14 - Welcome To Wichita

Hindi ko na nagawang pigilan ang sarili ko at pinagpapalo at pinagkukurot ko sa likuran si Manuel. Nakakainis siya, nakakayamot! Bakit niya nilukot ang journal entry na pagmamay-ari ni Monalisa at nagawa niya pang itapon iyon sa labas ng bintana?

Is he a cold-hearted monster? Wala ba talaga siyang pakialam sa nararamdaman ng mga taong nakapaligid sa kaniya?

All he thinks about is his own good. He doesn't even care about us, or Verm, or even his own sister. Nakakapagduda na sa buong pack niya ay may pakialam siya pero ano to? Ano tong mga kilos na ipinapakita niya?

"Ba't mo tinapon?" Hindi ko sinigawan si Manuel ngunit alam kong napansin nina Samantha at Marco ang pagpipigil ko ng emosyon.

Hindi sila kumibo at nagpatuloy lang silang dalawa sa kanilang ginagawa habang sinusubukan kong alamin ang dahilan ni Manuel sa ginawa niya. It was really not what I expected for him to do. Either way, it is unacceptable!

Hindi sumagot si Manuel.

"Manuel, sumagot ka naman, bakit mo tinapon?"

Nilingon ako ni Manuel na may mapanlisik ba tingin mula sa kaniyang mga mata. "Bakit ba kasi ang kulit kulit mo? Wala ka namang dapat pakialaman sa buhay ko. Nandito ako dahil kailangan ninyo ang tulong ko para sa article ninyo, nandito ako dahil kailangan kong malaman ang nangyari sa kapatid ko. Hindi ako nandito para pakialaman mo ang relasyon ko sa mga taong nakapaligid sa akin, lalong-lalo na sa kapatid ko. Maliwanag ba?" Puno ng pagpipigil sa boses ni Manuel gaya nang kung paano ko pinigilan ang aking sarili.

Ngunit kumpara sa mga salitang binitiwan ko, ang bawat salitang kaniyang sinasambit ay punong-puno ng diin, dahilan para makita naming tatlo nina Samantha ang litid sa kaniyang noo na pumipintig nang mabilis, senyales ng galit na alam kong ayaw niyang ibunton sa akin.

Ayaw niya nang maulit ang nangyari sa kuwarto ni Monalisa kanina. He's probably taking care of his actions.

Hindi ako nakasagot. Aaminin kong nasindak ako sa mga binitiwan niyang salita. Para akong napinid sa kinauupuan ko habang nakatingin sa kaniyang mga mata.

I could even feel my hands shaking. This is not happening, I am getting intimidated of him again.

Napatingin sa akin si Samantha at nakita niya ang nanginginig-nginig kong palad. She turned to Manuel, "Puwede ba wag mo ngang tratuhin nang ganito si Angel? Tinatanong ka lang naman niya kung ba't mo nilukot at itinapon sa labas ng bintana yung iniabot niyang papel sa iyo. Mahirap bang sagutin 'yon?"

Napangisi si Marco nang marinig niya ang mga sinabi ni Sam kay Manuel. "Tama, simpleng tanong, simpleng sagot. Ba't kailangan pang palakihin? Basic."

Umiling si Manuel. "Kung wala naman kayong matinong sasabihin, mas mabuti pa kung manahimik na lang din kayo. Problema namin to ng kasama ninyo."

"That's the point! Problema ninyo nang kasama namin. Kasama namin. Ok? Tinatrato ka namin nang maayos tapos ganito ang balik mo? You're so rude."

"Sam, calm down," hinawakan ko ang balikat ni Samantha.

But Samantha was triggered already. "Angel, nakakabastos na kasi siya. Hahayaan mo lang bang tratuhin ka niya nang ganito?"

Bigla kong naalala ang mga sinabi ni Verm. 'Intindihin mo na lang si Manuel...'

Tama nga siya. There's no need for us to become hostile against each other. We're here as a whole. Kung may issue ang isa sa amin sa loob ng van na ito, then there's one thing needed to be done.

"Intindihin na lang natin si Manuel, ok?" bulong ko kay Samantha. "He's stressed out. I know something about his past and it's not good."

Nagdadalawang-isip pa si Samantha kung pakikinggan niya ang mga sasabihin ko. She glared to Manuel who's not paying attention to us anymore.

"Pero—"

"Sam."

Tumango si Samantha. "Fine, fine," Sam went back reading the papers again, glancing to Manuel from time to time.

