12 - Departure
"At ito ang huling memo na ipinabasa sa akin ni Monalisa. Ini-imprenta niya ang bawat papeles na dinadala niya sa tuwing umaalis siya, kaya malaki ang posibilidad na puro kopya lang ang dala ni Monalisa nang magtungo siya sa Wichita," sabi ni Verm bago niya ilagay sa loob ng isang malaking kulay itim na bag ang huling papeles na alam niyang makatutulong sa amin para masagot ang mga katanungang mayroon kami tungkol sa kaso ni Monalisa.
I zipped the black bag close and I smiled after finally compiling everything about Monalisa's research. "This will help us solve her case. Ire-review ko tong lahat mamaya," I smiled at Verm. "Ikaw? Kukunin mo yung motor mo hindi ba? Baka puwedeng sumama ako sa'yo?"
Verm shot me an interested smile. "S-sige. Kung gusto mong sumama, wala namang problema," inilibot niya ang kaniyang paningin sa loob ng kuwarto ni Monalisa sa huling pagkakataon, "mukhang wala na rin naman tayong nakaligtaan dito. Nakuha na natin lahat ng alam kong konektado sa Wichita."
I nodded. "Tara," bubuhatin ko na sana ang bag na pinaglagyan namin ng mga papeles pero agad na itong isinukbit ni Verm sa kaniyang balikat.
"Ako na magdadala nito sa baba," aniya bago siya naunang lumabas ng kuwarto.
He went downstairs and I was left alone inside Monalisa's room. Napagtanto kong tila ang lungkot nga talaga ng buhay ni Monalisa rito, she's doing her job alone by herself and she's isolating herself from the others.
Saradong mga bintana, makalat at hindi organisadong mga kagamitan, at maging ang kama na napuno na rin ng mga libro sa ibabaw. This is the result of Monalisa's unstoppable research. Hindi na niya nagawang ayusin ang kaniyang paligid.
Then my vision has started to look blurry, napahawak ako sa aking noo nang maramdaman ko ang hilong hindi ko maipaliwanag kung saan nagmula.
I immediately went outside Monalisa's room and I closed the door behind us as soon as I stepped outside. Nakahinga ako nang maluwag matapos kong lisanin ang kaniyang kuwarto. It feels like there's a trapped energy on its four walls, directly affecting someone's life energy when they stay inside, alone, for too long.
There's an urge inside of me to open the door again like some itch I couldn't reach under my skin. But when I am almost there, touching the knob and slowly twisting it clockwise, I heard someone's footsteps coming from the stairs below.
"Angel?" It was Verm.
Agad akong napatingin sa direksiyon niya. "Yup?"
"Tara na," aniya.
"Si Manuel?" tanong ko, naglakad ako palapit sa kaniya.
"Nasa reception area, dumating na kasi sina kuya Frank kaya kinakausap na niya sila," sagot ni Verm.
Napatango na lang ako. Dumating na pala ang mga lalaking ipinatawag ni Manuel na pansamantalang magbabantay nitong Camp Tirso habang wala sina Manuel dito.
"Sa tingin mo kalmado na kaya siya ngayon?" sunod kong tanong sa kaniya.
For a moment, Verm seemed so unsure of what he's supposed to answer. His lips began twitching, like he's ready to say something, but at the same time, he just couldn't say it for some reasons he have in his mind. Odd.
Sa huli ay napabuntong-hininga na lang siya. "Sa tingin ko masama pa rin ang loob niya sa akin." That's when I saw Verm's eyes clouded with sudden regret. As if he's looking so far away, reflecting on what had happened, deeply.
I tapped his shoulder to ease his mind. He then looked at me and smiled.
Sandali akong napalingon sa pinto ng kuwarto ni Monalisa habang kasama ko si Verm. If something wants us to come back inside, please not now.
I decided to come along with Verm downstairs and as we reached the end of the stairs, Verm stopped walking and he looked at me directly into my eyes. Huminga siya nang malalim at saka niya hinawakan ang magkabilang kamay ko.
"Pagpasensiyahan mo na ang ugali ni Manuel," tumingin siya sa mga litrato na nakasabit sa pader na napagmasdan ko na kagabi. "Mabait siyang tao. Sa susunod na masigawan ka niyang muli, intindihin mo na lang."
