Chapter 6 • 4

Chapter 6 • 4: Introducing Morgana

Isang nakakabinging katahimikan ang maririnig sa paligid. Pati yata ang paghinga ay limitado. Maiinit parin ang tingin nila sakin na parang hinihintay ang sagot ko. Yung tinginan ng iba naman ay parang nag aalala sa magiging reaksyon ko.

But I can't deny that I was a little bit freaked out. "You've got to be kidding me." Natatawa kong sabi sakanya. Sino ba namang tanga ang maniniwala sa ganun bagay diba? Mali yung naiisip ko.

"Hindi kami nagbibiro, Morgana." Pagkasabi nun ni Lolo, biglang nag iba ang kulay nang kanyang mata. How the hell did he does that?

Shit!

Tumayo ako sa pagkagulat. I stayed my composure but I just can't sit still knowing all of this.

Bigla naman tumayo si Harry at pinaharap ako sakanya. Hawak-hawak niya ako sa magkabilang braso para pakalmahin ako. Knowing him he's the only one could calm me.

"Shit Molly! Don't freaked out." Kalmado pero nag aalalang tingin niya sakin.

"W-What did I-I just saw, Hazza?" It startled me. Hindi ako mag re-react ng ganito kung napaghandaan ko lng. Ang bilis ng tibok ng puso ko samahan mo na yung panginginig ng katawan ko. Hindi dahil sa takot pero siguro epekto ito ng gutom at paghihina ko. Pagod na pagod na kasi yung katawan ko tapos may sugat pa ako sa tuhod, nakipag action scene pa dun sa training room.

"J-Just calm down. Okay?" Sabay haplos niya sa pisngi ko. Bakit parang normal lang sakanya yun? Tell me, Harry may alam ka din ba sa nangyayari?

"Kailangan niya na dapat malaman, Harry." Ma awtoridad na tugon ni Lolo kay Harry. Lumingon naman siya dun at bumalik ulit sakin. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at hinahaplos-haplos ito para mapakalma ako kahit paano.

"Please... Molly, makinig ka muna sami-"

"How could I listen kung hindi ko nga alam kung nasaan ako o kung Lolo ko nga ba yung nakita ko! I saw it Harry!" Pagputol ko sakanyang dapat sabihin at pilit siyang kinukumbinsi na hindi totoo ang iniisip ko sakanila. May motibo na ako dati pa pero pinagsawalang bahala ko na yun. Ngayon na napadpad ako sa lugar na 'to at sa mga bagay na nasaksihan ko... hinding-hindi ako kailan man nagkakamali.

"We're Immortals," Harry said calmly.

Natahimik ako. I had no idea what to do. Such an explanation made little to no sense, and that it still didn't explain the fact those eyes appeared to be unexpected.

But those two little words freaked me out so much that I let go at Harry's grip. Nakatingin lang ako sakanya na parang hindi makapaniwala.

Nakaramdam kaagad ako ng pag-ikot sa paligid. The last thing I know hawak-hawak na ako ni Harry ng matumba ako.

⋆⋅☆⋅⋆ ༻✦༺ 。☬————☬。 ༻✦༺ ⋆⋅☆⋅⋆

Harry's POV

"Stick to the plan, Harry. I know na mahirap ibunyag ang lahat lalo na na oras na niyang malaman." Sabi ng Papa ko.

We're talking about Morgana's existence. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kung gawin. Noong matagal pa bago ang takdang oras ay naging kampante lng ako. Ngayong nagiging komplikado na ang lahat parang napapariwala na ako sa dapat na mangyari.

Matagal na namin itong pinaghahandaan simula magkamuwang ako. Matalino yang si Morgana kaya alam ko na ang pasikot-sikot at takbo nang isip niyan.

I cared so much for her that I would do any fucking thing just to get her out of this mess. She's my little sister that I would do protect even if it cost my life. I love her that much that I could kill anyone who gets in the way.

