5 - Boarded Window

Walang bakas ng iba pang tao dito sa Camp Tirso bukod sa presensiya naming apat. Ako, sina Samantha, at si Manuel.

Tanging si Manuel lang ang naabutan namin dito, at mula nang dumating kami rito, ni isang staff or crew ng camp Tirso ay wala pa kaming nakikita. If not because of Manuel, we would not see anyone else to answer our questions.

"Nasaan na yung ibang mga tao rito? Ikaw lang ba mag-isa rito ngayon?" tanong ko kay Manuel.

Kasalukuyan pa rin kaming naglalakad sa malawak na field nitong kampo nila. Lumalabas na malaki pa pala ito kaysa sa nakikita ng iyong mga mata mula sa labas.

Hindi siya lumingon. "Walang pasok ang mga staff ngayon, ako lang ang tao rito."

Tumango ako. Maya-maya lang, nakatanggap na naman ako ng text mula kay Samantha. 'Naiwan niya yung palakol niya rito.'

Oo nga no, hindi ko napansin na wala siyang dalang palakol. I replied back to Samantha that this is a good sign na wala talagang planong masama itong si Manuel. Then I immediately received a text from Marco saying that maybe Manuel has a different plan for me. Hindi na ako nag-reply.

"Pansin ko lang, natatakot yata ang mga kasama mo sa akin?" tanong bigla ni Manuel sa akin. He glanced back at me and I saw his eyes glinted when the moonlight came upon its view.

I sigh. "To be honest, medyo nag-iingat lang sila. Isang beses kasi muntik nang mapahamak ang buhay ko dahil sa trabaho ko. Pero dahil nandiyan sila, wala namang nangyaring masama sa akin," napangiti ako nang maalala ko kung paano hinarang ni Marco ang stalker ko na gusto sanang tumakas palabas ng pintuan ng fastfood chain kung saan kami nagkita ng stalker kong iyon.

Medyo nakakamangha nga dahil kahit medyo may katabaan si Marco, nagawa niyang gawin 'yon. He has fast reflexes compared to me and Samantha.

"Bakit napangiti ka?" he asked me.

"Naalala ko lang ang mga kasama ko, sina Samantha at Marco. Sila kasi yung laging nandiyan para sa akin, kahit magkatrabaho kami, parang matagal na kaming magkakaibigan," I honestly said it to him.

"Ang suwerte mo dahil may mga kaibigan kang kagaya nila. Samantalang ang kapatid ko, kahit katrabaho wala siya," aniya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Si Monalisa ay isang independent writer. Natural sa kaniya ang magtrabaho nang mag-isa, ayaw niyang dumepende sa ibang tao. Wala siyang kasama noong pumunta siya sa Wichita. Nakalulungkot isipin na dahil sa pagiging suwail niya, nagdulot ito ng kaniyang pagkasawi." Ngayon, napatunayan ko na nalulungkot siya.

He's frustrated of his sister's rebellion. Nakakaawa din naman ang kalagayan ni Monalisa, dahil sa ginawa niya, itinakwil siya ng mga magulang niya.

She is also working alone by herself? That's quite hard to be honest. She's surviving alone, trying to live like a hermit. I still believe no man is an island but I highly expect that Monalisa is not just a normal woman.

"Kung hindi mo mamasamain. Puwede ko bang malaman kung ano ang ginawa ni Monalisa para magalit ang mga magulang mo sa kaniya?" I asked him. "Hindi naman kasi normal na itakwil ng isang ama ang kaniyang anak sa isang mababaw na dahilan. Don't take this wrong okay, I'm just curious to find out the reason why."

Tumigil si Manuel sa paglalakad dahilan para mapahinto rin ako. He was not moving as if he was suddenly entranced of thinking deeply.

Ilang segundo ang lumipas at narinig ko siyang bumuntong-hininga ngunit hindi sumagot si Manuel sa huli.

Tinalikuran niya ako at agad na naglakad. I decided not to push that question again. Baka magalit siya nang tuluyan at mawalan na ako ng tsansang malaman ang kasagutan sa mas marami pang tanong na gusto kong itanong sa kaniya.

