10 - Beta
The coldness of the air gets warmer as time passes by.
Kanina pa kami nag-uusap ni Iza sa harapan ng bonfire na ilang minuto na lang ay malapit na ring tuluyang matupok ng apoy ang natitirang kahoy na panggatong nito.
Pero mula pa kanina, hindi pa rin lumalabas ng reception cabin sina Verm at Manuel. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kanilang dalawa ngunit sinabihan ako ni Iza na kumalma lang ako dahil nararamdaman niyang nagkakalinawan na ang dalawa sa isa't-isa.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagtatanong kay Iza tungkol sa buhay ni Manuel. I think he's gonna keep most of it from me because I'm still an outsider he couldn't fully trust his story with.
Isa pa, I am still a journalist after all. Lahat ng mga sinabi niya sa akin ay maaari kong isulat at ibunyag sa lahat ng mga taong nagbabasa ng articles ko. But I immediately decided not to do that, I still have my own dignity to keep a promise, a promise unbroken.
"Tungkol kay Monalisa, may sinabi sa akin si Manuel na naging rebelde raw siya? Pa'nong nangyari yon?" I tried to sound as innocent as I can.
Fortunately, kahit malakas ang pakiramdam ni Iza sa kaniyang paligid, mukhang madali naman siyang mapaikot sa emosyong ipinapakita ng kaniyang kausap. She's vulnerable of spilling too much beans, a loose zipper on her mouth.
"Si Monalisa." Iza whispered Monalisa's name like she didn't really liked her. She just shook her head in disappointment. "Siya-"
Nakarinig kami ng pintuang dagling nagbukas. Sabay kaming napalingon ni Iza sa direksiyon ng reception cabin, nakita namin si Manuel na naglalakad patungo sa direksiyon namin habang nakabuntot sa kaniya si Verm.
"Maiiwan ka rito sa ayaw at sa gusto mo at ako ang masusunod," sambit ni Manuel bago niya nilingon si Verm.
For the first time, I saw Verm. And looks like I'm right. Bata pa si Verm kumpara kay Manuel. Masyado pang bata para bantayan ang Camp Tirso nang mag-isa. If I am to decide what Manuel has needed to decide, I'll probably let him come with me.
Wala na bang ibang puwedeng maiwan sa camp nila at si Verm- isang binatang nasa edad na sa tingin ko ngayon ay nasa bente lamang. Matangkad, matikas naman ang pangangatawan kung ibabase sa kaniyang edad. At may itsurang hindi kayang makipagbuno sa isang malaking lobo, ang iiwan niyang tagapangalaga ng buong pack?
If that's the case, then I'll try to voice myself out for Manuel to hear my own opinion.
"Pero akala ko ba naiintindihan mo na ako, ba't bigla kang nagdesisyon ng ganito?" Verm's young looking face told us that he's trying his best to turn the tables into his favor.
Napatayo tuloy kami ni Iza nang makita naming sa direksiyon nga naming dalawa, patungo sina Manuel. He's not looking at me but he's determine to walk near my spot. Seryoso ang kaniyang mukha, hindi nakangiti, pero hindi rin galit gaya ng ipinakita niya sa akin kagabi.
"Umalis na tayo," Manuel walked into my direction all of a sudden and he pulled my hand for me to follow him.
But I chose to resist. "Wait, isama na natin si Verm," sambit ko na ikanagulat naman ni Verm.
Napahawak siya sa kaniyang ulo na tila naguguluhan. "Pa-papano mo nalaman ang pangalan ko?"
Napailing si Manuel. "Napakahina naman ng instinct mo, kanina pa siya nakikinig sa usapan natin sa labas ng reception area. Wala ka man lang bang naramdaman?" Tinitigan ni Manuel si Verm nang masama.
Napailing naman si Verm. "W-wala."
