Chapter 4
AKALA NI DANIELLA, hindi na sila ulit magkikita ni Drake. Ang kwento nga kasi ng lalaking 'yon, ililipat na sya ng eskwelahan para maiwasan na ang mambubully sa kanya.
Pero napamura sya nang pumasok sya ng Sabado, nakita nyang nasa tabi ng upuan nya si Drake na mukhang naliligaw ng landas dahil sa itsura nitong properly-seated at pinapanood ang paligiran na puno ng mga kaklase nila.
Natanaw na agad sya ni Kaloy sa pintuan kaya pumasok na sya. Ang lawak pa ng ngiti ng lalaki na animo'y sya lang ang nakikita.
"Daniella, buti pumasok ka!" bati sa kanya ni Kaloy.
Pero ang atensyon ni Daniella ay nasa lalaking ngayon ay lumiwanag ang mukha nang makita sya.
"Daniella..."
"Anong ginagawa mo rito?" ito agad ang tanong nya. "Akala ko ba lilipat ka na ng school?" Dumaan sya sa harapan nito bago nailapag ang bag sa sariling upuan nya.
"Magkakilala kayo?" tanong ni Kaloy na sumunod pala sa kanya.
Tumango si Drake, na akala nyang tatanggi. Dumukot naman si Daniella ng bubble gum na judge sa bulsa nya at kinain 'yon.
"Kakausapin ko ba sya kung hindi ko sya kilala?" masungit nyang wika.
Nagtaas agad ng kamay si Kaloy, halata mong na-offend. Maitsura naman si Kaloy. Kasing tangkad nya si Drake. Medyo tanned skin, antukin ang mga mata na akala mo nang-aakit, manipis ang labi at matangos ang ilong. Mas depina nga lang ang panga ni Drake kaysa sa kanya at mas well-built ang katawan nya.
"Kalma lang. Nagtatanong lang eh," tugon nya. Hinarap ni Kaloy ang upuan sa gilid nya sa kanilang dalawa ni Drake at umupo. "Karlos Velasquez, pare." Nakipagkamay sya kay Drake.
"Drake Torres," sagot ng isa.
"Kung kikilalanin nyo lang naman ang isa't isa. Pwede yung malayo kayo? Huwag sa harapan ko," ani Daniella.
Ang dali nyang mairita ngayon dahil malapit na naman ang buwanang dalaw nya. Nagkakaroon sya ng mood swings at tumitriple ang hiwa ng mga salita nya kapag nagsasalita.
"Manliligaw ako ni Daniella," hindi sya pinansin ni Kaloy at nagpatuloy. "Magkaibigan lang naman kayo, diba?"
Halatang nagulat si Drake sa sinabi ng lalaki. Sino ba namang babakuran ang babae sa isang taong kahit kailan ay hindi magkakaintensyon sa kanya? Niloloko lang ni Kaloy ang sarili nya.
"Sinabihan na kita dati, Kaloy. Wala akong maibibigay sayo. At huwag mong idamay 'tong si Mr. Nice Guy dahil hindi kami magkaibigan nyan. At hindi yan manliligaw sakin," dire-diretsong wika ni Daniella.
Ngumiti naman si Kaloy. "Nagbaka sakali lang. Isa pa, hindi ko naman tinanggap yung paghindi mo. Magpapatuloy pa rin ako. Oo nga pala, nabalitaan ko nung nakaraang gabi. Anong ginawa sayo ng anak ni Mayor?"
Tangina, pinaalala pa.
Wala kasing ideya si Daniella na ang binangga pala nya ay yung black sheep na anak ni Mayor na si Santi. Ayon, pinuntahan lang naman sya ng ulupong na 'yon sa bahay nya at in-offeran syang maging babae nya, babayaran daw sya ng PHP50,000 kada gabi basta pasayahin nya lang si Santi.
Syempre, hindi sya pumayag. Inasar nya pa. Sabi nya, bakit magkakaroon ng ganoon kalaking halaga ang isang anak lang naman ng mayor? Baka raw may illegal na business ang pamilya. Napikon si Santi at nasampal sya.
Kumalat 'yon sa buong tenament dahil lumabas si Santi ng bahay nya't naiwan syang nanggagalaiti sa galit. Kung tutuusin, pwede nyang ipakulong o i-report ang hayop na 'yon pero dahil nga tatay nya ang namumuno sa Santa Barbara, imposibleng magawa nyang magreklamo at baka sya pa ang damputin.
"Kung ano yung narinig nyo, yun na 'yon," tanging sagot nya.
Nakaramdam na naman nga sya ng panginginig at pandidiri sa katawan dahil ibinalik pa ng lalaking 'to ang nangyaring 'yon.
"Anong ginawa sayo?" mahinang tanong ni Drake.
Umiling naman si Daniella. "Hindi mo na kailangan malaman."
Magtatanong pa sana sya nang pumasok na ang teacher nila para sa araw na 'yon. Sa kabilang banda, parang lutang sa hangin si Daniella habang nagtuturo ang teacher nila sa harapan.
Nakatulala lang sya sa bintana at pinapanood ang mga nagsasayawang mga puno dahil sa hangin. Habang tulad ng pinag-ugnay na linya na namumuo sa utak nya tila mapupunit na ang page ng notebook nya dahil sa pagdiin ng mga nakasulat na linya rito.