Tahimik na lang akong sumunod sa kaniya, nagbabakasakaling bigla na lang siyang magsalita at magkuwento tungkol sa nangyari sa nakaraan ng kanilang pamilya.

~~~

Napatingin ako sa relos ko, magse-seven na bago namin narating ang bahay ni Manuel. Nasa dulo kasi ng camp matatagpuan ang bahay niya.

Hindi niya pa rin ako kinakausap mula nang hindi niya ako sagutin kanina kaya hindi ko pa naitatanong kung bakit nasa dulo ang bahay niya, kung saan malapit ito sa kakahuyan, kung saan din matatagpuan ang maraming mga mababangis na hayop gaya ng mga lobong tinutukoy niyang pagala-gala kanina. It's just a poor choice for me to place a house beside a dangerous area.

Mula sa labas, mapapansin kaagad kung gaano kalaki ang bahay niya. May dalawa itong palapag at sa ikalawang palapag naman ay may veranda pa sila. There's a patio just below the veranda, kung saan kitang-kita ang kabuuan ng camp Tirso mula rito.

May mga torch pa rin sa paligid at ang bawat isa sa kanila ay nakasindi pa rin. Kahit anong lakas ng ihip ng hangin ay hindi nito matinag-tinag ang alab nito.

Nakarinig ako ng tunog ng lumangitngit na pintuan at nakita kong nauna nang pumasok si Manuel sa loob ng bahay niya. I just stood there, outside, below the wooden stairs in front of the door, waiting for him to acknowledge me. Umihip ang malamig na simoy ng hangin dahilan para ginawin ako at mapayakap sa aking magkabilang braso.

Sana buksan niya na ang pinto, I couldn't stand the coldness outside. Wala akong suot na jacket. Naku, baka sipunin ako nito kapag nagkataon.

"Ano pang hinihintay mo diyan?" Bumukas ang pintuan, naghihintay sa akin sa bukana ng pinto si Manuel. "Pumasok ka na at baka atakihin ka pa ng mga pagala-galang mga lobo sa paligid."

"Salamat," agad naman akong pumanhik sa loob. Pagkapasok ko pa lang sa pintuan ay agad ko nang naramdaman ang kakaibang init sa loob nito.

Isinara ni Manuel ang pintuan. "Pasensiya na kanina. Masyado na kasing personal ang tanong mo kaya hindi ko na sinagot. Anuman ang meron si Monalisa noon ay walang kinalaman sa sitwasyon niya ngayon. Sana ay maintindihan mo."

Napayuko ako sa kaunting hiya na naramdaman ko. "Pasensiya na, hindi ko lang talaga maiwasang magtanong."

"Sige." He walked away, on his way to the kitchen.

Naiwan akong mag-isa sa salas ng bahay niya. Bumati sa akin ang mga kasangkapang meron sila rito, karamihan ay yari sa kahoy at ang ilan naman ay gawa sa purong semento. Kagaya ng TV stand nila rito, it's standing on a concrete television stand with some intricate design on its length.

Habang ang mga bintana naman ay nahaharangan ng kurtinang kulay kayumanggi. It seems like the whole house has a lot of color brown, designating a feeling of nature in this place. Medyo cool siya sa paningin at warm naman sa pakiramdam.

Habang wala si Manuel, minabuti kong lapitan ang mga litratong nakasabit sa mga pader. I looked on some of the photos and in one of them, I found him sitting beside his family. I wonder if Monalisa is sitting along with them, but there's no sign of any teenage girl there. Medyo luma na yung litrato at binata pa si Manuel dito. Base sa litrato, tatlo silang magkakapatid, si Manuel ang panganay at may posibilidad na si Monalisa ang pangalawa dahil ang lalaking kasama ni Manuel dito sa litrato ay limang taong gulang pa yata ang edad.

I noticed the difference of his face here from his current facial features. Mas matikas ang kaniyang tindig ngayon kumpara noon. Maging ang buhok niya na medyo mahaba pa noon ay nabawasan na rin ngayon. He really changed the way of his style. He looked manly than before.

Nagmana siya sa kaniyang ama kung ipagkukumpara ang kanilang mga mata. They're quite pale shade of grey. Samantalang sa ina niya naman namana ang kaniyang ilong na sintangos ng mga pangkaraniwang spanish na nakikita ko sa telebisyon. Posibleng may lahi sila mula sa ibang angkan, I doubt they're part hispanic.