Pero andito na. Nangyayari na ang hindi dapat mangyari. This is my only way of saving her. Saving my princess. I just hope she wouldn't mad at me cause I can't cope up with that.

"I know Father, I know." Bumuntong hininga ako at pinaragasa ang kamay sa buhok ko out of frustration. "I just didn't know what to react pag nalaman niya kung ano talaga ang kaya niya... or kung ano tayo." I look at my father.

Naiintindihan ko din naman si Papa. Siya na ang tumayong ikalawang ama ni Morgana simula bata pa lang. Mas lalong mahirap din sakanya 'tong sitwasyong ito. Siguro nga kung bata pa siya ay sinabihan na namin, mas magiging okay ang lahat pero hindi yun ganun kadali. Madaming hindi pwede.

Pero all of this, I trust her with all my loyalty. She's stronger and braver than you think. She's not easy to be played with. Crossing her path is like dealing with a demon. Kumpara sakin walang-wala ako kahit pa ilabas ko ang ability ko, para ka nang nag papa-patintero kay kamatayan kung ganun. Under nga ako nyan eh.

"She'll understand, Son. Maiintindihan tayo ni Morgana kung bakit natin to ginagawa. Just trust her." Papa patted me at the back to give me assurance.

Kasalukuyan kaming nasa office ni Master. Ang Lolo ni Morgana. Binilinan na namin ang iba pang kasamahan namin para magsundo kay Morgana.

Nasa training room na siya ngayon para sa skill test niya. Gusto yata ni Master magpa show-off ng introduction ang babes ko eh. Nag aalala pa naman ako dahil nahimatay sya. Naka tingin lng kami sa monitor at kitang kita ko ang mukha ni Morgana. Di ko kayang mapanood siyang ganyan ang istura baka pag hindi ako makakapag-timpi may ililibing mamaya.

"Sige na puntahan mo na siya Sigismund. Manatili lang kayong kalmado." Tumayo siya at tinapik rin sa likod si Papa.

Umalis na si Papa papuntang basement. Parang bunker tong headquarters namin imbis na pataas ang elevator gaya ng ibang establishments dito pababa. Katamad mag explain.

Nag aabang lang ako sa monitor kung ano ang mga ginagawa nila. Nang biglang sumulpot si Gerald at pilit na pinapakalma ni Dexter at ng ibang kaibigan niya.

Sus! Pabida! Eh tangina mo din eh. Hindi ka man lang nag paalam kay Morgana nun.

"What's with the face?" Natatawang tanong ni Master. Nakangiwi kasi akong tumitingin sa monitor. Bwesit kasi yang si Gerald.

"Hayyss, Master. May asungot po kasi. Kung di lang kaibigan yan ni Molly baka dati ko pang nilapastangan yan." May halong pag ka irita ang sabi ko dun.

"HA HA HA HA HA HA!" Nagulat naman ako ng tumawa ng malakas tong matandang eto ay este- si Master. He never laugh this way before. Anong nakain?

Nakatingin ako sakanya na nagtataka baka kasi na possess nato eh. "Master? O-Okay lang po ba kayo?" Taena. Nautal pa ako dun baka mamatay ako ng dis-oras dito eh.

Wag Master! Gusto ko pa makita ang babes ko!

Lumapit siya at ginulo ang buhok ko. "Binatang binata ka na talaga, Apo. Ang bilis nga ng panahon." Sabay ngiti ng makahulugan at may pa iling-iling pa.

Anong ibang sabihin nito? Naku! Ikaw Master ah! Binubuyaw mo na ba si Molly sakin? Hehehe

Napakamot nalang ako sa ulo ko. "Master naman, binata naman po talaga ako. Dami ngang lumalapit na chicks eh! But, my heart only belongs to you know who." Tapos kinindatan ko siya.

