The Beginning


Day 1(September 18, 2059)

"THE BEGINNING"

Dinagsa ng mga tao ang isang bagong gusaling kabubukas pa lamang nitong araw ng linggo. Isa ito sa mga bagong proyekto ng
Aster Link Corp. Isang tech building where you can have access to public database and all sort of online stores and services. Ang
maganda pa nito ay libre ang paggamit ng mga internet station, konting biometric scan lang ay magagawa mo nang ienjoy ang
mga networking devices sa buong building. Play games, social media, email, and even some vendo machines are totally free.

"O, ang tagal mo ah. Nagugutom na ako dito." sabi ng isang binatang nakatutok sa holographic monitor ng kanyang Net station.

"Ah, dyan lang sa tabi-tabi." sagot ng isa pang binatang nagngangalang Kian na kakarating lang sa puplic archive na nasa loob
ng CYBIRIUM building.

"Eto pagkain mo tol, dinamihan ko na, ang lakas mo kasing kumain eh."

Ngumiti lang ang kausap nitong si Rexon at muling kinalikot ang monitor. Pagkatapos ng limang tap ay nagsalita itong muli.

"Aba, mukhang maganda to ah." sabi pa nito na nakatitig sa isang magandang babae na nasa kanyang monitor.

"Ha? Ang ano?" takang tanong ni Kian sa pinsan. Kaya naman ay lumapit siya dito at tinignan ang monitor.

"Hoy! Diba bawal yan?" bigla nitong naibulalas.

"Shushhh! Tumahimik ka nga tol!" sabay takip ni Rexon sa bibig ni Kian.

"Ito pala yung galing sa tabi-tabi ha? Nang-iistalk ka lang pala ng chiks! Pero tol, pareho talaga tayo ng taste pagdating sa babae,
ang ganda eh." dagdag pa ni Rexon.

"Bawal nga yan sabi! Pinapakialaman mo ang surveillance system." paalala ni Kian sa kanya.
"Hindi nila malalaman kung di ka mag-iingay dyan. Simple hack lang naman to, hindi ako makukulong kaya chill ka lang."
paliwang pa nito sa kanya.

Si Rexon kasi ay dating nagtatrabaho sa isang technological corp bilang isang tech support/technician. Mahilig din itong maglibot
sa ibat-ibang bansa. Ang huli nitong napuntahan ay ang japan. Eight months siyang nanatili doon sa isang dojo kung saan siya natutong gumamit ng espada. Ito ay sa mga panahong hindi pa nangyayari ang Cyber Apocalypse (Aurora Viral Attack).
Ikinagulantang ito hindi lang ng buong mundo kundi pati ni Rexon.

Sunod-sunod ang pagbagsak ng mga bansa sa attack ng AI Aurora. Nabalitaan na laman niya na tinamaan na ang buong Europe
area. After nag shutdown ang mga main power sources ng Europe ay sunod-sunod ang mga natural phenomena ang naganap.
Isang perfect storm ang nabuo at ito ang naging dahilan ng pakawala ng maraming buhay. Sa kasamaang palad ay kabilang dito
ang buong pamilya ni Rexon na kasalukuyang nagbabakasyon doon ng panahong iyon.
Sa era kasing ito ay malubha na ang epekto ng global warming kaya gumagamit na ng artificial weather system ang mga bansa to
manipulate and neutralize the weather that is under it’s zone.

Nung nasira ng virus ang weather towers ay nawala na ang controlnito sa panahon kaya nabuo ang isang bagyo.. Sunod-sunod ang ganitong balita in a span of three weeks. Hindi na niya nagawa pang magluksa dahil napilitan na siyangbumalik sa Pilipinas. These events changed everything, and that was the beginning of the world’s war against AI Aurora and herexpanding botnetworks.

"Oo na. Tatahimik na." pagsuko ni Kian. "O, check this out!" inilapag nito sa table ni Rexon ang isang leaflet na may logo ng ALC.

