24 - Margot

As soon as I opened my eyes, I felt my body sweating heavily. Para akong kagagaling lamang sa mahaba-habang takbuhan, yet I know this feeling is fear.

Nakahiga pa rin ako sa kama kung saan ako natulog kagabi. Nilingon ko ang kama sa aking tabi ngunit wala roon si Verm.

Sa kabutihang-palad ay nakabukas naman ang mga ilaw. Agad ko tuloy napansin na nakasara ang mga bintana, at mula sa labas ay hindi pa rin nawawala ang kadiliman ng kalangitan.

Dahan-dahan akong bumangon at chineck ang cellphone ko. It was three in the morning and all that I've experienced is just a dream—a nightmare.

Dinama ko ang aking leeg sa pamamagitan ng aking palad. I can't believe I almost died back there. I'm wondering who is that woman who saved me in my dream? Bakit niya rin ako tinulungan?

At the same time, why does that dream felt so real?

I know one thing's for sure that this is not happening for no reason.

Mayor Lara Sullivan has threatened me. She manipulated my dream to warn me from doing my job. Gusto niya kaming tumigil at umalis dito sa Wichita at 'wag gambalain ang katahimikan ng bayan nila.

Pero doon siya nagkakamali kung iniisip niyang mapipigilan niya ako. I won't just let her stop me. Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nalalaman ang tunay na nangyari. I will find out what happened to Monalisa.

Naalala ko rin na may nabanggit si Mayor Sullivan tungkol sa isang secret sanctuary para sa mga miyembro ng kaniyang binuong coven.

At kung sakaling nandoon nga ang katawan ni Monalisa, wala akong dahilan para hindi hanapin ang lugar na iyon.

Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa may bintana. Binuksan ko ito at nakita ko si Verm na kausap ni Abby. They were both sitting along with each other, while both of them were looking down at the shallow pond in front of them.

I also noticed the amount of fog that is slowly covering the whole area. Tama nga si Abby, mahamog nga rito lalo na sa madaling-araw.

Mukha tuloy silang magkasintahang dalawa na nagde-date sa ilalim ng buwan, habang sila ay napaliligiran ng makapal na hamog.

I wonder what they're talking about. But I decided to let them have their moment. Besides, I have never seen Verm talking to anyone yet, it's seems like he's used of being alone.

