4 - Rebel
"Anong ibig mong sabihin na patay na ang nakababata kong kapatid?" Umiling ang lalaking hindi pa sa amin nagpapakilala. "At saan ni'yo naman nakuha ang balitang 'yan?" There's a hint of sadness in his voice, and an evident bit of anger.
Ako muli ang nagsalita. "Isa akong journalist. Ang pangalan ko ay Angel Ferguson, nagtatrabaho ako sa channel 9, at nangangalap ako ng impormasyon tungkol sa pagkamatay ng iyong kapatid."
"Wala akong pakialam kung sino ka at kung ano ang trabaho mo. Sagutin mo ang tanong ko, saan ni'yo nalaman ang balitang 'yan?" Seryosong sambit niya na bahagya namang ikinagulat naming tatlo nina Samantha.
We do understand where this guy is coming from. Kahit sinuman ang makarinig ng balita na pumanaw na ang isa sa mahal nila sa buhay ay siguradong ganito rin ang magiging reaksiyon. Given the fact that the news was delivered to him by a group of complete strangers.
Tuluyan na ring lumubog ang araw at tanging ang mga sulo na nakatayo sa haligi ng Tirso ang siyang nagsisilbing ilaw namin. It added a cold feeling, and mysterious vibes for me and my colleagues.
Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Dahil maging ako ay hindi alam kung sino ang taong nagbigay ng tip sa akin. All I know about my tipper is he is a man (because of his voice and I'm sure it wasn't modified by any gadgets) and he lives in Wichita. Based on his voice, I can say he's in early thirties, rough, and has a sign of maturity. Masasabi ko rin na mukhang sinusubaybayan niya ang mga isinusulat ko dahil tinawag niya akong 'Adler' na madalas kong iniiwan sa dulo ng mga articles ko.
Umiling ako. "Hindi ko kilala yung source ko, pero nakatira siya sa Wichita-"
Biglang tumingin sa kakahuyan ang lalaki bago niyang marahas na hinablot ang kaniyang palakol. Aktong sasalagin ko sana ito dahil parang aatakihin niya ako ngunit ipinatong lang niya ito sa kaniyang kanang balikat kagaya noong makita namin siya kanina.
"Sumunod kayo sa akin. Maraming lobo ang pagala-gala rito," wika niya bago niya pinangunahan ang paglalakad,nakatitig pa rin siya sa madilim na parte ng masukal na kabundukan.
Naunang maglakad ang lalaki sa amin papasok sa Camp Tirso at naiwan namin kaming tatlo nina Sam sa labas.
Sandali kaming nagkatinginan nina Samantha.
"Kinakabahan ako sa lalaking 'yon. Alis na kaya tayo? Baka ma-wrong turn tayo rito o," kabadong sambit ni Marco na nakatingin lang sa likuran ng bruskong lalaking ilang metro na ang layo sa amin.
Bigla siyang binatukan ni Samantha. "Ayan napapala mo kanunuod ng slasher films e," then she looked at me. "Ano Angel? Are we still going with him?"
Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. I'm still considering the choices we have here. Now it's confirmed that Monalisa lives here and his brother clarified it, we can continue moving on Wichita. Pero hindi naman namin puwedeng ipagsawalang-bahala lang ito, we need to squeeze some information from Monalisa's family.
"Angel?"
Biglang may umalulong na lobo mula sa direksiyon ng kagubatan. "I think we should follow him. Bilisan na natin."
"Oookay," sambit ni Samantha sabay kapit sa braso ko. "Looks like he's telling the truth about wolves." Tumingin pa siya sa mga puno sa paligid namin.
"May mga asong lobo ba talaga sa Pilipinas?" usal pa ni Marco na palinga-linga pa para hanapin ang pinanggalingan ng mga tunog na aming narinig.
Hindi na kami nagsalita pa ni Samantha. Sumunod na lang kami doon sa lalaki, papasok sa loob ng Tirso camp.
~~~
Tahimik ang buong paligid. May isang hindi gaanong kalakihang bahay kaming natunghayan, na sa tingin ko ay umaaktong reception area nila para sa mga guest, ang siyang una naming nadaanan. Nakasindi ang ilaw mula sa loob na makikita naman mula sa mga bintana.
Bukod do'n ay may isang mahabang linya ng mga kuwarto sa tapat nito, na sa tingin ko naman ay para sa unit na puwedeng pagtigilan ng sinumang guest dito kung sakaling gusto nilang mag-stay overnight. Binilang ko kung ilang unit ang nandito at ang nabilang ko ay siyam.
