9 - Ricardo
Ang lambot ng kamang aking hinigaan. Mas malambot pa ito sa kamang meron ang hotel kung saan natutulog sina Sam at Marco ngayon.
I'm staying in Manuel's house tonight and I'm currently inside of the guest room, lying on this soft and comfy bed. Mabuti na lang at lagi raw itong inihahanda ni Manuel para sa oras na gaya nito. Hindi raw kasi malabong mangailangan sila ng ekstrang kuwarto kung sakaling kulangin ang mga cabin sa labas.
Hindi rin naman ako sinabihan ni Manuel na doon ako sa mga cabin mag-stay. I would be surprised if he'll recommend me to stay there. Alam naman niya kung saan ako mas ligtas at kung saan siya panatag na manatili ako.
While lying alone, silence becomes a deafening sound I could hear in my ears. Nabaling ang atensiyon ko sa may bintana na nahaharangan ng metal bars sa labas.
I can see the moon outside. Tatlong araw na lang at magiging full moon na iyon. At sa ikatlong araw na parating ay magiging peligroso ang lahat para sa pack ni Manuel.
I wonder why werewolves have their own version of serial killers. Mukhang tama nga si Manuel sa lahat ng sinabi niya, hindi niya hahayaang may masaktan sa mga bisita ng camp Tirso lalong-lalo na sa mga miyembro ng angkan nila.
As I stare on the window, I saw a motion of shadow coming from below outside. Agad akong napabangon at minabuting silipin kung saan nanggaling ang aninong iyon. Mabuti nang sigurado dahil kung sakaling iyon yung lobong tinutukoy ni Manuel, siguradong hindi magiging maganda ang daloy ng mga susunod na pangyayari.
To my surprise, nasa labas na naman pala si Manuel at ipinagpatuloy niya ang pagsisibak ng kahoy. I guess he's really not the type of person who gets easily tired by doing hard chores.
O baka kaya siya nasa labas ay para masigurong ligtas ako ngayong gabi. Baka paraan lang niya iyon para bantayan ako. Kung tama man ang nasa isip ko, masaya akong may pakialam siya sa akin.
Napangiti na lang ako at hinayaan siyang gawin ang gusto niya. Sometimes, you just need to let the man do what he wants to do. Let him enjoy things they rather enjoy than things they do not.
Umupo ako sa gilid ng kama at saka huminga nang malalim. I need to get a rest. Bukas, didiretso na kami sa Wichita. At bukas, siguradong malalaman na namin ang mga sagot sa aming tanong.
Ipinikit ko ang aking mga mata bago ko hinayaan ang aking sariling humiga sa kama at magpahinga...
~~~
"Hello, ikaw yung whistleblower tungkol kay governor-"
"Ang ganda mo talaga sa personal. 'Sing ganda mo ang mama mo."
"Sa-salamat sa papuri pero gusto kong bilisan natin ang usapan na to. Maaari mo bang sabihin ang mga nalalaman mo?"
"Matagal na kitang gustong makita, sa wakas, nakita na rin kita. Sumama ka sa akin."
"Bitiwan mo ako."
"Sumama ka na."
"Ang sabi ko, bitiwan mo ako. Kung hindi ka bibitaw, sisigaw ako."
"Gusto ko yan, gusto ko yung mga palabang gaya mo, hehehe."
"U-umalis ka na."
"Sumama ka na, masaya ro'n sa pupuntahan natin, hehehe."
"Umalis ka na..."
"Sumama ka sa akin."
"Umalis ka na! Umalis ka na!"
Napabalikwas ako ng bangon at naramdaman kong pinagpapawisan ako nang malamig. Tumingin ako sa paligid at napagtanto kong nasa loob pa rin ako ng guest room ng bahay ni Manuel.
I heaved a sigh. Nakakatakot ang panaginip na yon, I was trying hard to erase that memory pero mukhang paulit-ulit din siyang babalik sa aking ala-ala. It will always remind me the first time that I had endangered my life.
Dinama ko ang mabilis na tibok ng aking puso na tila anumang oras ay baka tumalon palabas ng aking dibdib dulot ng kaba.
Sinubukan kong humiga at matulog ulit pero hindi ko na magawa. I just keep staring by the window. Madaling araw na, mukhang kailangan ko na ring bumangon, mahabang araw pa ang haharapin namin ngayon.
