20 - Witch Hunt

As we stare at the owl perched on the roof of the taxi, nobody among us moved a muscle.

Not until the sliding door of the entrance of the hospital opens widely. Sabay kaming napalingon ni Verm sa aming likuran para malaman kung sino ang palabas ng pintuan.

"Susmaryosep, grabe talaga yung nangyari sa lalaki kanina," ani ng isang babaeng may suot na kulay pulang t-shirt sa kasama niyang lalaki na may suot namang leather jacket at isang maong pants.

Mukhang mag-asawa silang dalawa base sa kanilang mga ikinikilos. Dahil hawak ng lalaki sa beywang ang kasama niyang babae, at kapansin-pansin din ang singsing na suot niya sa kaniyang palasinsingan na iisa lamang ang kahulugan.

The man slowly shook his head. "Wala tayong magagawa, mukhang inatake ng epilepsy ang lalaking 'yon." Nagkibit-balikat pa ito.

"Talaga? E ba't namatay? Tumirik yung mata tapos tumigil na lang sa paghinga? Epilepsy ba yun?" tanong pa ng babae nang makalagpas sila sa kinatatayuan namin ni Verm.

Agad silang dumiretso sa taxi.

Pinagbuksan ng lalaki ang kasama niyang babae ng pintuan. "Aba'y wag na nating problemahin ang taong iyon. Ang mahalaga'y maayos ang pagbubuntis mo," ngumiti ito.

Tama nga ako, mag-asawa nga sila.

Naunang sumakay sa loob ang asawa niyang babae. Napansin ko ang pagngiti nito, mula sa labas ay hindi ko na marinig pa ang kung anuman ang pinag-uusapan nila.

The man went inside the taxi before closing the door. A few seconds later, the taxi have started its engine and continued cruising on the late night road of Wichita.

That's when I realized, the taxi is not waiting for us.

And the owl was already out of the picture.

"May kakaiba akong naramdaman sa ibon na iyon. Naramdaman mo rin ba?" tanong ni Verm sa akin habang tila sinusubukan niyang tanawin kung nasa paligid pa rin ba ang ibon na iyon.

Hindi pa nga pala niya nalalaman ang tungkol sa ibon na iyon. That that owl is the familiar owned by mayor Sullivan. That owl possessed the power of that evil creature, it summons it, and it follows its host's commands.

"Tama ka ng kutob. May kakaiba nga sa ibon na iyon," hinawakan ko ang kanang kamay niya. "Sa van na tayo mag-usap."

Nagpunta kami sa van namin. Nang pasukin ko ang loob nito ay doon ko lang lubusang napansin ang bahid ng dugo na natuyo na lamang sa upuan sa may backseat. It even stained the furniture with a dark hue.

Biglang bumigat ang pakiramdam ko na tila may bagay na pumasan sa aking likuran. Ang makita kung gaano karaming dugo ang nawala sa katawan ni Manuel ay sapat na para ako ay makaramdam ng matinding panlulumo, napasapo ako sa aking dibdib.

"May problema ba Angel?" naramdaman ko ang kamay ni Verm na dumampi sa aking likuran.

Umiling ako. "Wala naman. Naaalala ko lang ang nangyari kay Manuel dahil sa bahid ng dugo na naiwan niya rito," itinuro ko ang upuan sa may backseat.

Nakita rin ito ni Verm at dahan-dahan siyang tumango. "Marami ngang dugo ang nawala sa kaniya."

