Chapter 37 • 3
Chapter 37 • 3: Everything Tonight
Third Person's POV
Hinayaan ng magkakaibigan na hindi na sundan si Morgana dahil akala nilang pupunta lang ito ng banyo.
Patuloy ang event at disco party ng mauna ng ang si alisan ng mga Lords & Majesties. Lahat ng students na natira sa gymnasium ay masayang nag pa-party dahil in-allow ng Nobilissimus Association ang mga hard drinks sa mga panahon at oras na ito.
Alas diyes na ng gabi at ang gymnasium ang tanging maingay sa buong skwelahan. Mga ilang minuto na lang din ang tatagal nila dun bago sila palayasin dahil malapit na ang curfew.
Si Lorenz at Ghiovanni ang babaero sa kanilang grupo at may nakakandong na itong tig-iisang babae na maiiksi ang mga damit sa kabilang lamesa.
Kasama din nila si Glenn pero ni isang babae ay takot lumapit dito. Hinayaan na lang nila ang matagal na kaibigan nila na tahimik na umiinom.
Nagtipon-tipon naman sa iisang lamesa sina Jerson, Akirra, Earl at Bertram. Hindi mo rin aakalain na malakas din silang uminom.
Sila Florence, at Kim naman ay binabantayan sina Brooke at Luther dahil mas bata pa sila para dito. Nanatili rin sila sa backstage dahil samo't-saring baho ng alak na ang nalalanghap nila sa labas.
Magkasama naman sina Gerald at Dexter sa mini bar na ipinalagay ng student council.
Naiwan naman na nag iisa sa kanilang mga upuan sina Gerald at Harry. Wala silang ka alam-alam sa nangyayari sa paligid at nilulunod ang sarili sa alak.
Isa itong sekreto ng eskwelahan na hindi nalalaman ng karamihan. Mga nakatago sa likod ng maskara ang mga estudyanteng maluho sa bisyo. Hindi mo aakalaing sa ganito ka prestihiyosong at tinitingalang paaralan ay may bahid na baho rin pala.
Pag patak ng 10:30 ng gabi ay sinisimula ng mag taboy ang mga student council. Sa pangunguna ng mga senior na sila Ken, Aia, Faith at Rey Ann.
Nagsisimula na rin magtaka sina Florence at Kim dahil kanina pa walang paramdam ang kaibigan nila na si Morgana. Sinuyod nila ang buong backstage at pinauwi na muna sina Brooke at Luther king sakaling nauna ng umuwi si Morgana sa Hideout.
Mas lalong kinakabahan ang dalawang magkaibigan dahil walang ka tao-tao na sa backstage lalo na ang CR na inakala nilang nag banyo lang ang kaibigan.
"Kim.. masama ang pakiramdam ko. Saan ka na ba kasi Morgana?!" natatarantang palakad-lakad ni Florence sa harap ni Kim. Nanginginig na rin ang mga kamay nito.
"Kumalma ka muna, Florence. Mag patulong na tayo sa student council." suhestiyon ni Kim at maski siya ay ramdam din niya ang kakaibang naramdaman na hindi maganda ang mangyayari. Kalmado siyang pagkatao pero sa kaloob-looban nito ay natataranta na rin siya.
Agad naman silang lumabas ng backstage at hinigit si Ken sa kaka-announce na umuwi na ang students sa dormitoryo nila. Ang dilim ng paligid na gym ay ngayon nabuksan na ng ilaw at lahat ng kalat ay makikita mo talaga, pati ang paghahalikan ng ilan ay nalantad.
"Ken, have you seen Morgana? Nawawala siya!" tarantang tanong ni Florence at si mapakali.
"Ha?! Akala ko ba magkasama kayo. Ipinahintay ko nga lahat ng student council para mag taboy at mag rounds na." gulat na sagot ni Ken at maski siya ay nababalisa na rin.
"She left a while ago. During the last performance ng banda. Akala namin nag CR lang. Sinuyod na namin lahat ng sulok sa backstage ni anino ni Morgana wala kaming makita." seryosong sabi ni Ken.
"Sabihin niyo sa iba baka may alam sila, sasabihan ko na rin ang council. Kailangan pa namin masigurado na lahat ng students ay nakauwi na sa dormitoryo nila. Susunod ako sa inyo ka agad."
Bago pa man sila pumunta sa gawi ng kasamahan nila ay tumunog ang specialized cellphone ni Kim. Ang cellphone na para sa Nobilissimus Association lang.
"Ate?! Wala din dito sa Hideout si Ate Morgana eh!" natatarantang sagot ni Brooke sa kabilang linya.
"We already look around for her also in the nearby. Still no sign." dagdag na sagot ni Luther.
"Oh sige sige, kami na bahala dito. Wag kayong aalis diyan baka sakaling umuwi yun." sagot ni Kim at binabaan na sila.
Dali-dali naman silang nag takbuhan patungo sa iba pang direksyon. Nag aalala na si Florence at mas hinigpitan ni Kim ang kamay nito na nanginginig na sa takot.
Lumapit naman sila sa gawi nila Earl kung saan lasing na lasing na rin ito.
"Guys?! Nakita niyo ba si Morgana?! Kanina pa siya nawawala eh! