ChyJin : Confrontation

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

"Choi Chyjin?! Lutang ka nanaman?! Ano bang problema?" Nagulat ako dahil sinigawan ako ni Soljie.

Napatingin ako sakaniya at umiling. "Anong wala? Isang linggo ka nang ganyan. Nag-aalala kami sayo." Napatitig lang ako sakaniya. Emotionless.

Wala na kong nararamdaman. Na manhid na yata ako. Ang pag rerevenge ay walang saysay. Mas lalo lang lalala ang problema. Ang tanga-tanga ko.

"Dinisbanded na ni CEO Lee ang grupo nila Gyzelle sunbae." Pagbabalita samin ni Roncae.


"Ha! Tama lang sakanila yun! Napakayabang kaya nila. Lalong lalo na yung Gyzelle na yun! Hindi lang siya malandi, mayabang pa." Sabi ni Zaina. Amazona ang peg nito parang ako.

"Iba nga lang yung pinalabas ni CEO Lee sa media para hindi lalong ma hate siya at ang grupo nila." - Hanlay.


"Ikr. Hindi alam ni Gyzelle na pinipicturan pala siya ng hater niya sa isang club last 2 months! Nilalandi niya ang mga kaibigan ni Chy. Yung tatlo na kaibigan niya ay mga sikat na underground rapper." Kwento ni Kyahyan.

Napatingin sila sakin at nanlaki ang mga mata nila except kay Kyahyan. Napakunot noo ko. "Bakit ganyan kayo makatingin?"

"Kaibigan mo ang Bangtan Sonyeondan?!" Sabay-sabay nilang sabi.

"Oo. Ako pa nga muse nila eh." Natatawang sabi ko. 2 months na rin, hindi ko sila nakikita o nakakausap man lang. Nakakamiss ang fukboi~ :(

Napasapo si Cereal. "Hindi ka na updated sa barkada mo noh?" Tumango ako. "Trainee na sila ng Bighit Entertainment." Nanlaki mata ko.

Sila?! Trainee?! Wow, nag-iiba talaga ang ihip ng hangin. Parang dati lang, sinasabi nila na, "Hinding hindi ako magiging idol! Masakit sa ulo!" At kung ano-ano pa sinasabi nila noon.

Tapos ngayon mababalitaan ko na trainee na sila? Hindi man lang ako sinabihan, ah.

"Kailan pa sila naging trainee?"

"Since April, Chy." - Cereal. Napa buntong hininga ako. Sa loob ng dalawang buwan, ang dami kong hindi alam sakanila.

Napatawa ako sa isipan ko. Gageu ko kasi. Ako rin naman may kasalanan. Yung mga social media accs ko, deniactivate ko. Yung cellphone number ko, sinira ko yung sim. Baka kasi..... galit sila saakin. Sana pinagisipan kong mabuti. Edi sana, ayos lahat. Pero, huli na. Nangyari na ang nangyari.

Binasa ko na lang ulit ang script. Ako kasi mageexplain kung bakit ganito ang song title namin at kung saan tungkol ang mga kanta namin sa album. At kung ano-ano pa. Nakaka hustle maging leader! Kalurke nemen aketch.


Nabigla ako ng hilahin ako ni Zaina paupo sa sahig. Naka circle kami. Tinignan ko naman sila na nagtataka. "Anong ka anohan toh, Aljelic?" Seryosong sabi ko. "Wala akong rather TAYONG panahon sa mga kalokan ha? Pwede ba? Tsaka na lang, pag natapos ang 1 month na debut stage natin." Tatayo na sana ako nang hilahin nanaman ako ni Zaina. Pinanlisikan nila ako ng mata.

"Hindi ito kalokohan, Chyjin. Open forum toh. Gusto naming magopen-up ka saamin dahil ikaw lang ang hindi pa namin  napapakinggan sa mga problema or what. You can trust us, Chy. We won't judge you." Malumnay nasabi ni Zaina.

"Kaya nga tayo tinawag na group, para magtulungan. Isasalba natin ang mga kahinaan natin sa isa't isa." Dugtong ni Kyahyan.

Napatitig lamang ako sa mga ka grupo ko. Hindi ko maiwasan hindi ma teary eyed. Namimiss ko yung mga fukboi. Kingina.

