Anthology | Weekend Getaway 02: Trip to the Mountainside


A/N: This entry is a collaboration between yours truly and SarcasticGrey! Check out his stories!

ALISTAIR

MAAGA AKONG nagising kinabukasan. I always wake up early everyday since I don't stay up too late at night. May kakaibang excitement akong naramdaman ngayong umaga kaya siguro naunahan ko ang aking alarm clock.

Inayos ko na ang mga dadalhin ko kagabi kaya 'di ko na pinroblema kagising ko. I had my clothes and other items packed in a travel bag. We'd be staying in that resort for two days and one night. Hindi ko na dinamihan ang mga dala kong damit. Sakto lang.

Uminom muna ako ng coffee bago ako naligo at nag-ayos ng sarili. Gaya ng plano, una ko munang susunduin si Jamie sa kanilang bahay. Before I drove my car out of the parking basement, I texted her that I was on my way and that I'd get there within fifteen minutes. Giving her an early heads up would surely reduce the waiting time.

After I told Lorelei and Loki about this trip yesterday, I called her on the phone. Sobrang excited niya nang malaman niyang balak ko siyang isama. Her voice sounded so ecstatic that she probably started packing her clothes in a bag while we were talking.

"Teka, sasama ba si Loki dear sa trip na 'to?"

"Noong una, ayaw niya," sagot ko habang nakadungaw sa veranda ng aking unit at pinagmamasdan ang buwan sa taas. "But I managed to change his mind by beating him in a chess game. I expect him to honor our gentleman's agreement. Don't worry. Nandyan si Lori para bantayan siya at puwersahin siyang bumangon sakaling tamarin siya."

"That's great! I wanna know kung sasama ba siya para i-ready ko na ang swimsuit ko."

And that's how our conversation last night ended.

Dahil maaga pa noong bumiyahe ako, nakarating ako sa tapat ng kanyang bahay sa loob ng sampung minuto. I pulled my car to the side and dialed her number. She hurriedly answered my call and told me she'd be out in a few. Nang mapansin ko siyang lumabas sa kanilang gate at may bitbit na dalawang malalaking maleta at isang handbag, agad akong bumaba ng kotse para lapitan siya.

"Morning!" Jamie greeted me cheerfully as I met her gaze.

"Handang-handa, ah?" nakangiti kong bati sa kanya. Ako na ang nagdala sa mga bagahe niya. The suitcases were not that big, pero matatantiya kong sasapat sa isang linggo ang laman ng mga 'to. Mine were only good for exactly two days.

Jamie walked beside me back to the car. "Of course! Private resort? Count me in. Palalampasin ko ba ang chance? Minsan lang kaya tayo mag-out-of-town trip!"

I opened my car trunk and stuffed the bags inside. Medyo in-expect ko na hindi lang iisang bag ang dadalhin niya para sa trip na 'to. Still I was surprised that she brought two luggages with her. Nabanggit din niya sa akin kagabi na baka magdala siya ng ilang bagahe na maraming lamang damit at kung ano pang abubot na meron siya.

Napaisip tuloy ako kung ano-ano ang dala niya.

Matapos mailagay ang mga gamit niya sa likod, bumalik na ako sa driver's seat at in-unlock ang iba pang pinto ng kotse. Jamie sat on the passenger's seat and fastened her seatbelt.

Let me make a bold prediction: Kapag umupo si Loki sa backseat mamaya, lilipat doon si Jamie para magkatabi silang dalawa. Si Lorelei naman ang uupo sa tabi ko.

"We have to thank your dad and his friend for this opportunity!" banggit ni Jamie habang inaayos ang kanyang naka-braid na buhok. "I was about to suggest na mag-out-of-town trip tayo. Pero naunahan mo ako, Al! Parang naisip mo kung ano ang iniisip ko."

"We deserve this break don't we?" I put on my seatbelt and fitted the key into the ignition. Chineck ko muna ang side-view mirror kung meron bang papalapit na kotse bago ko sinimulan ang pagda-drive. "Given everything that's happening at school, kailangan din nating mag-relax."

"Oo naman!" Inilabas ni Jamie ang kanyang phone at itinutok ang front-facing camera sa sarili niya. Sandali akong napasulyap sa screen nito at napansing kasama ako sa frame. "Al, picture muna tayo! Magpo-post ako sa Facebook para alam ng fans ko na may ganap ako today. Gusto mo bang i-tag kita?"

"It's okay." Ngumiti ako sa camera sabay ang pag-click niya sa capture photo key.

Jamie swiped a few times at her phone. "Hala! Baka isipin nila na boyfriend kita. No offense, Al. You are a boyfriend material. Any girl will be lucky to have you in their lives. Pero may iba na kasing nagmamay-ari ng puso ko."