Tumango ako. "You don't have to worry. Marami na akong nakilala na mabilis magalit. Most of them ay yung ayaw magpapilit na ma-interview, pero kadalasan, mga taong nakakasabay ko sa traffic sa Manila," I tried to make him feel at home with me.
But he awkwardly smiled. "Mabuti naman. Kung gano'n, tara na." Nanguna sa paglalakad si Verm, ipinunas niya sa kaniyang suot na pantalon ang magkabila niyang kamay.
Nang makalabas na kami ng bahay ni Manuel ay agad na bumungad sa akin ang araw na unti-unti nang sumisikat. Ang kaninang madilim at malamig na ihip ng hangin ay tuluyan namang napalitan ng preskong samyo na nagmumula sa mga puno sa kagubatan.
Despite of the spectacular happenings last night, Camp Tirso didn't change at all. Nandito pa rin ang pakiramdam na naramdaman ko noong una kaming nakarating dito. The way how those torches lighted up without us knowing the source of its fire, and even the silence of the whole place as the night went deeper the whole time. This place will always be mysterious for me.
"Dito tayo," Verm called me as he started walking on his way to an archway directing us into the thick woods behind Camp Tirso.
I looked behind me, hoping to see Manuel, but he's nowhere to be seen. Mukhang abala pa rin siya sa pakikipag-usap sa mga lalaking ipinatawag niya.
Sumunod ako kay Verm sa paglalakad. He's staring on the clear path in front of us, breathing slowly, as if there's still something troubling his mind.
"Ayos ka lang ba, Verm?" I asked him. "Tungkol na naman ba ito kay Manuel?"
Mabilis siyang umiling bilang sagot sa tanong ko. "H-hindi. Nag-aalala lang ako sa kapatid niya, kay Monalisa. Hindi siya pumupunta sa pack mula nang itakwil siya ng kaniyang mga magulang. Magmula noon, sa bahay ni Manuel siya tumira."
Maybe this is the right time for me to know the reason behind Monalisa's banishment. Siguradong hindi biro ang nagawa ni Monalisa sa pamilya niya para maitakwil siya ng kaniyang mga magulang. Worst, not able to see or talk to them again after their deaths.
"Verm, alam mo ba ang rason kung bakit siya itinakwil?"
He looked at me, his lips twitching once again. "Si-sinuway niya kasi ang ama niya. Sa tuwing sinasabihan nila si Monalisa, laging may binabanggit si Monalisa na sasabihin niya ang sikreto ng pamilya nila, ng lahi namin; kung lagi na lang silang masusunod laban sa mga kagustuhan niya."
"Sikreto?"
"Oo, pero hindi ko alam kung anong sikreto ba ang sinasabi niya. Minabuti ko na ring wag siyang tanungin tungkol sa bagay na yon dahil iyon lang ang dahilan kung bakit kinakausap niya ako. Ako lang naman kasi ang sa tingin niya ay lubos na nakaka-intindi sa kaniya," he looked behind. "Wala nang iba pa."
I stepped upon some dry leaves, it crumpled below my sandals. "Pero sa tingin mo, ano kayang sikreto ang itinatago niya? Mukhang malaki ang sikretong iyon para maitakwil siya?"
The clear path had started to turn right. The forest became denser.
"Kung anuman ang sikretong iyon, sigurado akong malaki ang magiging epekto nito sa aming lahat kung sakaling ito ay mabunyag," he slowed down his pace and gave me a short glance. "Alam ni Manuel kung ano ang sikretong iyon."
"Alam niya?" I asked him, surprised.
Tumango siya. "Pero hindi niya sinasabi sa akin kahit ilang beses ko siyang tanungin tungkol do'n. Lagi pa nga siyang nagagalit kapag umabot na naman ako sa tanong tungkol sa nalaman ni Monalisa."
I remembered the night when I asked Manuel about Monalisa's cause of banishment. Nagalit din siya sa akin no'n and now I know why he's very secretive about it. Aside from it being too personal, siguradong magbabago ang lahat para sa kanila kapag kumalat ang sikretong iyon.
"I think he's not going to tell that to me anyway, actually natanong ko na kasi sa kaniya yon kagabi at gaya nga ng sinabi mo, nagalit nga siya," I said, shrugging my shoulders in sign of defeat.