I trust them. Sa kanila ko palang ito sasabihin.

"Last 2 months kasi......"

Jeon's POV

Tinignan ko ang mga kaibigan ko. Mga nakangiti pero peke. Sa bawat ngiti nila, alam kong nasasaktan sila. Ako rin naman. Pero kailangan namin ipakita sakaniya na ok lang ang lahat. Kahit hindi.

"Hoy, jamless, shoot an anonymous, anonymous, jamless~ we don't care about you~" pakanta na sabi ni Hoseok hyung.

"Nya! Mali pa ang tono! Quingina mo! Kumain ka na lang ng damo." Sabi ni babe---- Jimin. Wala akong sinabi na babe. Wala. Wala. Wala~

Dahil sa kagageuhan nila, nasilayan ko ang ngiti niya. Bading man pakinggan pero gusto kong maiyak. Pareho silang may mali pero masyado na yung ginawa niya sakaniya.....

Gusto kong magalit sakaniya, hindi ko kaya. Alam kong mahihirapan din siya ngayon. Paano ko nalaman? Palihim ko kasi siyang sinusundan o tinitignan kung saan man siya magpunta. Kahit sa loob pa ng entertainment nila.


Yung Chyjin na nakilala ko, ibang iba ngayon. Lifeless ang aura niya. Hindi katulad dati na sobrang lively, maloko, at kung ano-ano pa. Namimiss ko na yung pagtawag niya saking Jeon, bhe.

Namimiss na namin siya.

Tinatawagan namin siya palagi pero hindi na namin nacontact pa. Pumunta kasi kami last week sa bahay niya at naabutan namin mama niya, sinabi ni tita na, wala na siyang phone at nasira ang simcard niya. Hindi na niya saamin sinabi ang bagong number niya.

Sinabi din kasi ni tita na hayaan na muna namin si Chy.

Napabuntong hininga ako. Kamusta na kaya siya? Malamang hindi siya ok ngayon.

"S-si C-chyjin?" Tinignan niya kami. Nagkatinginan kaming anim.

Maiiyak na siya pero bigla siyang tumawa. Kinabahan ako at nakita ko ang mga tingin nila na lalo nag-alala.

"Alam ko naman na wala siya eh. Tangina ko ba naman kasi, diba? Ako naman tong may kasalanan. Akala ko kasi pag nag kunwari akong nabaliw, pupuntahan niya ko. Tanginang akalang yan." Biglang naging cold ang boses niya.

Nanlaki ang mata ko i mean namin. "Ano hyung?! Hindi ka talaga baliw?!" Gulat na sabi ni Taehyung.

Umiling siya. "Parang gusto mo pa ako mabaliw ah." Natatawang sambit nito.


Binatukan siya ni Namjoon hyung. "Gageu ka talaga Seokjin! Alam mo ba sobra kaming nag-alala sayo?! Puta naman bro! Masamang biro yan! Hindi mo man lang ba kami naisip?!" Napangisi siya.

"Atleast may advantage kasi nakita ko na totoo kayong kaibigan sakin."

"Sus! Kay Namjoon hyung, hindi kaibigan ang pinapahiwatig ni Jin Hyung! Ka-ibigan~ ayieeee~" - Taehyung.

"Kumain ka na lang ng halo-halo mo at empanada, gageu." - Namjoon.

"Oh Jungkook? Bakit ang tahimik mo? Hindi ka man lang ba naginhawaan?" Tanong ni Hoseok hyung.

Bigla nag-iba ang aura ko. Sumama bigla tingin ko sakanila.

"Jungkook, ano bang problema? Bakit ganyan ang tingin mo?" Tanong ni Suga hyung. Tinignan ko siya. Alam kong alam niya kung anong nangyayari kay Chy. Magaling kasi magtago ng nararamdaman si Suga hyung, ako hindi.

"Wala kasi kayong alam." Malamig na sambit ko at umalis sa kwarto ni Jin hyung.

Shit! Kailangan ko nang kausapin si Chy.

Third Person POV

*2 months ago*


Nanligaw si Jin pagkatapos ng graduation nila pero umo-oo kaagad si Chy.

Minamadali na ni Chy ang plano niya dahil konting panahon na lang ang natitira sakaniyang oras.