Ngumiti lang ako sa sinabi niya. Parang na-busted na agad ako kahit 'di pa sumasagi sa isip ko ang idea na manligaw sa kanya.

"Kailangan kong mag-picture mamaya kasama si Loki dear para ma-clear ang anumang misunderstanding. Mahirap na, baka may mga magpakalat ng tsismis. May iilang haters pa naman ako."

Hindi na isang secret na may gusto siya o sobrang attracted niya kay Loki. I had no problem with her being so expressive about how she felt toward him. Sana nga lang, hindi siya masyadong umasa na masusuklian ang kanyang nararamdaman. It might hurt her feelings and shatter her heart into pieces.

"Speaking of my Loki dear, medyo na-surprise ako na malamang natalo mo siya sa chess." Sandaling nagawi sa akin ang kanyang tingin. "Don't get me wrong, Al. I'm not underestimating your chess skills. Hindi ko nga alam kung gaano ka kagaling doon. When I played against him, he gave me a hard time! That made me fall for him more."

"You won, right?" I remember Lorelei telling me something about a blind chess game between the two, when Jamie was relatively new to the club.

Paulit-ulit siyang tumango. "So tayo pa lang dalawa ang nakatatalo sa kanya sa chess? Isn't that a great honor?"

"Well, I don't think he took our game yesterday seriously," may pag-iling kong tugon. "Either he was playing so recklessly or he was intentionally losing the game."

"Napaka-humble mo naman!" She nudged me with her elbow. "Baka sobrang galing mo kaya natalo mo agad siya? Gusto mo maglaro tayo mamaya para malaman ko kung gaano ka kagaling?"

"Our game lasted for about seven minutes." I took note of the time because I looked at the clock display on my phone screen before and after the game. "Mabilis din siyang tumira, parang 'di na niya masyadong pinag-iisipan."

"Oh?" Natahimik si Jamie, ilang beses kumurap ang mga mata. Mukhang may inaalala siya. "Noong naglaro kami, umabot ng halos isang oras. Pero kung hindi niya sineryoso ang game, sinadya ba niyang magpatalo?" Napatakip siya ng bibig. "My God! Baka gusto talaga niyang sumama sa trip na 'to magka-bonding kami pero nagpakipot muna siya?"

Nanliit ang mga mata kong nakapokus sa daan ang tingin. I don't think that's entirely the case. She might be half right though. But I decided to keep that thought to myself. Maganda ang umpisa ng araw niya. Ayaw kong sirain ang kanyang mood.

"Maybe Loki and I can play for real," bulong ko.

"You know na kung kanino ako pupusta," nakangiting sabi niya sa akin.

Muling bumalik ang atensyon ni Jamie sa kanyang phone. She made faces and took some selfies. Kinuhanan din niya ako ng video habang nagda-drive.

"Aha!" she exclaimed.

Sandali akong napatingin sa kanya. Nagliwanag ang mukha niya na parang may naisip siyang magandang idea. "What is it?"

"Lorelei is into blogging, right? The boring stuff where she writes about our cases?"

Medyo sobra naman yata na tawaging boring ang pagsusulat. Maybe she wasn't fond of reading? Hindi ko masabi. Baka wala pa siyang nababasa sa mga blog entry ni Lorelei. They were entertaining for me. Maybe she tried reading some of them, but she gave up quickly.

"Why don't I get into vlogging? With a v!" napapalakpak niyang sabi. "I have following on social media, and I have stories to tell. Mas visual at mas engaging kaysa sa isinusulat ni Lori! Sino ba namang magtitiyagang basahin ang mahahabang paragraphs?"

Walang duda, bagay sa kanya ang gumawa ng vlog. She has the confidence. She has the face. She's also articulate in front of the camera. Kahit phone ang gamitin niya, makagagawa na siya ng content. She didn't have to invest in expensive equipment.

Sinimulan niyang i-record ang sarili gamit ang front-facing camera ng kanyang phone.

"Hi there! This is your next social media star, Jamie Santiago! I'm about to have a blast in a private resort and I hope na masubaybayan ninyo ang lahat ng ganap sa akin mamaya. By the way, this is Alistair. He's not my boyfriend so please don't spread any fake news about our relationship. Say hi to my fans, Al!"

Ngumiti ako at kumaway sa kanyang camera. Mabilis kong ibinalik sa daan ang atensyon ko. Mabuti't maluwag ang kalsada at wala masyadong sasakyan sa harapan at likuran namin.

