Anthology | Beach, Please! 05: Victory!

A/N: This is the last part of Jamie's entry. Up next is Alistair's!

JAMIE

VICTORY WAS already within our grasp. We couldn't let anyone snatch it away from us! Kahit mukhang bibigay na ang mga binti ko, binilisan ko pa rin ang pagtakbo. Only Alistair and I managed to keep up with our pace habang sina Lorelei at Loki ay halos maiwan na namin. That's okay! Basta may isa sa amin ang maunang makarating sa booth at mai-submit ang mga plastic bag, we'd still win!

But our rivals were inching closer to the finish line! Paliit nang paliit ang distansya nila sa amin, pero palapit sila nang palapit sa booth. At this rate, baka mauna pa talaga ang kanilang team.

I needed to think of a way para maungusan namin sila. I could tackle her to the ground at ibato kay Alistair ang mga dala ko para siya na ang mag-present sa booth, but that might disqualify us from the hunt. Wala namang rules na binanggit sa amin, but I didn't wanna risk it.

What should I do? Could I still pull a stunt so we'd win?

Well, there's still one.

"Miss! Miss!" tawag ko sa babaeng nauuna sa akin. Siya ang may bitbit sa mga plastic bag ng kabilang team. She was only within my arm's reach! Ganito ka-close ang magiging pagkatalo namin kapag hindi ko naibaligtad ang sitwasyon. "Miss, nahulog 'yong bote n'yo!"

Sandaling napahinto ang babae at lumingon sa likuran. Kumunot ang kanyang noo sabay tingin sa mga hawak niya. By the time she realized that she was tricked, I was already three steps ahead of her.

It's a trick!

And... we made it! Kami ang nauna sa scavenger booth!

Mabilis kong inilapag sa mesa ang mga plastic bag, pagkatapos ay hinabol muna ang aking hininga. The woman at the booth was trying to talk to me, but I couldn't give her any clear answer. Can't she see that I was still catching my breath? Sumunod sa booth sina Lorelei at Loki na hinihingal din.

Isa-isang chineck ng babae ang mga item namin. Literal na binigyan niya ng check ang bawat plastic bag. I bit my nails as I was watching her. Teka, medyo marumi pala ang mga kuko ko.

Paano kung mali ang sagot namin sa isang riddle? Paano kung kulang o sobra ang nailagay naming item sa isang bag? The suspense was killing me!

"Congratulations! You've won the scavenger hunt!"

"Yes!" Halos magtatalon ako sa tuwa nang i-declare na niya ang victory namin. Una kong niyakap si Loki dear na napangisi sa aming pagkapanalo. Sunod kong sabay na niyakap sina Lorelei at Alistair. They also hugged me back. Pagkatapos ay nag-group hug kaming apat.

"Now!" I clapped my hands once as I faced the woman. "May we know what the life-changing prize is? Hindi naging madali ang paghahanap namin sa mga 'yan, ah? Muntik na nga kaming madapa sa pagtakbo rito kanina."

Inabutan niya ako ng isang certificate. The smile across my lips slowly faded as I looked at the words "Certificate of Appreciation." Pakurap-kurap ang mga mata kong iniangat sa kanya. This was it? This piece of paper was life-changing?

"Meron pa bang ibang prize?" mahinahon kong tanong. Pilit akong ngumiti para hindi mahalata ang pagkayamot ko. Lorelei nudged me with her elbow. But I shrugged her off. We went through all these troubles just for a piece of paper? Nasaan ang hustisya?

"Aside from the certificate, the most invaluable prize for this scavenger hunt is the experience you had with your friends," kalmadong sagot ng babae. "The bond that you built. The idea of working together for a common goal. The enjoyment you had while playing the game. Walang anumang materyal na premyo ang makahihigit doon."

I kept a fake smile as I maintained eye contact with the woman. Yeah, yeah. Alam na namin ang ganyang cliche na statement. The real treasure is the friends we made along the way, or something. But I was hoping na madya-justify ang paggamit nila sa term na life-changing.

"Tama," Alistair agreed. What? Palalampasin niya na certificate lang ang makuha namin? After all we went through? Come on, Al. Let's demand something from them! "Ang importante'y nag-enjoy tayong apat, 'di ba? Sulit ang time natin sa scavenger hunt na 'to."

Sumulyap sa akin si Lorelei. Alam niyang hindi enough sa akin ang gano'ng prize. Wala sanang isyu ito sa akin. Kaso nag-set ng expectations ang organizers sa term na kanilang ginamit para i-describe ang premyo.