Habang si Marco naman ay ipinagpatuloy na lamang ang pagmamaneho habang mahina siyang sumisipol.

Fighting with each other won't do any good for us.

Napagdesisyunan ko na lang na hayaan si Manuel sa kung anuman ang gusto niyang gawin. Kung ayaw niyang matutong makisama sa amin, then we will never force him to do it.

Besides, I'm here to work for his sister's mysterious death. Not for him. I might as well just focus doing my work and not pay more attention to something that isn't worth the attention given.

With that settled in, I decided to continue reading Monalisa's papers.

~~~

Ilang oras na kaming nasa biyahe kaya minabuti ko munang ipahinto kay Marco ang van sa susunod na fast food chain na aming madadaanan.

Ang problema, wala kaming makitang fast-food chain. Wala nang kabahayan sa gilid ng kalsada at nagsisimula na ring kumapal ang mga punong nagkalat sa paligid.

We're entering an isolated place away from the city. There's no houses lining beside the road anymore, all we can see around us are trees, taller and thicker, like a forest hiding something but nature's miracles.

Low battery na rin ang cellphone ko maging ang laptop ni Samantha. Naubos na rin ang mga pagkaing pinamili ko kanina at baka maaaring pati kami ay mapagod na rin.

Samantala, itong si Manuel naman, parang wala lang sa kaniya ang haba ng biyahe na aming tinahak. Inayawan niya rin ang mga inalok naming pagkain sa kaniya at dahil ayaw niyang magpapilit, minabuti na lang namin nina Samantha na magtira para sa kaniya kung sakaling magbago ang isip niya.

"Malapit nang gumabi, wala pa rin tayong madaanang gasolinahan," sambit ni Marco, bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala.

Pinagpapawisan ang kaniyang noo habang ang kaniyang mga palad ay namamasa na rin. Kanina pa siya nagmamaneho ngunit tila hindi siya napapagod.

"Magpahinga muna kaya tayo rito?" sambit naman ni Samantha habang nakadungaw siya sa labas ng bintana.

We're almost done skimming with Monalisa's paper and we already know a lot of things about Wichita. Everything about its past is real and there's a high probability that the rumors about witches are all true.

I'm not surprised. Si Manuel nga, isang werewolf. Sa mga witch pa kaya? What kind of sorcery do they have in their hands?

That's when I heard Marco yawning. "Angel, baka puwedeng magpahinga muna tayo? Medyo hindi ko na kaya ang biyahe, nangangalay na rin ang mga braso ko," asked Marco while he's looking back at me through the rearview mirror.

Given the situation right now, I decided to let everyone of us to have some rest. "Sige, magpahinga muna—"

"Ako na ang magmamaneho." Biglang pagputol ni Manuel sa mga sasabihin ko.

Tumingin si Marco sa akin, nagdadalawang-isip siya kung ipapaubaya niya ang manibela kay Manuel.

Having decided not to argue with Manuel anymore, I wilfully agreed to let him do the driving. "S-sige."

Tumango si Marco at saka niya inihinto ang sasakyan. "I'm shotgun," aniya bago siya lumabas ng pinto.

Si Manuel naman ang pumalit sa puwesto ni Marco. He held on the steering wheel with great passion, as if he was longing to hold one for a very long time. Did I just see a smile coming from his lips?

Marco opened the door of the car and he sits beside Manuel. "Oooh, sa wakas." He raised his hands and had some stretching. "Nakapag-unat din."

Manuel looked behind, to me and Samantha. "Kumapit kayo nang mabuti."

Nagkatinginan kami ni Samantha. Parehas kaming dalawa nang iniisip. "Wait—"

But Manuel had stepped on the gas already and the van hurried up forwards. Pinaandar ni Manuel ang van nang ubod ng bilis, at dahil walang makikitang sasakyang dumadaan sa kalsada, mas lalo pa niyang pinabilis ang takbo nito.

The trees looked like a blur when we are passing by. Para kaming nasa isang wormhole. Hanggang sa hindi ko maiwasang mapangiti, I am starting to like the sensation... a very familiar sensation.

My father was bringing me along with him when he's going to his favorite CD rental shop. Sakay ng paborito niyang motor, pinapatakbo niya ito nang mabilis dahilan para masanay ako sa pakiramdam ng hanging dumadampi sa aking pisngi.

Ibinubuka ko ang aking magkabilang braso na kunyari ay isa akong ibon na pumapagaspas sa kalangitan.

At maririnig ko na lang ang mahinang tawa ni papa na tuwang-tuwa sa ikinikilos ko.

"Ayos ka lang, Angel?" naramdaman kong dumampi ang malamig na palad ni Samantha sa aking balikat. "Umiiyak ka?

"A-ako?" napahawak ako sa aking mukha at naramdaman kong basa ng luha ang aking magkabilang pisngi. Hindi ko maiwasang mapangiti, "w-wala lang to, may naalala lang ako."

Pinunasan ko ang pisngi ko gamit ang likuran ng aking palad. But as I wipe the tears away, more and more tears followed...

Until I found myself crying as Samantha started calming me down.

