6 - Rabid
"Anong hindi sila nawawala?" Laking pagtataka sa mukha ni Manuel nang marinig niya ang mahinang pagbulong ko. "Hindi kita maintindihan, bakit maghahanap ng mga nawawalang tao ang kapatid ko kung hindi naman sila nawawala sa umpisa pa lang?"
I looked around Monalisa's room, wala akong nakitang ibang leads tungkol sa mga pangalan ng mga reporters na nawawala. As if she just wrote their names as list of missing person. Nakapagdududa lang talaga na ito ang natagpuan kong mga pangalan sa listahan.
"Wait lang Manuel, I need to clarify this. Tatawagan ko si Sam." Kaagad akong nagtungo sa pintuan pero bago ako tuluyang lumabas ay nag-iwan muna ako ng maaaring gawin ni Manuel dito sa loob ng kuwarto ng kapatid niya. "Manuel, puwede bang hanapin mo kung may naiwang numero ni Margot si Monalisa rito? Kailangan natin ng number na yon para matawagan natin yung taong nakakausap niya."
Sa una'y nagdadalawang-isip pa si Manuel. Ngunit sa huli ay tumango na lang din siya. "Sige, maghahanap ako."
I nodded as I closed the door behind me. Agad akong nagtungo sa veranda na may pagmamadali sa aking paglalakad at sa bawat yabag ng aking mga paa ay ramdam kong lumalamig na ang simoy ng hangin na pumapasok mula sa mga bintana.
I reached the veranda in no time and I found myself looking outside. Mula rito ay kitang-kita ko ang kabuuan ng Camp Tirso. The cabins, the activity areas, and even the small shack where we had been before is still there, there's even a faint hint of light coming from the window of that shack. Mukhang ligtas naman sina Marco roon habang nandito kaming dalawa ni Manuel sa loob ng bahay niya.
Bumuntong-hininga muna ako bago ko inilabas ang aking cellphone. Agad kong dinial ang numero ni Samantha at wala pang dalawang ring ay agad siyang sumagot sa tawag ko.
'Tatawag na ba kami ng pulis? Is he hurting you? Ano Angel?' Samantha's voice is full of concern.
Napangiti ako sa pambungad na sagot niya sa tawag ko. "No no no, there's no reason to be alarmed at all, I'm safe. No need to call the police. Anyway, Sam, I need to know what you have about the missing reporters. May nahanap ka na bang impormasyon tungkol sa kanila?"
I was hoping na sana walang nawawalang mga reporters. But at the same time, iniisip ko na sana meron dahil kung wala, walang silbi ang pagkamatay ni Monalisa. Because she's searching for a missing person whose not even missing at the first place! It's just an absurd fact that whoever Margot is, may kakaibang bagay sa kaniya na kailangan naming malaman.
If Margot really has an ulterior motive, anong binabalak niya? Looking to every side of this case, si Margot ang masasabi kong nasa puno't-dulo ng lahat ng ito.
Margot called Monalisa to give her a tip about the missing reporters who went to Wichita for an unknown reason for me at the moment. Ngayon naman, ako naman ang nakatanggap ng tawag mula sa hindi ko pa kilalang informant tungkol naman sa pagkakatagpo nila ng bangkay ni Monalisa.
Unti-unti ko nang napagtatagpi-tagpi ang mga pangyayari. Pero kulang pa ang lahat ng ito para masagot ang lahat ng katanungan ko.
Ilang segundong hindi nakasagot si Samantha. "Sam? Are you still there?" I asked her.
'Pasensiya na Angel, may naramdaman kasi kaming parang may nakatingin sa amin. Heto na, sasabihin ko na yung na-research ko,' I heard her typing on her laptop's keyboard and at the same time, a door opening. 'Ayon dito, walang nawawalang mga reporters or journalists man lang.'
Napatango ako. "Puwede mo bang i-check ang latest activity nina Taylor Enrique, Katy Eusebio, Megan Cervantes at Martha Madrigal, nakita ko kasi rito sa mga research ni Angel na sila yung mga nawawalang reporters na iniimbestigahan niya."
'Sandali...'
Habang nagse-search si Samantha, minabuti kong tignan ang shack kung nasaan sila mula rito sa veranda. Medyo malayo iyon kaya hindi ko maaninag kung may tao o hayop man na umaaligid sa madilim na bahagi ng kakahuyan sa paligid nila.