Syempre biro-biro lang namin yan ni Lolo para paga-anin lng ang atmosphere. Mabigat din sakanya to lalong lalo na si Lola Lorna pero hindi pa siya pwede pumunta dito. May mga inaasikaso pa siya.

"Sana nga, Apo. Alagaan mong mabuti yang manhid na apo ko. Ikaw lang ang nakakapag control niyan." Isang malapad na ngiti ang sinukli ko. Sino ba namang hindi masisiyahan kung suportado ka mismo diba?

"Masyado mo po yata ako ini-ispoil sa mga salitang ganyanan, Lolo ah." I just smiled at him.

Knowing Master he never treats anyone this way of talking to me. Their family trust our family. Parang pamilya na ang turingan namin sa isa't isa. We bound our loyalty to Proteus Clan. At isa na dun ang kaisa-isang matinding bilin ng mga angkan nila. Ang protektahan sa anumang paraan si Morgana.

"They're ready." Sabi ni Master.

Nang gisingin siya sa pamamagitan ng noise buzzer ay isang malulutong na mura ang natanggap nila kay Morgana.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti pati na rin si Master. Ugali na talaga ni Morgana yan. Ayaw na ayaw niyang pinapagising.

Tumayo muli si Master. "Tara na sa meeting room. Dun nalang natin sila hintayin." In-off ko muna yung mga monitor bago sumunod kay Master. Minabuti kong naka lock yung office niya.

Habang naglalakad di ko maiwasang hindi isipin ang mangyayari. Bakit ba kasi ako nagkakaganito? Hayss makalma nga.

Pinauna ko na muna si Master para makapag C.R. Nang matapos tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

"Quit it, Harry! Compose yourself." Nahahawa na yata ako kay babes sa "compose" yourself niya. Isa din kasi yan sa ugali niya para makapag pokus. I breathe and out and left a heavy sigh.

Nasa labas na ako ng pintuan ng maramdaman kong may mga tao na sa loob. Ang bilis naman yata nila? Makaka-grand entrance pa ako nito eh.

Walang pasabi-sabi binuksan ko ang pintuan. Nakita ko na ang likuran ni Morgana. Parang alam ko na ang nasa isip nito pero bahala na.

Aakbayin ko na sana siya pero sadyang malakas ang pakiramdam nitong babae na ito. Napapitlag ako sa sakit ng pinulupot niya ang kamay ko.

"H-Hoy! A-Aray M-Morgana!" Napasigaw ako. Tss. Sadista talaga tong babes ko. Chansing din eh!

"Payback. Harry." Tinignan niya ako ng walang ka emo-emosyon. Naku! Baka ako ang ililibing ngayon.

Iniwan ko kasi siya sa training nang mag-isa dahil may lakad kami ni Master papuntang London. Eh hindi ako nakapagpaalam, yan tuloy.

"I know." I grin at her while massaging my hand.

Grabe di ko kaya yata kung may mas mailalakas pa siya. Tinignan ko ulit siya sa mata. Alam kung madami na yang katanungan, knowing her mabusisi yan. "You must be wondering."

"Evidently so." Tipid niyang sagot habang pinaikot yung mata niya. Why do I always find it cute when she does that? Mahuhulog ako lalo niyan.

"Magsimula na tayo nang makapaghinga na si Morgana." Sabi ni Master.

Pinaghila ko siya ng upuan at tumabi sakanya. "Kumain ka na ba?" Tanong ko sabay lapit pa.

"Hindi pa." Tipid niyang sagot. Ano? Bakit hindi pa to pinapakain?

"Bakit naman?" Ayokong isipin niya na nag aalala ako pero hindi ko maiwasan. Tinignan niya ako sa mata. Shit! Stop looking at me like that. Mahina lng ako.

"Your father's order. Hindi pa daw pwede. You know about my water therapy right?" Sabi niya at lumingon ulit sa harapan. Tinignan ko si Papa pero nag nod lang siya.