~~~

Biglang huminto ang van sa pag-andar.

Nagising ang diwa ko matapos kong maiyak sa mga ala-alang bigla na lang tumalima sa aking isipan. Bakit ba kasi nagkaganito ang masayang pamilya namin noon?

I remember the good old days. But now it was a nightmare for me.

"Wala na tayong gas," dinig kong sambit ni Manuel. "Meron pa ba kayong reserba?"

"Naku, wala na. Nailagay ko na kanina e, wala kasi tayong madaanan na gasolinahan." Napakamot ng ulo si Marco.

"Malapit na rin tayo sa Wichita, what if maglakad na lang tayo?" Samantha looked at me. "What do you think?"

Nabaling ang tingin ko kay Manuel. He looked at me with that look that makes me feel like everything is going to be just fine.

Tumango ako. "S-sige. Hindi naman tayo puwedeng magpagabi rito," I looked around, all I can see is faint darkness. "Tara."

Binuksan ko ang pinto at ako na ang naunang lumabas. "Sam, paki-abot naman nung itim na bag."

"Wait," Sam grabbed the black bag and gave it to me. "Ako na bahala sa gamit natin," aniya.

Then she looked to Marco. "Marco, dalhin mo yung utilities natin. Wala tayong iiwang mahalagang gamit dito."

"Sige," sabi ni Marco bago siya lumabas ng pintuan sa gawing kanan niya. "Ako na ang bahala diyan."

Lumabas na rin ng van si Manuel at nagsimula na rin siyang tumulong sa pagbubuhat ng ilan pa naming gamit. Wala na siyang sinabi at nagkusa lang siyang tumulong.

Natuwa naman ako sa ikinilos niya. I thought he would just let my team do the rest of this. Mahirap pa namang magbuhat ng mga gamit.

"Lock the doors, Marco," pagbilin ko kay Marco, may ilang bag na ring nakasukbit sa kaniyang balikat.

"Sige sige, ako na rin ang bahala riyan," tugon niya habang nakangiti.

Inayos namin ang lahat ng dapat ayusin sa loob lang ng limang minuto. After our short preparation, Marco locked the doors of our van and we started walking on our way to Wichita.

At the horizon, we can clearly see a dim beacon of hope. The lights coming from the small town of Wichita is waiting for us.

Nanguna sa paglalakad sina Marco at Samantha. They were having a little chitchat, I think they intentionally left me and Manuel behind to let us have some private moment.

"Ayos ka lang?" Nagulat ako nang bigla akong tanungin ni Manuel. Hindi siya nakatingin sa akin pero ramdam ko ang atensiyong ibinibigay niya.

"Excuse me? Tinatanong mo ba ako?" I stated the obvious.

"Ang ingay mo kasi kanina, hindi ka tumitigil sa pag-iyak. May naalala ka sa nakaraan mo?" Hindi niya pinansin ang tanong ko.

I feel like I am going to melt instead. "W-well..." I trailed off.

"Puwede ka namang manahimik. Hindi mo kailangang ikuwento ang lahat ng tungkol sa nakaraan mo," sambit ni Manuel bago niya ako tiningnan. "Kung lagi mong sasabihin sa iba ang lahat. Malalaman nila ang kahinaan mo."

"T-teka, kaya ba hindi mo sinasabi sa akin ang lahat dahil—"

"Oo. Wala akong mapagpipilian kung di ang manahimik," he let out a soft chuckle. "Ako ang alpha ng pack. Maraming gustong alamin ang kahinaan ko. Ang tungkol sa nakaraan ko, puwedeng-puwede nilang gamitin laban sa akin."

Napalunok si Manuel. "Sabi mo alam mo na ang tungkol kay Ricardo?"

"O-oo, nalaman ko kay Iza."

Umiling siya. "Ang ingat ingat ko sa sikretong yon pero ibang tao lang din pala ang magsasabi sa'yo," he smiled. "Pero alam mo, marami ka nang nalalaman sa akin, Angel."

