13 - Soledad

The trip around the foot of Mt. Tirso took us almost fifteen minutes to travel. Masyadong malaki ang bundok na iyon dahilan para maging mahaba ang biyahe namin ni Verm habang lulan ng kaniyang motorsiklo.

We stayed silent the whole time. None of us said a word. Nakapokus sa daan si Verm habang ako naman ay abala sa pagkamangha sa ganda ng lugar na taglay nitong Camp Tirso.

Nakarating kami sa harapan ng Camp Tirso kung saan naman namin naabutan ang isang kulay puting van na nakaparada sa labas nito ilang metro lang ang agwat mula sa itim na van ng aming team.

"Mukhang maaga ang dating ng mga turista," bulong ni Verm bago niya itinabi ang kaniyang motorsiklo sa van namin.

Bumaba ako at pinagpagan ko ang likuran ng suot kong pantalon. "Tawagin na natin si Manuel," I nodded as I started walking on my way up to the archway again. "Kailangan na nating umalis."

Verm followed behind me.

Mabilis akong naglakad papaitaas hanggang sa marating ko ang reception area, kung saan namin naabutan ni Verm ang isang grupo ng mga turistang may hawak na mga camera, na siyang nagsikumpulan sa harapan ni Iza.

Iza smiled at us as she saw me and Verm walking pass their area. Maging ang mga bisita nila ay nagsitinginan sa amin. But I did recognize one of them-Soledad!

"Hey, nandito ka pala, Angel?" Soledad waved her long hands into my direction and she walked out of the crowd of tourist.

What the hell is she doing here?

"Ba't nandito ka?" I asked her without giving her a welcoming vibe. I hate this woman.

Isa si Soledad sa mga naging kakumpetensiya ko sa puwesto na aking inasam na makamit. It's a history in our past, but the memory is still freshly carved into my brain.

The way she sabotaged my plans. She plagiarized my papers but she immediately passed it on our professors before I can even prove it was mine. Pinakialaman niya rin ang mga manuscript na meron ako sa aking laptop, all of my research about that certain topic, all of my hard work for that article... this woman, had stole them all.

Soledad is my college classmate who has gotten free from the hands of the law. My article was named under hers, and I ended up having nothing, while she gets all of the merits that was supposed to be given to me.

"Kalma naman, masama bang magpunta rito para sa isang nature trip? My career is making me busy, I need to calm my nerves. Masyadong matrabaho ang maging kilalang journalist," she smiled crookedly at me, making me feel the urge of punching her face.

Napansin kong natigilan si Verm sa paglalakad at napatingin siya sa aming dalawa ni Soledad. Given the situation we have in our hands, I decided to let this confrontation between my nemesis from college to slip for the meantime.

"Good, enjoy your stay." Nginitian ko rin siya at dagli akong naglakad palayo ngunit natigilan ako, at maging si Verm, nang marinig namin ang sunod na mga salitang isinambit ni Soledad.

"May nangyari raw rito kagabi. May dalawang asong-lobo raw na nag-away. Do you think the rumors about this place are true? That there are werewolves living in this area?" Soledad stood in a calm poised way. "Baka mga taong-lobo yung pinag-uusapan ng mga tao ngayon na nag-away nga raw dito?"

Nagkatinginan kami ni Verm.

"Kumalat ang balita sa nangyari kagabi?" tanong ko sa kaniya.

Tumango lang si Verm. "Hindi maiiwasang kumalat ang ganitong balita. Hindi ito ang unang beses na may nangyaring ganito," Verm takes a look back to Soledad and he observed her from head to toe. "Hindi ko pa siya nakikitang napadalaw dito, mukhang ngayon pa lang siya nakapunta sa Camp Tirso."

"Anong gagawin natin? Kailangan na nating umalis," I saw Soledad showing me a curious look.

Sasagot na sana si Verm ngunit biglang naglakad papalapit sa amin si Soledad. She looked at me and then to Verm. "What's wrong? May alam ba kayo sa nangyari? Tama ba ang hinala ko?"

My instinct told me to shake my head and I did. "W-wala kaming alam sa nangyari."

Soledad crossed her arms and she looked around. "Fine. Kung wala kayong alam, I'll just do my work here," she pulled out a notepad from her color pink purse.

"Pero sabi mo nandito ka para magpahinga?" I tried to divert her attention.