"Nagalit siya?" Tumingin si Verm sa akin. "Sinaktan ka ba niya? Sinigawan?"
Mabilis akong umiling. "Hindi. Actually, hindi niya ako kinibo hanggang sa makarating kami sa bahay niya. Kinabahan nga ako na baka hindi na ako pansinin no'n e. But thanks God, he's still paying attention to me."
Napangiti si Verm. "Mabilis siyang mayamot pero hindi siya nagtatanim ng galit," I saw his face brighten up and then sad at the same time. "Ewan ko lang kung anong mangyayari sa amin. Masama ba yung ginawa ko?"
He stopped walking, signalling me to stop walking too.
"Yung pakikipag-usap mo kay Monalisa nang hindi niya alam?"
"Hindi. Yung paglilihim ko ng mga napag-uusapan namin?"
I bit my lips softly. This is quite tricky. If someone I trusts will do this to me, this will look like a betrayal to your very close friend. Considering na kanang kamay siya ni Manuel, Verm should have told him about his conversation with Monalisa.
Gaya nga ng nasabi niya kanina, Manuel can keep a secret because Manuel gives importance upon loyalty. Whatever he say to him, siguro naman ay hindi sasabihin ni Manuel kay Monalisa.
"Sa tingin ko mapapatawad ka naman niya. Yun nga lang, iisipin niyang marami ka pang hindi nasasabi sa kaniya na kailangan niyang malaman ngunit ayaw mong ipaalam sa kaniya. In short, he'll keep an eye on you, whether you are lying... or not."
Tumango-tango si Verm at saka siya nagpatuloy sa paglalakad.
Looks like that's the end of our conversation about Monalisa's cause of banishment.
~~~
Ilang minuto pa ang lumipas at narating na namin ang aming destinasyon. Walang-iba kung di ang tinitirhan ng buong pack nila rito sa Camp Tirso.
Matatagpuan ito sa likod ng Mt. Tirso, sa mismong paanan nito kung saan matatagpuan ang isang malawak at malinis na ilog na siyang nanggagaling mula sa malinis na bundok.
Bumati sa akin ang kaliwa't-kanang mga bahay na yari sa kahoy sa di-kalayuan. Kailangan pang tumawid ng ilog sa pamamagitan ng mahaba at matibay na tulay na yari sa kahoy.
"Ito ang tirahan namin. Medyo makaluma, nasanay na lang," nakangising turan ni verm, "hindi naman kami nangangailangan ng buhay na kagaya ng matatagpuan sa syudad," nanguna sa paglalakad si Verm.
He went on the bridge first and I followed him with my hands shaking as I looked down the flowing river. I bet this river is deep, even if it's crystal clear.
"Ang ganda rito," sabi ko.
I looked up to the mountain and I saw the peak down here. Sa taas nito ay nagagawa nitong takpan ang sinag ng araw. Maybe that's the reason why the atmosphere here is quite colder than what I expected.
"Maganda talaga rito. May mga turistang bumibisita rito at sa kanila kami kumikita ng pera. May ilang turistang gustong manatili rito sa isang gabi kaya may mga bahay kaming inihahanda para sa kanila kapalit ng presyong kaya naman ng kanilang bulsa," sabi pa ni Verm.
We're halfway across the bridge when I am starting to feel my hands getting colder. I started shivering.
"Hindi ba nila napapansin ang sikreto ninyo? Na... alam mo na?"
Nagkibit-balikat si Verm. "Kayang kontrolin ng mga tao rito ang pagiging asong-lobo nila. Hindi kami bigla-biglang nagbabago ng anyo lalo na kapag may bisita kami rito."
And he's now at the end of the bridge.
Nagmadali na rin ako sa paglalakad at sa kabutihang-palad ay ligtas naman akong nakarating sa kabila.
As I stepped down on the ground, I looked back at the other end of the bridge. I can't imagine that I had successfully crossed it without backing out. Yung puso ko, ang bilis ng tibok lalo na nung nasa gitna na kami ng tulay kanina.
Para akong nagkaroon ng panandaliang vertigo, mabuti na lang at naagapan ko.
"Ayos ka lang?" Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay ni Verm sa aking balikat.
