ChyJin : Hugoat

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

"Ang pagmamahal mo sa isang tao parang hangin." Biglang sabi ni Jeon.

Ano nanaman kaya nahithit ng ilong ng besprend ko?


Dahil ayaw namin madisappoint ang maknae namin, nagtanong na lang din kami.


"Bakit?" tanong naming lahat.


"Kasi hindi mo namamalayan, nararamdaman mo na pala ito." natawa na lang kami. Bigla siyang inakbayan ni Jimin.


"Ayieee~~ binata ang rabbit namin~" pangaasar niya.


Gageu ang pruta~ "Di bale ng rabbit kesa magmukhang daga tulad mo~ kekeke~" ganti naman niya.


Biglang sumingit si Taehyung. "Ahee~~~ walang poreber~ Walang Poreber ang MinKook/JiKook~"


Binato ko ang nang tissue. "Selos ka lang eh. Kain ka na lang empanada mo, bhe~" natatawang sambit ko.


"Gusto kong gayahin ang outfit ni Yoo Si Jin. Uy, Jimin! Mamaya picturan mo ko para sa #KimDaily ko. Magsusuot ako mamaya ng military." Biglang sambit ni Namjoon-sshi.


Naksss nemen. Sobrang kinakaadikan kaya ni oppa yan. Yung Descendants Of The Sun. Pareho sila ni author. Crush na crush ni author si Song Joong Ki~ Ayieee~~~


Napatingin ako kay Yoongi nakapikit ang kanyang mga mata. Napuyat siguro kaka sulat ng mga kanta.


Iniisip ko din na bakit hindi sila mag trainee o mag audition man lang. Ang tatalented ang nila kumpara sakin eh. Magagaling sumayaw, kumanta, gumagawa ng kanta. Nasa kanila na nga ang lahat eh.


"Hoy, baka matunaw si Suga." Nagitla ako ng may bumulong sakin.


"Aray naman, bhe! Masakit ha!" Nag pout si Hoseok at hinimas ang braso na hinampas ko.


Sinamaan ko nang tingin ang prinsesa. "Bakit ka ba kasi bumubulong?" Inis na sambit ko.


Kinuha ko ang empanada ni Taehyung nakain kain niya. Kinagat ko iyon at kinain. "Bhe----"


"Lilibre kita ng 20 na empanada!" Kinagat ko ulit iyon at nginuya.


Shemsss~ gutom na gutom ako! Hindi pa kasi ako nakakakain mula kagabi. Practice lang kami ng practice. Hindi na din ako nakauwi. Buti na lang nangiiwan ako ng extra uniform ko sa locker ko.


"Ahh... bhe, gutom ka ba?" Rinig kong tanong ni Hoseok.


Naubos ko na ang empanada. Muntik ko na din kainin ang plastic.


Tumango ako sa tanong niya.


Napatingin sakin si Yoongi nakakagising lang, Ang VMin na mukhang nagaalala.


"Bakit hindi ka kumain ng almusal?" Nagaalala na tanong ni Jin.


Napatingin ako sakaniya. Hindi ko alam kung ano isasagot! Kung sasabihin ko naman na mula pa ko kagabi hindi kumakain, mas lalo siyang magtatanong!


"Ahh.... nakalimutan ko? He-he.." napakamot ako sa ulo ko. Uyy! Wala akong kuto. Wag kayo.


"Nakalimutan o kinalimutan?" Tanong ni Namjoon-sshi. Yung tono niya parang tatay.


Awww~~ "Both? Kekeke..." waaahhh!! Eomma!!! Helppp!!


Sumeryoso na ang tingin ni Namjoon-sshi. Napalunok ako.


"May problema ka ba Chyjin? These few days ago palagi ka na lang namumutla. Hindi ka lang namin tinatanong kasi ayaw ka naman namin i force." Napa hinga ako ng malalim.


