Chapter 44

Chapter 44: The Bloody Masquerade

The party will start at 7pm at a nearby club. What a beautiful time to choose. I really have this bad feeling that the night will be turn bloody. It's just waste to have fun when we all know the party is just a set up.

Mabilis naman gumaling si Raizel at talagang nanghina lang siya kasi inatake yung crow niya. Kumbaga, parang nawalay ang kalahati ng soul niya gamit ang crow. It requires immense gift and to think he can do that without moving to another place. He really is powerful!

But, I'm starting to doubt a little. You can't blame me. Their spirit guardian name title feels intimidating and inferior. To think they were born from spirit by some gods they should have immense power or can predict their enemies right? What I'm seeing now is far from being a spirit guardian. I don't judge them, but what's stopping them for releasing their full potential? Their true form and identity?

Kung tutuusin parang petiks lang at kaya nila lumaban laban sa madami. Some of them even a deity! But why would they let themselves guard down their defenses? They even said they're willing to fight for their brethren but how would they do that if they are suppressing their limits?

Anyways, it's not for me to decide. Let's just see what's up ahead for us. Whatever they're up to, I just hope it would benefits for all of us to save this crumbling worlds.

Pinagalitan naman siya ng master niya na si Glenn dahil matigas daw ang ulo nito. Well, Raizel can decide and do things on his own— he's a guardian after all. Even though he is bind with Glenn, I know he can't help it.

Parang silang mag kapatid na naiinis na Glenn sa pasaway na kuya niya. Eh, si Raizel naman pilosopo at di nakikinig. Pero, okay naman sila. Kaunting asaran ganun.

Pagkatapos ng lunch ay napag desisyonan ni Florence na mag shopping para sa susuotin namin. Ako at si Kim ay tutol talaga sa kanya, dahil bakit pa ba namin pag tuunan ng pansin kung ano ang susuotin eh mag sasayang lang kami ng effort.

"It's etiquette! Duh? We have to look decent."

Yan ang sinasabi niya sa amin at di na namin siyang napigilan na hilahin kaming dalawang papunta sa malapit na boutique dito.

Okay naman ang suot namin. Natural lang ang damit para makagalaw at lumaban. Pero ano pa nga ba ang kontra namin sa kanya? Magtatampuhan na naman yan. Hayss.

Kasabay din ng pag bili ng damit ay bumili na din kami ng mga maskara na susuotin namin. At kasalukuyan akong nakaharap sa salamin at pinasadahan ang suot na binili ni Florence kanina.

It's a dark purple tube dress na merong gems as a strap. Sakto lang ang hapit sa katawan ko at hindi masikip at malayang nakakagalaw. May kaunting ruffles at pa curl-curl itong desinyo. It's just perfect because it fitted well with my black leather ankle boots and my black leather jacket that its deadly. Deadly because I have my numerous weapons on it.

My mascara that Florence also chooses matched well with my dress. It's a plain black mascara that has violet gems embedded to it and it covers half of my face showing only my nose and my mouth.

I also somehow managed to summoned my katana whenever I pleases. Florence and Kim helped me with the process. I don't know how it happened but I can call on it anytime now.

Hindi na ako nag abala pa sa buhok ko at nakalugay lang ito gaya ng usual. Wala naman kaming dalang mga gamit at mabuti na lang na one of Florence abilities is to store things. Yung mga damit lang na pinalitan namin ang nabulsa niya. Binibiro namin siya ni Kim na baka nawawalang kapatid niya talaga si Doraemon. Ayun, pikonin talaga ang bilis mag tampo-tampuhan.

"Besty? Are you done there?" sigaw ni Florence sa labas ng banyo.

"Oo! Teka lang." sigaw ko pabalik bago huling tumingin sa salamin. Kinuha ko na ang jacket ko na isinabit ko muna. Napabuntong-hininga na lang ako.

"See! I told you look gorgeous!" ngiting pag palakpak ni Florence ang sumalubong sa akin.

"You look beautiful, Morgana." nakangiting bungad rin ni Kim.

"T-Thank you." nahihiya kong tugon.

Simple lang ang suot ni Kim. She's wearing a formal white polo and a black slack. Naka-puti din ito na sapatos. Parang siyang model sa dating niya at malinis siyang tignan lalo na naka low ponytail ang buhok nito. Hawak din niya ang maskara niyang itim na may mga gems na puti.

Actually, pinasadahan namin na itim at yung gems lang ang iba't-iba ang kulay para matuntunan namin ang isa't-isa.

Si Florence naman ay nakasuot ng itim na casual v-neck dress na backless. May desinyo din itong mga gems na kulay yellow na parang nag mistulang gold. Itim na heels naman ang sinuot nito na sakto lang ang taas. Ang maskara din niya ay itim din na may yellow na gems.

"Hindi ka ba nilalamig?" concern kong sabi sa kanya.

"Tiis ganda. Sayang ang effort ng backless ko kung matatabunan lang." sagot ni Florence.

"Bahala ka. Basta sinabihan ka na namin." natatawang sabi ni Kim.

Kumatok naman ang pintuan namin at iniluwa nito si Wilcox.

"Ready girls?" nakangiting sabi nito.

He's wearing a black tuxedo with three buttoned-down gray polo that matches his messy long hair with gray highlights. Nag accessories din siya katulad ng earrings at necklace. His also holding his black mascara that has gray gems.

Nauna ng lumabas ng pinto si Florence kasabay ni Florence at ako ang panghuli. Napahinto naman ako ng pinasadahan ako ng tingin ni Wilcox.

"Why are you looking at me like that?" I asked confused.

"Because, you're beautiful my lady." malapad na ngiti nito. Iniwas ko naman aking tingin at inunahan ko na siya sa labas Nagulat pa ako na nakatambad pala ang mga kasamahan namin sa lobby.

"Yow styles!" pag kaway sa akin ni Dexter.

Simple lang din ang suot nito. Naka black na polo na open ang ilang butones at itim na pants rin. Black din ang maskara nito na may iba't-ibang kulay na gems.

The rest of the boys didn't bother changing their clothing since morning. Raven wears the same black leather jacket, ripped jeans, and a printed graphic tee shirt. Earl didn't bother to change either, his usual green hoodie attire paired with jeans and white sneakers. Jerson is just wearing plain white polo sleeves, black pants, and white shoes- Glenn wears a red jean jacket, a black tee shirt, black jeans, and the usual black ankle boots. Gerald wears his blue sweatshirt, black pants, and shoes, and last but not least- Gabriel is wearing a buttoned-down long-sleeve polo. He neatly folded the sleeves until his elbow.

Na pag planuhan na din namin na hindi kami sabay-sabay pumunta at umakto na hindi kami magkakilala habang nag mamanman sa paligid. Kasalakuyan kaming naglalakad ni Florence at Kim papunta sa club na na banggit sa brochure.

"Naka pasok na kaya sila?" tanong ni Florence na naka hawak sa kamay ko.

"Siguro. Nauna pa sila sa atin." sagot naman ni Florence.

Na datnan namin ang lugar na maraming tao na pumipila sa labas na naghihintay pumasok. Dinig rin hanggang dito ang lakas ng musikang nakakaindak sa loob. Suot-suot namin ang aming maskara habang pumila sa kumpulan ng mga tao

"I can't see them." bulong ni Florence sa akin habang palinga-linga. Hinahanap yata niya ang mga kasamahan namin.

Simple lang ang mga kasuotan ng ilan dito sa labas habang suot din nila ang mga mascara nila. I don't know why they choose this kind of theme dahil parang naging useless lang.

Naghintay pa kami ng ilang minuto hanggang sa kami na ang susunod. Hinarangan kami ng mga naglalakihang mga bouncer na madaming tattoo.

"Invitation?" malalim na tanong nito sa amin.

"Let me." bulong sa akin ni Florence na ngayon ay malapad na nakangiti sa bouncer. "Kuya, we came here for girls night and someone just invited us here."

"No card, no entry." he growled and motioning us to leave.