I'm just worried about what Sam had told me. May nararamdaman daw silang nakatingin sa kanila pero wala naman akong nakikitang kakaiba mula rito. Hindi kaya may mga lobong nasa paligid nila ngayon?
I was about to go back to Monalisa's room to tell Manuel about this but Sam came back on the line. 'Weird, they're not publishing any articles since the last three weeks. Pero kung itatanong mo kung nawawala sila? Hindi naman sila nawawala.'
"Thanks for the information. Malaking tulong na 'to. Anyway, what's happening there? Ba't di ko marinig si Marco?" I asked her.
'Nasa labas si Marco, he's checking kung may tao ba sa labas. Dala niya yung palakol ni Manuel, just in case,' nakita kong lumabas ng pintuan si Samantha, she's looking around the area, trying to find Marco. 'Weird, hindi ko siya makita.'
Nang bigkasin niya iyon ay may nakita akong anino na papalapit sa kaniyang kinatatayuan. "Sam! Bumalik ka sa loob!"
'Wait, what-'
"Basta bumalik ka na!" Hindi na ako nagdalawang-isip na lakasan ang boses ko.
Hindi na rin ako nagulat nang marinig kong padabog na bumukas ang pintuan mula sa kuwarto ni Monalisa at dali-daling lumapit sa akin si Manuel. At the same time, nakita kong pumasok na si Samantha sa loob ng hiking equipment shack nang mag-isa.
"Anong nangyari?" tanong ni Manuel sa akin.
Agad kong itinuro ang direksiyon ng aninong nakita ko kanina na umaaligid kay Samantha. "May nararamdamang kakaiba yung mga kasama ko. Tapos may nakita akong anino na nakamatyag kay Samantha," sagot ko sa tanong ni Manuel.
Nakita kong napatiim-bagang siya. "Dito ka lang. Ako na ang bahala sa mga kasama mo. I-lock mo ang mga pintuan, at wag kang lalabas. Maliwanag?" Tiningnan niya ako sa aking mga mata at kitang-kita ko mula roon na seryoso siya sa bawat salitang kaniyang sinambit. "Higit sa lahat, wag kang tatawag ng mga pulis."
Wala akong nagawa kung di ang tumango na lang. "Si-sige..."
Biglang tumakbo pababa ng hagdan si Manuel, sa bilis niya ay hindi ko na siya naabutang nakalabas na pala siya sa pintuan. Agad ko namang sinunod ang sinabi niya, pagkalabas niya ay ini-lock ko ang pinto pati na rin ang mga bintana.
Bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. I feel like there's something wrong is happening and it's really serious to the point na kailangan kong isara ang lahat ng puwedeng pasukan sa bahay ni Manuel.
Maya-maya lang ay nakarinig ako ng napakalakas na alulong ng isang asong lobo. Hindi kaya...
Dali-dali akong nagtungo sa ikalawang palapag, at tumingin ako mula sa veranda. Laking gulat ko nang makakita ako ng dalawang naglalakihang mga lobo na parang dalawang manok na handang magsabong anumang oras.
Isang asong lobo na kulay kayumanggi ang balahibo katapat ng kulay abo ang balahibo na asong lobo.
They're looking at each other with those fangs showing from their grinning mouth. Hindi ko man sila makita nang malapitan, alam kong malalakas silang mga nilalang.
Nasaan na si Manuel, a-ayos lang kaya siya? Ito ba yung mga lobong tinutukoy niya? Kasi kung ito nga ang mga hayop na yon, siguradong nasa peligro silang lahat!
Tatawag ako ng mga pulis.
'Higit sa lahat, wag kang tatawag ng mga pulis.'
Biglang pumasok sa isipan ko ang mga salitang sinabi ni Manuel. Anong ibig niyang sabihin? Ba't hindi ako puwedeng tumawag ng mga pulis?
Nope, I'll call them. I need to tell them what's happening!
Dinial ko ang emergency number. Agad din namang may tumugon sa tawag ko. '117 what's your emergency?'
Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang cellphone. "May dalawang malalaking lobong nag-aaway dito. Sa camp Tirso."
'The police are coming in. May gusto pa po ba kayong idagdag?'
I was about to add more details pero minabuti kong putulin na ang tawag. Kampante na akong may paparating na mga pulis dito kaya nagpokus na lang ako sa kaganapan sa labas.