"Chy-ah~ Kamusta practice niyo?" Nakatitig na tanong ni Jin sakaniya.

Bigla siyang na conscious kaya umiwas ng tingin si Chy. "O-ok lang naman. Masaya kahit nakakapagod." Hindi parin inaalis ni Jin ang titig niya kay Chy.

Kaya natunaw si Chy at deads na. De jk lang. Quingina ang corny ko. Balik sa storya.

"Kingina, Jin. M-makatitig ka wagas. T-tanggalin ko eyeballs mo." Nauutal na sambit niya.

"Kaya nga kita tinititigan para mamemorize ko ang bawat features ng maganda mong mukha kung sakali man mabulag ako o kaya mawala ka nanaman sakin na hindi ko na uulitin pa." Napatingin ako sakaniya.

Biglang kumirot puso niya. "Hindi Chy, don't feel guilty. Malapit ko na matapos ang steps." Sa isip-isip niya.

"Chy, just one day, kahit ngayon lang, mahingi ko muna ang oras mo?"

Napahinto si Chyjin sa pagkain niya. Lumunok muna siya bago sumagot. "Sige, Jin." Nginitian niya ito, masakit na ngiti.

Abot hanggang tainga ang ngiti niya kaya lalong nasasaktan si Chyjin.

Umalis na sila sa resto at naglakad habang magka hawak ang kamay nila.

Masaya naman silang dalawa pero si Chyjin, mas pinipili niya ang paghihiganti.

"Chyjin, mahal na mahal kita noon hanggang ngayon. Noong naghiwalay kami ni Gyzelle, noong nasa tabi mo ko palagi, nahulog nako sayo, Chy. Mahal na kita. Noong sinabi ko na hindi kita minahal at ginamit lang kita, nasaktan ako sa sinabi ko. Noong nahuli mo kaming naghahalikan, siya ang nauna at blinockmail niya ko kaya may nasabi akong masasama sayo noon." Kwento ni Jin habang nakayuko.

Nanlaki ang mata ni Chy at napatingin kay Jin. "A-ano? B-bakit mo sakin ngayon sinasabi yan?" Naguguluhang tanong nito.

May namumuong luha sa mga mata niya. "Chy, kilala mo naman si Gyzelle. Mafia ang tatay niya noon kaya natakot ako sa sinabi niya..... na...." Napaluha na si Chy.

"N-na ano?"

"Ipapa rape ka niya kapag hindi kita hiniwalayan. Binigyan niya ko ng palugit noon. Binigyan niya ko ng isang linggo. Kaya kita pinapunta sa bahay dahil sasabihin ko sana iyon sayo pero biglang pumunta si Gyzelle at sinabing kailangan hiwalayan na kita noon. Narinig niya ang pagbukas ng gate at alam niyang ikaw yun, hinalikan niya ko at pinaalala sakin yung mangyayari sayo......" Napatingin si Jin kay Chy. Umiiyak si Chy kaya lumapit si Jin at yinakap siya.

Yumakap din pabalik si Chy. "B-bakit hindi mo man lang sinabi sakin noon? Alam mo ba kung gaano ako nasaktan noon, ha?" Humihikbing sabi niya.

"Shhh... i'm sorry, Chy."

"Gageu ka talaga kahit kailan." Natawa si Jin. "Atleast ngayon, wala ng hanlag." Napatigil si Chy. "Itutuloy ko pa ba paghihiganti o hindi na?"

"I love you, Kim Seokjin." Pagkasabi niha nun, hindi niya na itutuloy ang paghihiganti niya.

Napahiwalay si Jin sa yakap at nginitian siya. He leaned towards her slowly at napapikit silang dalawa ng mata hanggang sa maramdaman nila ang kanilang labi.

Humiwalay ng kaunti si Jin at sinandal niya ang noo niya kay Chy. "I love you more, Choi Chyjin." At hinalikan ulit nito.







"Puta! Walang forever~" bitter na sigaw ni Taehyung. Nagtawanan lang ang dalawang magkasintahan.

Nasa bahay sila ni Jin ngayon, nanggugulo lang ang tropang Fukboi.

