Chapter 39
Chapter 39: A Knight's Betrayal
Nagtatakang tinignan ko si Ken. Ganon ba kabilis lahat ang nangyayari at hindi ko na ito namamalayan?
"Anong ibig mong sabihin? Paano mo nalaman yan?" takang tanong ko sa kanya. Bumuntong hininga ulit siya.
"After kayong dalhin namin sa clinic ay hindi namin alam na ipinatawag na naman ng nakatataas sina Akirra at Harry. Sinabihan sila ni Chief na may lead silang nahagilap tungkol sa mga death threats at konektado daw dito ang murder case sa botanical garden."
"Huh? Mga sira ba sila? Baka patibong yan! Bakit hindi muna nila ikinunsulta sa atin?" pag tataka kong inis sa kanya.
"Yun na nga eh. They went without considering us first. I am the leader of this team yet parang balewala lang sa kanila yun. I'm at fault also kasi naging pabaya ako sa ka myembro ko." malungkot na sabi nito. "Nagulat na lang kaming bumungad ang spirit guardian ni Harry sa Hideout."
"W-What's that?" napamaang kong tanong.
"A spirit guardian is a mythical creature that chooses its owner. But not everyone can have it. Here in our academy there are only 8 person as far as I know that have or own a guardian."
Ini-straight ni Ken ang kamay niya at may biglang lumitaw na puting mist. Hanggang sa tumambad sa amin ang isang napakalaking brown na eagle na tumung-tong sa kamay niya.
Nagulat naman ako at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. Inilapit naman ng eagle ang ulo nito at pinasadahan ni Ken ang kamay niya. Ang cute sana nilang tignan ng mapako naman ang ekspresyon ko kay Ken ng magsalita ito ulit.
"This is Dark." natatawa niyang sambit. "Dahil light na ang ability ko at kulay brown naman siya kaya Dark na lang ang ipinangalan ko. Para parehas na kaming cool."
May pagka mahangin din pala tong si Ken eh. Nasa dugo na ba talaga ng pagiging Knights ang pagka mahangin?
"I am one of the student that has the spirit guardian. They're not called guardians for nothing. They also emit a power that opposite to ours but reliable if needed. If their owner is wounded, it also affects them. That also means, if we die we may lose our connection to our spirit guardian. They chooses and travel to the one who deserves them. I just don't know who's his previous owner but he's been with me since I was young." mapait naman itong ngumit. "Na summoned ko siya ng nasa binggit ako ng kamatayan."
Biglang tumahimik ang paligid at tinignan ko naman si Dark ang spirit guardian na eagle ni Ken na tumitingin na sa akin. Ang ganda niya, yung balahibo nito ay parang sinusuklay at matalim naman ang mga talon nito.
Lumitaw naman ulit ang puting usok at unti-unting nawala ang eagle.
"Anyways, aside from me. Ang Core Four at iba pang Royals ang may pag mamay-ari ng ibang guardians. Si Alpha, yung wolf guardian ni Harry ay lumitaw na lang bigla sa Hideout at nag padala ng mensahe." bumalik naman ang seryosong tingin nito.
Hahanga na sana ako dahil sa nalaman kong may spirit guardian rin si Harry pero napako ang tingin ko kay Ken na pilit kinakalma ang sarili.
"Hindi kami nagtaka kung bakit hindi namin sila nakita ni Akirra simula pa kagabi, akala namin natulog lang sila at lasing kaya hindi sila pumasok sa klase. Nasa Hideout pa ako nung mga oras na yun kaya nung nakita ko si Alpha at wala ang master niya ay na alarma na ako at pinatawag ang Knights. Kinausap kami ni Alpha, gamit ng isang ability nitong mag padala ng mensahe galing sa master niya ay pinakita niya sa amin ang mga impormasyon na nahagilap nila Akirra at Harry sa base ng kalaban. Napag-alaman namin na nagmanman sila sa liblib na bayan sa TGV."
"The Gathering Voilátoüt is a diverse city and kingdom that connects all realms. Dahil nasa TGV realm nakatayo ang academy na ito ay hindi maipagkailang mabilis ka agad silang nakapunta sa lugar na tinutukoy nila. Ang bayan ng Bantiles, it is known as the coastal town of dark guilds."
"Dark guilds?" takang tanong ko.