I checked my phone to see if I had missed calls. Fortunately, wala pa akong nare-receive. Malamang tulog at nahihimbing pa rin sina Marco sa mga oras na ito at hindi pa nila alam na wala ako sa hotel.
Lumabas ako ng kuwarto at una kong hinanap si Manuel. Una kong sinilip ang kusina pero wala siya roon, kumatok na rin ako sa kuwarto niya pero wala rin siya sa loob nito. I got no choice but to check if he's outside.
Medyo madilim pa sa labas pero yung mga sulo na kagabi pa nakasindi ay nananatili pa ring umaapoy. "Ano kayang gamit nila sa mga torch na yon?"
Nadaanan ko ang lugar kung saan nagsibak ng kahoy si Manuel kagabi. Nakita kong maayos na nakasalansan sa isang tabi ang mga nasibak niyang kahoy. "Sipag naman talaga."
Hanggang sa marating ko ang open area kung saan naglaban yung dalawang mabangis na asong lobo-sina Manuel at yung serial killer na kauri nila.
Remembering that moment at this exact spot where they rumbled made my skin crawl. I can imagine those teeth threatening each other's wit. Walang laban ang isang hamak na normal na tao laban sa kanilang dalawa.
Then I saw a light coming from the cabin where the reception area must be located. Agad akong dumiretso para silipin kung anong ginagawa ni Manuel sa loob nito.
Ilang hakbang na lang ang layo ko nang makarinig ako ng isa pang boses mula sa loob. This clearly means that Manuel is not alone inside. May kasama siyang tao sa loob.
I kept my pace as silent as possible until I reached the point where I could listen to their conversation. Sumandal ako sa pader at inilapat ko ang aking kaliwang tenga rito at pinakinggan ang mga usapan sa loob.
"...kailangang may maiwan dito lalo na at umatake kagabi ang lobo na yon. Ikaw ang tumatayong Beta sa pack natin at kailangan mo yung pangatawanan, Verm." Dinig kong si Manuel ang nagsalita.
"Naiintindihan ko ang posisyon ko, Manuel. Iniisip ko lang yung kapakanan mo, paano kung may mangyari sa inyo ro'n at kailangan niyong humingi ng tulong? Ikaw lang ang kayang maging asong lobo pero ang mga taong sasamahan mo ay mga normal na tao lang. Kung may mangyari sa'yo, wala silang magagawa para depensahan ka. Kailangan mo ako," sambit ng isang lalaki na mas bata kung pagbabasehan ang boses kumpara kay Manuel. If I am to estimate his age, he's in his early twenties.
"Kaya ko ang sarili ko. Para saan pa ang maraming taong pagsasanay kung hindi ko rin naman magagamit? Handa ako sa anumang mangyari. Bilang Alpha, kailangan kong alamin ang kinahinatnan ni Monalisa, hindi bilang kapatid, kung di bilang miyembro ng pack," narinig kong may upuang inusog. "Naiintindihan mo ba ko?"
"Naiintindihan ko ang pinupunto mo. Pero sana naman, intindihin mo rin ako. Ako ang nagsisilbing kanang kamay mo, kailangan mo ako kung sakaling may mangyaring hindi natin inaasahan. At tsaka, hindi naman sa lahat ng oras, magagamit mo ang kakayahan mo. Kailangan mo rin ng tulong ng iba," mariing sambit ni Verm kay Manuel.
Tila mataas ang pagtingin ni Verm kay Manuel para ganito na lang niya pahalagahan ang posisyon na meron ito kumpara sa kaniya. If other people who had the second in command position would receive something like this opportunity, I'm sure they'll have a thought that finally, they can dethrone the higher ranks.
But not this guy. Hindi ko pa man siya nakikita ay nakikitaan ko na siya na puwede siyang pagkatiwalaan anumang oras. You can leave a knife beside your bed and sleep peacefully without ever thinking that the person you are trusting will stab you while you're asleep.
"Ako lang ang iniisip mo? Paano ang mga miyembro ng pack? Kailangan ka nila rito habang wala ako Verm. Pinagkakatiwalaan kita dahil ikaw ang napili kong maging kanang kamay ko," Hindi nagpadaig si Manuel sa puntong gusto niyang maintindihan ng kaniyang kausap.