"Ah, Namjoon-sshi. Wala naman akong problema pero...." napatingin ako kay Yoongi, Taehyung, at Jimin. They just nodded. "Oppa..... malapit nako maging idol." Napapikit ako pagkasabi ko nun.


Minulat ko ang aking mga mata at tinignan ang expression ng apat. They looked so shock.


"A-ano?" Yun lang nasambit ni Jin. "Kayong tatlo, alam niyo na ito?" tumango sila.


"Kailan niyo pa nalaman?" Tanong ni Hoseok. Tumaas ang balahibo ko dahil sa tono na pananalita niya. Sobrang seryoso.


"Nung isang araw." Sabay na sabi ng VMin at napatungo.


"Ikaw, Suga?"


"3 weeks ago." Napa chuckled si Hoseok. "So all this time, kami lang apat ang hindi nakakaalam."

Tumingin ako sakaniya. "Kasi ganito yun-----"


"I don't need your explanation. Pare-pareho lang kayo." He cut me off. Tumayo siya umalis.


"Hoseok!" Tawag sakaniya ni Namjoon-sshi pero hindi siya lumingon. Nagdire-diretso lang siya.


Tumingin ako sakanilang tatlo. "Pwede ba? Pakinggan niyo muna ako?" Naiiyak na sambit ko.


Naramdaman ko na tumayo si Jin. "S-saan ka pupunta?" Hindi niya pinansin ang tanong ko at umalis din siya.


Naiyak na lang ako ng tuluyan. "A-ano? Aalis ka din?!" Tanong ko kay Namjoon-sshi.


Napa buntong hininga siya at tumayo. Pumunta siya sakin. Hindi ko namalayan na nagiisa na pala ako sa kinauupuan ko.


Niyakap niya ako. "Chy nararamdaman ko na iba ka. Siguro na sa state of shock silang dalawa sa nalaman. Maiintindihan din nila yun." Hinagod niya ang lingkod ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa balikat niya at umiyak ng umiyak.


Hanggang sa dumilim na ang nakikita ko......


Namjoon's POV


Naramdaman ko na tumigil ang paghikbi ni Chy. Kumalas nako sa pagkakayakap pero nagulat ako na parang nalanta siyang gulay.


Niyakap ko ulit siya at tinapik ang pisngi niya. "Chy." Kinabahan ako. Wala siyang malay.


Naramdaman ko ang paghawak sakin ni Jungkook sa braso ko at kinuha sakin Chy.


"Chy! Besprend!" Binuhat na niya si Chy na pang bridal style at tumakbo na papuntang school clinic.


Sumunod na din kaming apat.


Nakarating na kami sa school clinic at hiniga na siya sa kama.


"Ano pong nangyari sakaniya?" Bungad samin ng nurse.


"Nahimatay na lang po siya bigla." Sagot ko.


Tumango ang nurse. "Diyan po muna kayo." Pumunta na ang nurse sa gawi ni Chy at sinarado na niya ang kurtina.


Napa hinga kami ng malalim. "Kailan siya magdedebut?" Tanong ni Jungkook.


"Sa June." Sagot ni Yoongi. Napapikit si Jungkook. "Kailan sila irerevealed?"


"This march." Wala ng kumibo saamin.


"Naiintindihan niyo naman siya diba?" Biglang tanong ni Yoongi. Napatingin kami sakaniya.


"Oo naman hyung. Magkaiba si Gyzelle at Chyjin. Hindi niya tayo kayang iwan." Sabi ni Jungkook.


"Kasi mahal niya ako~ kekeke~" singit naman ni Taehyung. Sinamaan siya nang tingin ni Jungkook. Nag peace sign lang siya.


"Oh Namjoon hyung, why are you so quiet?" Suga asked. I looked at him. Wow, his english is good.


Ay queenina! Napapa english ako ng di oras. "Nothing...." parang ang bilis naman lahat ng pangyayari. Kailangan pa ni Chy lumaban sa contest. Kailangan pa nila magpractice para doon.