She gave me that crooked smile of hers. "You know what, Angel. Journalism is a profession of wonders. We use our senses to locate facts, and we deliver it to the public for them to know what we've known so far," she pulled out a pen and clicked it open. "And I'm here to write as well about these cases of wolf attacks. Who knows, baka totoo ngang may mga taong-lobo rito?"

Another crooked smile and Soledad walked back to the reception area to blend in again with the other visitors.

Wala akong nagawa para sabihan siyang wag niya nang ituloy ang binabalak niya. Publicity for Camp Tirso about the rumors about prowling werewolves won't do any good for the people living in Manuel's community.

"Kilala mo siya?" tanong ni Verm sa akin, napansin ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

Hindi man niya sabihin sa akin ang tunay niyang nararamdaman tungkol sa mga sinabi ni Soledad. Alam kong hindi niya ito inaasahan. He's afraid Soledad might do something against them.

Tumango ako. "Kaklase ko siya noong college. Hindi kami magkaibigan, ninakaw niya ang mga trabaho ko, and I hate that woman," I looked around, hoping to see Manuel. "Kailangan na nating hanapin si Manuel. Wag mong pansinin ang babaeng iyon."

Verm agreed with me and we started looking for Manuel. Wala na siya sa reception area kaya maaaring nasa loob siya ng bahay nila.

Nang marating namin ang bahay ni Manuel ay naabutan naming nakabukas ang pinto. Pumasok kami sa loob at nakita namin si Manuel na binabasa ang mga research paper ni Monalisa na inilagay namin ni Verm kanina sa itim na bag.

He looked into our direction as soon as we stepped inside. His eyes doesn't tell any emotion, I cannot feel anything from him. Like he's just there, staring on the papers without even processing what's in his hands.

"Manuel, tara na. Kailangan na nating umalis," sambit ko.

Lumapit ako sa kaniya at muli kong inisa-isang ibinalik ang mga papeles sa loob ng itim na bag. I kept looking into his face as I lessen the pile of papers on the table in front of me.

Nakatayo lang si Verm sa tabi ng nakabukas na pinto. He can't look straight to Manuel's eyes yet I can feel the tension between the two of them again.

"Ang daming sikreto ni Monalisa pero nakapagtataka na sa iyo lang niya ibinunyag ang lahat ng ito..." tumayo si Manuel at dahan-dahan niyang nilapitan si Verm.

I saw his right hand clenching into a fist. I'm afraid of what could happen next. "Manuel," I whispered.

Verm didn't say anything. Nakikiramdam lang siya. Alam niya sa sarili niya kung ano ang nararamdaman ni Manuel. And I think Manuel won't do any good of harming him, sila-sila na lang ang magtutulungan dito, bakit kailangan pa nilang mag-away?

"Pinagkatiwalaan kita, Enrico," ani Manuel na siyang ikinagulat ko.

Did he just call Verm, Enrico?

Napatingin sa kaniya si Verm na may kakaibang kislap sa mga mata nito. Hindi siya natatakot o nagagalit. I can't tell what he's feeling right now, but I know it's not suggesting fear.

It's more like a regret. A very deep regret.

"Patawad..." Hinawakan ni Verm ang magkabilang balikat ni Manuel ngunit tinabig lang ni Manuel ang kamay niya palayo.

Hindi nagsalita si Manuel bagkus ay nilingon niya ako. "Umalis na tayo," aniya.

Nauna si Manuel sa paglalakad. Iniwan na naman niya kaming dalawa ni Verm sa ikalawang pagkakataon.

Looks like it went downhill here, their relationship as the alpha and beta have received a very crucial situation.

Napahabol na lamang ng tingin si Verm sa likuran ni Manuel. And did I just saw him shed a tear?

Minadali ko nang inayos ang mga papeles sa loob ng bag at isinukbit ko ito sa aking balikat. Nilapitan ko si Verm at ipinatong ko sa kaliwang balikat niya ang aking kamay. Wala akong nakitang luha sa kaniyang mga mata.

"Mapapatawad ka rin niya, Verm..." I was about to call him Enrico but I think it will look too personal for me to do it.

Tumango lang si Verm. "Mauna ka na, susunod na lang ako," sambit ni Verm.

Naglakad siya patungo sa kusina, hindi na niya ako nilingon pa. Kailangan ko na ring magmadali kaya wala akong nagawa kung di ang mapabuntong-hininga na lamang.