I don't know what to say anymore. I don't want to talk about Manuel dying once more. Isang mahinang tango na lang ang aking naitugon. At mabuti na lang, hindi na rin umimik si Verm.

~~~

Nakarating kami sa Hotel Stonington nang walang anumang problemang na-engkuwentro. I parked the van at the hotel's parking space in front of the premises, and I stared on the steering wheel for a few seconds upon turning the engine off.

Nasabi ko na kay Verm ang tungkol sa kuwagong iyon habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe. Noong una, hindi pa siya makapaniwala. Pero nang maikuwento ko sa kaniya ang lahat-lahat, mula noong nakarating kami sa bayan na ito hanggang sa mangyari nga ang hindi namin inaasahang pangyayari, nagawa ko naman siyang makumbinsi na hindi isang normal na nilalang ang ibon na iyon.

"Hindi ko alam na totoo nga ang mga witch," nakita kong umiling si Verm. "Nagkamali ako sa pagiging kampante para sa kaligtasan ni Monalisa. Dapat pala hindi ko siya hinayaang magpunta rito nang mag-isa..."

Hindi ako makapagsalita. Even I want to say something, I just feel so exhausted to speak a word. Binitiwan ko na lang ang manibela at napasandal sa aking upuan.

Napabuntong-hininga ako, wala na akong lakas pang makipagdiskusyon lalo na at pagod na rin ako sa dami ng nangyari. I just want to take a rest, call this a night and have a pleasant hours of sleep. But I can't.

"Ayos ka lang, Angel? Magpahinga ka muna. Ako muna ang bahala rito—" ani Verm.

"Kaya ko 'to," tumingin ako sa direksiyon ng kaniyang maamong mukha. "Gusto ko lang ng panandaliang katahimikan," napapikit ako. "I'm quite stressed out."

Agad ding huminto sa pagsasalita si Verm. He was about to say something but he decided not to push it too far. "Magpapahangin lang ako sa labas," aniya bago siya lumabas ng sasakyan.

While sitting alone inside the van, I realized how fucked up our situation is getting by. Naaalala ko pa ang gabing natanggap ko ang tawag ni Mr. Noah Calicdan, he was too mysterious back then. His voice, the chilling aura of his professionalism, he sounded like someone who will give you chills into your spine.

But upon finally meeting him, and knowing about his death has totally dawned on me. Bakit gano'n lang kabilis ang mga pangyayari? Why does he need to die? It's just... unbelievable.

Pakiramdam ko bigla akong nagsisi na nagpunta ako rito para sa tip na kaniyang gustong sabihin. I feel like I lured myself into someone's own trap, not knowing the dangers of its consequences if I fall.

Nasapo ko na lang ang noo ko. I looked so haggard at the moment and this is not how I usually look while doing a story. Of all the political schemes I have written before, this is the first, and hopefully my last supernatural story.

I wasn't intentionally supposed to write about a supernatural one. This was supposed to have a mysterious content.

But here we are, messing with a real life witch. Someone who have powers to control. Ano pa akong tao lang? Unlike Verm and Manuel, they can shapeshift into a form of a werewolf. They have capabilities that normal humans doesn't have.

I wish Mr. Noah's death will be justified by our actions. Kailangan namin ni Verm na magtulungan para resolbahin ang lahat ng gusot sa problemang ito.

After a few minutes of silence, I finally decided to get out of the van. Nang makalabas ako ay naabutan ko si Verm na nakasandal sa isang poste ng ilaw habang pinagmamasdan niya ang pailan-ilang sasakyan na dumadaan sa kalsada.

As I closed the door of the van, he looked into my direction. "Ayos na ba ang pakiramdam mo?"

I managed to show him a weak smile despite the terrible feeling that is still running inside my mind. "Ayos naman," bulong ko. "Nakapag-isip naman ako nang matiwasay."

Naglakad si Verm palapit sa akin. "Asikasuhin na natin ang mga gamit ni Monalisa."

Tumango ako. "Sundan mo lang ako."

Nauna akong maglakad papasok ng hotel Stonington. Sa pagkakataong ito, hindi ko naabutang gumagamit ng laptop si Abby sa reception area.

Nakaupo lang siya habang abala sa pagsusulat sa isang logbook. Posibleng gumagawa siya ng report para sa mga naganap sa buong shift niya.

"Good evening ma'am, sir," nakangiting bati sa amin ni Abby. Her eyes are  still full of life even the night is too deep for a smile.

I smiled back at her. "Abby, kasama ko."

Abby smiled as she put the logbook down on top of her podium. "Sir, pangalan at pirma lang po." She pointed on a blank slot on a page of the logbook for Verm to fill out.

Agad namang lumapit si Verm at ginawa ang sinabi nito sa kaniya. Matapos niyang pumirma ay maging si Verm ay ngumiti na lang din.

"Salamat po," ani Abby.

Agad naming nilisan ni Verm ang reception area at saka sumakay sa elevator. As we enter the lift, I pressed the button of the designated floor where our room can be found.