Sobrang nagaalala ako ngayon sa kalagayan niya. Alam ko kung bakit siya nahimatay kanina. Over fatigue yun. Sobra-sobra siya napagod at hindi pa siya masyado kumakain.

Parang kapatid ko na yan si Chy. "Sana maging ok siya..." rinig kong sambit ni Jungkook.


Napatawa na lang ako sa isip ko. Torpe torpe din kasi itong batang ito.


Habang naka tambay kami dito, lumabas na yung nurse.


Nagsiayusan naman kami ng tayo. Nginitian niya muna kami bago siya magsalita. "Mga iho, ang iyong kaibigan kung bakit siya nahimatay ay dahil sa sobrang pagod at hindi siya kumakain ng tamang oras. Siguro ay dahil malapit na siya mag debut that's why todo kayod siya." Napakunot naman noo namin.


"Alam niyo na magdedebut po siya?!" Gulat na tanong ni Taehyung. Napa chuckled yung nurse. "All faculty members alam yun! Lahat ng staffs sa school na ito we all know. Except the students, like you. Hindi namin pinapaalam para na din sa privacy ni Ms. Choi." She smiled at us.


Napa tango tango lang kami. Tama naman yung ginawa nila. Para na din sa kaligtasan niya.


Nagpaalam ang nurse na may kukunin siyang gamot at iniwan na kami dito. Tumungo kami sa kinahihigaan niya.


"Bakit ganun? Kahit tulog siya, ang ganda niya parin." Sambit ni Jungkook habang hinahaplos ang buhok ni Chy na mahimbing matulog.


Napangiti na lang ako. Nagmumukha akong narrator sa kinalalagyan ako. Queeninang yan. Hindi ako binibigyan ni author ng lablyp.


Pero seryoso, alam naman nating lahat na walang pagasa ang ating baby. Pero wag din tayo maging kampante na wala siyang pagasa. Malay mo... someday... but i know that Jin and Chy have feelings to each other. Denial lang ang mga futa.


Lumapit ako kay Chy at hinalikan siya sa noo. "Ewww~ your dirty water is there in noo of bhe!" Conyo na sabi ni Taehyung.

"Queenina mo, Taehyung. Hindi bagay sayo. Kainin mo na lang sausage ni Jungkook." Sambit ni Jimin. "Ay mali pala. Akin lang pala sausage ni Jungkook. Kekeke~" tinignan naman namin siya ng nandidiri.


"What the flower?! Gaysht bruh~! You have no swaeg~" inis na sambit ni Yoongi.


Awww~~ YoonMin is lubog na~


"Mga anak kayo ng ina niyo! Ang dudumi ng isip niyo! Eh sa nagtitinda sila ng sausage at masarap ah!" Painosente na sambit ni Jimin.

"Gageu! Ka anohan mo diyan!" Sabi ni Taehyung.


Lumabas nako ng clinic. Kaya na nila yun. Hindi ko kakayanin ang mga anohan nila sa loob.


Kahit na ba mahilig ako manood ng ganun, alam ko kung saan ko ilulugar.


Napadpad ako sa school garden. Nakita ko si Hoseok na kumakain ng damo. Si Jin naman gumagawa ng korona gamit ang mga bulaklak.


De loko lang. Bawal nga mamitas dito eh.

Naguusap sila at seryoso ang kanilang mga mukha. Bakit ganun? Tuwing nakikita ko si Hoseok parang lalong humahaba ang baba niya as in yung sa mukha ng baba hindi yung sa...... i just leave it to your imagination. Credits kay dwende.

Nilagpasan ko na lang ang school garden. Wala akong panahon
para maki chismis. Malalaman ko din naman yun dahil palagi naman sakin nagoopen up si Jin.