I looked at him. "O-oo, medyo kinabahan lang ako. Malakas kasi yung agos ng ilog sa ilalim ng tulay," itinuro ko ang malalim at mabilis na agos ng tubig sa ibaba.
Napangiti si Verm. "Nalulula ka? Wag kang mag-alala, mukha lang yang malalim pero mababaw lang yan," tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Sa tingin ko hanggang sa beywang mo nga lang."
I smiled with the thought of swimming down there. How ironic that I love to swim yet I'm scared of strong currents. Not that it's good to swim there, pero sa mga dagat naman na napuntahan namin ay malalakas ang along rumaragasa sa dalampasigan.
It's just this river, creating an illusion that frightened me up. Pero dahil sa sinabi ni Verm, kumalma na ang pakiramdam ko. I wasn't scared of it anymore.
"Good to know," I said.
Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad ni Verm, ikinuwento niya sa akin kung gaano kaganda ang lugar nila. Mula noong lumaki siya rito, hindi pa sila nakararanas ng problema na dulot ng kalikasan. They hunt for food if needed, hindi man daw sila makaranas ng sama ng panahon, kadalasan naman silang nakararanas ng problema sa pinansyal.
That explains why their houses were still made of wooden slabs. It wasn't there to match the nature of their small village, but it is a result of their slow improvement in terms of financial stabilization. Hindi nila kayang bumili ng mga materyales para gumawa ng mga bahay na yari sa konkreto.
Barya lang yata ang kinikita nila kung sakaling may turista-wait, what if...
No, it's quite too farfetched for me to think like that. Hindi sila mga masasamang tao. They won't eat human flesh because they can turn into a wolf and attack them helplessly.
Then I realized, those people I am going to see living here, were all werewolves. Their eyes looking into your soul, the way they move carefully. It's like this place is letting my defense down by its beautiful scenery.
Dahil sa mga bagay na pumasok sa isipan ko, bumagal ang aking paglalakad. The wind blew a cold breeze of air and it made my hair flow along with it.
I'm surrounded with people who can shape-shift into a wolf.
Nakalagpas kami ni Verm sa ilang bahay na yari sa kahoy na nasa iba't-ibang estado na rin ng tibay nito, may ilang mga taong bumabati kay Verm, kinakawayan siya, nginingitian, habang ako ay tahimik lang na naglalakad sa tabi niya.
Abala ang karamihan sa mga taong nakatira rito. May mga natunghayan akong nagsisibak ng kahoy, nagluluto ng agahan, at sa hindi ko inaasahang pagkakataon, may nakita akong ale na may tinatadtad na karne ng isang hayop.
Then I saw a familiar skull below the table she's working the piece of meat on. It's one of those skulls on Camp Tirso's welcoming arch outside!
The woman looked back at us and for some reason, napakapit ako kay Verm nang hindi ko namamalayan. He even looked at my hands, surprised of my sudden actions.
"O? Bakit?" tanong ni Verm sa akin bago nabaling ang kaniyang atensiyon sa babaeng nagtatadtad ng karne sa di-kalayuan.
"W-wala naman," I lied.
Verm waved his hand to the woman and the woman waved back too. Tingin ko ay nasa edad trenta pataas na siya, mukhang marami na ring nagawa rito sa lugar nila. I wonder what's her physical features when she's in werewolf form. Is she fierce looking? Or gentler than others?
Sa paglalakad namin ni Verm ay marami pa akong bahay na nakita. They're really in a poor condition, walang kuryente sa lugar na ito. Aabot naman siguro yung linya ng kuryente mula sa mismong camp, but I guess they decided to remain practical.
Ngunit sa lahat ng mga bahay na natunghayan ng aking mga mata, isa sa mga ito ang namumukod-tangi. Ang bahay na matatagpuan sa dulong bahagi nitong maliit nilang komunidad, may dalawang palapag at yari sa konkreto ang materyales na ginamit dito. The only one that is different than others.
Hindi ko maiwasang mamangha dahil parang may kakaiba sa bahay na iyon. It has the vibes that could make you feel curious to see what's inside of that house.
"Doon nakatira ang mga magulang nina Manuel at Monalisa noong nabubuhay pa sila," Verm pointed his finger on the house that I am looking at.
"May tao pa ba riyan?"