Dumura si Manuel sa kaniyang tabihan at inapakan iyon gamit ang suot niyang tsinelas. "Tss, mahina ka ngang nilalang. Pero hindi pa rin magbabago ang desisyon ko, kailangang may maiwan dito. Hindi puwedeng wala."
His eyes looked at me. "Hindi puwedeng wala, Angel. Naiintindihan mo ako?" Nagtiim-bagang siya.
Umiling ako. "Wala ka bang ibang pack members na magbabantay sa camp Tirso habang wala ka bukod kay," I looked at Verm with an obvious glance of disappointment. "Verm? I think he's not the right guy for you to put in charge in a life or death situation. Kailangan mo ng ibang tao na mas malakas sa kaniya, at mas maraming experience sa pakikipaglaban."
Hindi nakasagot si Verm sa rason na meron ako. Mabuti naman dahil kung aangal pa siya sa mga sinabi ko, it's like he's declining a cup of coffee. I'm helping his case to make everything works for everyone. Gusto niyang sumama? Then I'll help him to have this opportunity.
Iyon nga lang, kita ko naman kay Verm na nahihiya siya. Napakamot na lang siya ng ulo habang nakatingin sa maalikabok na lupa sa kaniyang paanan. Hindi niya magawang tignan ang aking mga mata dahil ramdam niyang naoobserbahan ko ang pagiging mahina niya.
Napameywang si Manuel at saka napatingala sa kalangitan. Iza sat down and stared on the still burning bonfire.
"Maliit lang ang populasyon ng pack namin, Angel. Mas matatanda sa akin ang natitira sa camp. Si Verm ang masasabi kong nasa saktong pangangatawan na kayang depensahan ang pack," napahilamos ng mukha si Manuel gamit ang kaniyang kanang kamay. "O baka ang ideya mo ng 'malalakas' at may experience na mga kalalakihan ay yung mga nasa edad na kuwarenta pataas na? Kasi kung gano'n, may iilan sa pack namin. Pero hindi na nila kayang makipagbuno. Mahina na ang pangangatawan nila."
"Then call a police," I didn't smile or anything. Sinabi ko na sa kaniya ang nag-iisang option na puwede niyang i-consider.
Tumawa si Manuel. "Nagpapatawa ka ba? Matapos ang lahat ng nangyari kagabi, hindi ka pa rin nadala? Kung tatawag tayo ng pulis sa oras na umatake ang lobo na yon, ipapasara na nila ang camp Tirso."
"But they can protect the pack. Tao pa rin sila hindi ba?" sambit ko sa kalmadong tono ng pananalita.
Hindi kaagad nakasagot si Manuel. His eyes lingered to look into my eyes. As if he's trying to collect every reasons he had inside his mind and spill it in front of me.
Bago pa siya magsalita, inunahan ko na siya. "What's more important for you? Save the camp but let your pack be endangered. Or risk the camp but your pack in safety? Besides, malaking tulong si Verm sa atin kung isasama natin siya sa Wichita. Hindi naman kailangang ikaw lang mag-isa ang sumama sa amin."
Tumingin si Manuel kay Verm. "Hindi mo ba talaga kayang maiwan dito para magbantay?"
Tumingin din sa kaniya si Verm. "Hindi..."
Napailing si Manuel sa sagot nito bago siya tumingin kay Iza. "Iza, pakitawagan sina kuya Frank, Jun, at Miguel. Sila ang aatasan kong maiwan at magbantay dito habang wala pa ako."
Tumayo si Iza at yumuko. "Mauna na ako," she said before leaving the three of us standing by the bonfire.
Nang makaalis na si Iza, biglang bumigat ang pakiramdam ko sa aking paligid. It's heavy because of the tension between Manuel and Verm. Kitang-kita ko kasi na tinitigan ni Manuel nang masama si Verm.
His hands were tightly clenched. As if he's ready to fly a punch into Verm's young face. Bakit ba kasi sa lahat ng aasahan niya, yung katulad pa ni Verm?