"Dark guilds are different group of teams that known to as bandits, criminals, outlaws that doesn't follow the realms rules. Kagaya ng Nobilissimus Association na sakop ng academy at ng 10 realms ay hindi sakop ng pamamahala ang mga grupo na nabuo sa sakim."
"But why would they let them have their own town? Kung ganoon ay doon nagkalat ang mga dark guilds ay dapat nahinto na sila?"
"Bantiles was known as the main port of TGV. Dahil, madalas ang transportasyon dun ay hindi alam ng karamihan na dun din naninirahan ang nag tatagong mga myembro ng dark guilds. Hindi naman nila lahat nasakop ang bayan na yun."
Napatango na lang ako dahil sa mga bagong impormasyon na nalaman ko at para bang sasabog ang ulo ko nito.
"Through Alpha's ability, he showed us photographic memory in Harry's perspective view. He showed us what inside the base. It's not a trap, and kung sino mang tao ang nag sabi kay Chief na may lead dun ay yun ang hindi namin alam. Nagtatago silang dalawa ni Akirra at dinig nila ang usapan ng pagpupulong ng mga kalaban sa gabi na iyon. Dun nalaman namin ang pag papadala ng mga death threats nila at pag patay sa mortal na gardener. Ang Skrull Crusher ay kabilang pala sa dark guilds at tao lang ng mga tinatawag nilang taga Kenshi Clan, na pinaka boss daw nila." natahimik naman si Ken.
Nabahala din ako at bigla nalang bumilis ang tibok ng aking puso.
"Kapalit ng impormasyon na nakalap nila ay ang pag tuntun ng mga kalaban sa pwesto nila Akirra at Harry. Their plan was ruined and held them captive !" napasigaw sa galit ni Ken. "It was then we know pinadala si Alpha dito para balaan tayo sa paglusob na wala sa plano nila."
I was too stunned to speak! I just stared at them with blank face pati si ate Rey Ann na kanina pa tahimik ay nabahala na din.
"Hindi lang naman yun dahil may gagong traydor! Because of the cause of the impact that Gerald released on his ability, the energy that revolves around the mist was weaken at late na namin nalaman. Nung oras na yun ay wala kaming ka alam-alam sa nangyayari, huli na ng matapos pinakita ni Alpha ang mangyayari ng lumusong bigla ang mga kalaban." pag yukom ng kamao nito.
This is all my fault. This is still my fault after all. If it wasn't for my foolishness ay hindi na sana naghanap sila pati na rin si Gerald. He wouldn't be able to cast a huge amount of energy from his ability if it wasn't for me! Hindi rin sana humina ang barrier dahil dun!
"That bitch! I'm gonna kill her!!" pagtayo na galit na sigaw ni Rey Ann.
Nagtataka ko naman silang tinignan. Hindi ko alam kung ano ang e re-react ko dahil nanginginig na rin ako sa mga nalaman ko.
"The ones who broken the barrier," pabulong na sabi ni Ken. "It was Bertram, together with Nathalie."
Napako naman ang tingin ko sa kamao ni Ken na nag dudurugo na ito. Nakatulala akong nakatitig dito na di malaman ang sasabihin.
Anong ibig sabihin nila? Na tinaksilan kami ni Bertram? Pero bakit? Bakit niya to nagawa sa amin? Ano bang gusto nila?!
"Nathalie? Yung spoiled mean brat?"
"I heard that she's been annoying you lately, Morgana. Nagtitimpi lang talaga ako sa ugali nung babae na yun!" inis na sabi ni Rey Ann.
Kaya pala mainit ang dugo nito sa akin dahil gusto din niya akong patayin?! Fuck!
"We don't know their motives. Hindi namin alam bakit nagawa nilang pag taksilan ang academy at gawin 'to!" halos maiiyak na sigaw ni Rey Ann.
Hindi ko gaano ka close si Bertram at alam kong nasasaktan ang mga kasamahan ko sa nalaman nila dahil matagal na din nila itong kasama. And he's one of the Royals?! But, why would he do this for?
Tumayo naman ako dahil parang sasabog na ako sa lahat ng emosyon na nag halo-halo sa kalooban ko.
"Saan ka pupunta?" takang tanong ng kalmado na Ken.
"Nowhere." tipid kong sabi na nakatalikod pa rin sa kanila.