"Kuya! You see, my friend is inside and maybe you could ask him for us?" pag papa-cute ni Florence.

I just rolled my eyes. Hindi ko naman alam na kailangan pala ng invitation card dito nakiki gate crash na nga kami diba?

"Bilisan niyo naman!" sigaw ng ilan sa likod namin.

"Let's just go Florence." naiinip na din na sabi ni Kim. Halata naman na hindi kami papasukin dito.

"May problema ba dito?" a guy wearing tuxedo said from the back of the bouncers.

"Sir, wala po raw silang invitation card." sagot sa kanya nung isang bouncer.

Kahit naka gold siya na mascara ay alam kong malalim na titig ang binibigay nito sa aking direksyon sa hindi ko malaman na dahilan.

"Let them in." ma awtoridad na sagot nito.

"Pero Sir-"

"They're with me." tipid na sagot nito at tumalikod na. Malalim naman kaming tinignan ng mga bouncer at hinayaan na kami pumasok.

"Do you know that guy?" Kim asked.

"Hindi." tipid na sagot ko.

"Suspicious. Pero hindi natin alam kung ano ang motibo nun, kaya mag ingat pa rin tayo. For now, hanapin muna natin sila." dagdag na sabi nito at tumango na lang ako.

Sumalubong sa amin ang nakakabinging party musics. Amoy ng mga alak, sigarilyo at kung ano-ano pang amoy na hindi ko nagustuhan dahil sensitive ang ilong ko. Pero, seryoso sumasakit ang ulo ko.

Lahat ay nakasuot ng ibat-ibang klase ng maskara kaya mahirap makahagilap ng kakilala lalo't-lalong na nakakasilaw ang mga neon na ilaw. May mga nag sasayaw sa mini stage na platform. May mga sumasayaw din sa dance floor. Okupado naman lahat ng mga lounges ng mga lalaki na umiinom at may kahalikan at naka-kandong na mga babae na halos lumuwa na ang kanilang mga dibdib at kulang na lang ay mag hubad na.

"Are we in the right party?" nandidiring tanong ni Florence na medyo nilakasan niya dahil sa ingay.

"There's no other else club that holds masquerade party. Pag-tyagaan mo na lang." sabi naman ni Kim pabalik sa kanya.

"Let's move. We cannot waste time." dagdag na sabi nito.

Dumeretso naman kami sa bar counter kung saan walang masyadong tao. Buti na lang dahil nangangalay na ako kakatayo. Tahimik naman kami naka upo sa mga stools habang nag mamatyag pa rin sa mga paligid namin.

"What do you want to have ma'am?" tanong sa akin ng bartender na mukhang ka edad ko lang. Hindi ito naka maskara at simpleng uniporme lng ang suot nito.

"Can I have the hard one that you have right now?"

Medyo nagulat pa ito pero kalaunan ay ngumiti at tumango na lang.

"Anything else ladies?" tanong nito kina Florence at Kim.

"Light will do." tipid na sagot ni Kim.

Tinignan naman namin ng seryoso si Florence na hindi mahilig uminom ng alak. Hindi rin namin ito gustong malasing dahil nag wawala. Si Kim ay kalmado ang dating pero kapag na lalasing ay nag dru-drunk text at kung ano-ano ang sinasabi. Ako naman ay mataas ang tolerance sa alak kaya hindi ako madaling malasing. Hindi naman ako palainom tuwing okasyon lang talaga at kailangan kong ito ngayon.

"Just wine, please." pag pilit na ngiti nito.

Inasikaso naman ng bartender ang mga order namin at ilang minuto lang ay ibinigay na ito. Nakadukdok lang ako dahil inaantok na naman habang tinitignan ko ang alak sa kamay ko at iniikot ito. Medyo masakit din ang ulo ko dahil nabigla yata sa pag pasok namin kanina na ingay, amoy, at nag sasayaw na mga kulay ng ilaw ang bumungad.

"Okay ka lang?" dinig kong bulong ni Kim na katabi ko.

"Hmm, nahihilo lang."