I closed the window and I went back to my bed. But instead of going back to sleep again, I stayed awake while thinking about what could happen next.

~~~

Kinaumagahan ay inimbita kami ni Mrs. Marlene na sabay-sabay kumain kasama ang kaniyang anak na ipinakilala niya sa amin bilang Lucas.

Halos magkasing-edad lang sina Abby at Lucas. They both looked young and a good match at the same time. Kung ako ang papipiliin, mas gugustuhin ko pang silang dalawa ang maging mag-partner kung sakali.

Kanina ko pa kasi napapansin mula noong umupo kami sa harap ng lamesa ay sa tabi rin ni Verm umupo si Abby. She kept entertaining him, doing things that Verm can do by himself.

Kahit sa pag-inom ng tubig, si Abby pa rin ang nag-alok sa kaniya. I find it annoying for my part that she's acting weird like that. Hindi naman sa masama yung ikinikilos niya pero base kasi sa reaksiyon ni Verm, he doesn't look comfortable with her actions. Para siyang naiilang.

Kaya minabuti ko na lang na kumain nang maayos at makipagkuwentuhan kina Mrs. Marlene at sa anak niyang si Lucas—na hindi makatingin nang diretso sa akin. Cute, he feels awkward around with women.

Mabuti na lang at mabilis din naming naubos ang mga pagkain. Mrs. Marlene is so hospitable for having us here for free, mukhang naikuwento naman kami ni Abby sa kaniya kagabi at sa tingin ko ay wala naman siyang nabanggit na anumang bagay na ikasasama ng imahe namin ni Verm.

Matapos kumain ay nagpaalam na kami kina Mrs. Marlene. Nakangiti kaming umalis sa Scarlet Inn, presko ang pakiramdam ko sa suot kong bagong labang damit, at higit sa lahat, busog ang aking tiyan sa aming naging agahan.

"How's your stay?" tanong sa akin ni Abby nang sabay-sabay kaming tatlo nina Verm na naglakad patungo sa sasakyan niya.

I smiled. "Kumportable sa pakiramdam yung mattress nila. Nakatulog naman ako nang mahimbing."

Nobody knows yet what I've experienced last night. I haven't told anyone about my nightmare. Hindi pa ako handang sabihin sa kanila ang nangyari, lalo na at baka mag-alala lang sila sa akin.

"Talagang inaalagaang mabuti ni Mrs. Marlene lahat ng mga customer niya. Actually, siya ang nagbigay sa akin ng trabaho, she recommended me to try Hotel Stonington lalo na at nangangailangan sila ng night-shift receptionist noon," Abby smiled. "And it turns out, iyon na pala ang trabaho na nag-match sa schedule ko as a graduating college student. I'm still working on my thesis right now to be honest."

"Hindi ba kami nakaka-istorbo? Puwede mo naman kaming iwanan sa hotel at ang van ko na lang ang gagamitin namin—"

Mabilis na umiling si Abby. "No, no, no. Wag kayong mabahala, hindi naman gano'n kahirap yung thesis ko. Besides, I need to take some break. Mabuti nga at hinayaan ni'yo akong samahan kayo." She gave Verm a playful look.

Hindi ko na lang pinansin at pinilit na sinanay ang aking sarili sa kaniyang malagkit na pagtingin sa kasama ko.

"Kami nga ang dapat magpasalamat at sinamahan mo kami. Hindi kasi namin alam ang mga pasikot-sikot dito," ani ko.

"Wag kayong mag-alala, mamaya pa namang gabi ang duty ko. Sa ngayon, sasamahan ko kayo kung saan ninyo kailangang pumunta. Besides, gusto ko na ring ipagpaumanhin na niloko kayo tungkol sa nabalitaan ninyong babaeng misteryosong namatay dito," aniya. "Ang dami ni'yo nang biktima ng fake news."

Napagdesisyunan kong huminto sa paglalakad.

Dahil sa ginawa ko ay maging sina Verm at Abby ay natigilan din. Parehas silang napatingin sa akin na tila nagtataka sa dahilan kung bakit ako biglang napinid sa aking kinatatayuan.

I clasped my hands in front of me as I took a deep breath. "Tungkol diyan, Abby. Hindi kami niloko ninuman."

Abby's smile was almost fading, but it hasn't left her face.

"Pero wala akong nabalitaan tungkol sa babaeng namatay dito, at gaya nga ng sinabi ko, kung may nangyari ngang ganiyan dito, I'm sure malalaman ko agad 'yon."

Tumingin ako kay Verm at base sa reaksiyon ng kaniyang mukha, mukhang may tiwala na siya kay Abby. He approves what I'm going to say next. Hindi na siya umangal pa sa balak kong ibunyag.

"Si Monalisa," huminga akong muli nang malalim. "Siya ang kapatid ng isa sa mga kasama namin kagabi."

"Yung kasama mong lumabas ng hotel?"

I nodded. "Siya nga. Anyway, nandito kami para sa kapatid niya. Nakatanggap ako ng tawag na natagpuan nga rito ang kapatid niyang hindi nila malaman ang dahilan ng pagkamatay. And being a journalist, this is something that I wouldn't miss to witness. Binigyan ako nung tumawag sa akin ng mga detalye tungkol sa babaeng natagpuan, yung mga ID niya. Ang pangalan niya ay Monalisa Sebastian. At base sa  mga impormasyong nakalap nila tungkol sa kaniya, may kapatid siyang nakatira sa Camp Tirso. Doon kami unang dumiretso para i-verify kung totoo nga ang impormasyong natanggap namin, and guess what?" I shrugged. "Totoo ang lahat. Kapatid niya si Monalisa at ilang araw na rin daw itong hindi umuuwi sa kanila."

Kitang-kita ko sa reaksiyon ni Abby na nahihirapan siyang i-absorb sa kaniyang utak ang lahat ng mga sinasabi ko.

Dahan-dahang siyang napatango. "Kung totoo nga 'yan, ba't wala akong nabalitaan tungkol sa kaniya, parang imposible kasi."

Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. "Because it was covered up. Yung tungkol sa mga witch, lahat ng mga nalaman mong impormasyon tungkol sa nakaraan ng Wichita. Lahat ng iyon, totoo."

Abby seems to be unsure of what to say. Tumingin siya kay Verm, naghihintay kung may nais itong idagdag sa mga sinabi ko. Pero ang tanging natanggap niya mula kay Verm ay isang simpleng tango lamang.

Abby put her hands over her chest. "Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sa totoo lang, iniisip kong gawa-gawa lang talaga lahat ng usap-usapan tungkol sa bayan ng Wichita. Naipadala na nga rin sa mental hospital si Margot, dahil sinasabi niyang may witch hunt ngang naganap dito noon. Nagpakita siya ng mga ebidensiya pero sinasabi ng karamihan na lahat daw nang iyon ay peke."

Tumango ako bilang pagtugon sa mga sinabi niya.

"Dahil sinusubukan nilang baguhin ang lahat. Baluktutin ang nakaraan para gumawa ng bago," ani ko.

Hindi makapagsalita si Abby. Malikot ang kaniyang mga matang tumingin-tingin sa paligid. She's trying to process what she's learning right now, but I guess it's too much for her to handle.

"Abby, nakuha mo na ang tiwala ko kaya ko sa'yo sinasabi 'to. Sa ngayon ikaw lang ang kilala naming makatutulong sa aming hanapin ang katawan ni Monalisa." I pleaded.

She looked straight into my eyes, filled with doubt.

"Pero—"

"Alam kong marami ka ring tanong pero isang tao lang ang sa tingin ko ang makasasagot nito," I took a deep breath. "Tanging si Margot lang ang nakaaalam ng lahat."

We've stared onto each other. Relaying an obvious message between us. We didn't have a choice don't we?

Tumango si Abby. "S-sige, umalis na tayo. Dadalhin ko kayo sa asylum kung saan siya dinala," aniya.

Tumalikod si Abby at nagtungo siya sa kaniyang sasakyan. Sandali naman kaming nagkatinginan ni Verm, at base sa kaniyang reaksiyon, mukhang umaayon naman sa plano namin ang lahat.

Sumunod kaming dalawa sa sasakyan ni Abby. And as soon as we got inside, Abby drove her car away from Scarlet Inn without reluctance.

We're back on the road again. But with a destination in mind. Kung saan man naroroon si Margot, nandito na kami para makausap at humingi ng tulong mula sa kaniya.