Nakita kong nagsimulang magbalyahan ang dalawang naglalakihang asong lobo. Hanggang sa tuluyan nilang atakihin ang isa't-isa. One of them stumbled on the ground while the wolf atop of it starts chomping its teeth midair.
Hindi ako makahinga sa tindi ng kaganapan sa ibaba. Maging ang hangin ay tumigil sa pag-ihip. It's like the wind is carefully watching the brawl of the wild.
I found myself dialing Samantha's number. A moment later, I heard Sam's bewildered voice, crying for help. 'A-anong mga nilalang yung nasa labas, natatakot ako Angel.'
"Shhh, shhh, tumahimik ka lang. I called the police already, anumang oras, parating na sila. Si Marco? Nakabalik ba?" I asked her.
'Hi-hindi pa, mula nung lumabas siya kanina hindi pa rin siya bumabalik,' kabadong sambit ni Samantha.
Ano na kayang nangyari kay Marco. Sana naman walang masamang nangyari sa kaniya, if something bad happens to him, hindi ko yon matatanggap. I don't want any one of my colleagues be in danger.
"Pasensiya na Sam kung nangyari to, just stay calm, please, stay calm-"
'It's not your fault Angel. Hi-hindi mo to kasalanan. May tiwala naman ako kay Marco-he has an axe!' Napalakas ang pagsasalita niya nang may lumagabog sa pader malapit sa kaniya dahilan para magulat siya.
Nakita kong inihagis nung isang lobo yung isa pang lobo nang napakalakas kaya ito humampas sa pader ng shack kung nasaan si Samantha ngayon. The wolf slowly tried to regain its stance, its eyes are looking sharply on its opponent.
But in a quick second, the other wolf lunges at it, biting the wounded wolf on its back. The weakened wolf howled in pain as it tried its best to escape the attack of the wolf with the upper hand.
Kakagatin na sana ng malakas na lobo ang hinang-hinang lobo na nasa harapan nito nang makarinig kami ng sunod-sunod na malalakas na alingawngaw ng sirena ng mga pulis.
The wolves looked at the same time on its direction before it scattered away, running fast like how the wind blows along the leaves of the trees.
Nang makarating na ang mga sasakyan ng pulis sa bukana ng Camp Tirso, wala na ang dalawang lobo na nag-away sa harapan ng hiking equipment shack.
Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa wakas ay ligtas na kaming lahat...
Nakarinig ako ng katok sa ibaba dahilan para mabilis akong naglakad para pagbuksan ang taong nasa labas. Baka si Manuel na iyon.
Nang buksan ko ang pinto ay nakita ko ang hubad na katawan ni Manuel. Bakas sa kaniyang balat ang mga galos na hindi ko mawari kung saan niya natamo. Tinakpan niya gamit ang kaniyang mga kamay ang maselang bahagi ng kaniyang katawan na hindi naman nito tagumpay na buong matakpan sapagkat sumilip sa pagitan ng kaniyang mga daliri ang ari nito.
"Sinabihan kitang wag kang tatawag ng mga pulis pero bakit hindi mo ako sinunod?!" Galit niyang tanong sa akin at agad niya akong nilagpasan, nabunggo niya pa nga ako ngunit walang lingon-likod siyang dumiretso.
Umakyat siya pataas ng hagdan.
"Ginawa ko lang ang tama, ano bang mga nilalang yung mga yon? At-at bakit ka nakahubad?!" tanong ko sa kaniya, balak ko na sanang lumabas para puntahan sina Samantha pero natigilan ako sa sagot ni Manuel.
"Hindi pa ba malinaw sa'yo kung anong nakita mo? Umalis ako, nagkaroon ng asong lobo sa labas, hindi mo ba mapagdugtong-dugtong ang mga pangyayari?" Tumigil sa paglalakad si Manuel sa itaas ng hagdanan. "Ako ang taong lobo na nakalaban ng asong lobo na iyon. At kung hindi ka lang sana tumawag ng pulis, nahuli ko na sana ang uhaw sa dugo at hayok sa laman ng tao na kalahi namin!"
The moment he's done saying those words to me, he immediately left the area. Sunod ko na lang na narinig ang padabog na pagsara ng pinto, senyales na nasa loob na ng kaniyang silid si Manuel.
Ta-taong lobo...
Isa siyang werewolf?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top