1 - Affirmation
Habang tahimik akong sumisimsim ng kape sa aking silid. Ramdam ko naman ang pananakit ng aking sintido sa bawat minutong lumilipas.
Tanging ang kape na lang ang nakapagpapakalma sa akin sa tuwing inaatake ako ng insomnia na sinabayan pa ng tumitinding migraine. At heto na naman ako, matapos ang nakakapagod na araw ay nakaharap na naman ako sa aking laptop, inaasikaso ang susunod kong article.
Pero ang problema, wala pa akong article na maisulat. Wala rin akong maisip kung ano bang puwede kong itampok. It's like all of my ideas has evaporated already. I'm too burnout.
Sumimsim ako ng kape at napatingin sa nakabukas na pintuan patungo sa veranda. Tumayo ako at nagtungo sa labas, kung saan ay binati ako ng malamig na simoy ng hangin.
Napatingala ako sa kalangitan at napansin ko ang buwan. Ang liwanag nito ay masyadong nakakamanghang pagmasdan lalo na kung hindi maulap. At sa gabing ito, malapit na siyang dumating sa phase ng full moon.
Mga ilang gabi na lang at tuluyang magiging bilog ang buwan.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Matapos pagmasdan ang buwan ay hinarap ko naman ang view ng kabuuan ng Caviche. Ang syudad kung saan ako lumaki, ang syudad na aking minahal.
It really looked so good every night. Masyadong maliwanag, parang hindi natutulog ang syudad sa gabi. Karamihan ng mga taong naninirahan dito ay abala sa kani-kanilang buhay. At gaya ko, lahat kami ay may hinahabol na mga deadline.
Deadline na siguradong ikamamatay namin kung hindi namin magagawan ng paraan. Hindi naman literal na ikamamatay pero... ang mawalan ka ng trabaho rito sa syudad ay para na ring kawalan ng kakayahan na mabuhay dito. Lalo na at maraming gastos, gastos, at marami pang gastos. Nabubuhay ka lang para gumastos.
Biglang tumunog ang cellphone ko na iniwan ko lang na nakapatong sa mesa katabi ng laptop. Nilingon ko iyon bago ako pumasok sa loob at isinara muna ang pinto upang hindi pumasok ang malamig na hangin sa loob ng kuwarto.
Dinampot ko ang cellphone at agad na sinagot ang tawag mula sa isang unknown number. "Hello?" kunot-noo kong bati sa taong nasa kabilang linya.
"Hello miss Adler. I have a tip for you," isang boses ng lalaki ang aking narinig. Boses paos at magaspang.
"Tip?"
Ramdam kong ngumisi siya. "For your article. I have something for you. Sigurado akong magugustuhan mo. Do you want to be the first one to write about the big scoop?" His voice sounded convincing for me. Lalo na at ini-stress niya ang tono ng pananalita niya sa bawat salitang gusto niyang iparating sa akin.
Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. This is new to me. I don't usually receive tips via phone calls. I usually get them through emails. But whoever this person is, I'm sure he have the connection to have my phone number. Wala akong binibigyan ng number ko unless kilala ko sila at malapit sila sa akin.
But in this case, I don't know how this unknown caller had a copy of my home number.
"Yes, of course I want to write something big. Pero tungkol naman saan?"
"There's a dead body of a young lady here in Wichita. She's been found dead and based on her identification cards, her name is Monalisa Sebastian," he sounded too professional at the moment then it turned back to the same old roughness again. "Gusto mo bang magsulat tungkol sa nangyari sa kaniya?"
Biglang tumibok nang mabilis ang aking puso. Patay na tao ba kamo?!
"A-ano bang ikinamatay niya?" I hope it's not that brutal.
Aminado ako na gusto kong makapagsulat tungkol sa mga nagaganap na krimen. Pero hindi ko kayang tagalan ang isang crime scene na may biktima ng karumal-dumal na pagpatay. A simple stab is fine with me... but if it's about a case connected into human butchery, then I'm out. Completely out!
