Chapter 10

HINAPLOS NI DANIELLA ang pisngi nya at pinagmasdan ang sarili sa salamin. Tinatanong sa sarili, kung bakit sa napaka raming taong pwedeng mahumaling sa kanya ay yung mga taong wala pang gagawing tama kundi ang saktan sya?

Inangat nya ang paborito nyang lipstick at binuka ang labi. Nang tanggalin nya ang lid ng lipstick ay bumungad sa kanya ang matalas na blade. Muli nyang tiningnan ang repleksyon sa salamin at inumpisahang sugatan ng maliit ang labi nya.

Unti-unting bumigat ang dibdib ni Daniella at libu-libong alaala ang pumasok sa isipan nya.

"Tigilan mo na ang anak ko! Tigilan mo na si Daniella, Tarrick!"

"Hindi! Bakit ko titigilan ang babaeng 'yan kung hindi nadadala?!" sigaw ng papa ni Daniella na si Tarrick at muling hinataw ang dalaga ng sinturon. "Sinabi ko na sa kanyang hindi sya mag-aaral! Ayaw nyang sumunod!"

"Papa, tama na po—"

"Manahimik ka!"

Pumalahaw ng iyak si Daniella at tuluyang nagdilim ang mga mata nang hilahin ang papa nya ng kanyang ina at nabitiwan sya dahilan upang tumama ang ulo nya sa bangko.

Nagsimula na naman ang ingay sa kanyang utak. Walang sawang sigawan, walang sawang pagmamakaawa, at walang sawang pag-iyak para tigilan na sya.

"Dali, iwanan na natin si Rai!" Nasilip ni Daniella ang grupo ng magkakaibigan sa stante ng puro mga chips.

Nandito sya ngayon sa 7-Eleven at nakita nyang kumukupit ito ng mga pagkain. Ang iba pa nga'y may hawak na sigarilyo.

Napailing na lang sya at nag-focus na maghanap ng murang inumin na magtatawid sa kanya para sa gabing iyon. Hanggang ngayon ay nasa isipan pa rin nya ang itsura ng mga magulang nyang nakaplakda sa semento at puro dugo. Pati ang kanyang kamay ay may mga dugo.

Dahil halos bukid ang kanilang bahay sa Del Fuego ay tumakas sya. Nakarating sya rito sa syudad ng La Douleur dahil sumakay lang sya sa truck na nag-aangkat ng patatas sa lugar na ito.

Natigilan lang sya nang marinig na may nagsisigawan sa counter. At nakita nyang wala na iyong grupo ng magkakaibigan at may isang babaeng natira na lang.

"Tatawagan ko ang magulang mo at dadalhin kita sa barangay nang magtanda ka!" sigaw nito sa babae.

Kinuha ni Daniella ang juice dahil iyon lang ang kaya ng perang nadala nya't lumapit na sa counter.

"Magbabayad ako," aniya at inabot ang juice.

Sisinghalan pa sana sya ng cashier nang magsalita sya.

"Wala bang CCTV sa inyo rito? Hindi ba halatang hindi sya ang nagnakaw ng mga pagkain ninyo kundi yung kasama nyang grupo kanina?"

Nanlaki ang mata ng cashier sa kanya. "Aba't—"

"Huwag mo kong sisigawan dahil customer ako. Totoo ang nakita ko kahit tingnan nyo pa sa CCTV ninyo." Nginitian nya ang babae. "'Yon e kung gumagana ang CCTV nyo."

Wala sa hulog ang cashier na p-in-unch ang mga binili nya at saka sya umalis sa lugar na 'yon.

Nagsisimula nang malito si Daniella dahil sa mga selective memory na naaalala nya. Hindi nya alam ang mga ito. Kaunti lang ang nasa mga alaala nyang dinadala nya ngayon kaya nalilito syang may ibang ginawa sya na hindi sakop ng memorya nya.

"Daniella, anong ginagawa mo?!" may kung sinong sumigaw at natigilan sya sa ginagawa nya.

Hindi ganoon kalala ang dugo sa labi nya dahil makapal naman ang unang layer nito at hindi ganoon kalala ang isinusugat.

Humarap sya sa lalaking umagaw sa kanya ng lipstick. "Drake..."

Hindi maipinta ang mukha nito at hinawakan sya sa magkabilang mukha. Para itong nakakita ng multo sa itsura nya. "Anong...anong ginagawa mo?" Sinubukan nitong hanapin ang sagot sa mukha nya ngunit wala itong makuha. "Bakit mo sinusugatan yung sarili mo?"

"Drake..."

Bumaba ang tingin ni Drake sa hawak nyang lipstick kaya inangat nito ang kamay nya at kinuha ang lipstick sa pagkakahawak nya. "Ano 'to, Daniella?" Kunot na kunot ang noo nito. "Bakit may ganito ka?"

Umiling si Daniella. "W-Wala 'yan..."

"Anong wala?" tila bigo ang boses ng binata nang sabihin nito iyon. "All this time, ginagamit mo to sa labi mo?"

Inangat ni Drake ang mukha ni Daniella ngunit mas pinili nitong tumitig sa semento kaysa salubungin ang nag-aapoy at puno ng takot na mga mata ni Drake.

"Daniella..."

Sunod-sunod ang pagsasalita ni Drake sa harapan nya hanggang sa paunti-unting lumalabo ang pagkakarinig ni Daniella sa mga sinasabi nito. Kumabog ang puso nya nang malakas at nang tingnan nya ang binata ay unti-unti na ring lumalabo ang imahe nito sa harapan nya. Tila kinukuha ito at nilalayo sa kanya.

Drake!

Kasunod nito ay ang pagdilim ng kapaligiran.

END OF PART 1

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top