27 - Revelations

Isinara ko ang bintana at muling hinarap si Margot. Tahimik siyang nakaupo sa gilid ng kaniyang kama, nakahalukipkip ang magkabilang mga kamay, habang patuloy na bumubuntong-hininga na para bang kanina pa siya hindi mapakali.

"Hindi ko inaasahang aabot sa ganito ang lahat," bulong ni Margot.

Lumapit ako sa kaniya at umupo sa kaniyang tabi. "Ano po bang nangyari?"

Tumingin siya sa akin. "Matagal na rin ang lumipas matapos ang naganap na witch hunt sa bayan na ito. Ang salinlahi naming may dugo ng mga mangkukulam ay matagal nang namuhay sa bayan na ito noon pa."

Umupo rin si Abby sa tabihan ni Margot, halata sa kaniyang mukha na interesado siyang makinig sa anumang sasabihin ni Margot.

"Paano po ba nangyari ang witch hunt?" ang tanong ni Abby sa kaniya.

Dahan-dahang napailing si Margot. "Hindi pa ako naipapanganak noong nangyari ang sakunang iyon. Pero dahil sa mga isinulat na liham ng mga ninuno namin ay napagtagpi-tagpi ko ang lahat."

"Ngunit nang malaman ko ang katotohanan, doon ko napansin na may isang witch na balak baguhin ang lahat. At siya ay walang iba kung 'di ang apo ng huling namuno ng coven, at iyon ay si Lara. Siya ang nagmana ng lakas na mayroon ang bawat pinuno ng coven sa salinlahi nila. Naililipat kasi ng bawat lider ang kanilang kapangyarihan mula sa kanila, papunta sa nakatatanda nilang anak na babae," dagdag pa ni Margot.

"Babae? Pa'no ho kung lalaki ang naging panganay na anak nila?" ang tanong ko sa kaniya.

"Hindi sila nagkakaroon ng panganay na anak na lalaki. Ang bawat pinuno ng coven ay magkakaroon lagi ng panganay na anak na babae. At maaaring sa susunod na magbuntis siya ay isang lalaki naman ang sumunod. Ngunit kailanman ay walang panganay na lalaki sa lahi ng bawat lider ng coven," ani Margot.

Sabay kaming napatango ni Abby. Halatang parehas din kaming namangha sa impormasyong aming nalaman. It was really surprising to understand the nature of their ancestry.

Having only to have your firstborn as a girl would really have a tremendous effect in their history. Kung sakaling manganak ng isang lalaki ang pinuno ng isang coven, ano kayang posibleng maging resulta ng pangyayaring iyon?

At gaya nga ng nabanggit ni Margot, kailanman ay hindi pa raw nagkaroon ng panganay na anak ang bawat pinuno ng coven. Kaya wala talagang nakaaalam kung sakaling magkaroon sila ng panganay na anak na lalaki.

If it did happen, I wonder what would they do.

"Ibig ni'yo po bang sabihin, si Lara ang kasalukuyang pinuno ng coven?" ang sunod kong tanong sa kaniya.

Dahan-dahan na tumango si Margot. "Oo, siya nga ang kasalukuyang pinuno ngayon ng coven pero dahil sa sitwasyon ngayon ay hindi nila hawak ang kontrol sa buong bayan. Ang coven na dati ay malawak ang operasyon ay nauwi sa lihim na organisasyon."

"Nasaan po ba ang ina niya?" I curiously asked her.

"Buhay pa ang kaniyang ina, nananatili lang ito sa bahay nila at namamahinga. Hindi rin kailangang mamatay ng isang lider ng coven upang ipamana ang kaniyang posisyon sa susunod na magiging pinuno nito. Oras na manghina ang pisikal na katawan ng isang lider ay awtomatikong maililipat ang kapangyarihan nito sa kaniyang tagapagmana."

"Pero paano po kung walang tagapagmana?"

Napailing si Margot. "Iyon ang katapusan ng salinlahi ng mga mangkukulam sa Wichita. Iisang coven lang ang maaaring mabuo sa bawat bayan o lugar kung saan maraming witches ang nakatira. At dito sa Wichita, ang mga Sullivan ang may pinakamakapangyarihang pamilya noon."