"Nakakahiya ka, Verm." Komento ni Manuel bago siya umupo sa kahoy kung saan kanina nakaupo si Iza.
Verm shook his head. "Masyado naman kasing malaki yung responsibilidad na binibigay mo sa akin. Buong pack tapos ako lang ang pagbabantayin mo?"
Napatakip na lang ako ng bibig. This is for them to realize that I'm still here and I'm listening to whatever they talk about at the moment.
Napansin ni Verm ang ikinilos ko. "Pasensiya na, Angel. Nakita mo naman siguro yung asong lobo na umaatake rito hindi ba? Masyado siyang malaki," he gave Manuel a disapproving look and whispered in my ear. "Kahit si Manuel nga hindi mahuli yon."
Narinig siya ni Manuel. "Tumigil ka."
But Verm didn't stop. "Hindi niya mahuli yon dahil-"
Biglang tumayo si Manuel at akmang susugurin niya si Verm nang harangan ko siyang bigla. "Tumigil ka nga Manuel, alam ko na ang dahilan kaya hindi mo mapatay yung asong lobo na yon. Wag mo nang ilihim sa akin."
Natigilan si Manuel sa narinig. "Wala ka nang pakialam sa kung anong meron ako pati ang lobo na yon, Angel. Nandito ka para tulungan akong resolbahin ang nangyari kay Monalisa. Kaya itigil ni'yo na ang tungkol sa bagay na yan..."
I saw Manuel's eyes looked like he remembered something traumatizing. He turned his back from us and started walking away. "Magbibihis na ako. Aalis na tayo pagbalik ko."
Nang iwan kami ni Manuel, nagkatinginan na lang kaming dalawa ni Verm. "Maselan talaga siya kapag mga kapatid niya ang pinag-uusapan. Ganiyan din siya nang tanungin ko siya tungkol kay Monalisa. Napaka-defensive."
Ipinagkrus ni Verm ang mga braso niya. "Mabait na tao si Manuel. Pero kapag pinag-uusapan na ang tungkol sa mga kapatid niya," Verm gave me a frustrated look. "Nagbabago bigla ang ugali niya. Nagiging pikunin, magagalitin. Na parang sinisisi niya sa sarili niya na siya ang dahilan ng lahat."
"Nakakaawa naman pala siya," hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot.
"Iniintindi ko na nga lang ang kalagayan niya. Sa totoo niyan, kaya ko naman talagang labanan yung asong-lobo na yon," Verm smiled at me. "Pero minabuti kong wag magpaiwan dito. Hindi ko kasi alam kung anong magagawa ko sa lobo na yon. Kung para kay Manuel, ang lobo na yon ang nawawala niyang kapatid na si Ricardo. Para sa akin, isa lang siyang mabangis na lobo na pagala-gala sa kagubatan."
I was surprised by the sudden turn of events. Bigla akong nakaramdam ng malakas na aura mula kay Verm. Parang itinago lang niya ang kakayahan niyang talunin ang asong lobo. I was wrong about my first impression of him.
He can stop that wolf, and he could definitely kill it.
"Kaya ba ayaw mong maiwan dito dahil do'n?" I asked him.
Tumango si Verm. "Oo, dahil kung sakaling umatake siya at ako ang nagbabantay. Baka mapatay ko siya," I saw a glint in his eyes. "Kaya ako ang naging beta sa pack namin ay dahil kilala akong magaling na mangangaso. Kaya walang duda kung bakit ganiyan na lang ang tiwala ni Manuel sa akin."
Wala na akong maisip na maaaring sabihin sa kaniya. All I have is patience. Maya-maya lang ay aalis na kami rito para magtungo sa Wichita.