At sa siyam na 'yon, walang bintana ang nagbigay ng senyales na may tao sa loob. Lahat kasi ng ilaw sa bawat unit na nadaanan namin ay hindi nakasindi. At sa tingin ko, kaming tatlo lang nina Samantha ang magiging bisita nila rito ngayong gabi.
"Saan ni'yo gusto?" mahinang bulong ko kina Samantha habang naglalakad kami, itinuro ko ang mga units gamit ang kaliwang kamay ko. "Baka dito na muna tayo magpagabi."
Sabay na nilingon nina Samantha at Marco ang mga kuwarto.
"Sa room number eight tayo?" sabi ni Samantha. "It looks comfy there."
"Sa unang kuwarto, para kapag nagkandaloko-loko na, mabilis lang makalayas dito-aray ko naman," sambit ni Marco. Kinurot pa siya ni Samantha sa tagiliran dahil baka marinig kami nung lalaki.
May hawak pa namang palakol yung tao at gaya ng sinabi ni Marco kanina, he has the vibes of a killer. The way he stood sends me a clear message that he's well fitted. Kaya niya kaming habulin sa pamamagitan ng kaniyang mahabang binti habang ang kaniyang mga braso naman ay kaya kaming hulihin sa haba rin ng kaniyang bisig.
Idagdag pa ang malaki nitong braso na nagpapakita na malakas siyang tao. Kahit anong gawin namin nina Marco, wala kaming laban sa kaniya. Isa pa, hindi namin alam ang pangalan niya. Address lang kasi ng Camp Tirso ang nasa ID ni Monalisa.
Wala nang ibang impormasyon tungkol sa pamilya niya.
Walang ano-ano ay tumigil na sa paglalakad yung lalaki sa harapan ng isang maliit na cabin na nakabukas ang pinto. "Sumunod kayo sa akin."
Naunang pumasok yung lalaki sa loob.
"Ano Angel, susunod ba tayo ro'n?" nagda-dalawang isip na namang tanong ni Samantha sa akin.
But before I can answer her question, another howl of a wolf erupted from the woods. It's louder than the first one and it's nearer too.
"Taraaa na." I immediately run inside the cabin as well as my crew.
Then the man who's taking control of the situation had closed the door as soon as we enter inside. "Pasensiya na kung natakot kayo. May mga gabi kasing hindi maiiwasang gumagala sila sa kagubatan. Hindi namin sila puwedeng hulihin dahil protektado sila ng gobyerno kaya wala kaming magawa kung 'di ang protektahan na lang ang mga guest namin dito."
Umupo ako sa pinakamalapit na upuan na aking nakita. Nasa loob pala kami ng isang silong kung saan nakatambak ang ilang mga hiking equipments na meron sila rito.
"Salamat," sambit ko sa kaniya.
Sandali munang sumilip yung lalaki sa labas bago niya kami hinarap. "Ang pangalan ko ay Manuel Sebastian. Ako ang nakatatandang kapatid ni Monalisa. Gusto ko lang malaman kung anong nangyari sa kaniya, maaari ni'yo nang ipagpatuloy ang pagpapaliwanag ninyo ngayong nasa loob na tayo ng ligtas na lugar," saad ni Manuel sa amin.
Muli, nagkatinginan kami nina Samantha. I saw their eyes, they're doubtful at first but later on, they gave me a reassuring smile. "Puwede ba naming kuhanan ng video 'tong pag-uusap natin-o kung ayaw mo ng video, voice recording na lang? Kahit anong gusto mo sa dalawa?"
"Kayong bahala, basta ang gusto kong malaman ay kung anong nangyari sa kapatid kong si Monalisa," sagot ni Manuel. Nananatili siyang nakatayo at nakaharang sa pinto, posibleng para sa kaligtasan naming tatlo nina Samantha o baka para wala kaming malabasan kung sakaling may binabalak siyang masama.
"Sige," Tumingin ako kay Marco. "Marc, pa-ready na ng video cam."
Nag-thumbs up si Marco bago niya inilabas ang video camera na nakatabi sa loob ng waist bag niya. After a few seconds of configurations trough the camera settings, Marco shot us another thumbs up.
The camera began rolling and now I'm ready to tell him the story...