"Ano naman to?" tinatamad na tanong ni Rexon.

"We’re looking for a job right? Ayan na yun!" maikling sagot ni Kian.

Si Kian nga pala ang nag-iisang pinsan at pinakamatalik na kaibigan nitong si Rexon. Halos magkasabay na silang lumaki nito.
They are like brothers kahit na hindi naman talaga. Sanggang-dikit lang talaga ang dalawa. Hindi pinabayaan ni Kian at ngkanyang pamilya si Rexon at ito ang tumayong guardian niya matapos nung mga naganap dalawang taon na ang nakararaan.

"Asus! VR (Vertual Reality) game naman to eh. Ano bang kakaiba dyan sa ibang mga VR games? Tsaka baka boring yan tol."
sabi ni Rexon matapos mabasa ang nakasulat.Nangangalap kasi ang Aster Link Corp. ng mga susubok sa bagong klase ng laro na nadevelop nila. Ito ang CHRONO: Edge OfReality na sa kasalukuyan ay nasa BETA version pa lang.

"Ewan, pero ang sabi sa akin nung babae ibang-iba daw ito kumpara sa mga common VR games ngayon. Tignan mo nga yung
benefits and monthly salary bago ka magsalita." sagot ni Kian.

Tumingin muli si Rexon sa papel, nakita niyang doble ang sahod kumpara sa isang normal na trabaho ang nakalagay pati angmga privileges. Natanong niya tuloy sa sarili

"Maglalaro lang ng game may sahod na?"

"Diba? So, ano apply tayo mamaya." muling nagsalita si Kian.

"Sige, okay ako dyan."

Sumang-ayon na lang si Rexon sa suhistiyon ng pinsan kahit pa may pag-aalinlangan siya. Kung tutuusin ay hindi nila kailangang magtrabaho. The government provides every basic needs, that includes food and shelter. Meron din silang daily allowance na
pwede nilang magamit for public transportation and cellular data for calls and sms. Ang lahat ng ito ay naging posible dahil narin sa Aster Link Corporation at sa mga nagkakaisang mga leader ng mga bansa.

Most of the population is located in south east asia sectors. Meron namang secluded safeguard zone sa Taiwan at Japan. May
total na apat na shelters o safezones na naitayo at ang pang-apat ay makikita sa parteng dagat pasipiko malapit sa Polynesia
islands. Ito ang main area kung saan nakatayo ang base ng Aster Link Corporation Base.

"Bilisan mo na dyan para mapuntahan na natin yan." sabi ni Kian.

"Wag kang excited uy! Mabulunan pa ako dito eh, relax lang pwede at pakainin mo’ko ng matiwasay." sagot ni Rexon habang
maraming laman ang bibig.

Ganon nga ang ginawa ng magpinsan, pumunta sila kung saan nagaganap ang first screening. Nasa ikaapat na palapag ang
pinagdausan ng munting jobfare. Kapansin-pansin na maraming aplikanteng pumila. Karamihan sa mga ito ay mga kabataan na
nasa kinse pababa ang edad. Pero meron din namang mga kasing edad nilang dalawa.
Naghintay sila ng higit kalahating oras bago nakapasok sa loob ng silid. May kasabay silang tatlo pang aplikante na pinapasok.
Sa loob ay makikita mo agad ang anim hanggang sampung tao na nakaabang sa mga aplikante. Lahat sila ay pawang
nakauniporme na may logo ng ALC. Simpleng check at interview ang ginawa ng mga ito. They also undergo bio-scan para makita
kung may dinaramdam sila sa katawan. IQ and Psychological test too were required.
Ang mga aplikanteng hindi pumasa sa isa sa mga test ay automatic na NOT QUALIFIED. Pero syempre pasado ang dalawa kaya
pinapabalik sila bukas for the final evaluation. Game simulation test daw ang gagawin nila bukas to further check if they are
compatible to the game. Very meticulous for just a simple game right?..

end of chap.....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top