"Uminom ka muna ng tubig," lumabas mula sa kusina si Manuel habang dala-dala ang isang baso ng malamig na tubig. Lumapit siya sa akin at iniabot ito.

"Salamat," sambit ko. Muli akong napatingin sa mga litrato. "Tinitignan ko lang 'tong mga litrato ninyo ng pamilya mo. Napansin ko rin na walang babae rito bukod sa mama mo. Hindi ko tuloy alam kung anong itsura ni Monalisa."

"Wala kang makikitang litrato ni Monalisa na kasama sina mama. Ayaw niya at ayaw din nina mama na magpakuha ng litrato na magkasama sila. Ganiyan ka-suwail si Monalisa, laging siya ang masusunod sa gusto niya kaya hindi na ako nagulat na inayawan siya nina papa," sabi ni Manuel.

Sandali akong natahimik, tumingin naman ako sa iba pang litrato na nasa palibot nito. Walang bago, lahat sila ay puro noong panahong binata pa ang itsura ni Manuel. I wonder why they stopped framing more pictures. Ang ganda kasi nilang pagmasdan kung tutuusin.

"Gusto mong makita si Monalisa?"

Tumango ako. "Gusto ko siyang makita."

"Kung 'yan ang gusto mo. Sundan mo ako." Nagsimulang maglakad si Manuel patungo sa malapit na hagdanan. Gaya ng karamihan, ang hagdanan ay yari sa kahoy na nilagyan ng pampatibay para hindi lumangitngit sa tuwing inaapakan ang mga baitang nito.

Ilang segundo lang ay nasa ikalawang palapag na si Manuel. Dahan-dahan lang akong naglakad sa hagdan, iniingatang 'wag makasira. Alam kong hindi naman madaling masira ang hagdan na ito pero wala namang masama kung mag-iingat ako.

Sa ikalawang palapag ay mayroon silang limang kuwarto. May dalawang pinto ang magkatapat sa bandang kanluran habang may dalawang kuwarto rin ang magkatapat sa silangan. Ang pinagkaiba lang ng magkabilang dulo nito ay yung isa, papunta sa veranda habang isa pang kuwarto ang matatagpuan sa parteng nakaharap na sa likuran ng bahay. This house is really a big piece of gem.

Naabutan kong nakatayo si Manuel sa tapat ng pintuan sa dulo habang nakatingin sa akin. "Dito nagtatrabaho mag-isa si Monalisa, ang kuwarto niya." Binuksan niya ang pinto.

Sinundan ko si Manuel sa loob. Nakapatay ang ilaw rito kaya nang pindutin ni Manuel ang switch ay kaagad na nagkalat ang liwanag sa paligid. That's the time that my eyes had witness a rigorous work of art that Monalisa has been doing in her life.

Hinarangan niya ng mga wooden plank ang kaniyang bintana. She nailed it there and replaced it with a pin-up board she had made. Doon niya inilagay ang sinabi ni Manuel sa akin na tila sapot ng gagamba kung ituturing. There's a lot of documents to be found around her room, may mga papeles na maayos na magkakapatong sa isang maliit na mesa sa isang tabi. Ang higaan naman niya ay may nagkalat namang mga libro kung saan ang iba ay may nakaipit pang mga bookmark.

The smell of papers lingered so free around her room. Somehow, as a book lover, it didn't make me feel unusual. Wala siyang bookshelf dito kaya pinagpatong-patong na lang niya ang mga librong meron siya sa sahig bukod pa sa mga librong nakakalat sa ibabaw ng kama niya.

Makalat mang tingnan ang kuwarto ni Monalisa, masasabi ko naman na talagang ibinigay niya ang lahat ng makakaya niya para makakalap ng impormasyon. She did a lot of research by reading a handful amount of books as her reference. And as I look around for the final time, napansin kong wala siyang anumang litrato ng sarili niya rito. Hindi ko pa man siya nakikita, malalaman mo agad sa isang tao na hindi siya ang nasa litrato base sa kung anong makikita mo sa kuwarto niya.

Nilapitan ko ang lamesa kung saan sa tingin ko ay nagtatrabaho si Monalisa. Gawa ito sa lumang kahoy at may bahid ito ng kaunting guri ng tinta na may iba't-ibang kulay. Posibleng dito sinusubukan ni Monalisa kung gumagana pa ang mga ballpen na naihuhulog niya sa sahig.

I can even tell how used her table is. Kitang-kita ang ilang gasgas sa tabi habang may mga nakapatong naman na mga papeles sa ibabaw nito. Kung gaano kakalat ang kuwarto niya ay ganito naman kaayos ang pagkakasalansan niya sa mga papel dito.

