21 - Old Map

Napagdesisyunan ko na dalhin na lamang sina Marco at Samantha sa ospital para magbantay kay Manuel. I wasn't so sure about leaving Soledad alone with him, considering that she looked like she's still in a catatonic state.

Iniwan ko muna si Verm sa unit namin ni Sam para makapagsimula na siya sa paghahanap ng impormasyon tungkol kay Margot mula sa mga naipong gamit ni Monalisa.

He even told me to take care of ourselves, knowing the dangers we are about to face. Sinabihan ko na lang siya na magtiwala siya sa amin, na hindi susubukan ni Lara na gumawa ng gulo sa gitna ng bayan na pinamumunuan niya.

At habang nasa biyahe kami patungo sa ospital ay minabuti ko na ring sabihin kina Sam at Marco ang lahat ng nangyari kanina.

About Mr. Calicdan, about Soledad's traumatic encounter, and specially about the owl.

Samantha even made research about 'familiars' after I explained the owl to them. And she came up with something about pets of witches. Just like what I had thought before.

"So ang sabi rito sa Google," Sam smirked as she continued pressing at the screen of her phone. "Familiars are basically, a servant of a witch. A spirit, a minor demon that basically serves also as a spy, a protector, and..."

She scrolled down by sliding her forefinger upward the screen. "Oh my..."

Kinabahan ako nang marinig ko ang tono ng pananalita niya. Dahan-dahan kong binagalan ang pagmamaneho ng van, I want to know why she gasped like that.

Meanwhile, Marco tried his best not to pay attention on Manuel's blood at the backseat where he is currently sitting. I told him before that mentioning about the bloodstains will just make me feel unusual.

That it will trigger the dark memories of what just happened to us.

Naintindihan naman ako ni Marco kaya nanatili siyang nakatahimik habang nakaupo sa may backseat area.

"It can shapeshift," tumingin si Samantha sa amin. "That means, we should be careful sa mga makakausap natin. What if they are not who they seems to be?"

Magsasalita pa sana si Marco nang pigilan siya ni Samantha. "And witches could have a human familiar. Somebody's body possessed by a demon they could control. If that's the case, Angel, you really need to take care of yourself. We are having a real supernatural vibes here..."

Natahimik na lamang ako sa kaniyang nasabi. I shifted my gaze on the road in front of me, thinking about the wild possibilities that someone would stand against us. Hindi ko pa alam ang gagawin, pero hindi ako susuko.

"If that's the case, we'd rather have a twentieth century witch hunt," bulong ko. "But now, it will be caught on camera."