"Ay putangina! HINDI KA BA MARUNONG TUMINGIN SA DINADAANAN MO?!" Napalingon ako. "Ako ba?" Sabay turo sa sarili ko.


"Ay hindi ako! Ako! Malamang ikaw! Tayo lang naman ang nandito sa hallway!" Napatakip ako ng tenga. Tunginuh, maganda nasana eh. Bungangera nga lang.


"FYI, Napaka bungangera mo. Akala mo ikakaganda mo yan? Pwes para ipaalam ko sayo na HINDI KA MAGANDA! GAGEU! MAS MAGANDA PA SAYO SI JIN!" Pagkasabi ko nun tinalikuran ko na siya at nagsimula na maglakad.


"FYI DIN AKALA MO BA GINAGWAPO MO YANG PINAGSASABI MO?! PWES MUKHA KANG BADJAO! PANGET! MUKHA KANG PISSED OFF POTATO! GAGEU SAGAD SA SPINAL CORD MO!" Napangiwi ako. May future siya maging palengkera. Akalain mo nga naman ang layo ko na sakaniya, narinig ko parin dahil akala mo nakalunok ng microphone. Tsk.


Ako panget? That's a no no no. Inggit lang siya beauty ko. Ay Sht! Nakakahawa talaga si Jin.


Bigla ako nakaramdam ng may humigit sakin. "Gwapo ko talaga. Hinabol mo pa talaga ako?" I smirked at her. Umirap siya sakin.


"In your dreams you badjao! May isa pa pala ako sasabihin para naman hindi mo nako banggain at dapat alam mo kung sino binangga mo. Ako nga pala si Kang Vhrusier at ako lang naman ang anak ng may ari ng school na ito. Kaya may karapatan ako na patalsikin ka." She smirked.


Akala niya matatakot niya ako pero wait.... "Hahahahaha! Quingina! Brassiere as in bra talaga pangalan mo? Hahahahaa!" Sinong matino magulang ang magbibigay ng pangalan na ganun?!


Lalo siyang nainis. "Arghhh! Bwisit ka! Binababoy mo ang pangalan ko! Sasabihin ko talaga na ikick out ka!!" Mag wawalk out nasana siya pero hinigit ko siya.


Tinignan ko siya ng seryoso sa mata. "Masyado kang kampante porket anak ka ng mayari ng school na ito. Pwes para ipaalam ko sayo, tatay ko ang may ari ng lote ng SCHOOL NIYO. Hindi pa fully paid ang tatay mo. It means na pwede namin ipagiba ang school na ito at pwede kaming gumawa ng bagong building." I smirked.


Nanlaki ang mata niya. "I-ikaw si Kim Namjoon?!" Gulat na tanong niya.


Chyjin's POV


Nagising ako sa ingay ng mga ugok kong mga kaibigan. Unti unti kong minulat ang aking mga mata.


"N-nasaan ako?" ang sakit ng ulo ko. Uupo nasana ako ng pigilan nila ako. "Babe wag matigas ulo, mahiga ka muna. Magpahinga ka. Dadating na din ang pinabili naming pagkain kay Yoongi hyung." Sambit ni ChimChim.


"Nasa langit ka na bhe. Kasi nakita mo nako. Kekeke~" Sabi naman ni empanada king.


Napairap na lang ako. Lalong sasakit ulo ko kapag nakipagusap pa ako sakaniya. "Bhe pwede ba manahimik ka kahit isang minuto lang?" pumikit ulit ako.

Aishh! Grabe!! Ang sakit ng ulo!! Isabay mo pa yung kumukulo kong tiyan.


"Nasaan si Namjoon-sshi?" Bigla kong tanong. Kanina siya ang nakita ko bago pa ako nawalan ng malay.


"He went out. Because of the noise pollution of maknae line." Sagot naman ni swaeg boy.

Napangiti ako. Akalain mo nga naman, improving si Yoongilagid.


"Why are you smiling like an idiot?" Tanong niya pa ulit. I shook my head.