"Daniella." Kinalabit sya ni Drake kaya parang hinugot sya sa dimensyon na unti-unti na nyang pinapasukan. "Okay ka lang?"
Wala sa sariling tumango sya. Nang unti-unti mag-register sa utak nya ang ingay ng mga kaklase nya. Wala na palang teacher. Kumuyom ang kamao ni Daniella sa ilalim ng arm chair nya.
"Namumutla ka," nag-aalalang wika ni Drake.
"Banyo lang ako," aniya at dinampot ang bag nya saka lumabas ng classroom.
Sa hallway, wala syang ibang naririnig kundi ang mga yapak nya. Unti-unti na rin syang nilulukob ng kung anong emosyon. Hanggang sa makarating sya sa banyo. Ni-lock nya iyon at humarap sa salamin.
Tama si Drake. Namumutla sya.
Mabilis nyang hinanap sa loob ng bag nya ang paborito nyang lipstick at binuksan iyon sa harap ng salamin. Mabigat ang pagbuga nya ng hangin at sinimulang mag-apply nito sa labi nya.
Sa bawat dampi ng lipstick nya sa kanyang labi ay naaalala nya ang gabing 'yon kasama si Drake.
"Gusto mong halikan?"
Napalunok si Drake. Kitang-kita sa mga mata na hindi malaman kung anong isasagot. Kaya hindi na nagdalawang isip si Daniella na sya ang humila sa lalaki at mariin itong halikan.
Pilit nyang kinakagat ang pang-ibabang labi ng binata upang buksan nito ang kanyang bibig. At nang makapasok sya'y agad nyang sinipsip ang dila nito.
Hinapit sya sa baywang ni Drake kahit pa nahihirapan itong makipagsabayan sa kanya. Halatang hindi sanay na makipaghalikan. Kaya hinawakan sya ni Daniella sa panga, halos hinihigpitan na sa panggigil kay Drake.
Nang humiwalay sila ay hingal na hingal si Daniella habang hindi naman maintindihan ni Drake ang mararamdaman nya.
"Ang ganda mo..." ang tanging nasambit ng bintana.
Ang ganda mo...
Ang ganda mo...
Ang ganda mo...
Iyon ang mga katagang paulit-ulit na sumisigaw sa utak ni Daniella nang nagkakaroon na ng kulay ang labi nya. Kulay pula. Malayong-malayo sa nararamdaman nya kanina na pinaghahaluan ng puti, abo, at itim na kulay.
"Maganda ka, Daniella," paulit ulit nyang sinasabi iyon sa harap ng salamin. "Maganda ka, maganda ka..."
Pilit din syang ginagambala ng mga alaala nang pumasok si Santi sa bahay nya ng gabing 'yon.
Nginitian nya si Santi. "Ganoon mo ba talaga ako kagusto na hindi ka makuntento sa mga babae mo?" Bumuga ng usok si Daniella.
"Wala akong ibang babae—"
Tumawa si Daniella. "Imposible, Santi. Pero hindi rin naman ako nagrereklamo sa ganoon."
Lumawak ang ngiti ng lalaki sa narinig. "Ibig sabihin ba non, pumapayag ka na?"
Bakas sa mukha ng lalaki ang kayabangan. Mukhang inakala na nitong napapayag na nya ang dalaga dahil sa offer nitong singkwentang libo kada gabi. Basta, mapasaya lang sya.
"Sinabi ko ba? Ni hindi nga ako nakakasiguro kung 'yang ino-offer mo na pera, galing sa malinis na kamay." Nag-hits si Daniella sabay buga. "Parang pag-o-offer mo ng sarili mo sakin, ikaw ang nagbabayad, pero ikaw ang lumuluhod. Diba, karumihan 'yon?"
Sa isang kurap ay nahila na sya ni Santi patayo habang hawak ang kwelyo ng suot nyang polo shirt ng gabing 'yon. Gigil na gigil ang mukha nito sa galit.
"Ikaw ang babayaran ko kaya ikaw ang luluhod sa akin. Naiintindihan mo ba?" nanggigil nyang saad.
Muli syang nag-hits at binugahan ng usok ang mukha ni Santi. Napaubo ang lalaki at nabitiwan sya kaya malaya syang humalakhak.
"Niloloko mo ang sarili mo, Santino."
Bubwelta na sana si Santi para sampalin sya nang tinapat nya ang sigarilyo nya sa braso nito.
"Ah! Putangina mo talagang babae ka!" sigaw ni Santi.
"Walang makakasakit sayo... wala," ani Daniella habang nakaharap sa salamin.
Pagtapos non ay naghintay pa sya ng ilang segundo bago tuluyang lumabas ng banyo. Ngunit muntik na syang mapatalon nang makita si Drake na naghihintay pala sa kanya sa labas.
"Ang tagal mo. Kanina pa kita hinihintay," sabi nito sa kanya.
Sumingkit ang mga mata ni Daniella bago nilampasan ang lalaki. "Hindi ko naman sinabing sumunod ka."
"Kain tayo, my treat!" sabi nito sa kanya dahilan para mapatigil sya.
"Ano ba talagang dahilan nang paglipat mo sa klase ko? Diba lilipat ka na?" tanong nya habang nakatalikod pa rin kay Drake.
"Malalayo ako sa bullies—"
Humarap na sya at tinitigan nang mata sa mata si Santi. "Yung totoo?"
"...gusto kitang makasama."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top