I closed the door behind me as I left the house to follow Manuel outside...

~~~

Narating ko ang van namin katabi ng motorsiklo ni Verm. I went inside the van, and I saw Manuel sitting on the shotgun seat while he's looking straight ahead in front of us.

Walang emosyon sa kaniyang mukha, pero ramdam ko ang mabigat na pakiramdam na kaniyang dinadala. He's just hiding it, and he's really good with hiding his feelings.

I closed the door. "Galit ka ba kay Verm?" tanong ko kay Manuel.

Hindi siya sumagot ni kumibo man lang.

"Nakausap ko siya kanina, hindi naman niya ginustong ilihim sa'yo ang mga sinasabi ni Monalisa sa kaniya. Ayaw niyang mawalan ng tiwala sa kaniya ang kapatid mo dahil siya lang ang taong pinagkakatiwalaan ni Monalisa." Pagpapatuloy ko.

Dahan-dahang lumingon si Manuel upang tingnan ako. "Hindi iyon sapat para palagpasin ko ang ginawa niya, Angel. Sa posisyong nakalaan para sa kaniya, walang lugar ang emosyon," Manuel kept staring at me so hard I could probably melt.

Humawak ako sa manibela ng sasakyan. "Fine, fine. I understand that you're angry of what he did. Pero ito ang unang beses na ginawa niya sa iyo to hindi ba? Baka puwedeng pagbigyan mo siya ng ikalawang pagkakataon? Everyone deserves another chance."

Sumandal si Manuel sa kaniyang kinauupuan at napailing siya. "Hindi gano'n kadali ang magpatawad. Madaling sabihin, Angel. Pero kung ikaw ang nasa kalagayan ko, mahihirapan kang isipin ang mga salitang pinapatawad mo ang taong nagkasala sa'yo."

Napabuntong-hininga ako. "Iiwan ba natin siya rito?" I diverted the topic because trying to convince him to forgive Verm right now is just a waste of time.

Manuel is a stone-cold alpha. A man of one word and naive personality.

At gaya kanina, hindi na naman sumagot si Manuel. Nagsisimula na tuloy akong mainis sa mga ikinikilos niya.

Humigpit ang kapit ko sa manibela at hinarap ko siyang muli. "Manuel, kailangan nating isama si Verm. Marami siyang nalalaman sa Wichita, sa mga nakalap niyang impormasyon na nanggaling mismo kay Monalisa."

"Hindi pa ba sapat ang mga papeles na nasa loob ng itim na bag na dala mo?" Seryosong tanong ni Manuel sa akin.

Bakas sa kaniyang pananalita ang yamot na nararamdaman niya. He's channeling his anger again to the wrong person and I am the unfortunate ones to receive that anger again.

"Pero hindi pa natin alam kung ano ang mga to. I mean, may alam si Verm dito. Siya ang mapagtatanungan natin kapag may kailangan tayong malaman na sagot. Di ba?" Sinusubukan ko na ang lahat para baguhin ang desisyon ni Manuel.

I don't want to leave Verm here. He has a lot of information that could help us. Ni isa sa amin ni Manuel ay walang ka-ide-ideya sa mga nakalap na impormasyon ni Monalisa.

May mapa nga kami, may mga litrato rin ng taong puwedeng lapitan. But how can we connect the dots if we are blindingly pushing through it? It's like a nameless map filled with random pins pinned on it. Alam na namin kung saan pupunta pero wala kaming ideya kung anong meron doon.

Hindi na naman ako kinibo ni Manuel.

Wala akong magawa kung di ang mapasandal na lang sa aking kinauupuan. I took a deep breath as I decided to go now. Kung ayaw ni Manuel na isama si Verm, wala na akong magagawa. He's the alpha of their pack after all, siya pa rin ang masusunod.

Wag na wag lang sana niyang pagsisihan ang hindi niya pagsama kay Verm sa Wichita. He's going to leave a treasure map to venture the ocean finding the buried treasure without it.

Pinaandar ko na ang van at agad na naming nilisan ang Camp Tirso. I looked at the rearview mirror and I saw Verm's Harley Heritage Softail Classic, slowly getting smaller and smaller into view as we get far and far from it.

Meanwhile, Manuel doesn't give any damn about having second thoughts. Sa bigat ng pakiramdam na kasama siya at sa tigas ng kaniyang pag-uugali, tila nagdala ako ng isang malaking tipak ng bato sa loob ng van.

I hope everything is going to be just fine, as always.

~~~

Sa buong biyahe namin ni Manuel mula sa Camp Tirso ay hindi man lang siya nagsalita para kausapin ako. He's just there, sitting beside me, looking outside the window. Passive as always.