~~~

Habang nasa biyahe kami, minabuti kong ulitin kay Abby ang lahat ng impormasyong makailang ulit ko nang nabanggit sa iba para sa kaniyang sariling kaalaman.

Una kong ibinahagi sa kaniya ang tungkol sa familiar na umatake sa amin ni Manuel pagdating namin dito sa bayan nila.

She even told me that she had heard about some cases just like what happened from us, at ang inakala lang nila ay dahil lamang ito sa pag-atake ng isang mabangis na hayop.

Wichita has a dense forest surrounding it, that's why it makes sense for those people who lives here to believe with that rumor.

Unfortunately, mga pulis pa ang pasimuno ng lahat. Alam kong para sa kaligtasan ng nakararami ay itinatago nila ang katotohanan sa likod ng mga pag-atake, pero kung paulit-ulit lang itong nangyayari at walang pagbabagong nagaganap, malamang ay walang mabuting patutunguhan ang kaligtasan ng mga residente rito.

Lalo na at hawak ang mga pulis ng mismong mayor ng bayan na ito, ng mismong supremo ng lihim na coven dito sa Wichita.

We can never trust the police officers in this town as long as Lara takes hold of them.

Nagsisimula nang makumbinsi si Abby ng aking mga salita. Nakikinig siyang mabuti sa bawat bagay na ikinukuwento ko sa kaniya, nababakas ko sa kaniyang mukha na tila nagugulantang siya sa mga katotohanang itinatago ng kanilang bayan.