"Akala ko ba NamJinIsReal?" Umakto pang nalulungkot si Taehyung. Binato siya ni Jungkook ng vase, oo vase talaga. Mayaman naman si Jin kaya keri lang kung mabasag. Nemen nemen~

"Tangina mo, Kook! Babasagin mo ba talaga ang GWAPO kong mukha? Ako na nga lang nag-iisang gwapo sa grupo. Tsk. Palibhasa bitter. Hindi kasi binigyan ni author ng scene sila ni Chy." Pinakyuhan lang siya ni Jungkook.

Natawa na lang si Chy. "Hoy Tete! Wag mo nga ginaganyan, besprend ko!" Pagtatanggol niya.

"Awtsss~ #BESPRENDZONE~" Sabay na pang-aasar ng 95 liner.

Pagkasabi nila nun, tumakbo kaagad sila at hinabol sila ni Jungkook. Nalaglag pa ang phone niya. Ang makakaalam lang nito yung nakapanood ng BTS Memories 2015, ang hinabol lang talaga ni Jungkook dun si Taehyung, sinama ko lang si liit.

Napatingin si Chy kay Suga sa kabilang upuan na busy magkalikot ng phone. "Dalawa ang nasaktan ko. Quingina, bakit ba kasi ang ganda ko? #GandaProblems. De jk lang."

Gusto niyang kausapin si Suga pero nahihiya siya. Kasi sariwa pa yung nangyari sakanila sa kwarto ni Jungkook. Jusq~ wag tularan si Chyjin, ang harot. Chos!

"Chy.... may sasabihin nga pala ako sayo." Napatingin siya sa tabi niya, kay Jin. Tinaasan niya ito ng kilay. "A-ano----"

*Dingdong Dantes*


"Ako na magbubukas." Tumayo si Chy at lumabas. Binuksan niya ang gate pero wala namang tao.

"Nyemas. Nangtitrip nanaman ba yung mga bata? Jusko." Sasaraduhan na sana niya yung gate ng may nakita siyang lalagyan ng picture sa ibaba. Kinuha niya ito at pumasok nasa loob.

Binuksan niya ang laman at nagulat siya. Nangingilid ang luha niya sa nakita. "Oh Chy? Anong meron diyan---- putangina." Naikuom ni Hoseok ang kamao niya.

Sa bawat pictures nakikita niya, yung sakit, mas masakit ngayon kesa noon.

"Putangina. Bakit ba ako nagpaniwala kay Jin na mahal niya talaga ako?!"

"Jung Hoseok! Ano ba?! Tumigil ka nga!" Napatingin si Chy sa kinaroroonan ng boses. Nakita niya si Jin nakahiga sa sahig habang si Hoseok tuloy parin ang pagsusuntok nito.

Hinila ni Suga at Namjoon si Hoseok habang si Jin ay tinutulungan ng maknae line umupo.

"Bakit hindi niyo tanungin si Chy?" Napatingin silang lahat kay Chy na tulo parin ng tulo ang luha.

Pumunta si Chy sa kinaroroonan nila at hinagis sa pagmumukha ni Jin ang mga pictures. Nanlaki ang mga mata niya at napatayo bigla.

"Chy, misunderstanding ang lahat ng ito. Sasabihin ko naman sayo dapat sayo kanina----"

"PUTANGINA JIN! TAMA NA, PWEDE BA?! AYAW KO NA MAKINIG SA MGA KASINUNGALINGAN MO! NAG DA-DATE KAYO PALAGI BASE SA PICTURE NA YAN! ANG SWEET-SWEET NIYO PA! ABA TANGINA LANG! TAPOS MAY NAKITA PA KONG MAGKAPATUNGAN KAYO?! SA TINGIN MO BA PAPANIWALAAN PA KITA?!" Halos malagot ang litid niya kakasigaw dahil sa galit.

"ALAM MO JIN, ANG GAGO KO KASI MINAHAL NANAMAN KITA! PERO ALAM MO, PINAPLANO KO NASAKTAN KITA HANGGANG SA MABALIW KA PERO AKO NANAMAN YUNG NASAKTAN! TANGINA MO! MABALIW KA SANA SA KONSENSYA MO NA GINAWA MO SAKIN!"

Napalayo ang maknae line kay Jin. "SHIT! Chy... please..." Tinalikuran na lang niya at tumakbo na palabas.

"Bakit ka ganyan tadhana? Palagi mo na lang ako sinasaktan!"