Balak ko nga sanang magsimula ng topic na puwede naming pag-usapan. Like what are we gonna do if we encountered a real witch in Wichita, considering na maraming mga usap-usapan na misteryoso ang lugar na iyon. I surely thought maybe it wasn't real, but there's one way to find it out.

A rumor is a rumor until proven otherwise.

Iyon nga lang, hindi ko magawang kausapin si Manuel tungkol dito. I'm afraid he'll just nod at me, snobbing my chance of starting a conversation with him, which is, he already did many times before.

Kaya nang itigil ko sa harapan ng diner ang van ng team namin kung saan ko sinabihan sina Samantha na maghintay ay hindi na ako nagpaalam pa kay Manuel na lalabas ako, I didn't say anything to him and he doesn't care anyway.

Mabilis akong naglakad patungo sa diner. Pansin kong may mga customer na rin sa loob dahil sa mga nakaparadang mga sasakyan sa tabihan nito, hindi tulad kagabi na ang van namin ang siyang nakaparada rito nang mag-isa.

I pushed the door opened and the familiar wisp of smell coming from the diner kitchen had made my stomach growl. I realized, hindi pa ako nakakakain ng agahan, I might as well have a quick breakfast.

"Angel," I saw Samantha waving her hands at me while Marco is eating a hamburger beside her.

Nasa parehas na puwesto sila kung saan kami kumain kagabi. Sa puwesto kung saan dinig na dinig namin ang nakakakalmang musika na nagmumula sa isang radyo. Well, this diner has a good taste in music.

"Sorry kung medyo natagalan ako, medyo maraming nangyari sa Camp Tirso," sabi ko sa kanila bago ako umupo sa bakanteng upuan sa tapat ni Samantha.

"Pinakaba mo kami kagabi ha. Kung alam mo lang, lutang na lutang pa si Sam nung naghahanap kami," natatawang sambit ni Marco habang nginunguya niya ang paubos na burger na kaniyang hawak.

Pabirong hinampas siya ni Samantha sa balikat. "E kasi naman, ginulat niya ako. Naalimpungatan kaya ako no'n."

I can't help but smile. "Pasensiya na, I just felt like I need to apologize to Manuel. Siya lang naman kasi ang makakatulong sa atin dahil kapatid niya mismo ang nawawala."

Samantha nodded. "So tell us, who's this other person na isasama natin?" tanong ni Samantha.

Then I remembered Verm's face, his quite good looking face matching his fit body for an early twenties guy. Too bad, hindi siya nakasama sa amin nang dahil kay Manuel. Sa tingin ko magugustuhan siya ni Samantha.

I pouted. "Unfortunately, he's not going with us anymore."

"So he's a guy?" tanong ni Samantha na siyang tinugunan ko rin ng isang tango. "But why won't he come along with us? Anong nangyari?"

"Nagkaroon kasi sila ng pagtatalo ni Manuel. Verm ang pangalan niya at siya ang kanang kamay ni Manuel sa Camp Tirso, sort of his administrator there," I can't just say that Verm is a beta in their pack. I won't tell anything about them being werewolves.

"Anong pagtatalo naman? May suntukan bang naganap?" Marco asked as he finished the burger with a last bite.

Umiling ako. "Well, Monalisa keeps secrets from Manuel. The pitch is, Monalisa shares those secrets with Verm, and Verm didn't tell Manuel anything about it. Kaya nung nalaman ni Manuel na gano'n nga ang nangyari, nagalit siya. It's like for him, the person he trusts the most had betrayed him."

Marco made an 'ooooh' sound. "Savage."

Tumango si Samantha. "Savage, but that guy serves it right. Kahit naman ako magagalit din kapag nangyari sa akin yan, I mean, you know? Trust is a very precious thing you could ever give to someone you know. Like respect. Respect begets respect, but trust is more special than that," sabi pa ni Samantha.

Napatango na lang ako. Tama naman si Sam. Mukhang naiintindihan ko na kung anong nararamdaman ni Manuel ngayon.

And speaking of Manuel, mukhang naiinip na siya sa mga oras na ito. Tumayo na ako. "Tara na, nasa van si Manuel. Baka naiinip na yon."

"Hindi ka man lang ba kakain?" tanong ni Samantha sa akin.

"I'll take out some foods for us. Mahabang biyahe to hanggang Wichita," I smiled at them as they hurried off their seats.

"Mauna na kayo sa van at bibili lang ako nang pagkain," sabi ko.

Tumango sina Samantha at Marco, they looked liked they're really can't wait to go outside anymore. Mukhang naiinip na rin sila kahihintay sa amin dito mula kaninang umaga.