Sinusubukan niyang wag itong pagtaasan ng boses, nagbabakasakaling madadaan ito sa madaling usapan. I know Manuel is trying to pinpoint the danger of leaving the pack unguarded.
"Hi-hindi ko siguradong kaya kong labanan ang nilalang na yon... Kailangan kita. Ikaw ang mas malakas sa akin..." Ang boses ni Verm na kanina ay matikas pa sa boses na mayroon si Manuel ay agad na napalitan ng pangamba.
Bumagsak ang tiwala nito sa sarili, dahilan para maramdaman ko kung ano nga ba ang nasa isipan nito.
I see, Verm doesn't trust his skills to do his task that's why he's afraid that he'll might lose Manuel and he'll receive a big responsibility he's not ready to accept yet.
Hindi agad nakasagot si Manuel. Lumipas ang mahabang segundo pero wala akong narinig na anumang salita mula sa loob ng cabin.
I can feel the tension from the inside. It was heavy, almost nauseating.
Then I heard Manuel laughing bitterly. A laugh designating frustration and disappointment.
"Hindi ka handa? Hindi ka nababagay sa posisyon mo kung gano'n. Bakit ka pa naging beta kung hindi mo naman pala kayang pangatawanan yan?" I can't see what's happening but I think he's shaking his head right now. "Nakakapanghinayang ka."
Hindi nakapagsalita si Verm matapos ang mga katagang narinig niya mula kay Manuel. Hindi ko man makita ang nangyayari sa loob, nauunawaan ko kung gaano kasakit at nakakapanliit ang mga salitang binitiwan ni Manuel sa kaniya.
Pero para sa akin, tama lang ang ginawa ni Manuel. If he'll keep his words full of sugarcoating, his pack will become a savory bowl of delicacy for one rabid crazy werewolf. Fortunately, he didn't let it happen.
Truth is indeed one of the sharpest person one can wield.
"Ako pa talaga ang nakakapanghinayang? Ang gusto ko lang namang masiguro ay ang kaligtasan mo. Handa ka bang iwan sa akin ang pack na hindi ka magsisisi kung sakaling may mangyaring hindi maganda? Makakaya mo bang makita na hindi ko nadepensahan ang pack dahil mas malakas sa akin ang lobo na yon?" Hindi mataas ang tono ng pananalita ni Verm pero sa bawat bigkas niya ng mga salita, puno ito ng depensa na kaniyang binuo.
"Pero hindi puwedeng walang maiwan dito, Verm. Kung sasamahan mo ako, walang maiiwan dito at mas lalo silang malalagay sa peligro," Manuel's voice had started to falter. I know he's trying his best to decide for what's better.
They're having a major dilemma at the moment and it concerns me. Pakiramdam ko ay kami pa ang naglagay sa kanila sa mainit na usaping ito at walang magagawa si Verm para umangal.
"Ikaw ba si Angel?" I was caught off guard when someone whispered behind me.
Napalingon ako sa aking likuran at nakita ko ang isang babaeng sa tingin ko ay nasa mid-twenties na niya. May suot itong maluwag na damit na bumagay naman sa hubog ng kaniyang katawan na kung gagamit ako ng salitang nakikita ko sa internet ay 'curvy'.
Her hair is longer than mine, abot ito hanggang sa kaniyang beywang. "Pasensiya na kung nagulat kita, shhh. Sumunod ka sa akin, hayaan mong mag-usap ang dalawang lalaking yon." The woman pointed her finger on the direction of the cabin.
Tumango ako at sumunod ako sa kaniya. She then led me in the place around Camp Tirso, where the bonfire can be found. May mga upuang yari sa kahoy na nakapalibot sa nakasinding bonfire, the sound of the burning wood made a little symphony along with the soft wind blowing from south.
"Ako si Iza. Short for Isabella. Ako ang tagapangalaga ng camp Tirso. Ikinalulugod kitang makilala," Iza formally addressed herself to me, initiating me to have a handshake with her.
I gladly accepted her hand. "Angel ang pangalan ko, I'm a journalist."