Oh, yeah, her water therapy. Two weeks ang binigay ng personal doctor nila na hindi muna siya pwedeng kumain ng hard na pagkain yung bang mahirap nguyain at ma digest. So madalas yogurt, milk at fruits lng ang pinapakain sa kanya. Minsan nag ke-keto diet nalang din siya para may laman naman kahit papaano yung tiyan niya. Naawa nga ako malakas pa naman niyan kumain.

I was just watching her all the time. She's obviously tired and was pinching her nose bridge indicate that she's trying to calm her nerves. She doesn't like to be pitied so I look away. I'm not pitying her is just that I'm worried about her.

"Morgana, apo." Pagsisimula ni Master.

"Makinig ka muna sa lahat-lahat na sasabihin ko bago ka magsalita." He exhaled. "Alam kong pagod ka at nakakadagdag lng ito. Pero sana maintindihan mo kami." Nakatingin ako ulit sakanya.

"I will. Enlighten me please."

Binigyan niya kami ng tingin na kami lng nakakaintindi.

"Let's get this over with. Pero bago yan ipakilala ko muna sayo ang iba pang nandito."

Isa pa yan. Matinik si Morgana sa mga tao. Di yan basta-basta nag papaniwala. Napagdudahan nga ako ng babes kong nyan eh. Kaya sinagot ko na yung katanungan sa isip niya.

"Maniwala ka man o hindi Simmons, pinagkakatiwalaan din namin sila. If they do then let's just pay a visit on their graves." Sabi ko na may nakakalokong ngiti.

Syempre tinakot ko din yung tatlo. Galit lng ni Master atras na yan.

"Let's see then." Tipid na sagot niya. Hindi talaga palasalita tong babes ko.

"This is your first time meeting so allow me to introduce my Granddaughter, Morgana." Tinignan niya yung kumag na tatlo "Introduce yourself boys." Sabi ni Master.

"Wait lng Headmaster!" Sigaw ng batang instek! Isip bata kasi yan.

"Apo niyo?!" Sabi niya pa na parang hindi makapaniwala. Ang OA! Sinabihan na kanina sa meeting paulit ulit pa rin.

"So all this time, kasama na pala namin ang nag iisang apo niyo?" Manghang reaction nitong si Jerson. Isa pa ito! Saan ba mga utak nito?

"Mind to share, Sangster?" Bulong ng babes ko.

"You'll get to know soon, Simmons." I just smirk at her. Malalaman rin naman niya so may pa thrill-thrill muna.

"Siguraduhin mo lang talaga Hermano. Makakatikim ka." (Brother)

Tinaas ko yung kamay ko sa ere na parang susuko. Pag tinawag na akong "Hermano" talagang seryoso yan. Minsan nga lang matawag na Kuya yun pang kikitilin na.

Kung iispin mo, walang lusot sa kamay ni Morgana. "This is interesting." Sabay tawa ko ng mahina. Ang cute lng pag asarin to eh.

Tumikhim naman yung morenong hapon. Daming alam.

"Ako nga pala si Akirra. Akirra Yoshihara." Tipid niyang sabi sabay bow.

Kung di lang may lahing Japanese tong babes ko hindi niya yan gagalangin. Tumayo naman bigla itong katabi ko at nag bow pabalik.

Tinignan ko siya ng makahulugang ngiti. It's very rare to see her like this. You should be thankful of kung magpakita ng kabaitan si Morgana sayo. Kahit alam ko namang ginawa lang niya yun dahil malilintekan sya ng Lolo niya.

"Ano na naman ba?" Bigla niyang sabi sakin.

"I didn't see you like that. Partida "strangers" nga diba?" Ma asar ka nga.

"Seems that Japanese guy caught your attention?" Dagdag ko pa.

Naku Harry! May death wish ka yata eh. Napalingon naman siya sakin. Hinding magandang tingin yan.

Walang ano-ano nagpalabas siya ng kunai at pinalipad sa akin. Brutal talaga tong babes ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top