31 - Out Of The Body

I almost closed my eyes in terror as I saw Monalisa's unconscious body lying at the center of a pedestal. Nakahimlay siya na gaya ng isang alay sa isang ritwal habang may mga nakasinding kandila ang nakapalibot sa kaniya. Karamihan sa mga ito ay natunaw na at unti-unting kumakalat sa paligid ni Monalisa.

"G-gaano na siya katagal na nakaganiyan?" ang tanong ko sa babaeng nagdala sa akin dito.

"Ilang araw na rin, kung hindi pa rin susuko ang kaluluwa niya sa loob ng ilang araw ay mamamatay na ang kaniyang katawang-lupa. Walang pagkain, walang tubig?" she grinned at me. "Walang kaluluwa? Gaano katagal mabubuhay ang katawan mo sa mundong ibabaw?"

With a flick of her hand, I fell on the ground as I finally regained control of my own body.

Tumingin ako sa palibot ko. Walang sinuman ang nasa loob ng basement ng mansiyon nila bukod sa aming tatlo ni Monalisa. The whole place looks like deserted, but I can feel someone's presence somewhere near.

Hindi lang kaming tatlo ang nandirito. Kung sinuman ang nagmamasid sa amin, posibleng mga miyembro ito ng coven ni Lara o mismong si Lara ang nararamdaman ko.

"Ba't niyo ba ginagawa ito? A-anong binabalak ninyong gawin?" I asked the woman who had never told me her name.

"Simple lang naman ang gusto namin. Ibalik ang nakaraan na sinira ng mga relihiyosong mortal. Sinira nila ang lahat ng mayroon kami, ang payapa naming mga buhay, ang mga kauri naming tahimik na nag-aaral kung pa'no maging mahusay sa kakahayan nilang gumamit ng mahika. Lahat ng iyon ay sinira nila, ng mga taong naniniwala sa Diyos. Ang Diyos na walang nagawa para protektahan sila matapos naming isagawa ang isang rebolusyon," she looked at me with a tinge of hate in her eyes. "They will destroy us but we had destroyed them at first. Hindi kami susuko, napaslang man nila ang karamihan sa amin ay magagawa pa rin namin silang buhaying muli."

Tumingin siya kay Monalisa. "Si Monalisa ang babaeng nararapat na gawing tahanan ng kaluluwa ng lola ni Ma'am Lara. But look at her, kahit na gaano pa katagal ang araw na lumipas. She never gave up her body. Lumalaban pa rin ang kaluluwa niya sa mundong nasa ilalim," her teeth clenched. "Pero nararamdaman ko na pagod na rin siya. Sooner or later, her body will weaken, her soul will be damaged. It's a natural cycle of life, Angel. And this girl will either live or die."

"I-isa ka ba sa kanila?" ang sunod kong tanong sa kaniya.

But the woman just shook her head. "No. I'm not reborn. Isa ako sa mga estudyante ni Ma'am Lara. Tinuruan niya ako sa lahat ng bagay tungkol sa salamangka, tungkol sa nakaraan namin, tungkol sa kung ano ang dapat naming isagawa. Ako ang kanang kamay ni Ma'am Lara. Ang pangalan ko ay-"

"Greta, tumahimik ka muna at hayaan mong kumalma ang ating bisita."

Isang boses ang pumigil sa pagsasalita ni Greta. Her voice sounded familiar. It was Lara. At gaya nga ng kutob ko ay nandito nga siya mula pa kanina.

Mula sa kawalan ay biglang may namuong hubog ng isang babae ang nabuo sa tabihan ng pedestal kung saan nakahimlay si Monalisa. Lara was wearing a modern dress like she had been from a private business meeting before going here.

"Kamusta, Angel. Masaya ba ang pamamalagi mo sa bayan namin? Looks like you really want to stop me from doing what I wanted to do. Am I right?" nakangising nagtanong sa akin si Lara.

Her grin gave me a slight shiver, like any moment now she would jump at me and kill me with her spells. At kung sakaling mangyari 'yon, Margot couldn't save me anymore.