"Sabi sainyo, walang forever eh." Sabi ni Taehyung kaya sinamaan siya nang tingin ng mga kaibigan niya. Nag peace sign lang siya.







"Bhe! Tao po! Tita! Bhe!" Inis niyang binaba ang kutsara't tinidor. Ang sarap-sarap ng kain niya tapos may manggugulo.

Binuksan niya ang gate. "Quingina, ano?! Makikikain ka nanaman ba?!"

"Grabe, bhe ha! PG tingin mo sakin. BMW si----"

"BTW yun bhe, hindi BMW." blank face nasabi ni Chy. "Hehehe~ sabi ko nga BTW. So yun nga, bhe! A-ano kasi...." biglang lumungkot ang ekspresyon niya.

"Si Jin-----"

"Yun lang ba pinunta mo dito? FYI bhe, wala nakong pakialam sakaniya." Sasaraduhan nasana niya ng iharang ni Taehyung ang paa niya.

"ARAY! KINGINA, CHYJIN! MASAKIT!" Binuksan niya ulit ang gate nang naka pokerface. "Sino kayang tanga ang ihaharang ang paa sa gate?"

"Chy naman, makinig ka sakin. Hindi dahil sa kinokonsensya, kailangan mo din naman ito malaman. Chy, nabaliw si J-Jin hyung...."

"May problema kasi si Jin hyung sa pamilya niya tapos dumagdag ka pa. Kaya niya palagi kasama si Gyzelle kasi siya lang makakatulong sa problema sa pamilya niya, sa business nilang palugi na."

Napanganga siya. "E-eh yung pictures?"

"Misunderstanding ang lahat nun, Chy. Kinausap na din namin si Gyzelle, nagsorry din siya sakin sa ginawa niya saakin sa club. Tumigil na siya sa mga kagaguhan at kaharutan niya. Sadyang gusto niya lang daw tulungan si Jin, yun lang. Yung nakita mong magkapatong sila? Hindi sila yun. Isang p*rnstar lang yun. Gageu yung nagpadala ng pictures nun."

"At sana Chy, bisitahin mo siya. Ikaw palagi ang bukambibig niya." Dugtong niya.

*End Of 2 months ago*


Chyjin's POV

"Diba? I'm freaking fool." Naiiyak pero natatawang sambit ko. Mababaliw na din yata ako. Karma ko na ba toh?

"Ang hilig ko kaso hindi makinig, basta kung ano lang makita ko, yun ang papaniwalaan ko. Kaya guys, wag niyo kong gayahin ha? You should listen before you could say hurtful words." Yinakap lang nila ako bale group hug kami.

"Kaloka naman love story ninyo ni Jin oppa." - Roncae.

Naghiwalay na kami sa yakapan. "Ang masasabi ko lang Chy, you should visit him. Sabi nga ni Taehyung, ikaw palagi ang hinahanap ni Jin." - Cereal.

Tumango ako at pinunasan ang luha ko sa pisngi. "Sige, pupuntahan ko muna si Jin. Mag practice lang kayo jan, babalik din ako kaagad." Tumango sila at umalis nako.

Sa parking lot ako dumaan. Magpapahatid ako sa company driver namin para madali. Medyo madilim na dito dahil may punding ilaw.

Tatawid na sana ako ng may isang mabilis na black na van ang humarang.

Hindi ito ang van ng company namin kaya tumakbo kaagad ako. Bago pa ako makalayo may nang takip sa ilong ko ng panyo. Nagpumiglas ako. Mariin ko siyang sinabutan kaya nakawala ako pero biglang may sumuntok sa sikmuraan ko ng malakas kaya sa pagkakataon na iyon, hindi ako nakalaban.


Nagdilim ang paningin ko.

_______________________________

Uh-oh~~~ Struggle is real~

Happy Ending kaya ito o Sad Ending?

Sino ang dumakip kay Chyjin?! Huhuhu~~

BLACKPINK DEBUT SINGLE BOOMBAYAH/WHISTLE ON AUGUST 8, 2016. 8PM!!! KYAAAHHH!! EMEGESSSHHH~~~ ❤ PINAKA ASTIG NA GIRLGROUP SA BUONG KPOP~~~ YGENT IS THE BEST~ NEMEN NEMEN~~

16/8/7

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top