"Tsaka may dahilan ako kung bakit gusto kong sumama sa inyo. Hindi lang ang kapakanan ninyo ang iniisip ko kung 'di pati na rin ang kapakanan ni Monalisa. Siya talaga ang gusto kong makita, matagal na rin kasi siyang hindi umuuwi mula sa Wichita. Sa totoo niyan, bago umalis si Monalisa e nag-usap pa kaming dalawa, marami siyang ikinuwento sa akin tungkol sa mga natatanggap niyang tip mula sa babaeng nagngangalang Margot sa Wichita-"
"Wait, may sinabi siya sa'yo?" tanong ko na agad naman niyang tinugunan ng tango. "Anong sabi niya?"
"Marami e."
"Gaya ng?"
He stopped for a moment as if he's trying to remember something. Moments later, he smiled at me.
"Inimbitahan daw siya ng mayor ng Wichita para sa isang dinner. Kakausapin daw siya nito tungkol sa mga nawawalang reporter na pumupunta sa bayan nila," napansin kong nagtiim-bagang si Verm. "Hindi ko nga alam kung pa'no nalaman ni Manuel na nasa Wichita si Monalisa. Sabi kasi sa akin ni Monalisa, wag ko raw ipagsasabi kahit kanino kung saan siya pupunta. Maging sa kuya niya."
Natigilan ako. Parang may mali. Parang may hindi tama sa mga sinasabi ni Verm. Iniisip niya bang buhay pa si Monalisa?
"Wait lang, Verm. May ideya ka ba kung bakit pupunta si Manuel sa Wichita?"
Tumango siya. "Pupuntahan niya raw si Monalisa. Sasamahan niya raw kayo, e dahil nga sa mga naikuwento sa akin ni Monalisa, may mga mangkukulam daw do'n, minabuti kong-"
"Verm. Patay na si Monalisa," I said to wake him up.
Tumigil sa pagsasalita si Verm. Ngumipis ang kaniyang mga mata na tila naguguluhan sa mga sinabi ko. "Ano? W-wala namang sinabi si Manuel sa akin na patay na siya. Bakit mo naman nasabi yan?"
"May tumawag sa akin noong nakaraang isang gabi. Isang tip. At ang tip na yon ay tumutukoy sa isang babaeng natagpuang walang buhay sa Wichita. Walang bakas ng anumang sugat o galos sa katawan niya, namatay siya sa hindi pa malamang dahilan. At ang babaeng iyon ay walang iba kung di si Monalisa," pagpapaliwanag ko kay Verm.
Huminga nang malalim si Verm. Napalunok siya ng laway at bahagyang napahilot sa kaniyang sintido. Tumalikod siya sa akin at hinarap niya ang bonfire na tuluyan nang nawalan ng apoy at kasalukuyang umuusok nang mahina.
"Hindi agad mamamatay si Monalisa. Isa siyang lycan. At ang lahi namin ay hindi madaling mapatay ninuman," tumingin si Verm sa kalangitan. "Hindi pa patay si Monalisa. Nararamdaman kong buhay pa siya. Kung sinuman ang taong nagsabi sa'yo na patay na siya, sigurado akong nagsisinungaling ang tao na yon."
Napayakap ako sa aking braso dulot ng hanging umiihip. "Kaya kami pupunta sa Wichita ay para alamin ang mga nangyari," I said it in a way that could give him something to hope for.
Hinarap ako ni Verm. Hindi ko man makitang nalulungkot siya base sa kaniyang mga reaksiyon, nararamdaman ko naman ang kaniyang mga pagkilos na pinipigilan lang nito ang damdamin niya.
He's the typical guy who doesn't cry. The type of guy who'll die because of emotional distress.
"Kailangan nating bilisan. Bago pa mahuli ang lahat," sambit ni Verm bago niya ako nilagpasan nang maglakad siya patungo sa bahay ni Manuel.
Hindi ko na siya sinundan pa. I will let him deal with the information I had given to him. Anuman ang sabihin niya kay Manuel, wala na akong intensiyong pakialaman pa sila.
Lalo na kung sa tingin ko ay may relasyon sa pagitan nina Verm at ni Monalisa...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top