"Ngapala, ipapakilala kita sa mga kasama ko sa trabaho, nabanggit na kita sa kanila kaya may ideya na sila kung sino ka," sabi ko kay Verm habang dahan-dahan na tumataas ang elevator.

"Sinabi mo bang taong-lobo ako?" tanong ni Verm sa akin.

Mabilis akong umiling. "Hindi, bakit ko sasabihin 'yon? Besides, they're not ready to hear something about werewolves. Masyado nang maraming kakaibang bagay ang nangyayari, I don't want to put so much stress sa team ko."

I sighed. "And I promise not to tell anyone about your secret right? Hindi ko 'yon sisirain. I don't want to break someone's trust on me, given na isa akong journalist."

Ngumiti lang si Verm. "Mabuti naman. Salamat."

I almost feel alienated of Verm's reactions. Matapos ang mga nangyari sa ospital, parang nawala yung Verm na nakilala ko sa Camp Tirso.

He became someone who's acting much responsible than before. Mas lalo siyang naging seryoso at mas lalo kong nararamdaman na kahit nanghihina ang loob niya sa mga nalaman niyang impormasyon, hindi ko maitatanggi na naiipon ang galit sa kaniyang dibdib.

He's keeping the pressure inside his body. And I know sooner or later, once he is triggered, he'll just let the hell break loose.

Tahimik naming narating ang palapag na aming lalabasan. At sa pagbukas ng pintuan ng elevator, doon lamang ako muling nakahinga nang maluwag.

Why does I feel suffocated whenever someone is intimidating me. Considering that Verm is not new to me, his sudden change of character has affected me in so many ways.

"Dito tayo," nauna ulit akong maglakad.

Tahimik na ang hallway nitong hotel at dahil sa pulang carpet na nakalatag sa sahig ay hindi rin dinig ang tunog ng mga yabag ng sandals ko at ng sapatos ni Verm.

Wala pang ilang minuto ay narating na namin ni Verm ang unit namin nina Samantha. "Dito kami nag-check in pagdating namin dito. Sa tapat naman nito ang kuwarto nina Marco at Manuel." Itinuro ko ang pintuan ng katapat na unit nitong amin.

Tumango lang si Verm. Dahil wala na rin naman siyang iba pang sinabi, minabuti kong kumatok ng pintuan. I don't want to be surprised again if my colleagues are doing something I'm not expecting to see.

"Sam, ako to," ani ko pa.

"Sandali lang." I heard Sam's voice as if she's in a hurry.

Isinandig ko ang gilid ng ulo ko sa pinto, pinakikiramdaman kung ano bang ginagawa nila sa loob. As I eavesdropped, I can hear some hushed whispers and sounds of soft pillows being arranged along with the mattress.

Napailing ako. "I hope they didn't do it," bulong ko.

"Ang alin?" tanong ni Verm sa akin.

Hindi ko agad siya nasagot, bagkus ay nagkunyari akong hindi ko siya narinig. "Ha?"

"May sinabi ka—"

Biglang bumukas ang pinto at nakita namin si Sam na nakatayo sa aming harapan na tila mabilisang nagbihis dahil medyo magulo pa ang kaniyang buhok. Samantala, nakatayo naman sa kaniyang likuran si Marco, pawis na pawis at nakangiti pa.

"Sorry sa paghihintay," Sam's eyes looked from me to Verm and back into my direction. "Pa-pasok."

Tinitigan ko si Sam sa mata bago ako tuluyang pumasok sa loob. Samantala, nagawa namang ngumiti ni Verm nang lagpasan niya si Samantha.

Umupo ako sa kama at napansin kong parang ang init nitong matress na tila matagal itong hinigaan. I can't believe it, sana hindi tama ang hinala ko.

I heard the door closing. Sam is standing by the door, fixing her hair with her hands.

Tumingin ako kay Marco at nakita kong umiwas siya ng tingin sa akin. He looked at Verm and I saw him fighting the urge to smile or grin. Nakaramdam tuloy ako ng kaunting inis sa aking nakikita.

Kanina bago ako umalis dito, parehas silang kabado. Alam na nila ang problemang hinaharap namin ngunit ano itong nangyayari ngayon? Kung tama nga ang hinala ko, baka may nangyari sa kanilang dalawa.

And I'll be angry with Marco for taking advantage of Sam's weakness if that's what really happened between them, while I'm out there, almost losing my conciousness because of shock upon witnessing Mr. Calicdan's seizure.

Nanatiling nakatayo si Verm ilang metro ang layo sa pintuan malapit sa direksiyon ko. He kept his straight face while he's looking at Sam then to Marco.

Then Sam looked at me. Her eyes told me what we are supposed to talk about at this point of time.

Hinilot ko ang aking ulo. "Sam, Marco, siya si Verm. Siya yung tinutukoy ko na kasama sana natin magpunta rito sa Wichita," itinuro ko si Verm. "Verm, ito naman si Samantha, editor ko, at ito naman si Marco, utility man ng aming team."

Lumapit si Sam kay Verm at inilahad niya ang kaniyang kamay para makipagkamay dito. "Nice to meet you."

Verm took the gesture warmly. Napansin kong namula ang mga pisngi ni Sam matapos niyang mahawakan ang mga palad ni Verm. Ang kaniyang mga mata naman ay nakita kong dahan-dahan na tumitig pababa ng dibdib ni Verm na tila interesado siyang malaman kung ano ang nasa loob ng saplot nito.

Samantala, napansin ko rin si Marco na nakatitig sa suot na damit ni Verm. Ngunit hindi gaya ni Sam, batid ko sa reaksiyon ni Marco na tila pamilyar sa kaniya kung ano ang suot na damit nito.