Marco smiled. "Walang problema."

~~~

As we left the van outside the hospital, I felt something strange. Like something is wrong but I don't have any idea how to explain it.

Hindi ko mapigilan na mapatitig sa bukana ng ospital. My mind keeps looking for something but I didn't know what it is.

"Is something wrong, Angel?" tanong ni Sam sa akin.

"W-wala." Napahawi ako ng aking buhok. "It's just that, every time I come into this place, it always give me this feeling that something wrong is about to happen." I whispered.

To make sure everything is alright, I decided to look around. To see if the owl is still watching us.

I heaved a sigh of relief after knowing that the owl wasn't here, I couldn't feel its presence.

"Wala na rito yung kuwagong tinutukoy ko," tumingin ako kina Marco. "Tara na sa loob."

Sabay-sabay naming pinasok ang loob ng ospital. Bumati sa amin ang mga nurse na abala pa rin sa kani-kanilang mga trabaho. Karamihan sa kanila ay pamilyar ang mukha dahil nakita ko na sila kanina, ngunit may iilan na nakakapanibago. Sa tingin ko ay nagpalit na ng shift ang iba sa kanila.

Muli ko na namang nadaanan ang lobby kung saan nangyari ang pagkamatay ni Mr. Calicdan. Bigla ko na namang naalala ang masamang pangyayari kanina. I decided to close my eyes to suppress the memory of Mr. Calicdan's death.

"Ang ginaw pala rito," bulong ni Marco habang niyayapos ang kaniyang magkabilang braso.

"Obviously, may air conditioning system sila rito," sabi pa ni Sam na tila sanay na sa lamig ng aircon.

"O baka naman may mga multo kasing nakapaligid sa atin. Tapos tayo naman, iniisip lang natin na aircon yung malamig na pakiramdam na galing sa kanila para hindi tayo matakot," ani Marco, nagbibiro na naman siya.

Napailing si Sam. "Nagagawa mo pa rin talagang magbiro ano?"

"Well, mabuti na ring pakalmahin mo na lang ang isip mo. There's nothing good in worrying," napabuntong-hininga si Marco. "Kung alam mong may mangyayaring masama, mas maganda kung isipin mo kung pa'no 'yon haharapin. Hindi yung iisipin mo lang yung parating na masamang pangyayari at kung ano nga ang mangyayari sa'yo kung sakaling hindi mo 'yon napaghandaan."

Natigilan si Sam sa sinabi ni Marco. She just nodded her head as if she's accepting Marco's statement. "Kung sana ay lagi kang ganiyan Marco. Baka mas lalo pa akong matuwa sa iyo."

"Ako pa ba?" tumawa si Marco.

Hindi ako umimik sa pinag-uusapan nila. Pinakikiramdaman ko kasi ang mga kilos ng tao sa paligid. I am alerting myself in case we are facing a shady person.

Lalo na at sabi nga ni Sam, familiars could be a possessed human being under the influence of a demon. And like Manuel and Verm, familiars could shapeshift from their animal form to look like human.

As we turned another hallway, I saw Manuel's room, the door is still close. "Nandoon si Manuel." I pointed on its direction.

Agad na naglakad patungo sa pinto nito sina Sam at Marco. They both looked inside from the window. "Si Soledad ba 'yon?" Sam asked me.

Pagkalapit ko sa kanila ay sumilip na rin ako sa bintana. Nakita kong mahimbing na natutulog si Soledad habang nakaupo siya sa tabi ng kama ni Manuel. Ang kaniyang mga palad ay nakapatong sa kamay nito.

Napasipol si Marco. "Bagay sila," bulong niya.

Napatingin si Sam sa akin. "Close ba sila?" tanong niya.

I didn't answer their question as I chose to open the door of the room instead. Nauna akong pumasok sa loob at sinundan naman nila akong dalawa.

"Mukhang napagod nga si Soledad. Alam ni'yo na naman ang nangyari sa whistleblower ko 'di ba? Namatay siya at nakita ni Sol ang mga nangyari," sabi ko kina Sam habang nakatingin ako sa maamong mukha ni Soledad.

I can't believe myself that I am looking at her without being annoyed. Mabait siyang tignan habang natutulog, sana'y lagi na lang siyang tulog para hindi ko na siya kainisan. Pero imposible namang mangyari 'yon.

"Pero totoo naman kaya na nakita niya ngang umitim ang mata ni Mr. Calicdan?" Umupo si Sam sa couch, nakatingin pa rin sa direksiyon nina Manuel.

I shrugged. "Sa bayan na ito. Walang imposible." I told her as I walked near Manuel's hospital bed.

I checked over his clothes. The blood have completely dried up, his wounds are starting to heal. He's doing better.

Lumapit din si Marco at tumayo siya sa tabi ko. "Mukhang malubha nga ang kalagayan niya. Sa dami ng bendang nakapulupot sa katawan niya, mukhang malaki nga ang mga sugat na natamo ni Manuel."

I nodded. "Maayos na raw ang kalagayan niya sabi ng mga doktor. Kailangan lang daw niya ng ilang araw na pagpapahinga," bulong ko.

"Ilang araw naman daw?" tanong pa ni Marco.

Hindi ko masabi sa kaniya na kailangan na naming umalis dito sa lalo't madaling panahon dahil may problema ring magaganap sa Camp Tirso kung sakaling mahuli kami ng balik.

Kung sana'y madali lang sabihin na may lahing asong-lobo sina Manuel...

I sighed frustratedly. "Hindi ko pa alam, pero siguradong mabilis lang siyang makaka-recover." I crossed my fingers, hoping I was right. "We were told not to worry about his case anymore."

Marco smiled. "Sa tingin ko nga. Aba'y batak na batak ang katawan niya, halos araw-araw yata siyang nagsisibak ng kahoy. Mabilis lang siyang makakabawi niyan."

"Tama ka," bulong ko hanggang sa hindi ko namalayang ako'y napangiti na rin.

I don't know why I suddenly imagined Manuel cutting up some woods, wearing nothing but that maong pants he was wearing the first time we had met him. He looked so strong and indestructible.

Ilang minuto kong pinagmasdan ang mukha ni Manuel bago ko napagdesisyunan na harapin sina Samantha. I didn't want to bother Soledad's slumber at the moment as she needed to have enough recovery time.

I clasped my hands. "Okay guys, hayaan ni'yo lang si Soledad na makapagpahinga. Kailangan niya ring maka-recover mentally," itinuro ko ang ulo ko. "Masyadong traumatic para sa kaniya ang nakita niya," nilingon ko si Soledad.

"Sa tingin ko nga, kung siya ang kasama ni Manuel noong inatake kami ng familiar na 'yon, malamang nawalan na agad siya ng ulirat matapos ang walang humpay na pagsisigaw."

Tumango habang may kaunting bakas ng tuwa sa kaniyang mga mata si Sam. "Kami nang bahala sa kaniya. Kaya naman yata namin siyang pakisamahan," sabi niya pa.

"Tatawagan ka na lang namin kung sakaling may mangyaring hindi namin inaasahan. Teka, na-charge mo ba phone mo?" tanong ni Samantha sa akin.

Agad akong napakapa sa aking bulsa para hanapin ang cellphone ko. Nang maramdaman ko ang hubog nito ay kaagad ko itong inilabas.

"Hindi e. Dead battery na ang phone ko," napasimangot ako. Why didn't I charge this before? Sana pala iniwan ko na lang to sa hotel kanina para makapag-charge.

Sam smiled. "Gamitin mo na lang yung powerbank ko. Naiwan ko sa bag," aniya.

"Sige," sambit ko.

"So ano na ang plano? Babalik ka na ba agad sa hotel?" Sunod na tanong ni Samantha.

I shrugged, I don't have a choice anyway. Kailangan kong kumilos lalo na at maraming nakataya rito. "Kailangan ko nang bumalik sa hotel. Hahanapin namin ni Verm si Margot."

"Magpahinga ka kaya muna kahit kalahating oras lang? Malalim na rin ang gabi. Halatang pagod ka na rin," ani Marco.

Gusto ko mang magpahinga ay hindi ko magawa. I just can't rest for now, specially when there's a lot of things to do. At kung susubukan ko mang matulog ngayon, siguradong babagabagin lang ako ng mga problema.

"Thanks for the concern, Marco, pero ayos lang ako. Bibilisan namin ang pagkilos. Isa pa, kasama ko naman si Verm, you can trust him." I smiled.

Tumayo si Sam at nilapitan niya ako. "Mag-iingat kayo," she hugged me so tight and I can feel the sincerity of her kindness to me.

"Mag-iingat kami," ani ko.

Napatango na lamang si Marco bago siya muling tumingin sa direksiyon ni Manuel. "Wag mo na rin munang alalahanin si Manuel. Kami na ang bahala sa kaniya."

"Salamat," sabi ko pa. "O sige na, babalik na ako sa hotel."

Sam and Marco nodded. I can't help but smile with the thought of having them like this. Malaking tulong talaga sila sa akin lalo na at kailangang-kailangan ko silang dalawa.

I left the room alone by myself and as I closed the door, I glanced back to the window and see Soledad having a peaceful sleep with Manuel.

Sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking dibdib. I feel so alone all of a sudden.

Having nothing to do here anymore, I chose to leave without entertaining this odd feeling inside of me. Mahirap na kung may maramdaman pa akong emosyon na hindi ko dapat maramdaman.

Specially when I'm at the wrong place in a very wrong time.