Hindi ko siya sinagot bagkus ay tinitigan ko siya nang masama. I want her to see how angry I am to all of the things she had done to us.

Ngunit imbes na maapektuhan si Lara ng mga titig ko ay nakita ko pa siyang ngumiti. "I love that madness in you right now. Ramdam ko ang galit na namumuo sa loob mo. I can't blame you. I've done many things that you can't do. Isa ka lang journalist. Samantalang witch naman ako. You're powerless, but useful."

Itinuro ni Lara ang bakanteng pedestal na nasa tabi ni Monalisa.

"Nakahanda na ang iyong puwesto," nakangising sambit ni Lara. "Ikaw na lang ang kulang."

Matapos no'n ay unti-unti siyang naglakad papalapit sa akin. Sa bawat hakbang niya ay sinusubukan ko namang umatras pero hindi ko magawa.

Napinid lang ako sa aking kinatatayuan. There's nothing I can do but look at her grinning face.

Hinding-hindi ko makakalimutan kung gaano siya nagmukhang sobrang nakakatakot. Her eyes were enough to terrify anyone who would dare to stare at her. Parang nakaharap ko na rin ang isang diyablo.

"Sumama ka sa akin," hinawakan ni Lara ang aking kamay at iginaya niya ako papalapit sa walang-lamang pedestal.

My body automatically moves along with her. Sumusunod ang aking katawan kung saan ako dalhin ni Lara. Ang bawat hakbang niya ay sinusundan ng mga hakbang ko.

Hanggang sa tuluyan na naming marating ang itinuro niyang pedestal.

Hindi ko maiwasang malungkot sa kalagayan ni Monalisa. Namamayat na ang katawan niya at nababakas sa kaniyang mukha ang kawalan ng tubig sa katawan.

Her body won't survive if she'll stay dehydrated for a long time.

"Humiga ka," utos ni Lara sa akin na siyang sinunod naman ng aking katawan.

As I lay down on top of the pedestal, I could feel its coldness on my back. Meanwhile, the ceiling gave me a claustrophobic feeling as the darkness engulfed the whole basement.

Tanging ang mga nakasinding kandila na nakapalibot kay Monalisa ang siyang nagsisilbing liwanag sa buong paligid. I couldn't see anything but darkness as I lie awake on this ice-cold pedestal.

"Greta," tumingin si Lara sa direksiyon ng kaniyang tagasunod. "Ikuha mo ako ng mga kandila at sisimulan ko na ang ritwal."

I couldn't look to Greta's direction as my face was fixed to look in one direction. Sa mismong kisame lang ako nakaharap at wala na akong kakahayan pang ipinid man lang ang ulo ko.

Narinig ko ang mga yabag ni Greta palabas ng silid.

"I warned you before, Angel. Binigyan kita ng pagkakataon na umalis ng bayan na ito pero heto at nasa harapan na kita. Nakahiga sa pedestal kung sa'n ko bubuhaying muli ang aking mga ninuno, at walang pag-asang makaligtas pa mula sa kamay ko. Ang saya di ba? Dahil sa sobrang curious mo sa mga bagay na nangyayari sa Wichita ay bigla ka na lang napunta sa ganitong sitwasyon. You'll be sacrificed. For good."

Umupo sa aking paanan si Lara at saka niya hinaplos ang aking binti. "This tender skin, your youth. Bagay na bagay para sa aming supremo. She will look beautiful and young once again. Thanks to you, and your body as well."

I wanted to scream, to shout at her to stop. Pero hindi ko magawa. There's nothing I can do but accept this fate. Even my willpower couldn't save me here.

My muscle tensed, I can feel it. And my body started sweating.

Lara managed to smile at me. "Kumalma ka lang, Angel. Wala kang mararamdaman na anumang sakit. It will be a passing sensation, na parang lumilipad ka sa kalangitan," Lara pointed her hands up. "Trust me, you'll more enjoy than suffer as I do the ritual for you. I've done this this 13 times already."

Please, stop.

I was hoping that she would hear my mind. But I realized, Margot has protected me from Lara. She couldn't mentally manipulate me anymore, hindi niya malalaman ang takbo ng utak ko.