"Just stay. Ikaw ang pakay nila at kapag nakuha ka masasayang lang ang pinaghirapan nila Akirra at Harry!" sabi nito pabalik na agad naman natauhan.
"S-Sorry... I didn't mean that." he sighed. "Ayokong may umalis na naman. Sana maintindihan mo. Ayokong pati ikaw ay mapapahamak, Morgana. We have to planned this through at kukunin natin sila." napaharap ako sa kanya at ngumiti naman ito ng pilit.
"We can't just sit here and wait! Paano kung-" pagputol nito sa sabihin ko.
"No. They're strong and I know hindi nila hahayaang mangyari sa kanila yun." pagkampante na sagot niya.
"Bakit ka nakakasigurado?" nalilito kong tingin.
"Because, Alpha is still alive." tipid na sagot nito na ikinahinga ko.
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyayari sa kanila. Ng dahil sa akin kaya nangyayari ang lahat ng ito kaya dapat matuldukan na ito.
Nabasag naman ang katahimikan ng bumukas ng marahas ang pinto.
"W-Where is she?!" palinga-linga na sigaw na natatarantang si Maynard.
Napatingin naman ito sa gawi ko at walang alinlangang niyakap ako. "Thank Gods, you're safe."
Ipinagtaka ko naman ang inaakto niya at blanko lang na nakatingin sa kanya. Sinusuri pa nito ang kabuuan ko at napaismid ng makitang ang tiyan ko. Agad ko naman siyang binatukan.
"Anong tinitingin mo diyan?!" galit na sigaw ko sa kanya.
Nagkakamot naman ito sa batok dahil napalakas yata ang pag batok ko sa kanya.
"W-Wala! Tsaka anong nangyari dyan?! Ba't napunit yan?!"
"None of your business." tipid kong sabi.
Ano bang trip ng isa na to? tsaka tignan nga niya ang sarili niya! Mas madungis pa nga sa akin eh!
"Tapos na ba kayo sa labas?" pag singit na tanong ni Ken.
"Mr. President! Petiks lang! Kami pa!" pag mamagaling na nakangiti na sabi niya na agad naman binatukan ni Ken. "Ano ba! Pangalawa na yun ah!" inis na sigaw nito.
"Umayos ka kasi. Asan na yung iba?"
"Hmm, padating na din yun." humilata naman siya sa bakanteng higaan sa tabi ni Ken. "Nakakapagod ang araw na ito." malumanay na sagot nito at tinakpan ang mata niya.
Siguro alam na din niya ang nangyari kila Akirra at Harry pati na rin kay Bertram.
"Teka, tatawagin ko ulit yung healer." pag putol sa katahimikan na sabi ni Rey Ann at lumabas na.
"Okay na ba lahat sa labas? Yung barrier?" tanong ni Ken kay Maynard na nakapikit pa rin ngayon.
"Umatras sila." tipid na sabi ni Maynard.
"What do you mean?"
"Kusa silang umatras ng dumating ang mga tauhan nila Headmaster. Kagaya nung mga naka tuxedo sa labas ng warehouse."
"Bakit naman? Anong dahilan nila?"
Napabuntong-hininga naman si Maynard at umupo. "Aba't malay ko? Natakot na lang sila at umatras."
"H-How about B-Bertram?" pag dadalawang tanong ni Ken. Napansin din naman ang agad na pag bago ng mukha ni Maynard. Parang nagtitimpi rin ito sa galit.
"Sumama sa kanila." tipid na may inis nitong sabi.
"Huh?! Bakit?!" pag sigaw na ni Ken.
Walang maisagot si Maynard at pati na rin ako ay hindi alam ang sasabihin. Ibig sabihin lang yun ay kasapi nila siya at tinalikuran na niya kami..
"Gago!! Nag-iisip pa ba yung mokong na yun?!"
Nabigla naman ako dahil ngayon ko lang nadinig si Ken na nagmura. Halatang hindi na niya napigilan ang inis at galit na nararamdaman niya.
Sino ba kasing mag aakala na gagawin sa amin ng ka myembro namin ang pagtaksilan ang academy? Siguro, matinding parusa din ang makukuha niya.
Malakas naman bumukas ulit ang pintuan at iniluwa nito sina Florence, Kim, Dexter at Gerald.