I tried to divert my attention, walang mangyayaring maganda kung sakaling sabihan ko sina Sam at Marco kung may nangyari ba sa kanilang dalawa. At dahil may respeto naman ako kay Verm, I decided to keep the conversation as natural as possible.

"Suot niya ang damit mo, Marco. Wag ka nang magtaka," sabi ko.

Dahan-dahan na tumango si Marco at napahawi na lang siya ng kaniyang buhok. "Wow, hindi ko alam na bagay pala sa kaniya ang damit ko, karamihan kasi sa mga binibili ko medyo adjusted ang size," nagkibit-balikat siya. "But looks like he nailed it."

Tumingin si Verm sa suot niya at hinaplos nito ang kaniyang tiyan, at dahil medyo fit ang t-shirt ni Marco para sa built ng katawan ni Verm, napansin naming lahat ang hubog ng katawan nito.

Natawa si Verm. "Malaki na sa'yo 'to? Masasabi kong sakto lang ang laki nito para sa akin," napangiti si Verm habang nakatingin siya kay Marco. "Pahiram muna nito, wala kasi akong nadala pang-reserba. Napunit kasi ang damit ko kanina."

Mabilis na tumango si Marco. "Sige lang, marami pa akong damit. Kung sakaling wala ka nang maisuot," he gulped. "Sabihan mo lang ako—"

"Pero mas mabuting tanungin mo na rin muna ako," biglang sumabat sa usapan si Sam. "May mga design kasi ang ilan sa mga damit ni Marco, some are not good, but I'll admit it, that t-shirt looked fine for you. Though the design wasn't really fitting." She eyed Verm's t-shirt from top to bottom.

Napatingin ako sa design na tinutukoy ni Sam. Sa bandang gitna kasi ng T-shirt ni Marco, there's a minimalistic art design of a woman posing along a slogan saying 'Took the best shots' in white font color.

"Wag ni'yo nang problemahin 'yan, hindi rin naman tayo magtatagal sa bayan na 'to lalo na at may problema tayong kailangang solusyunan," ani ko.

Dahil sa mga sinabi ko ay agad na nagbago ang pakiramdam sa loob ng kuwarto. Nabalot ito ng katahimikan, at naging seryoso ang reaksiyon ng mga mukha nina Sam.

"Anong nangyari?" tanong ni Sam sa akin.

"Kanina, nung bumalik ako sa ospital, nagpakita na sa akin ang lalaking nagbigay sa akin ng tip tungkol sa misteryosong pagkamatay ni Monalisa. Ang pangalan niya ay Noah Calicdan, at may mga sinabi siya sa akin tungkol sa bayan na ito at tungkol kay Monalisa," pagpapatuloy ko.

Walang umimik sa kanilang lahat, nakatuon ang buo nilang atensiyon sa anumang sasabihin ko. I want them to absorb and let my words sink in to their head, as it will greatly help us to know what should we do next.

"First of all, I want to say that the rumors about this town are all real. It wasn't just a history na may witch hunt na naganap dito at ang mga napatay na babae noon ay hindi talaga totoong mga witch. Because all of those women who have been executed? They're all witches. And at this point of time, one of them is a threat to every one of us." Inisa-isa ko sila ng tingin.

Every eyes told me how they played those scenarios inside their head. Verm is serious, Sam is conflicted, while Marco is still trying to make sense of what I am saying.

"Threat?" tanong ni Sam sa akin. "Pero bakit naman? May nagawa ba tayo sa kanila?"

Agad akong umiling. "No, it's not like that. What I mean is, they are trying to hide someone. And who they were hiding from us is no other than Monalisa. They're keeping her body somewhere we don't know yet. And since we've been here looking for her, she'll do everything to prevent us from successfully finding her."

"Pero teka lang, si Monalisa? Ano namang dahilan nila para itago ang katawan niya?" Marco crossed his arms, looking so confused.

I shrugged. "I don't have an idea about why. But we are about to know the answer. That's why Verm and I were here," tumingin ako kay Verm. "Kailangan natin ng tulong. We need to find someone who lives in this town to tell us something about this place."

"Pero kanino naman tayo hihingi ng tulong?" tanong ni Sam.

Tumayo ako at nagtungo ako sa cabinet na matatagpuan malapit sa bintana. It looked bigger as I opened it, revealing a set of clothes hanging by the metal rod.

Nakita ko sa ilalim ng mga damit ang itim na bag. Agad ko itong hinablot palabas at saka ipinatong sa kama. All eyes are looking on it like it's a rare artifact.

"If we need someone's help. We need the person who asked for Monalisa at the first place to come here," I heaved a sigh. "Si Margot, yung nagsulat ng article na nabasa mo Sam. Siya ang tumawag kay Monalisa para humingi ng tulong."

"Yung nagsulat tungkol sa Wichita?" hirit pa ni Marco.

"Oo, siya nga."

"P-pero saan kayo magsisimulang maghanap?"

I opened the black bag. "We have some information inside this bag that might help us locate where she is. All we need to do is to organize a plan and look for the whistle blower." I smiled.

We are about to do a witch hunt.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top