"Kung sakaling totoo nga ang mga witch, paano kung malaman nila ang mga plano ninyo? I'm sure gagawa at gagawa sila ng paraan para lang pigilan kayo sa mga binabalak ninyo," tanong ni Abby.

Umubo si Verm. "Natuto na kaming mag-ingat. Sa totoo nga niyan, nagduda ako sa iyo kagabi. Kaya buong magdamag akong nakabantay kay Angel, hindi ko siya gustong masaktan dahil kailangan ko siyang protektahan." Seryosong sambit ni Verm, habang pinagmamasdan niya ang mga puno sa tabi ng kalsada.

I caught Abby pouted as if she's a bit disappointed of what happened last night. Nalaman niya na rin sa wakas ang dahilan kung bakit ilag si Verm sa kaniya at hindi siya nito masyadong binibigyang pansin.

"Naiintindihan ko. People around you can't really be trusted so soon enough. I'm glad that you're trusting me now." Ngumiti si Abby, tiningnan niya si Verm mula sa rearview mirror.

Verm didn't look back and he just sighed while staring outside instead.

"Malapit na ba tayo?" tanong ko kay Abby lalo na at ayaw kong maputol dito ang usapan.

I need to keep the ball rolling. One moment of silence will possibly end up awkward for Abby. Well, it's because of Verm's cold interaction with her.

Si Abby pa naman  itong nagpapakita ng motibo na  interesado siya sa kaniya pero itong kasama ko naman ay parang bato na hindi matinag-tinag at nananatiling tahimik sa isang tabi. Ayaw kumibo, nag-aalala sa mga bagay na posibleng mangyari.

"Hindi na gaanong kalayo. Tantiya ko e labinlimang minuto na lang at nandoon na tayo. It's not hard to miss. Kapag nakakita kayo ng pulang bubong, iyon na ang Wichita Central Asylum. Fully funded ng mayor ng bayan namin," sabi ni Abby, na bahagyang nag-iba ang tono ng pananalita. "She have full control of it."

Naging seryoso ang kaniyang tingin, humigpit ang kaniyang kapit sa manibela. For a moment, I felt like she's not the Abby we've known before.

"Pasensiya na kung nadawit ka pa rito. Wala lang talaga kaming ibang mapagkakatiwalaan para tulungan kami," sambit ko habang nakatingin sa mga kakahuyang aming nalalagpasan.

Tumingin si Abby sa akin. "Wala iyon sa akin. Sa totoo nga, parang naliliwanagan na rin ako. It did make sense for witches to exist here in Wichita. Marami na rin kasing mga nangyari na hindi kapani-paniwala gaya nga ng mabangis na nilalang na umatake sa inyo."

"Salamat."