Fortunately, hindi gano'n kalala ang sagot ng lalaki. "She died mysteriously. Walang anumang marka sa kaniyang katawan na nagsasabing sinaktan siya. Wala ring bakas ng panlalaban," he coughed. "But it's your turn to write about her case. Would you take it or leave it?"
Natigilan ako sa kaniyang mga sinabi. A woman died mysteriously? This is going to be a big scoop. Siguradong maraming tao ang mag-uusap tungkol sa kaso niya, nakikita ko rin ang headline banner nito sa mga diyaryo...
Pero kaya ko ba 'to? I usually write news about politics and other whatnots. Crime isn't my main newsbreak. If I'm going to take this one, siguradong maninibago ako rito.
"If you'll take it, I'll send you more details. Tumawag ka lang ulit." Then I heard the beep tone. Ibinaba niya na ang telepono.
Naiwan akong tulala mula sa impormasyong natanggap ko. Nagdadalawang-isip ako kung tatanggapin ko ba ang tip na ito o ipagpapaliban ko muna. Pero base sa tono ng pananalita ng lalaking iyon, siguradong hindi naman siya nagloloko. I think he's credible enough for my instinct to believe his statements.
Napatingin ako sa screen ng laptop ko. Nakikita ko ang pumipintig na itim na linya sa isang malinis at wala pang sulat na pahina ng Microsoft word document. Wala pa akong naisulat ni isang letra at tila binubuyo na ako ng linyang iyon sa bawat pagkindat niya.
Bumaling naman ang atensiyon ko sa tasa ng kape na nasa tabi nito. It's no longer hot anymore. Kinuha ko iyon at saka 'to ininom sa isang lunukan lang ang natitira nitong maligamgam na kape. It flowed smoothly inside my system and like a fuel in an engine, it gives me a soothing feeling.
Upon finishing my coffee, a memory flashed inside my mind...
My mother's face is looking back at me while she's typing something on her computer. I'm just a young girl in my memory and I'm busy reading some of her written articles on her collections of newspaper.
Then I suddenly snapped back in reality. Now I am the one whose writing on a computer yet there's no collection of newspaper to be seen in my room. But there's a portrait of my mother, hanging above my working table.
I miss my mom. Isa siyang news anchor noong nabubuhay pa siya. Kapag nasa trabaho siya, lagi ko siyang napapanuod sa telebisyon. Lagi kong nakikita ang maamo niyang mukha habang masaya niyang ibinabalita ang mga balitang kailangan nilang ipalabas.
Even if she's announcing bad news such as murders, robberies, and other wicked things that people in this world do; I'm still there, smiling as I vision my mother as the messenger of the news. I'm so proud of my mother.
Kapag wala naman siya sa trabaho. Lagi naman siyang abala sa pagsusulat sa loob ng kuwarto nila ni papa sa loob ng bahay namin. Isinusulat niya ang mga artikulo na dapat niyang ipasa sa newspaper company na kaniyang pinagtatrabahuan bilang sideline.
Sa isang linggo, hindi nagmimintis si mama at lagi siyang nakakapagpasa ng article nang hindi man lang siya inaabutan ng deadline.
Habang ako... ako ang kabaligtaran ng kagalingan ni mama sa larangan ng pagsusulat at pagbabalita. How I wish that she's still alive for her to see me writing some articles too. Para malaman niyang sinundan ko ang yapak niya.
I could imagine my mother saying, "I'm so proud of you anak." If only she's still... alive.
Hay, may isang paraan lang para mapatunayan ko sa sarili ko na kaya kong gumawa ng bagay na alam kong ikatutuwa ni mama kung sakaling nabubuhay pa siya. I will show the whole world the greatest article that would ever be written under my name.
I smiled as I went back to my phone and found myself dialing the unknown number back for an affirmation.
I will take this case for my next article; for my mother's legacy, and for the future of my career.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top