Tumigil sa paglalakad si Manuel kaya't napahinto rin ako.

"Nakikiusap ako sa'yo. Wag mong ipagsasabi ang mga nalalaman mo," he looked around and the darkness of the forest contrasted the color of his face. "Dahil sinabi ko na sa'yo na pinagkakatiwalaan na kita. 'Wag na 'wag mo sanang sisirain ang tiwalang ibinigay ko sa iyo."

I nodded. "Promise. Mananahimik ako."

He nodded in response too and he continued walking again. "Mabuti't nagkakaintindihan tayo. Sana naman sa susunod hindi mo na ako kulitin tungkol sa kapatid kong si Monalisa," aniya. "Dahil sawang-sawa na akong marinig ang pangalan niya."

~~~

Napakadilim nang paligid. Tanging ang liwanag na nagmumula sa bayan ng Wichita ang nagsisilbing tanglaw namin para malaman kung saan kami patungo.

I wonder why they didn't install any lamppost here, considering that Wichita is still a town even if it's quite isolated from the city. Imposibleng walang kalakalang nagaganap mula sa kanila at sa iba pang bayang malapit dito.

Or maybe because most of its inhabitants are witches?

"Angel, mukhang malalim ang iniisip mo," lumapit sa akin si Samantha.

Manuel backed off a little after our short conversation and stayed that way.

"Kinakabahan lang ako sa madadatnan natin. First time lang natin sa ganitong field," I looked around. "Kadalasan, mga magagarang bahay ang pinupuntahan natin dahil mga pulitiko ang pakay natin. But now? We're dealing with witches. Real witches." I glared at her to give an effect with my statement.

She smiled. "Mabuti na lang na-approve ni Sir Freeman itong project mo?"

"Si sir Douglas? Well, hindi naman talaga totally pumayag si sir sa proposal ko kaagad. Sabi niya kasi delikado raw, na malapit na akong maihanay sa headliners. Pero sabi ko naman, I need something for my flagship article. Na kapag may nag-search ng pangalan ko, or kung sakaling na-mention yung case na yon, isa ako sa maaalala ng mga tao."

"And a case about a mysterious death connected to Wichita, a rumored town of witches, is your flagship article?"

I nodded. "It's page turning. Maraming magkaka-interes na basahin ang article na isusulat ko. I just need to create a catchy headline, and the content of my article will do the rest. I imagined myself standing in front of every people who owns a television inside their home, speaking with full confidence, as they put down the remote to focus in my segment. The vision made me smile.

"We'll do our best to make your story great," Samantha tapped my shoulder and it made me feel like I shouldn't be afraid of failing this story.

"Thanks," malumanay kong sagot sa kaniya.

"What the—akala ko kung ano na!" Nagulat kami nina Sam nang biglang mapasigaw si Marco habang nangunguna siya sa paglalakad.

After his shout, a sound of flapping winds followed in a loud chorus. Nakita ko ang hubog nito mula sa mapusyaw na liwanag ng kalangitan at napag-alaman kong isa itong kuwago.

"It's just an owl," bulong ko.

Biglang natawa si Samantha. "Hindi ako makapaniwalang mapapasigaw ka nang dahil lang sa isang kuwago," she continued laughing.

I looked behind me and I saw Manuel glaring on the owl that is now flying away from us on its way to the town. There's something with his gaze that made my skin crawl.

Parang may nararamdaman siyang mali. Pero wala akong nararamdaman na anumang masamang mangyayari.

Maybe there's some superstitions about owls? Bad luck when it flew on you and made you scream your heart out. Sana'y hindi kami malasin nang dahil lang kay Marco.

Nauwi na naman sa kantiyawan sina Samantha at Marco. I can see their enjoyment with each other's company. I'm not surprised, whenever I'm busy, they're cleaning my mess. My work. My drafts that were needed to be managed.

Madalas silang magkasama. Kilala na nila ang isa't-isa, kumpara sa kung gaano ko sila kilalang dalawa.

I kept my pace steady. Looking in front of me as the light from the town begins getting brighter. Palapit na kami nang palapit at nararamdaman ko na ang kakaibang sensayong meron ang bayan ng Wichita.

Few minutes later, we've been greeted by a big wooden welcoming sign, clearly unnoticeable through the thick grass below where it was planted.

And on its wooden board, everyone reads the statement it holds.

'Welcome to Wichita!'

But why does it feel like we're not welcome at all?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top