"Kung sakaling walang magmamana sa posisyon ni Lara, ibig sabihin po ba nito ay mawawala na ang coven ninyo dito sa bayan ng Wichita?" ang tanong ni Abby kay Margot.

Dahan-dahang tumango si Margot. "Gano'n nga ang mangyayari," ani Margot.

"May anak na ho ba siya?"

"Malabong magkaroon siya ng anak," bulong ni Margot.

Kumunot ang aking noo. If Lara won't have her own daughter, then the coven will end with her.

"Pero—"

"Iyan ang rason kung bakit isinasagawa ni Lara ang Sacra Resurrectionis. Iniisip niya na kung maibabalik niya ang mga ninuno niya na pumanaw noon, maaaring magkaroon pa ng pag-asa ang coven ng bayang ito," aniya. "Lalo na at hindi magagamot ng salamangka ang pagkabaog niya. Sapagkat sumasalungat ito sa siyensiya, ang natural na batas ng mundong ito."

"Baog pala si Mayor Sullivan..." Abby muttered in silent realization.

"Pero ba't niya ho gustong burahin ang nakaraan ng Wichita? Ba't niya po binabago yung nakaraan na parang inililihim niya ang mga nangyari noon?" ang sunod ko namang tanong sa kaniya.

Margot didn't answer immediately. She slowly looked down on her hands while they're on top of her knees, pondering the question that I just asked.

The room felt much colder than before. Tila bumagal ang takbo ng oras. Even the sky turns darker as moments passes by.

Napaisip tuloy ako kung nasaan na si Verm. Wherever he is, I really hope he's gonna be just fine. Mabuti na lang at protektado na kami ni Margot ng kaniyang protection spell kaya hindi mapapasok ni Lara ang aming kaisipan nang gano'n kadali.

But Lara's familiar is still a threat not let go unnoticed. Hindi nga kami mamamanipula ni Lara pero ang familiar niya ay patuloy lamang na nagmamatyag sa bawat ikinikilos namin.

Whenever it wants to attack, it will attack without giving signal. Gaya ng kung paano kami nito inatake noong nasa gitna kami ng madilim na kalsada ni Manuel.

"Gaya ng mga isinulat ko sa articles ko noon, nagsimula ang lahat matapos na mapatalsik ng mga ninuno namin ang mga paring nagtakdang ipabitay sila. Siniguro nilang walang mga naninirahan sa bayan na ito noon na may pag-iisip pa rin gaya ng mga relihiyosong taong napalayas nila rito," huminga nang malalim si Margot.

"Pero ang kapalit din nito ay ang pag-alis ng mga taong naniniwala sa Diyos. Kinatakutan nila ang mga kauri namin at maging sila ay nagsilisan din gaya ng mga nauna. Sa huli, tanging mga witch lang ang naiwan sa bayan ng Wichita," dagdag pa niya.

"Kung puro witch na lang ang natira sa bayan na 'to noon, ba't gusto pa ring burahin ni Lara ang lahat?" I asked once again.

"Naghirap ang bayan ng Wichita dahil nagsi-alisan ang mga mayayamang kapitalista sa bayan na ito. Wala ni isa sa kanila ang may gustong makisama sa mga kauri namin kaya' t naging mahirap sa aming mga ninuno ang umahon mula sa malaking dagok na kanilang kinaharap. May mga witch na lumuwas upang maghanap ng trabaho dahil walang mapagkakakitaan sa bayan na ito noon," bumuntong-hininga si Margot.

"At kahit na anong gawin nilang pang-e-engganyo sa mga taong may balak na magpundar ng negosyo rito ay hindi nila sila magawang makumbinsi nang dahil sa takot nito sa kanila. Lalo na at may mga kumakalat na mga kuwento, mga pangyayaring sinusubukang burahin ni Lara ngayong unti-unti na ring sumisigla ang ekonomiya ng bayang ito."

"Walang magawa ang coven kaya't napagdesisyunan nilang baguhin ang lahat ng kanilang nakasanayan. Karamihan sa kanila ay lumuwas at naghanap ng mga taong walang ideya sa nakaraan ng Wichita. Karamihan sa kanila ay nakahanap ng mga taong magmamahal sa kanila na sa huli ay pumayag na dito sa bayang ito manirahan. Hanggang sa unti-unting dumami ang mga nanirahan sa bayan na ito at sa mga panahong iyon ay patuloy ang paglilinis ng coven sa mga naiwang bakas ng madilim na yugto ng kanilang nakaraan."