~~~

I went back to Hotel Stonington. Naabutan ko si Abby na naglilinis sa reception area. She's listening to some mellow music with her laptop through its speakers.

Binati niya ako pagpasok ko sa loob ng hotel. Tumango ako at ngumiti bago ako nagtungo sa elevator.

Mabilis ang bawat segundong lumilipas. Nararamdaman ko na anumang oras ay maaaring magbago ang takbo ng pangyayari.

Hindi pa namin nakikita ang mayor ng Wichita. At hindi pa kami sigurado kung hanggang saan ang sukdulan ng kakayahan niya.

If she's the powerful witch in this town, is she capable of killing us by looking directly into our eyes? Kaya niya rin bang patigilin ang pagtibok ng puso namin? At ang lubos na ikanatatakot ko, kaya niya ba kaming patayin gaya ng ginawa niya kay Mr. Calicdan?

She had formed a bond between him and her. She can control anyone who have that bond, that chain that shackles them within her biddings.

Sadyang minalas lang si Mr. Calicdan. He tried asking for help, but this is what he had received.

Death. A very painful death as how it looked like to me.

I pinched my temples as I see his face filled with agony. Mabuti na lang at hindi ko nakita kung paano nangitim ang mga mata niya base sa paliwanag ni Soledad sa amin.

Dahil kung sakaling nakita ko ang nasaksihan ng kaniyang mga mata?

Siguradong hindi ko rin kakayanin. I may lose conciousness due to the unexplainable occurrence that have happened. Hindi maipapaliwanag ng siyensiya ang mga pangyayaring nagmula sa itim na salamangka.

Nang magbukas ang pintuan ng elevator ay kaagad akong humakbang palabas. Tahimik pa rin ang hallway gaya ng dati at wala akong nararamdaman na may masamang mangyayari.