"Ewww look at me! Pesteng mga creatures na yun!" pandidiri na tingin ni Florence sa damit niya. Kagaya ng iba ay madungis na rin ito. Ang uniporme nito ay may mga bahid ng dugo.
"Styles! Mabuti naman at okay ka na." pag bati na ngisi ni Dexter at tinap lang ako sa shoulder. Humiga namin ito sa bakanteng higaan.
"Tsk! Wag ka ngang mag inarte diyan babae." inis na tinapunan niya lang ng tingin si Florence at lumapit sa akin. "Isa ka pa!" pinitik lang naman niya ako sa noo.
"Ano ba?!" pag pahid ko nito.
"Kung saan saan ka kasi nag pupunta. Ano? Okay ka na ba?" bigla naman nagbago ang ekspresyon nito at nakikita ko ngayon ang nag aalalang tingin ni Kim na nginitian ko lang.
"Sa susunod kasi kung balak mong mag swimming eh di sana nag pasama ka na! Para naman makulayan na yung drawing natin!"
Nabigla naman siya ng niyakap ko siya. Kahit sadista to at dinadaan niya lang sa pasiring at pabiro na sagot ay alam ko naman na nag aalala lang si Kim. Naramdaman ko naman ang higpit na yakap nito pabalik.
"Sali akooooo!!!" tumili naman si Florence at lalapit na sana ng mag bitiw kami.
"Wag na." naiinis pa rin na tingin ni Kim sa kanya. May nangyari ba sa dalawang 'to?
Hinila naman ni Kim si Florence dahil akmang yayakap na naman ito sa akin. At kanya-kanya silang pumwesto ng higaan. Isa lang naman ang mangyayari kapag ganun, sa yakap ni Florence yata ako mamamatay! Biro lang!
"Morgana." nilingon ko naman si Gerald na nagtataka at akmang yayakap na sana ito ng nabigla ako ng may lumipad na unan sa gitna namin.
"Tss." mahinang bulong na inis ni Gerald.
"May langaw." pa sipol sipol pa ni Maynard.
Anong problema ng lalaking ito? Pero bakit ganun? Kahit naiinis ako sa kanya ay magaan pa rin ang pakiramdam ko?
Iniwala ko naman yun sa iniisip ko at inis na pinulot ang unan at binato pabalik sa kanya. Sapol! Tumama lang naman ito sa ngiting-ngiting mukha niya.
"A-Aray! Sinong may gawa nun?!" sigaw niya pabalik.
"Ako, bakit?" pag hahamon kong sagot.
Inis naman niyang kinuha ang unan at tumalikod na lang na nakahiga. Tumatawa naman ngayon si Ken dahil sa isip batang pag akto ni Maynard.
Kumag din eh! Hindi naman inaano!
"Are you alright?" malumanay na mukha ni Gerald ang tumambad sa akin.
Nahihiya naman akong tumingin sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya ay baka tuluyan na akong nalunod sa kagagahan ko.
"T-Thank you." pag kautal kong sabi. "For always saving me." ngumiti ako ng malapad sa kanya.
Umiwas naman ito at biglang namula ang mukha niya. Kahit may mga galos at dungis ay di hamak na tumiting-kayad pa rin ang maamo nitong mukha.
"Anything for you, Morgana." tipid niyang sabi habang tinatakpan niya kunwari ang pisngi niya.
"Kinikilig ka?" panunukso kong tingin sa kanya.
"H-Ha?! Hindi ah!"
"Tss.. kinikilig ka nga." pag pigil ko ng tawa dahil mukha itong batang naka pout ngayon sa harap ko. "I apologize. If I was thinking enough of what I'm doing, I could have a hold and get a grip on myself." nakayuko ko nang sabi.
Hindi ko mapigilan na ma guilty dahil nadadamay siya at sila sa kagagawan ko.
"I'm sorry that I put you on all of this trouble. I don't want to be a burden, and this is all happening because of me."
Napa-angat naman ako ng tingin ng mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay ko.
"You aren't a burden, Morgana. You never will be."
His soft eyes glistening that it feels comforting. His soft fingers caressing my hand, that it feels like telling me that I am not alone.
"Everything will be alright."
For how many times, I saw those kind of smiles on him again. That smile that always makes me wonder.
What do you really feel about me, Gerald?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top