"There's something else, isn't there?" tanong ni Loki dear.

"Of course! We wanna give you these eat-all-you-can tickets to the exclusive buffet tonight." Nag-abot ang babae ng apat na tiket sa amin. Meron pa pala, bakit 'di agad ibinigay ni ate? "We will give you the best seats in the floating restaurant. Just present those tix to the ushers and they'll let you in. I promise that the view, the food, and the experience are definitely worth it."

I was still hoping something else, but these tickets would do. Kaysa naman certificates lang ang maiuwi naming remembrance sa beach na 'to. Hindi na rin masama ang mag-dinner sa kanilang floating restaurant. I read that's one of their major attractions here. I bet na mahal ang presyo ng mga pagkain doon.

Matapos ang nakapapagod na scavenger hunt, nagpahinga muna kami sa aming room at nagpalipas ng oras. Siyempre hindi kami pwedeng patuloy na magbabad sa araw. Kailangan din namin mag-reapply ng sunblock lotion para 'di masira ang aming skin.

Pagpatak ng five o'clock ng hapon, pumunta kami sa aplaya para ituloy ang aming kasiyahan sa beach. Lorelei and I took off our robe and swam into the water. Sumama sa amin si Alistair na nagtanggal ng kanyang polo. Napa-wow ako sa well-toned niyang muscles at abs.

Nagtampisaw kaming tatlo sa dagat at nagwisikan ng tubig. Muntik na akong makainom ng maraming tubig-dagat dahil sa pagbasa nilang dalawa sa akin. Dalawa sila, iisa lang ako. I was clearly outnumbered!

Loki was just watching us from the shore, sitting on the white sand. Sinubukan namin siyang hilahing dalawa ni Lorelei papunta sa dagat, pero nagpumiglas siya. Left with no choice, we asked Alistair to do the job for us. Nang makita siya ni Loki na tumatakbo papunta sa kanya, he tried to run as fast he could. Bigla siyang nadapa kaya nahabol at nahuli siya ni Alistair.

"Let me go! Let me go!" paulit-ulit na sigaw ni Loki.

Alistair carried him like a baby in his arms. Sumuong siya sa dagat at naglakad patungo sa amin. Pataas nang pataas ang tubig sa kanilang nilalakaran. Napahawak sa kanyang leeg si Loki na parang unggoy na natatakot mabasa.

The water splashed as Alistair dropped Loki into the water. Kumaway-kaway sa tubig si Loki na parang nalulunod siya. Hay, nako. Hanggang baywang ko lang nga ang taas, eh. Niyakap ko siya at tinulungang makatayo para ma-realize niyang imposibleng malunod siya sa gano'n kababaw.

Loki ran his wet hand through his face. Lalong bumagsak ang kanyang bangs. "I will never ever forget this day!"

"Good!" sabi ko. "Mas maganda ngang memorable para sa 'yo ang beach trip nating 'to!"

We already had enough fun in the water kaya bumalik na kami sa aplaya. Umupo kami sa buhangin habang pinapatuyo ang mga sarili namin. Lorelei and I started building a sandcastle. But Loki threw a rock at its base, making it crumble instantly.

The four of us faced the cerulean horizon with a tinge of orange. May iba ring naglatag ng banig sa buhangin na tila magpi-picnic. The sun was already setting, and this must be the best spot to witness the sunset.

"O, picture muna tayo!" sabi ko sabay labas ng aking phone. Nag-compress kaming tatlo nina Lorelei at Alistair habang nakahiwalay si Loki dear sa amin. Kahit kailan talaga, camera-shy siya!

Ibinaba ko muna ang aking phone at lumipat sa kabilang side niya. Parang isinandwich namin siyang dalawa ni Lorelei. Pinag-adjust ko si Alistair para mapunan ang space na iniwan ko.

"Look at the camera, Loki dear!" sabi ko. Ini-stretch ko ang aking kamay na may hawak na phone para masigurong kuha kaming apat sa frame. "One, two, three. Say QED!"

"QED!"

Snap!

Lorelei, Alistair and I were all smiles in the picture while Loki looked the usual. Nasabihan ko siyang tumingin sa camera pero nakalimutan kong sabihan siya na ngumiti. 'Di bale na. Ang importante, magkakasama naming pinanood ang paglubog ng araw. This doesn't happen very often, so I was truly glad na nagkaroon kami ng time para sa ganitong bonding.

I wish this wouldn't be the last time we'd go to a beach and watch the sunset. 

q.e.d.

Liked this update? Don't forget to share your thoughts on Twitter using the hashtag #PLChronicles!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top