"Nasaan si Jeon?" Tanong ko. "Nasa puso ko." Sabay na sabi ng VMin. Tinaasan ko sila ng kilay. "Gaysht!" Singit naman ni Yoongi.


Lumapit naman si ChimChim sakaniya. "Ayieee~ selos ka lang eh~ iaangat na ba natin ang YoonMin? Kekeke~" malandi na sambit niya.



"Kingina mo Jemen. Kalandian nito." Sabi ko. Kung alam lang ng mga fangulls nila ang kalandian nito, malamang hindi na ano ito. De joke onli.


"Bestprend!!" napatingin naman ako sa harapan ko. Jeskee~ nandito na ang baby namin.


Pagkalapit niya sakin, hinawakan niya ang kamay ko. "Ok ka na ba? Hindi ba sumakit ang ulo mo sa mga ka anohan nila?" Umiling ako at ngumiti. "Sanay nako, Jeon."


Binigay niya sakin ang supot ng plastik at kumuha siya ng paper plate. Siya na ang naghain sakin.


"Ayieee~~ Friendship Goals na ba dis?" Asar ni Jimin. Tinignan siya ng masama ni Jeon. "Ayaw niya ng Friendship gusto niya Relationsheep Goals." Sabi naman ni Taehyung.


"Anong sheep? As ing tupa?" Tanong ni Jimin. "Oo tupa, kasi palagi niya hinahabol ang isang tao na hindi naman mapapasakaniya." Sagot ni Taehyung.

Tinignan namin siya ng blank expression. "Edi Wow." Sabi naming apat.


"Ano ba meron ngayon? Hugot Days?" tanong ko sabay lamon ng pagkain na binili ni Jeon. Oo as ing lamon talaga na akala mo hindi kumain 10 taon.


Hindi nila sinagot ang tanong ko. Pinapanood nila ako kumain. Yung mga mukha nila hindi maipinta.


"*burp* Hay sawakas! Nabusog na din ako." Uminom ako ng tubig at pinunasan ang labi ko.


"Parang ka taong kalye kumain babe." sabi ni Jimin.


"Ganyan tayo eh. Hindi marunong mahalin ang imperfection ng taong mahal. Anong klaseng pagmamahal yun? Nasa appearance?"


"Chyjin isdat u?" - Jimin. "Hindi ako isda! Gageu~"


Bigla dumating ang nurse at binigyan ako ng gamot. Nagpasalamat ako at na discharged nako sa clinic. Nukss~ discharged parang ospital ang peg amputsss~


Nasa hallway kami at hindi pa namin nakikita si Namjoon-sshi. Kinuha yat ng tribo niya. Tsk~ sinabihan ko na siya na wag na hihiwalay samin eh.


"CHYJIN!!!!!" Napatakip naman kami ng tenga at lumingon. Daming Chyjin ah. Pati sila lumingon. Nakakagageu.


Nanlaki mata ko. "Niella?!" Gulat na sambit ko. Lumapit siya samin at bigla niya ko niyakap. "WAAAHHH!!!! MISS NA MISS NAKITA TEH!!!! WAAHHH!!!" Napangiwi kami. Feeling ko sasabog na eardrums ko.


Kumalas na kami sa yakap. "Anong ginagawa mo dito? At pwede ba teh, lower your voice." Mahinahon na sambit ko.


"EH KASI-----" Napatakip nanaman kami ng tenga. Tinakpan ni Shuga ang bibig niya.


Nanlaki ang mata niya at siniko ang tiyan ni Yoongi. "ABA GAGEU-----"


"Isa pang pagiingay mo, hahalikan kita makita mo." Seryoso na sambit niya. "Pwede ba Ms, uso ang salitang mahinahon ang boses." Tinanggal na niya ang pagkakatakip sa bibig ni Niella.


Nakakatitig lang siya kay Yoongi habang bumalik na siya sa pwesto niya at tinignan din siya.