"Gusto ko sana siyang interview-in but he's busy driving. Right now, we're on our way to fetch the other members of our club. Yes, we have a club at our high school. We call it the QED Club! What does QED mean? Well, i-search n'yo na lang sa internet. Google is your friend! Mamaya, bibigyan ko kayo ng update kapag nandito na 'yong dalawang kasama namin. I want you to meet our awesome club president who's so great at making deductions! And also, Lorelei."

Siguradong umiirap ang mga mata ni Lorelei sakaling kasama na namin siya at narinig niya ang pinagsasabi ni Jamie.

"Bye for now!" Pinindot niya ang stop key para tumigil na sa pagre-record ng video ang kanyang phone. She turned to me and grinned from ear to ear. "For sure, mas dadami pa ang followers ko kapag binigyan kita ng exposure. You look good on camera. Malay mo, isa pala sa mga fan ko ang soulmate mo. You're still single and ready to mingle, right?"

Nginitian ko na lang siya at nagpatuloy sa pagda-drive.

Nakarating kami sa apartment nina Lorelei at Loki bandang alas-otso ng umaga. Naabutan namin silang dalawa na nakatayo sa tabi ng gate. I gave them a heads up via text message when we were on the way here. Behind them was luggage and two travel bags. Lorelei was wearing a floral dress while Loki was wearing a plain colored shirt.

I pulled up my car beside their apartment building. Ini-ready ni Jamie ang kanyang phone para kuhanan ng video ang pagpasok sa kotse ng dalawa. Sineseryoso na niya talaga ang pagiging vlogger. Bumaba kami ng sasakyan upang salubungin sila.

"Good morning," nakangiti kong bati nang magkasalubong ang tingin namin. Lorelei greeted me back while Loki only gave me a nod. Binitbit ko ang mga dala nilang bag at ipinasok sa car trunk.

"Meet the president of our club, Loki Mendez! He leads the investigations into the mysteries in our school. He's so good at deducing people, kaya niyang hanapin kung sino ang nagnakaw ng piso sa pitaka mo!" pakilala ni Jamie habang sinusundan ng camera si Loki. "O, sa mga nagka-crush sa kanya, huwag na kayong umasa. Taken na siya. Say hi to our viewers!"

Dire-diretsong naglakad si Loki patungo sa sasakyan, hindi alintana ang phone na nakatutok sa kanya. He's walking like a celebrity who didn't care about the photographers taking shots of him.

"Baka 'di maganda ang gising niya kaya medyo wala siya sa mood. Nakaka-intimidate man ang itsura niya, mabait naman siya sa personal," bulong ni Jamie na ngumiti nang pilit para 'di siya magmukhang napahiya. "By the way, this is Lorelei Rios. She's one of us. Kaway ka naman sa camera!"

Walang kamalay-malay si Lorelei na kinukunan na siya ng video. She awkwardly waved at the camera and forced a smile.

Unang pumasok sa kotse si Loki na pumwesto sa backseat. Sumunod sa kanya si Jamie na inunahan si Lorelei na makaupo sa tabi ni Loki. I knew it. Tama ang prediction ko kanina. Si Lorelei naman, piniling umupo sa passenger's seat sa tabi ko.

"So we're all set!" Patuloy sa pagre-record si Jamie sa loob ng sasakyan, iginagala ang kanyang camera sa amin. We had no choice but to smile whenever we're in the frame. Except for Loki. Wala siyang pakialam kahit may nakatutok na camera sa kanya. He maintained the bored look on his face as if he was reluctant to come with us.

"Balak mo bang mag-vlog?" tanong ni Lorelei nang ihinto ni Jamie ang recording.

Excited na tumango si Jamie habang nagta-tap sa screen ng kanyang phone. "I had this idea kanina na gumawa ng vlog para sa mga out-of-town trip natin. I wanna offer an alternative sa fans ng club natin. Kung ayaw nilang ma-bored sa mahahabang blog entries mo, they can watch my vlogs instead!"

Parang tunog na nakikipagkompetensya itong si Jamie. Kahit ano pang medium o platform, pareho lang ang kanilang objective ni Lorelei: Ang mai-share sa mga interested sa aming adventure ang kuwento namin. I guess Jamie's just being herself today.

"Are we all good?" I asked everyone as I fastened my seatbelt. Lorelei did the same. "Wala na ba tayong nakalimutan? Ready na kayo para sa trip na 'to?"

Tumango ang lahat—may kasama pang pag-thumbs up si Jamie—na nagsilbing hudyat na puwede na kaming umalis. Tiningnan ko muna ang kalsada kung may makasasabay kaming ibang sasakyan. When everything was clear, I started to drive away.

q.e.d.

Liked this update? Don't forget to share your thoughts on Twitter using the hashtag #PLChronicles!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top