"Medyo mahirap mahanap ang mga kasama natin kung ganito kadami at madalim pa." sabi ni Florence. "Parang hindi nga party. Parang normal club days tapos may nag birthday bash lang at masquerade ang theme. Ang corny!"

Nilagok ko naman ang alak at gumuhit ka agad ang pait at anghang sa lalamunan ko. Masarap pero kulang.

"3 o'clock from you. Golden masked guy is staring here." seryosong bulong nito.

Florence keen eyes are very helpful when it comes to spotting. Parang cyclops! Kahit nag dadaldal ito ay nagmamasid naman ang mga mata nito.

Humingi pa muna ako ng isa sa bartender na tinitignan pa ako kung na tablahan ba ako ng alak. Sinabihan ko naman siya na kulang pa at mataas ang tolerance ko. Kaya parang napilitan siyang ibigay yung baso at nilagok ko naman ito ng diretso.

Pa simple naman akong nag unat-unat at gumilid ng kunti. Ngayon ko lang napansin may upper section pala ang bar, open lang siya at mukhang pang VIP. Sumulyap naman ako sa gawi kung saan naka upo ang lalaking nag papasok sa amin kanina, na may dalawang mga babae sa gilid nito pero deretso ang tingin sa direksyon namin.

"Enemies." pag pukaw niya ng atensyon namin.

"Huh?" pag balik kong tingin sa kanya.

"I saw the same guys who infiltrate the academy. They're lurking behind the shadows." tumayo na ito at seryosong naglilibot.

"Are you sure?" taka kong tanong sa kanya. Well expected naman talaga ito.

"This is not good. Asan na ba kasi sila." nag aalalang tingin ni Florence sa amin.

Maya't-maya pa ay pumukaw sa amin ang isang tili at sigaw ng babae na malapit lang dito. Malakas ang musika at dahil malapit kami sa direksyon ng ingay na yun ay sigurado kami sa nadinig namin. Nagkatinginan naman kami at walang alinlangang sinundan ang sigaw na yun.

Nangunguna si Kim at sumunod kami. Wala nang ibang daan kundi ang comfort room lang na nasa dulo ng pasilyo. Na abutan naman namin ang isang babae na naka upo sa sahig malapit sa pintuan na parang nababalisa at nanginginig.

"Anong nangyari? Miss? Okay ka lang?" tanong ko habang inaalalayan siyang makatayo.

"M-May p-patay!" nanginginig at umiiyak pa rin na tugon nito. Seryoso naman kami nagkatinginang tatlo at mas pumasok pa.

Napa-atras naman si Florence ng makita niya ang nag kalat na dugo sa sahig. Sinundan namin ang dugo at huminto yun sa isang medyo nakabukas na cubicle.

Dahan-dahan namang binuksan ni Kim ang tarangkahan at dahil nasa hulihan ako ay di ko pa ito makita ng buo. Gulat pero kalmado pa rin ang ekspresyon niya na agad tumalikod. Mahigpit naman kumapit sa akin si Florence at ng makita niya ang loob ay napa singhap at napa-atras pa ito at biglang bumitaw at tumakbo papalayo.

Seryoso naman akong nakatayo lang malapit sa tarangkahan at nag kalat na mga dugo. Dinig ko pa rin ang hagulhol at tarantang boses ng babae mula dito. Malansang amoy ka agad ang bumungad sa akin at isang karamuldumal ang pangyayari ang nakita ko sa sa loob ng cubicle.

Bulagta na mata ng isang babae na ang lamang-loob nito ay bukas at nagkalat sa loob. Sa aming tatlo ako lang ang hindi takot sa dugo at gore na hitsura ng bangkay. Siguro dahil nakasanayan ko ng makikita ng ganito at alam kong hindi ito normal.

Walang emosyon ko itong tinignan, at para bang mas lalong tatagal akong nakatayo dito ay umaakyat sa lalamunan ko ang alak at nararamdaman ko rin ang manhid at malamig na aura ng paligid nito.

Base sa hitsura nito ay imposibleng katatapos lang pinatay ng isang walang halang na kaluluwa ang gumawa nito.

Sino ka ba?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top