Lumapit ako sakaniya. "Baka matunaw yan. Ikaw din magsisisi." Bulong ko sa tenga niya na kinagulat niya.


"Teh, sino siya? Nakakasilaw ang kaniyang kaputian---- i mean kagwapuhan. Mala adonis ang kanyang mukha. Anong glutathaione ang tinira niya?" Bulong niya din pabalik kaya binatukan ko nga.


Isa din ito eh, kalokohan eh. "Inborn yan. Natural." Sambit ko.

Hinarap ko siya sakanila. Siya naman nakatitig parin kay Suga. Ang creepy.

"Ah mga bhe, pinsan ko nga pala, siya si Roniella Nicollete Caillangan. Niella sila yung mga babes ko pero meron pang tatlo so iready mo na ang iyong puso. Kekeke~" nag bow naman sila sa isa't isa.

"Hi Roniella!" Nag eyesmile siya. "Ako nga pala ang pinaka charming, Jimin-imnida! Baby, can i call you mine?" Seductive na sambit nito.

Ito naman halos sumabog nasa sobrang pula ng mukha. Napairap na lang ako. Sabi ko sainyo eh, pambansang kalandian goes to Park Dwende--- Jimin!


"Hilo~ Hilo~ Ako nga pala si Kim Taehyung Kim. Ikaw si Ms. Caillangan right?"

"B-bakit?"

"Kasi ikaw ang kina-Caillangan ng puso ko eh." He smirked. Aba put---- Lumalabas ang mga kalandian nila!

Ito namang katabi ko, anytime hihimatayin na. "Hi Nicollete! Cute naman ng name mo. Ako nga pala si Jungkook ang eldest sa pito." Sambit niya.

Nagulat si Niella. "Maniwala tanga." dugtong naman niya. Napasimangot tuloy si Niella. "Grabe teh, yan ba yung bestprend mo? Ang hard niya ah."

"Natamaan ka naman." Tumingin siya sakin at inirapan. "No wonder na mag bestprend ang talaga kayo."

"Swaeg~ i'm Min Yoongi. You can call me Suga."

"KYAAAHHHHH!!!" Napatakip naman kami ng tenga... ulit. Grabe talaga ito.


////////////////

Bonus Chapter. (JiKook/Minkook)

"I love you, Jiminie hyung~" sambit ni Jungkook at nag back hug sakaniya.

Kinilig naman daw ang kaniyang abs. "I love----"

"Happy April Fools' Day!! Hahahaha!! Araw ng mga kagageuhan!!" Napasimangot si Jimin.

"Ganyan naman palagi eh! Palagi mo na lang pinaglalaruan ang feelings ko! Tse! Kay Suga hyung na lang ako tutal mahal ako nun!"

///////////

(NamJin)


"OMG!! Ang gwapo mo ngayon babe ah!" Puri ni Jin. Sumilay naman sa mukha ni Namjoon ang ngiti at labas ang kanyang dimples.

"Sa----"

"Happy April Fools' Day!!" Tumakbo na si Jin.

"Pakyeuuu~!!!!"

//////////

(VHope/TaeHope/TaeSeok)

"Lalong humaba ang baba mo, Hoseok!"

Ngumiti naman si Hoseok. "Sasabihin mo din ba na "Happy April Fools'? Ibig sabihin hindi maha----"

"Tanga! Wag kang umasa na hindi mahaba ang baba mo!"

//////////

(Suga)

"Yeahh~ swaeg~ palagi naman ako naiiwanan eh. Yoongi ang panget mo. Happy April Fools' Day! Naniwala ka naman." Sambit niya sa sarili niya.

_______________________

AHEEE~~ Ako na lang Yoongi, nandito naman ako~ kekekeke~~

Sorry kung wala appearance dito si Seokjin~~ peace yowww~~ sa next chap, babawi ako.

#HartHart











Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top