanya ang bouquet kaya nawalan sya ng choice kundi ang hawakan ito. "Pinabibigay po sa inyo."
"Nino?" nagtatakang tanong nya. "Wala naman akong inorder na ganito. And wala akong kilalang pwedeng magbigay nito."
"Ayaw pong ipagbigay alam ng may-ari yung pangalan nya. Basta, para sayo raw po 'yan," ani delivery man. "Paki-pirmahan na lang po ito, Ma'am and picturan ko po kayo para may proof na naipadala sa inyo."
Ganoon nga ang ginawa ni Daniella. Pinirmahan nya ang form at pinicturan sya ng delivery man. Pagtapos ay nagpasalamat sya't sinarado na ang pintuan. Muli ay nilukob ang kwarto nya ng kadiliman.
Naglakad sya papuntang kama at inilapag ang bulaklak. Maraming tanong ang tumatakbo sa isipan nya.
Kinuha nya ang bulaklak at umupo sa kama. Tiningnan nya ang bulaklak at nakita nya ang parang card doon. Nang kuhanin nya iyon ay binasa nya ang nakasulat.
"How I wish I could taste your lips again. Until now, I can't have a proper sleep without thinking about the way you smile. You are beautiful, Daniella..."
Humigpit ang hawak nya sa bouquet at gumawa ng ingay ang papel na nakabalot doon.
Beauty is a blessing and can also be a curse at the same time. Iisipin mo palang na pasok ka sa standards ng ibang tao, kahit papaano nararamdaman nyang may mga taong tanggap sya. Pero isa ring sumpa dahil alam nyang ang kagandahang 'yon ang pwedeng sumira sa pagkatao nya.
At sa hindi inaasahang pangyayari bigla syang natawa. Mula sa mahina ay unti-unting lumalakas na dumikit na ang likod nya sa kama dahil napahiga na sya. Tapos tumigil.
Hingal na hingal sya habang pinagmamasdan ang kisameng hindi makikitaan ng kahit anong alikabok. Biglang nanlabo ang paningin nya at unti-unting bumabagsak ang talukap ng mga mata nya hanggang sa tuluyan na syang makatulog.
"Welcome to Rhea's Store!" bati ng cashier nang pumasok sya sa store na 'yon.
Pagtapos magising dahil sa malalim na pagkakatulog ay nagpasya syang lumabas at magpahangin-hangin. Kumakalam na rin ang tyan nya kaya nagpasya syang pumasok dito sa Rhea's Store nang madaanan nya.
Tiningnan nya ang paligid. Walang salamin na tulad sa 7-Eleven. Pumunta sya sa dulo ng estante na puro chips at hinanap din ang CCTV.
The cost is clear.
Pinasadahan ng kamay nya ang mga pagkain na magtatawid sa gutom nya para sa gabing 'yon.
"Welcome to Rhea's Store!" bati muli ng cashier mula sa unahan.
Kaya naman maagap na kinuha ni Daniella ang iilang mga pagkain at handa na sanang itago sa malaking jacket nya nang may humawak sa kamay nya.
Napatalon sya't mumurahin na sana ang gumawa no'n nang takpan nito ang bibig nya.
"Shhh," bulong nito sa tainga nya. "Mahuhuli ka kapag sumigaw ka. Aakalaing nanakawin mo yung pagkain nila. At ipapadamot ka ng mga pulis."
Mula sa mabilis na tibok ng puso ni Daniella ay unti-unti itong kumalma. Nang tingalain nya ang taong nagtakip ng bibig nya ay nakita nya si Drake.
Nakasalamin ito't nakasuot din ng jacket katulad nya. Inalis ni Daniella ang kamay nitong nakatakip sa bibig nya.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ng dalaga.
"Bibili," tipid nitong sagot.
Tumango na lang si Daniella dahil hindi nya alam ang dapat na isagot. Iba pa rin ang kaba nya sa ginawang 'yon ng lalaki.
"Ako na magbabayad nito." Inagaw ni Drake ang mga pagkain na hawak nya. "Ano pang gusto mo?"
Dahil na rin sa gutom, hindi na nagdalawang isip pa si Daniella na maghanap ng iba pang makakain. Pati sigarilyo at drinks ay kinuha na rin nya.
Pagtapos ay si Drake naman ang namili ng kakainin at sabay na silang pumunta sa counter. Kakaiba ang tingin sa kanila ng cashier, parang may malisya. Hindi na lang iyon pinansin ni Daniella dahil nakakagulat nga naman na sabay silang nagpa-punch ng bilihin eh hindi naman sila sabay na bumili.
"Thank you and come again!"
Nagsimulang maglakad-lakad ang dalawa, na hindi alam kung saan ang kanilang destinasyon.
"Anong ginagawa mo rito? Gabi na ah," basag ni Daniella sa katahimikan.
"Bumili ako ng gamot ni mommy sa Generika tapos nakita kita. Dinala ko sa bahay yung gamot tapos babalikan sana kita kaso hindi na kita nakita. Ayon, hinanap kita sa mga store rito. Hindi naman ako nabigo," mahabang paliwanag ng lalaki.