All she can do is torture me and try her best to break me down. At sa tingin ko ay unti-unti na siyang nagtatagumpay. When you're off and alone with the bad guys, you know it's your time to say goodbye.

Hanggang sa maya-maya ay narinig ko na lang ang pagbukas ng pintuan. I didn't know who came in but I have a feeling it was Greta.

"Ba't hindi mo pa simulan ang ritwal, Lara. Masyado nang matagal ang ating paghihintay."

Hindi iyon boses ni Greta. It was a voice coming from an older woman. This one is more scarier than Lara. I can feel the tension between the three of us. Kung sinuman ang ale na pumanhik sa loob ng pintuan ay siguradong mas mataas ang posisyon nito kay Lara.

Lara turned to the old woman. "Wala kayong dapat ikabahala, Ma. Kontrolado ko na ang lahat. Hawak ko na si Angel, at sigurado akong anumang oras ay makikita na ulit natin ang supremo."

So it was her mother. Ayon sa mga nabalitaan ko ay mahina na ang ina ni Lara. Ngunit sa ipinapakita nito sa akin ay mukhang nagkakamali sila. Her mother is so alive that I could even sense death is afraid of her. It was me who is in grave danger after all.

Habang naglalakad palapit sa aming direksiyon ang ina ni Lara, unti-unti ko nang nararamdaman ang mabigat na presyon na idinudulot nito sa paligid.

"Mahalaga ang bawat segundong lumilipas, Lara. Ang oras ang may hawak sa lahat ng bagay, hindi mo ito nakikita, pero lagi kang nakikita nito," sambit ng ina ni Lara.

Lara didn't reply back.

Then I saw an old woman's face facing right at me. "Ang gandang dalaga, siguradong ikatutuwa ni Regina ang mabuhay sa katawang gaya ng sa iyo."

She lowered her hand to touch my face. Gentle, and cold. Her palm caressed my cheeks down to my neck, until she reaches on my cleavage, then began pulling my shirt upward, exposing my bare stomach.

Naramdaman ko ang dulo ng daliri ng ina ni Lara na parang may iginuguhit siya sa balat ko. I couldn't recognise the shape that she's making but I wouldn't forget how sharp her nail was.

Muling bumukas ang pinto at narinig ko ang tunog ng sandalyas na tumatapak sa sahig. It was Greta.

"Ito na ang kandila, Ma'am Lara," ani Greta nang makalapit siya sa kinatatayuan ni Lara.

Lara gladly accepted the candle as she snapped her finger to light it with fire. Sumindi ang kandila at saka niya ito iniabot sa kaniyang ina.

Her mother took it and started placing it around me. Matapos niyang gawin iyon ay tuluyan akong nabalot ng kakaibang presyon. I couldn't breathe easily. My heart was racing fast, beating as if it wanted to come out of my chest.

Halos maigalaw ko na ang aking mga kamao nang subukan ko itong kuyumin sa sobrang bigat nitong nararamdaman ko. My eyes widened automatically as my body started floating.

Then Lara and her mother began chanting under their breathe as the three of them held each other's hands. Nakapalibot silang tatlo sa akin gaya ng mga kandilang nakasindi sa paligid.

As my body floated above, darkness had started consuming me. My vision was getting clouded by mist as I feel like my body's losing its weight.

Hanggang sa maya-maya lang ay napansin kong unti-unti nang humihiwalay ang katawan ko sa mismong pisikal na katawan ko. My soul is getting out of my body!

I looked down and I've seen my body floating. It was surreal, like I'm in a dream and this is just a nightmare.

Sinubukan kong ikilos ang katawan ko ngunit hindi ko magawang abutin ang sarili kong katawan. My soul has come out of my own body, and I don't know what to do about it.

Then the three of them looked up at me. Sabay-sabay nilang binitiwan ang kamay ng bawat isa, at saka dahan-dahang bumaba ang katawan ko hanggang sa mahiga na itong muli sa pedestal.

As my physical body touches the ground, the lights of the candles flickered off. And in a wist of air, thin black smoke had spread all over the room.

Then sheer darkness followed, and I blacked out.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top