"Sinimulan nila ang paglilinis ng mga lugar kung saan sinunog at pinatay ang mga inosenteng taong namuhay dito noon. Matapos no'n ay isinara nila ang mga simbahan at ipinaliwanag ang dahilan kung bakit," Margot started to talk slowly.

Parang may mga bagay siyang naaalala na ayaw niyang ilahad sa amin nang tuluyan. Things that may probably affect herself.

"Isa na roon ang lola ko, nagpakasal siya sa isang manunulat sa syudad at doon nagsimula ang business nila sa pagsusulat ng mga artikulo tungkol sa bayan ng Wichita. Naging opisyal silang mensahero ng balita sa buong bayan hanggang sa may isang mayamang negosyante ang nakabasa ng mga isinulat ni lolo tungkol sa lugar na ito. Ang negosyanteng iyon ay siyang napangasawa naman ng lola ni Lara na siyang namumuno ng coven noon,"

"Hanggang sa ma-impluwensiyahan ng negosyanteng iyon na dalhin ang moderno niyang mundo sa bayang ito. Nagpatayo siya ng mga pangkabuhayan at ang mga walang trabaho rito sa bayan na ito ang siyang kinuha niya bilang trabahador sa mga ito. At magmula no'n, lumago at naging opisyal na bayan nang maituturing ang Wichita. Dumating ang eleksiyon at ang unang naging mayor ng bayan ay walang iba kung di ang lola ni Lara, na nailipat naman sa nanay niyang si Minerva, hanggang sa muling nailipat ang posisyon ng pagiging mayor kay Lara."

I pouted upon hearing those information. Hindi naman yata tamang nagkagano'n ang political aspect ng bayan nila. It looked like there's no other option for the residents of Wichita  but vote for Lara alone as their next mayor.

Pero dahil nga sa baog pala si Lara, it will be hard for them to find another candidate coming from their pure bloodline.

And yet I found another mysterious thing with their story. How come na sa tagal na ng lumipas na panahon, ang pamilya nina Lara lang ang laging nagwawagi sa laban nila sa pulitika. The law is a plot hole.

But considering the facts that we have in our hands. Anuman ang dahilan kung bakit naging posible na ang mag-iina sa bayan na ito ang naging mayor ay dahil sa tulong ng kanilang salamangka.

"Wait lang po," hindi ako mapakali kaya minabuti kong humanap ng impormasyon tungkol sa bayan ng Wichita.

I searched online the address of this town and who are the mayors who have governed it through time. Napakagat ako sa aking labi nang makita ko sa search result na may mga lalaking naging mayor ng bayan na ito. Names that I couldn't recognise evenly.

And while there's men in this roster of mayors who have been elected in this town, there's also the names of women that Margot had mentioned.

Ang nanay mismo ni Lara, si Minerva, ay tumakbo nga bilang mayor ilang taon na ang nakararaan. But to my surprise, her daughter came after her only a few more years later.

And between the two of them, there are other people listed here as Wichita's mayors. Men that are probably a nameplate holder.

"Pa'no ho to nangyari?" I showed my phone to Margot and she smiled as soon as she'd seen it.

"Gumamit siya ng mga proxy, Angel. May mga nananalong tao, sa papel at batas, pero ang namumuno rito ay nananatili pa ring sila. Hindi ito dahil sa kapangyarihan ng pulitika, ito ay patungkol sa buong kontrol ng mga Sullivan sa buong bayan ng Wichita," unti-unting humina ang boses ni Margot. "Mula sa simula, hawak na nila ang lahat."

Biglang napatakip ng mukha si Margot at dahan-dahan kong napansin ang kaniyang pagluha. Pinunasan niya ang mga ito pero huli na dahil may ilan na pumatak sa kaniyang suot na pang-ibaba.

"May kailangan kayong malaman," sambit niya sa amin.

Nakaramdam ako ng kaba. It's like she's about to drop a bomb in front of us in no time. Like the news she's about to give will be groundbreaking.

"Kasalanan ko ang lahat kung bakit ito nangyari," aniya. "Ako ang nagturo kay Lara ng lahat ng mga nalalaman niya."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top