~~~
Natahimik kaming tatlo nina Samantha habang hindi ko naman malaman kung ano ang nararamdaman ni Manuel matapos kong ikuwento sa kaniya ang lahat ng sinabi sa akin nung lalaking nagbigay ng tip sa akin kagabi. Tila itanatago ng kaniyang seryosong mukha ang tunay niyang nararamdaman sa ngayon.
Umiling si Manuel nang dahan-dahan. "Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ilang beses ko na siyang pinaaalalahanang wag nang tumuloy sa binabalak niya pero masyado pa rin siyang suwail para gawin ang gusto niya."
"B-bakit niya ba gustong pumunta sa Wichita?" tanong ko sa kaniya.
"Ang kapatid ko ay isa ring journalist," he gave me a piercing dagger look as if he despise all of the existing journalists. "Nagtatrabaho siya sa ibang kumpanya at napagdesisyunan niyang i-feature ang misteryo sa loob ng bayan na 'yon. Kinausap niya ako bago siya nagdesisyon pero hindi pa rin pala siya nakinig sa akin," aniya. "Suwail."
Medyo nakaramdam ako ng lukso ng dugo matapos kong marinig na isa rin palang journalist si Monalisa. Considering that I'm also a journalist, it's like I'm also putting myself and my team in the same situation where Monalisa gets endangered.
"Puwede ko bang malaman kung anong misteryo ang tinutukoy niya?"
Napabuntong-hininga si Manuel. "Isang linggo matapos niyang lisanin ang kampo namin. Naabutan ko siyang may pinagkaaabalahan sa kuwarto niya. May mga idinidikit siyang mga papeles sa pader, tapos may mga litrato pang kasama ang mga 'yon. Tapos pinagdugtong-dugtong niya ang mga 'yon gamit ang itim na sinulid. Para siyang gumagawa ng sapot."
"She's connecting the dots! Ganiyan ang kadalasang ginagawa ng mga detective sa mga binabasa kong crime fiction books," komento ni Samantha.
"Kung gano'n nga ang ginagawa ni Monalisa, ano naman kaya ang posibleng iniimbestigahan niya?" sunod kong tanong kay Manuel.
Hindi agad nakasagot si Manuel. Ilang segundo ang lumipas na tila may inaalala siya sa mga nangyari. Maaaring may nabanggit si Monalisa sa kaniya na mahalagang bagay kaya niya binigyan ng paalala ang kapatid niya na posibleng delikado ang gusto nitong gawin.
"Tungkol daw sa mga nawawalang reporters na pumupunta sa bayan ng Wichita. May isang babaeng nagbibigay ng tip sa kaniya... kung hindi ako nagkakamali, Margot ang pangalan ng babaeng nagbigay ng impormasyon sa kaniya ayon sa pagkakaalala ko."
Hindi ko maiwasang hindi magulat sa mga sinabi niya. Pamilyar ang pangalang Margot. Tumingin ako kay Samantha at sinenyasan ko siyang ilabas ang laptop niya. "Pamilyar ang pangalang 'yon, Sam. Yung blog na ipinakita mo sa akin kanina? Patingin nga ulit."
"Wait," inilabas ni Sam ang laptop mula sa backpack niya. Ipinatong niya ito sa mga hita niya at saka niya sinimulang hanapin ang website na nabisita niya kanina. "Heto."
Iniabot sa akin ni Samantha ang laptop. "Kung tama ang hinala ko, maaaring ang Margot na nagsulat ng blog na 'to ang siya ring informant ng kapatid mo," iniabot ko naman kay Manuel ang laptop para siya mismo ang makakita ng laman nito. "Pero paano naman sila nagkaroon ng koneksiyon sa isa't-isa?"
Taimtim na sinimulang basahin ni Manuel ang laman ng blog. Habang ginagawa niya iyon ay napapansin ko ang pagkunot ng noo niya sa ilang parte ng website, kitang-kita ko na masusi niya itong binabasa para mas lalo niya itong maintindihan.
Tahimik namang itinutok ni Marco sa kaniya ang camera, he's doing fine with his job. Meanwhile, Samantha is browsing on her phone, she showed me the same website trough her phone's factory default browser.
Wichita, the town filled with witches. And now, a dead body of a journalist who was trying to unfold a case about the missing reporters but ended up dead. At lumalabas din na ang writer ng blog na nabasa namin-si Margot, ay may koneksiyon sa lahat ng mga nangyari. She knows a lot about the history of that town, but the only question that I'm asking at this moment is how did she found a way to talk to a journalist?