Abby smiled. "You're welcome."

~~~

Tama si Abby. Makalipas nga lang ng labinlimang minuto ay may naaaninag na akong tila isang malaking kulay pulang bubong sa di-kalayuan.

May isang malaking bahay roon na parang simbahan kung saan napalilibutan ito ng matataas na pader. Only on its railings you will see the body of the entire asylum, pero mas makikita namin ito kung kami ay papasok mismo sa loob.

Mula noong bata pa naman ako, na-expose na ako sa mga bagay tungkol sa mga asylum. Natakot ako noon sa mga pasyenteng naka-confine sa loob nito.

I saw a documentary before about the life inside a mental facility. May mga doktor di-umano na naghihirap sa pag-aasikaso sa kanilang mga pasyente lalo na at espesyal ang mga hinihinging pangangailangan ng mga ito.

My mother had even wrote an article about them, but I have no time to check on that. Nakakatakot kasi ang deskripsiyon na isinulat ni mama tungkol sa mga pasyente.

She wrote them in a way to warn the readers about the hazard of being near with mentally unstable people. Pero hindi sa na-generalize ni mama ang mga taong kagaya nila.

She wrote it because of a prowling serial killer, back when she's still a rookie in her profession, na agad din namang nahuli bago pa dumami ang bilang ng mga napapatay nito. The suspect has been sent to an asylum, and he's the one that my mom described as a monster.

Kaya habang wala pa kami sa asylum, ramdam ko na ang paninindig ng aking mga balahibo. I hope none of the patients here are hyperactive. Lalo na at wala akong experience kung pa'no i-handle ang ganitong mga sitwasyon.

"Malapit na tayo," bulong ni Abby habang abala siya sa pagmamaneho.

Pansin kong tahimik lang na nagmamasid si Verm sa paligid. Malikot ang kaniyang mga mata, na sa tingin ko ay isang paraan na nakasanayan ng kanilang uri.

"Sa wakas," ani ko.

Napahalukipkip ako ng aking mga kamay habang pinakikiramdaman ang pagpatak ng oras. Ilang minuto na lang at malapit na kami sa gate ng asylum na aming pupuntahan.

At sa bawat metrong tinatahak ng aming sasakyan ay kasabay ng mabilis na pagtibok ng aking puso.

Lumiko ang sasakyan at sa dulo ng kalsada na aming tinungo ay may nakita kaming mataas na gate. Sa itaas nito ay nakaulat ang pangalan ng ospital.

'WICHITA CENTRAL ASYLUM'

"Nandito na tayo." Itinigil ni Abby ang sasakyan sa harapan ng gate.

Ilang segundo lang ang lumipas at may nakita kaming isang guwardiya na lumabas mula sa guardhouse. Bumuga ito ng usok mula sa hinihithit niyang sigarilyo bago niya ito itinapon sa lupa at niyapakan para mapatay ang sindi nito.

Nang makalapit siya sa gate ay binuksan niya ito. He opened it just enough for him to come outside.

Lumapit siya sa aming sasakyan, kumatok sa bintana sa tabi ni Abby, at sinipat kaming tatlong lulan nito.

Dahan-dahang ibinaba ni Abby ang bintana. She smiled at him before greeting him a good morning. But the guard didn't seem to be cheerful, tumango lang ito at nanatiling seryoso ang tingin sa amin.

"May appointment ba kayo rito?" tanong nito sa amin.

I immediately fished my identification card out of my bag and showed it to him. "Good morning po, ako po si Angel Ferguson, isa po akong journalist. Nandito po kami para makapanayam ang isa sa inyong mga pasyente na nagngangalang Margot. Puwede ni'yo po ba kaming pagbigyan kahit sandali lang po?"

Kinuha niya ang ID ko at mataman niya itong pinagmasdan. Ilang segundo lang ay ibinalik niya rin ito sa akin.

"Para saan ba ang interview na gusto ni'yong isagawa? Limitado lang kasi ang oras na ibinibigay ng management para sa mga bisita lalo na at karamihan sa mga pasyente rito ay masyadong malubha pa rin ang kalagayan," aniya.

"Kailangan namin siyang kausapin tungkol sa mga isinulat niya na patungkol dito sa bayan ninyo," pakiwari ko.

Hindi naman siya gaanong ka-strikto kahit na ang kaniyang mukha ay halos walang kaemo-emosyon.

Sandali lang niya akong tinitigan sa mata at hindi nagtagal ay tumango na lang siya. "Ilang taon na ring walang bumibisita kay Margot. Siguradong matutuwa siya kapag nakita kayo."

Muling bumalik sa gate ang guwardiya at binuksan niya ito nang sapat para makadaan ang kotse ni Abby papasok sa loob.

Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko ay mahihirapan pa kaming kumbinsihin ang guwardiya para pagbigyan kami sa gusto naming mangyari.

Nang tuluyan nang nakabukas ang gate ay agad na pinaandar ni Abby ang sasakyan papasok sa loob.

As we entered the perimeter of the asylum, the guard closes the gate afterwards.

Naghanap ng paparadahan ng sasakyan si Abby at nakakita naman siya sa hindi kalayuan. She stopped the car below the shade of a huge tree.

"Nandito na tayo," Abby unbuckled her seatbelt and opened the door beside her.

Lumabas kaming tatlo nina Verm at saka pinagmasdan sa malapitan ang malaking gusali sa di-kalayuan.

The mental facility in front of us holds the only answer to our questions. Sana'y matulungan kami ni Margot.

"Sana masagot na ang lahat ng tanong ninyo," nakangiting sambit ni Abby.

She carefully placed her hands behind her back, slowly moving like she's anticipating something to happen.

Nginitian ko rin siya, Abby helped us a lot already. Kung wala siya, siguradong mahihirapan kaming resolbahin ang misteryong ito.

Maya-maya lang ay nakita naming papalapit sa aming direksiyon ang pulis na humarap sa amin sa gate kanina.

"Pagpasensiyahan ninyo ako kung bakit hindi ko kayo binati kanina," ngumiti siya sa pagkakataong ito. "Magandang umaga, ang pangalan ko ay Ricardo at matagal na akong nagtatrabaho rito bilang guwardiya. Marami na akong nakasalamuhang tao na hindi maayos ang pakikitungo sa mga pasyente ng ospital. Kaya para maiwasan iyon, minabuti kong maging mahigpit sa mga bisita. Pero dahil gusto ninyong makausap si Margot, napag-isipan kong wala naman kayong masamang intensiyon. Isa pa, matagal na rin siyang naghihintay ng bisita. Pero dahil nandito na kayo, hayaan ninyong samahan ko kayo sa kaniya."

"Salamat po."

Nanguna sa paglalakad si Mr. Ricardo habang kaming tatlo naman nina Verm ay nakasunod sa kaniyang likuran. He didn't lead us to the main building and went straight on its backyard.

Sa likod ng gusali ay may malawak na kaparangan kung saan matatagpuan ang isang malinis na parke.

Several patients have been wandering freely around the open area, some are supervised by nurses but the rest have been enjoying the precious time that were given to them.

"Dito dinadala ng mga nurse ang mga pasyenteng nag-i-improve ang kalagayan. Karamihan sa kanila ay nakikinig, iniinom ang mga gamot na kailangan nilang inumin sa tamang oras," nakangiting sambit ni Mr. Ricardo habang nakatingin siya sa mga pasyenteng nakangiti habang naglalaro.

"Nandito ho ba si Margot?" tanong ko sa kaniya.

Mr. Ricardo nodded. "Matino ang isip ni Margot. Pero mas ligtas siya rito, naniniwala ako sa lahat ng mga isinulat niya tungkol sa bayan ng Wichita. Tungkol sa nakaraan ng bayang ito lalong-lalo na sa naganap na witch trials noon."

Natigilan ako. Maraming nalalaman si Mr. Ricardo, at naniniwala siya kay Margot. Malaking tulong ito lalo na at mahirap kumumbinsi ng tao upang maniwala sa mga bagay na hindi pa nila kailanman natutunghayan.

"Iyon din ba ang pakay ninyo?" Seryosong tanong ni Mr. Ricardo.

Na siya ko namang tinugunan. "Oho, nandito ho kami para humingi ng tulong sa kaniya. Siya lang ang natatanging makapagtuturo ng lokasyon kung saan namin maaaring matagpuan ang isa naming kasama."

Napailing si Mr. Ricardo. "Mukhang seryoso nga ang pakay ninyo. Sumunod kayo sa akin para makita niyo na siya agad."

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang hardin na napalilibutan ng mga makukulay na bulaklak.

Sa gitna nito ay may isang ale na taimtim na nagdidilig ng mga halaman habang nakatalikod siya sa aming direksiyon.

Bigla akong natigilan sa aking nakita. She's quite familiar. Her hair, her body...

She's the one who saved me from Lara.

"Sa wakas at dumating na rin kayo, matagal ko na kayong hinihintay." Nagsalita si Margot bago siya dahan-dahang humarap sa aming apat.

At sa kaniyang pagtingin sa aking mukha, doon ko nasigurong siya nga at wala ng iba ang taong nagligtas sa aking buhay.

She smiled. "Ako si Margot. At handa akong tumulong sa inyo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top