Dumiretso ako sa room namin at agad akong kumatok sa pintuan. "Verm?"

"Sandali lang," sambit ni Verm.

Maya-maya lang ay binuksan niya na ang pintuan. Verm smiled as he sees me. "Mabuti at walang nangyaring masama sa inyo," aniya. "Kamusta sina Manuel?"

"Stable pa rin ang lagay niya. Mukhang tumigil na rin ang pagdurugo ng mga sugat niya. He's doing fine I guess," I smiled. "Mahimbing namang natutulog si Soledad."

Pumasok ako sa loob at saka isinara ang pintuan. "Ikaw? May mga nakalap ka na bang impormasyon tungkol kay Margot?"

Tumango si Verm. "Oo, sa katunayan nga niyan, matagal na rin palang may koneksiyon si Monalisa kay Margot. Nagpapadala si Margot ng sulat para sa kaniya mula sa Wichita," aniya.

Lumapit si Verm sa kama kung saan nakakalat ang mga lamang papeles ng itim na bag. "May nahanap akong isang note na isinulat ni Monalisa," he picked up a piece of paper from the scattered papers. "Ito o. Sa tingin ko dito nanggaling 'yong mga package na natatanggap ni Monalisa."

He showed it to me and as I continue reading it. It is an address that is located in this town. "Puntahan natin ang address na 'to ngayon na," ani ko.

Agad na tumango si Verm.

Nagtulong kaming dalawa na ligpitin ang mga papeles ni Monalisa sa loob ng itim na bag. Siniguro naming wala kaming nakaligtaan na anumang gamit niya.

Isinukbit ni Verm ang itim na bag sa kaniyang balikat. Bago namin napagdesisyunan na lisanin ang kuwartong iyon ay kinuha ko muna sa bag ni Samantha ang powerbank niya. I need to charge my phone on the way to our destination.

Pumunta kami ni Verm sa reception area. I decided to ask Abby where is the location the address is pointing to. Naiwan ko kasi sa van yung kopya ng mapa na ibinigay niya sa akin kanina.

But when I mentioned the exact address to her, she immediately acted surprised.

"Wala na 'yang address na 'yan dito," aniya. "Sa pagkakaalala ko kasi, nasa lumang mapa pa 'yan ng Wichita."

"Lumang mapa?" tanong ko sa kaniya.

"Yup, sa ngayon kasi, binago na nila yung mapa. Lalo na at may mga lugar silang hindi na isinama sa bagong mapa. Gaya ng address na 'yan," she smiled. "It doesn't exist anymore."

Then I realized we still have a copy of an old map of Wichita. "May kopya kami ng lumang mapa ng Wichita."

Binuksan ko ang bag na dala ni Verm at agad na hinanap ang kopya ng lumang mapa doon. Ilang segundo lang ay nakuha ko naman ito kaagad.

"Ito o," ipinatong ko ito sa reception table.

Abby looked at it like it's a prize possession. "Hindi ako makapaniwalang may kopya kayo nito, this is truly legit. Karamihan kasi ng makikita ninyo sa internet na mapa ng Wichita ay modified na. But this one..." She trailed her hands over the map.

"This one is authentic. Matutulungan ko kayong hanapin ang address na tinutukoy ninyo," she said with a smile in her lips.

Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag ang saya na nadarama ko. Ngayong nandito na ang sagot sa kung saan namin makikita si Margot, isang katanungan na naman ang lubhang ikinabahala ko.

Matatagpuan nga ba namin si Margot dito?

"Ano bang meron sa lumang mapa ng Wichita, ba't parang wala na kayong kopya nito?" tanong ni Verm kay Abby.

Inilapit ni Abby ang kaniyang mukha sa amin na tila may sikreto siyang sasabihin.

"I was instructed not to tell this to any tourists who comes here, pero mukhang hindi kayo mga turista," she looked into our eyes.

She pointed over the map at the table. "Pero itong mapa na ito. Lahat ng kopya nito ay pinasunog ni Mayor Lara Sullivan. Kahit yung mga nasa internet, talagang puwersahan nilang pinatanggal. It's like this map is a curse for her. Hindi ko alam kung bakit pero base sa mga usap-usapan dito, may kinalaman ito sa mga simbahan ng Wichita."

She smiled. "Just look and see," she grabbed a copy of a newly revised map of Wichita and placed it beside the old one. "Wala na ang mga simbahan."

Hindi na ako nagulat sa impormasyong tinutukoy ni'ya. Most of the tourist who comes here might be looking for the reason why it is called a Churchless Town.

Pero hindi gaya nila, alam ko ang dahilan tungkol dito.

I heaved a sigh. "She wants to erase the past of this town. Like it never happened at all."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top