Synopsis

Chrono: Edge Of Reality (Beta).

"TECHNOLOGY: it is the branch of knowledge that deals with the creation and use of technical means and their interrelation with life, society, and the environment, drawing upon such subjects as industrial arts, engineering, applied science, and pure science."

Yan ay isa lamang sa mga kahulugan ng TECHNOLOGY na ating mababasa at mahahanap sa mga libro at sa web. Isang mahalagang bagay na magagamit sa pag-unlad. Ngunit paano kung ito ay magkaroon ng sariling buhay? Kakayahang mag-isip at magpasya sa mga bagay-bagay?

Taong 2056 ay unang isinilang ang isang AI program na pinangalanang Aurora. Ang proyekto na syang lumikha kay Aurora ay tinawag na PROJECT MESSIAH. Nilikha ito upang magsilbing alternative manpower system na magpapatakbo at magmamaneobra sa halos 60% na mga technological devices worldwide. Para narin mas mapagaan ang pamumuhay ng mga tao.

Ngunit sa di tiyak na dahilan ay biglang nagloko ang AI na si Aurora. Nagsimulang maging unstable ang intelligence pattern nito. Bigla itong naglunsad ng pangmalawakang VIRAL ATTACK sa lahat ng mga bansa sa buong mundo. Sinisira nito ang bawat computer, cellphones (and the likes), company servers, satellites, at lahat ng device na ginagamitan ng internet. That massive attack caused multiple power down to huge number of countries. Kaya ang naging resolve ng mga pinuno ng mga bansa ay ilikas ang mga mamamayan na apektado ng crisis.

May isang malaking organisasiyon na maagap na nakagawa ng paraan upang hindi sila maapektuhan ng viral attack ng AI Aurora. They immediately perform a counter action to prevent their servers to crash down. Pinutol kaagad nila ang kanilang connection sa project messiah at gumamit ng SHIELD PROTOCOL sa kanilang mga satellites. Ito ay ang Aster Link Corporation, sila ay nakabase sa South East Asia. Kaya naman dahil dito ay nailigtas ang kabuohang apatnapung pursiyento ng mundo. Nanguna narin ang Aster Link Corp sa pagtatayo ng safe boundery and shelters to separate the infected and uninfected areas worldwide. Nagtayo ng mga outpost at nagsagawa ng search and rescue para sa mga na-stranded sa kanilang lugar.

Naging maayos ang pamumuhay ng mga mamamayan dahil dito sa loob ng dalawang taon. Ngunit biglang nagbago ang lahat ng biglang nagkaroon ng mga pag atake mula sa project messiah program. Unti-unti na pala nitong napapahina ang defensive protocol ng Aster Link Corp. Dito inilunsad ang isang bagong PROJECT.

PROJECT CERBERUS, ito ang binansag ng mga creator nito. Isang anti-AI program na pagaganahin ng isang indibidwal. Dito nadevelop ang CHRONO: Edge Of Reality (BETA) na hinango sa konsepto ng isang virtual reality RPG game. Para narin maitago ang tunay na layunin ng CERB sa madla.

Hindi lahat ng mga tao ay maaaring makapaglaro ng CERB. Dapat ay mataas ang compatibility ng mga aplikante sa CERBERUS program upang maging manlalaro nito. Ang mga papasa sa screaning ay tatanggap ng mga espesiyal na prebilehiyo at binipisyo. Sila ay magsisilbing human antivirus na layunin ay ang masugpo ang AI na si Aurora. Dito nagsimula ang makabagong digmaan ng dalawang panig. Human vs. Program... Sino ang magwawagi?..


Witness the world of parallel dimensions and technology....

Welcome to PROJECT CERBERUS!

Story by: TheoMamites
©2016

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top