He shook his head. "Wala na. Mula kasi nang si Manuel ang naging Alpha, sa Camp Tirso na siya namalagi," Verm smiled. "Sa kabilang kamay, dito naman matatagpuan ang bahay namin."
Verm led me to a house that is much bigger than the others. Nakakatuwa nga dahil may garahe sila, at nang makapasok ako sa loob ng garahe nila na puno ng mga tools na pangkumpuni ng mga bagay-bagay, doon ko nakita ang motor na nakapagpalundag ng aking puso.
Isa itong modelo ng motorsiklong matagal na inasam-asam ni papa na magkaroon siya noong bata pa ako. I can still remember how much he loves watching that movie because the main character has this model of motorcycle... a Harley Heritage Softail Classic.
"Wow, may ganito ka palang motor?" I looked on Verm's eyes who's grinning widely while he's staring on my surprised reaction upon seeing his motorcycle.
Nilapitan niya ito at saka hinagod ang tangke ng gasolina na walang bahid ng anumang gasgas. Looks like he's maintaining it regularly, he's a responsible owner.
"May nailigtas kasi akong isang turistang pumapasyal dito noon. Ako ang nag-tour sa kanila hanggang sa makarating kami sa itaas ng Mt. Tirso. Hanggang sa may mangyaring hindi namin inaasahan," tinapik naman ni Verm ang upuan ng kaniyang motorsiklo. Wala akong nakitang alikabok na nagliparan.
"May mga ligaw na asong lobo na biglang sumugod sa amin sa itaas, lima sila habang kami naman ay walo. Ako lang ang may kakayahang labanan sila habang ang mga kasama kong turista ay takot na takot sa nangyayari. Nakatayo lang sila sa likuran ko, at ako ang nagpaalis ng mga asong lobo, tinitigan ko lang sila, hindi ako nagpatinag sa mga matatalas na pangil sa kanilang bibig."
He smiled. "Kung hindi lang ako isang taong-lobo, siguradong wala rin akong magagawa laban sa mga lobong iyon."
I crossed my arms. "So binigyan ka ng isa sa mga turistang nailigtas mo laban sa mga lobong iyon ang motor na to?"
Tumango si Verm. "Wala akong magagawa. Mapilit siyang tanggapin ko ang regalong ibibigay niya. Kaya heto," he tapped the motorcycle again. "Heto na siya."
I can't imagine Verm got something like this. Hindi biro ang ganitong klase ng motor dahil maraming mga kolektor nito ang naghahanap ng mga classic models gaya ng isang ito.
"Kukunin ko lang ang mga gamit ko, dito ka muna." Verm have gone inside his house.
While I am waiting for him, I noticed the unusual silence of their house. Mukhang mag-isa lang na nakatira rito si Verm, nasaan na kaya ang mga magulang niya?
Narinig ko ang kalansingan sa loob ng bahay ni Verm na tila may hinahalungkat siya. While he's busy, inobserbahan ko ang kanilang garahe. There are lots of repair tools hanging by the walls. Habang may mga toolbox naman na nakapatong sa ibabaw ng cabinet.
There's lot of cobwebs forming a thick white substance in some corners of the garage. Mukhang hindi sila nakakapaglinis dito at nauwi na lang sa tambak ang mga bagay-bagay.
Moments later, Verm came out of the house while holding a bag and some pair of shoes. Umupo siya sa isang tabi, ipinatong ang bag sa kaniyang tabihan at saka niya isinuot ang sapatos na inilabas niya. "Tara na," aniya matapos niyang suotin ang sapatos.
Lumapit siya sa kaniyang motorsiklo at agad na inilagay sa isang compartment na matatagpuan sa likurang bahagi nito ang bag na inilabas niya kanina. Afterwards, he stepped on his motorcycle and he urged me to sit behind him.
"Sa'n tayo dadaan nito? Don't tell me we're going back to the bridge?" I asked him as I did what he told me to do.
Umiling si Verm. "May ibang ruta papunta sa labas, paikot ng Mt. Tirso. Doon tayo dadaan."
Nang sambitin niya iyon ay kaagad niya nang pinaandar ang motor. At gaya nga ng sinabi niya, hindi kami dumaan sa pagitan ng mga kabahayan, ngunit nagtungo kami sa masukal na kagubatan.
We're now going to Wichita.
Finally.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top