And of all of the journalist out there, bakit si Monalisa?
I know I am asking a lot of common question. Maaaring naghanap siya ng listahan ng mga manunulat malapit sa bayan ng Wichita. Nagkataong si Monalisa lamang ang napili niya. Pero kung gano'n din naman pala, bakit hindi na lang siya magsumbong sa mga pulis? Besides, this is a modernized era, puwede siyang mag-post sa mga social media website or just write on her blog about the missing reporters.
Or maybe she's hiding something. Baka alam ni Margot na inaalagaan ng mga journalist ang mga tip na natatanggap nila para sila lang ang mauna rito. Baka ginamit niyang advantage 'yon para sa anumang plano na meron sila... she went for a small target instead of the wider scope of media.
Sumasakit na ang ulo ko.
Tumango si Manuel matapos niyang basahin ang blog. "Mukhang ang babaeng ito nga ang kausap ng kapatid ko."
Muling iniabot sa akin ni Manuel ang laptop ni Samantha. "May kinalaman kaya sa nakaraan ng bayan ng Wichita ang mga nawawalang reporters na gustong imbestigahan ng kapatid mo?"
"Posible," tumango siya. "Malaki ang tsansa na tama ang hinala mo. Maraming mga note na iniwan si Monalisa sa kuwarto niya, baka makatulong 'yon sa inyo."
"Salamat. Pero Mr. Sebastian-"
"Manuel na lang ang itawag ninyo sa akin. Ayoko ng pormalidad," sambit ni Manuel.
Tumango ako. "Sige, Manuel. Gusto ko lang sanang itanong kung bakit parang hindi ka nag-aalala sa kapatid mo? A-alam kong nagulat ka na namatay siya pero bakit hindi mo siya gustong hanapin?" Kalmado kong tanong sa kaniya. Mula kasi kanina matapos kong ikuwento sa kaniya ang lahat ay hindi man lang siya nagpakita ng hangarin na makita kaaagad ang kapatid niya.
Kasi naman, kung may magsasabi sa iyo na namatay ang isang mahal sa buhay sa pamilya ninyo, natural na malulungkot, magugulat, at matatakot ka kung kapani-paniwala ba ang balita. At ang kadalasan-ang laging ginagawa ng mga pamilya na nakaalam ay agad na magsasabi kung nasaan ang mahal nila sa buhay upang dalhin sila ro'n.
Pero itong si Manuel? He never acted like he cared at all. Oo, medyo nalungkot ang mga mata niya nang masabi ko ang nangyari. Pero matapos no'n? Wala pa siyang sinasabi ukol sa kagustuhan niyang makita ang katawan ni Monalisa.
Hindi lang talaga ako sanay sa aking nakikita kaya hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong...
"Simple lang. Si Monalisa ay isang rebelde. Sa pamilya namin, si Monalisa lang ang natatanging sumuway sa mga batas na meron kami. Mula nang sumuway siya ay hindi na siya itinuring na anak ng mga magulang namin, pero dahil mabait akong nakatatandang kapatid sa kaniya, inalagaan ko siya at dito ko siya pinatira sa kampo ko," seryosong sagot ni Manuel. "Likas na hindi marunong makinig sa mga paalala ang kapatid ko kaya hindi na ako nagulat na nangyari sa kaniya ang bagay na 'to."
Matapos naming marinig ang sagot niya, siguradong nagbago ang pananaw namin sa katauhan niya. He's a different kind of person, he has one word, one rule, and even if a family member breaks it, he'll punish them without thinking twice about it.
Nawala sa mukha ni Samantha ang pakiramdam niyang nagugustuhan niya si Manuel. Sa tingin ko ay na-turnoff siya sa mga sinabi nito. Hindi yata niya lubos akalaing wala nang pakialam si Manuel sa namatay niyang kapatid. Samantha is quite rational about it.
"Pero hindi ibig sabihin nito ay wala na akong pakialam sa kapatid ko. Kailangan kong malaman kung anong nangyari sa kaniya. Kailangan ko ring malaman kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari sa mga pinaggagagawa niya," Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi niya. Akala ko talaga wala na siyang pakialam sa kapatid niya e.
"Sige, kung puwede, kami na lang ang magtutuloy sa nasimulan niya... kung ayos lang ba sa 'yo?" I tried my luck asking for his sister's unfinished work.