As the two of them went outside the diner, I bought something to eat that would last for a long trip.

Nang makabalik ako sa van, nakita kong nasa backseat si Samantha habang nasa driver seat naman si Marco.

"Back to normal na tayo," Marco went outside to open the door for me. "Ang dami niyan a?"

Napangiti ako. "I bought more hamburger, baka kulangin ka." I said as I went inside the van, putting the boxes of food behind us.

"Talagang tataba ako nito, Angel." Pagbibiro pa ni Marco bago niya isinara ang pinto.

Nabaling naman ang atensiyon ko kay Manuel na nakatitig pala sa akin mula sa rearview mirror. His eyes gave me a cold stare. But as soon as I look back at him, he immediately looked the other way.

Pagsakay ni Marco sa loob ay kaagad na niyang pinaandar ang sasakyan. "Off to Wichita! Hindi na ako makapaghintay na makakita ng mga mangkukulam!" Tumawa siya nang malakas.

Napailing naman si Samantha. Inilabas niya ang laptop niya at nagsimula na naman siyang magsaliksik tungkol sa Wichita.

Samantalang si Manuel ay tila walang pakialam sa amin. He's minding his own business, not even saying a word to us. Ang tibay talaga niya, hindi ko alam na kaya niyang manahimik at wag mamansin.

"Oh, I need you to see this," naalala kong bigla ang tungkol sa mga papeles ni Monalisa. I pulled out the black bag underneath our seat and I put it above my lap. "This is Monalisa's compilation of research papers. Baka may makuha tayong impormasyon sa mga ito," sabi ko kay Samantha.

Samantha have set aside her laptop and she assisted me with the papers as I opened the bag.

"Ang dami nito," she pulled three to five random papers and went looking on its contents. "Sigurado ka bang kaya natin tong isa-isahin?"

I shrugged. "We don't have a choice. Iniwan lang naman kasi natin sa Camp Tirso ang taong makakatulong sa atin para maintindihan natin ang mga to."

I gave Manuel a blaming stare but he didn't mind me.

"Si Verm?" tanong ni Samantha.

"Yeah, siya nga." I picked some random paper and I saw a journal entry. I started reading it silently.

Samantha gave Manuel a side glance as she started reading the contents of the paper she was holding.

"Okay, let's see what we can do here," said Sam, smiling before giving the papers her full attention.

Nang maging tahimik ang lahat ng nasa loob nitong van, minabuti ko na ring ituon ang sarili ko sa pagbabasa ng mga isinulat ni Monalisa.

And this journal entry, it gave me something about a piece of puzzle of who she really is, and it made me understand why she became like that:

Journal No. 63 'Off To Wichita'

Gumising ako nang may masamang pakiramdam. Ang madilim kong kuwarto ay hindi ko maintindihan kung bakit biglang naging kapani-panibago sa akin. Para bang nasa iba akong mundo? Sa mundo na alam mong pamilyar sa iyo pero hindi maalala ng katawan mong na nanggaling ka na ro'n.

Siguro kinakabahan lang ako. Papunta ako ngayon sa Wichita para asikasuhin ang report na tinatapos ko. Kailangan kong subukan ang lahat ng aking makakaya para alamin ang kasagutan sa misteryo sa likod ng pagkawala ng mga journalist na nagpupunta roon.

Paalis na ako sa bahay, nagpaalam ako kay kuya pero gaya ng lagi niyang ginagawa sa akin, wala siyang pakialam kung anong mangyari. Nandiyan lang siya, binibigay anuman ang gusto kong hingin, pero hindi ko ramdam na itinuring niya akong isang kapatid.

Sa tingin ko hanggang dito na lang muna ako. Pagbalik ko, marami pa akong ikukuwento sa'yo. Sasabihin ko ang lahat ng nangyari sa akin sa Wichita

Lisa.

It was a handwritten piece of paper. A part of a whole, a page of her diary. Monalisa wrote this before she left Camp Tirso, and Manuel didn't pay any attention to her when it happened.

May kung anong bagay na gustong magtulak sa akin na lukutin ang papel na hawak ko at ibato ito sa likuran ng ulo ni Manuel ngunit kaagad ko itong pinigilan.

I gave him the paper instead.

Tumingin si Manuel sa akin bago niya binasa ang papel. I waited for him to finish it, and after a few seconds of reading it...

Manuel crumpled Monalisa's journal entry and he thrown it outside the window.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top