"Alam ko na kung anong trabaho mo," Iza sat down on one of the chairs around us. "Hindi biro yan, di ba? Buhay ninyo ang nakasasalay sa lahat ng mga sasabihin ninyo."
I nodded slowly. Then I sat down too.
"Anong pinag-uusapan nina Manuel at nung kasama niya?" I asked her, even if I know the reason already.
Iza's eyes laid a somber look on the bonfire. "Balak ni Manuel na samahan kayo sa Wichita. At kapag sumama siya, maiiwang walang depensa rito ang pack. Alam mo na naman siguro ang tungkol sa asong lobo na umaaatake rito? Nakita mo na ito, hindi ba?" Tumingin siya sa akin.
Agad naman akong tumango. My throat tenses, making me feel hard to swallow my own saliva. "Naikuwento nga sa akin ni Manuel ang tungkol sa kaniya, at nakita ko rin nga kagabi..."
Iza shivered as if she's getting frightened of thinking about that wolf. "Mabangis ang lobo na yon. Bawat nalalapit na kabilugan ng buwan, umaatake siya at pinoprotektahan kami ni Manuel sa bawat pagkakataong iyon."
"Wait, every full moon? W-wala bang balak si Manuel na tapusin yung lobo? Parang kaya niya naman," sambit ko.
Iza shook her head. "Hindi niya kayang patayin ang lobo na yon dahil nagbabakasali siyang ang lobo na yon ang nawawala niyang bunsong kapatid na si Ricardo."
My eyes widened upon what I heard. "Nawawala ang kapatid niya? Pero..."
"Oo, namatay ang tatay ni Manuel dahil sa pagkawala ni Ricardo. Nagkasakit ito na siyang dating tumatayong Alpha ng pack. Hindi siya makakain, walang ganang mabuhay sa bawat araw na lumipas. Hanggang sa isang araw, natagpuan na lang naming walang buhay ang ama ni Manuel, isinaksak nito ang nag-iisang kutsilyo na yari sa silver na meron sila, sa kaniyang dibdib. Nag-iwan siya ng mensahe na si Manuel ang gusto niyang pumalit sa kaniya, at hanapin niya si Ricardo, anuman ang mangyari," pagkukuwento ni Iza sa akin habang nakatitig siya sa naglalagablab na apoy sa bonfire.
Now I know why Manuel didn't answer my question about his father before, directly. Nagpakamatay pala ito dulot ng lungkot sa nangyari sa kaniyang anak. And Manuel has been left no other choice but to do what his father wants him to do.
To become the new Alpha of their pack, to serve their community, with his might and determination to find his brother as well.
Napahalukipkip ako ng aking mga kamay. I felt pity of Manuel. Dalawang kapatid niya na ang nawawala, hindi ko tuloy alam kung ano ba ang dapat kong maging reaksiyon sa nangayari.
I mean, how am I going to judge people? Hindi ko pa kilala si Ricardo at si Monalisa, pero si Manuel, alam kong handa siyang magbuwis ng buhay, maprotektahan lang ang lahat ng umaasa sa kaniya...
"Si Ricardo, kailan siya nawala? Tsaka bakit iniisip ni Manuel na baka si Ricardo yon?" sunod kong tanong sa kaniya.
"Bata pa lang si Ricardo nang mawala siya. Hindi namin alam kung saan siya nagpunta nang gabing iyon, isang posibilidad na iniisip namin ay baka may dumakip sa kaniya. Pero hanggang ngayon, wala kaming ideya kung anong nangyari sa kaniya. Hanggang sa doon na umatake ang nagwawalang asong-lobo na iyon tuwing gabi, parang... parang nasanay itong maghanap ng makakain sa gabi at kaming mga nakatira rito sa Mt. Tirso ang siyang naging target niya. At heto si Manuel, inisip na baka si Ricardo iyon, na baka lumaki ito sa kagubatan at walang kakayahang kontrolin ang dugo nito bilang isang taong-lobo. Kaya hindi niya magawa-gawang patayin ito sa bawat pagkakataong bumabalik ang asong-lobo na yon.." Iza kept staring on the bonfire as she whispered her final words.
"Dahil umaasa siyang sa likod ng mga mababangis nitong mga mata at matatalas nitong mga ngipin. Ang nakababata niyang kapatid ang kaniyang kaharap."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top