Tumango-tango naman si Daniella. Malayo-layo na rin kasi ang nilakad nya kaya nakaabot sya sa palengke. Wala namang problema dahil malapit lang naman ang tenament sa palengke.
"Tambay tayo sa playground," pag-aaya nya kay Drake.
Sumunod naman ang lalaki habang hawak-hawak ang binili nilang pagkain. Pagdating sa playground ay umupo sila sa swing. Inilapag ni Drake ang pagkain sa damuhan at nagsimula silang mag-swing.
"Ang daming stars," ani Drake.
Napatingala naman doon si Daniella. "Mahilig ka ba sa ganyan?"
"Hindi. Nagandahan lang ako."
Ganda...
Muli na namang pumasok sa isipan ni Daniella ang nangyari sa kanila sa rooftop. Pati na rin ang bulaklak na ipinadala sa kanya kanina kung saan tinawag din syang maganda nung nagpadala.
"Drake..."
"Hmm?"
"Ikaw ba yung nagpadala ng bulaklak sakin?" tanong nya.
Natigilan si Drake at tiningnan sya. Sinubukan nyang basahin ang mukha nito sa kabila ng dilim. Salamat na lang sa buwan na tumatama sa kanilang dalawa dahil kahit papaano ay naaaninag pa rin nya ang mukha ng lalaki.
"Bulaklak?"
Bumagsak ang balikat ni Daniella. "Hindi ikaw?"
"Aling bulaklak?"
Umiling si Daniella. "Wala."
"Bakit? Gusto mo bang ako ang nagpadala ng bulaklak na sinasabi mo?" patutsada ng lalaki.
Natawa naman si Daniella. "Taas naman ng confidence mo para sabihin 'yan."
Natawa na rin si Drake. "E, kaso hindi ako."
"Ayos lang din." Bumuntonghininga sya. "Wag na natin pag-usapan." Tiningnan nya si Drake. "Marunong ka bang kumanta?"
Maagap na umiling ang lalaki. "Pero may cellphone ako rito, bakit? May mga music 'to."
"Magpatugtog ka nga," sagot nya.
Sinunod naman ni Drake ang gusto nya kaya nang pumalinlang ang isang kanta sa ere ay tumayo sya sa gitna ng playground.
Hindi nya alam kung dala lang ba ng gutom kaya para syang nililipad sa hangin pero unti-unti syang gumiling habang nakapikit ang mga mata. Inangat nya sa ere ang dalawa nyang kamay at dahang-dahan na hinaplos ang buhok pababa sa pisngi at leeg nya.
Dating parte si Daniella ng dance trope ng mga taga-tenament na nagpe-perform tuwing fiesta. Kaya naman madali nyang nai-express ang sarili sa paraang pagsasayaw.
Nang dumilat sya't pinagmasdan si Drake, naabutan nya itong tulala na sa ginagawa nya. Hindi nito maaaninag ang ekspresyon ng mukha nya dahil medyo nakadistansya sya sa buwan ngunit dahil sa silhouette ng mga bitwin—alam nyang nakikita ni Drake ang bawat pagpitik ng katawan nya.
"Tulala ka dyan," natatawa nyang sinabi.
"Ang ganda mo..."
Ito na naman.
Sa mga sandaling iyon, kumabog na ang dibdib ni Daniella at tumigil sa pagsasayaw. Lumapit sya kay Drake—sa gilid nito para kuhanin ang pakete ng sigarilyong binili nya sa plastik.
Pagtapos ay sinindihan nya iyon saka nag-hits at binuga sa hangin.
Naalala na lang bigla ni Daniella ang sinabi sa kanya ng binata nang tanungin nya ito kung anong rason nang pagpapalipat nya sa Open High School.
"Alam mo bang yung Open High School, program lang ng Santa Barbara para sa mga katulad naming mahihirap?" panimula ni Daniella. "Kaya nainsulto akong pumasok ka sa klaseng 'yon para lang sakin."
"Mahirap lang kami—"
Pinutol nya si Drake. "Pero mommy ang tawag sa mama? Pero naililibre ako ng pagkain? Pero nabigyan ako ng PHP500 nung walang-wala ako?"
"'Yong magulang ko ang mayaman. Hindi ako," pagpupumilit nya.
Muling nag-hits si Daniella at tumango. "Okay... pero hindi ka ba natatakot na baka ginagamit lang kita?"
Hindi alam ni Daniella kung anong pumasok sa isipan nya nang sabihin nya 'yon pero paninindigan nya.
"Gamitin mo."
Doon sya natigilan.
"Nababaliw ka na ba?" hindi sya makapaniwala.
Pero hindi nagpatinag si Drake bagkus ay tumayo pa ito sa swing at inisang hakbang ang pagitan nila.
"Nababaliw, nahuhumaling, o kung ano pang tamang salita para dyan. Ang alam ko lang, handa akong magpagamit sayo," buong lakas nyang sinabi ang mga salitang 'yon na hindi iniisip ang pwedeng maging consequences.
Iiwasan na sana ni Daniella ang binata nang mahila nito ang siko nya at hinarap sa kanya.
"Narinig mo ba? Handa kitang sambahin, Daniella," bulong ni Drake.
Napapikit na lang sya ng mga mata nang maramdaman nito ang labi nya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top