He seemed to be reluctant about it for a moment but eventually, he sighed and nodded. "Sige. Ayoko namang mamatay siya nang gano'n lang. Dadalhin kita sa kuwarto niya kung saan nakalagay ang mga gamit niya." Nakatitig sa akin si Manuel.
"A-ako?"
"Oo, ikaw lang. Maiiwan ang mga kasama mo rito, may galang pa rin ako sa kapatid ko kaya ikaw lang ang papayagan kong pumasok sa loob ng kuwarto niya. Sundan mo ako," tumalikod si Manuel at binuksan niya ang pinto.
Lumabas siya at nilibot muna niya ng tingin ang kabuuan ng kampo. Nang masiguro niyang wala nang banta at panganib mula sa mga sinabi niyang lobo ay agad siyang lumingon sa direksiyon namin. "Tara," at naglakad na nga siya palayo.
Tumingin ako kina Samantha. "Dito lang kayo, ako na ang bahala rito."
"Seryoso ka Angel? Pa'no kung rapist 'yon ha?"
"Oo nga. Pano kung may gawin siyang masama sa'yo?" untag ni Marco. "Malaking lalaki 'yon, kayang-kaya ka niya. Wala kang laban sa gano'ng klase ng tao."
Mabilis na tumango si Samantha. "Absolutely. At tsaka narinig mo yung dahilan niya? He's heartless. Baka wala na siyang emosyon kaya hindi na siya nalulungkot. Angel, think twice about following him."
Sabi ko na nga ba at ito ang pumapasok sa isip nila. May punto naman silang dalawa, Manuel requesting for me 'alone' to go with him is a very odd request. Hindi ko siya kilala, given na 'yon, pero... pinagkatiwalaan niya ako.
Napabuntong-hininga ako. "Don't worry guys. Walang masamang mangyayari sa akin. Kasama ko naman siya, pinrotektahan niya nga tayo kanina sa mga umaaligid na lobo rito 'di ba?"
"Kasi nga may kailangan siyang malaman sa atin."
"Well tama ka Marco pero tayo? May kailangan din tayo sa kaniya. Kailangan lang natin siyang pagkatiwalaan. At kung may mangyari man, nandito naman kayo 'di ba?" I smiled. "Hindi nang-iiwan ang mga sidekick, remember?"
Napailing si Marco. "Hay, nagamit mo pa sa 'kin yang joke ko. O sige, mag-ingat ka. Kailangan mo ba ng camera?" Inalok sa akin ni Marco ang video cam na hawak niya.
"Ayos na ko sa phone ko," tumingin ako kay Samantha. "Just message me kung sakaling may malaman kayo about sa Wichita. Mag-search ka tungkol sa mga nawawalang reporters, at kung puwede... tignan mo sa Facebook kung may account si Manuel Sebastian."
Samantha nodded in every instructions that I gave to her. "Got it."
"Mag-ingat kayo rito."
Agad akong naglakad palabas ng pinto. Ako na ang nagsara nito at nakita ko ang nag-aalalang mukha ng mga kasamahan ko. I know they're just concern about me. And that means a lot for me.
Hinanap ko si Manuel at natagpuan ko siyang nakasandal sa isang puno sa hindi kalayuan. "Tapos na ba kayong mag-usap?"
Medyo nahiya ako dahil napansin niyang nagdududa kami sa kaniya. "T-tapos na."
Tumayo na ulit nang tuwid si Manuel. "Tara."
He started walking and I just followed behind him.
Habang nakabuntot ako sa kaniya sa malamig na open area nitong Camp Tirso, ramdam na ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin. Ang buwan ay muling sumilip sa kalangitan at nakikita ko na, malapit na talaga at magiging full moon na rin iyon. I wonder if that's the reason why those wolves are prowling around the area, maybe they could sense it. Feel it.
Then my phone started vibrating inside my pocket. Agad ko itong kinuha at nakita kong nag-message nga sa akin si Samantha:
'May account siya Angel! His profile name is Manuel Sebastian (Alpha), at base sa bio niya, he really love the moon specially when it's full." - Sam
I came back looking up to the sky as I see the moon watching above us. Then my stare slowly goes downward, until I reached Manuel's broad shirtless upper body.
Doon ko lang napansin na may mga galos at peklat siya sa kaniyang likuran...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top