As if it's okay for her to look messy but she'll never let her work to become unclean. That's why she's doing her best to keep it like that. Compiling it in a neat pile, paper after paper, like a librarian arranging some books on their corresponding shelves.

Lumapit sa tabi ko si Manuel. Yumuko siya upang buksan ang pinakaibabang drawer sa ilalim ng mesa. Nang hugutin niya ito palabas ay saka tumambad sa akin ang isang nakasarang photo album. Based on its physical features, mukhang matagal na itong nakatabi ro'n dahil nagkaroon na ng alikabok sa cover nito.

"Ito ang photo album na pagmamay-ari niya. Matagal niya na itong itinabi at sa itsura nito ngayon... Parang wala na siyang balak pang buksan 'to," sambit ni Manuel habang nakatitig siya sa cover ng photo album. May disenyo itong mga bulaklak na dahil sa kalumaan ay kumupas na rin ang matingkad nitong kulay.

"Is she introverted?"

May pagtatakang tumingin siya sa akin. "Anong ibig mong sabihin?"

"Introverted. Mas pinipili nilang mag-isa imbes na makisama sa iba. Loner," ani ko.

Manuel stopped moving for a moment as if he's pondering about the answer. After some few seconds, he nodded slowly. "Oo, mukhang gano'n nga. Wala pa akong nakikitang naging kaibigan niya. Nakakaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa."

Napatango ako. Monalisa is quite an independent woman. Kung katulad lamang sana niya ang lahat ng babae sa mundo puwera lang sa part ng pagiging mapag-isa, siguradong malaki ang ikauunlad ng bansa. But because we are in a reality that was bended unfairly, mukhang hindi mangyayari ang inaasahan kong mangyari.

Sunod naman akong lumapit sa ginawang spiderweb of leads ni Monalisa. Gaya ng sapot ng gagamba, may isang bagay akong natagpuan sa mismong gitna nito. Isang mapa. Mapa ng Wichita base sa sulat kamay na nasa ibabang bahagi nito.

I looked carefully on its details. I even squinted my eyes just to read the smallest words I could  even find in the map. Top view kasi ito ng Wichita na mukhang kuha mula sa GPS. On the map, there's a lot of numbers scrawled on its surface. Numbers that I couldn't understand what it means.

"Matagal na ba niyang ginagawa 'to?" tanong ko habang nakatitig sa kabuuan nitong mapa.

"Matagal-tagal na rin. Ilang linggo bago siya umalis."

I traced the numbers by following the black thread Monalisa has prepared to connect this with the other things on the spiderweb of leads. One of them leads me into a photograph of a woman in her late thirties, she's smiling enigmatically trough the lens of the camera as if she's trying to provoke the one who would see her photograph.

Under the picture, a name was written in cursive letters: Lara Sullivan.

Familiar ang pangalang ito at naalala kong siya ang kasalukuyang mayor sa bayan ng Wichita. Pero bakit kasama siya sa mga taong sangkot sa pagkawala ng mga reporter?

Then I scanned the other following photos of the women labeled as missing. Each of them are starting to get oddly familiar for me as long as i stare on them. Taylor Enrique, Katy Eusebio, Megan Cervantes, Martha Madrigal...

Napatingin ako kay Manuel. "Kilala ko ang mga taong 'to..."

"Talaga?" Tumingin siya sa mga litrato ng babaeng nasa spiderweb. "Mga katrabaho mo ba sila?"

Umiling ako. "Hindi. Pero nababasa ko sa diyaryo ang mga pangalan nila."

"Alam ba ng mga kinauukulan na nawawala sila?"

"H–hindi..."

"Pero dapat alam na nila na nawawala ang mga babaeng 'to. Linggo na ang lumipas pero wala pa ring kumikilos sa kanila?"

That's weird. Kung ang mga reporter na 'to ang nawawala... pano'ng...

"Iyon na nga, may mali rito. Kasi ang mga babaeng reporter na 'to..."

Tinitigan ko ang mga litrato.

Napabulong na lang ako. "Hindi sila nawawala..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top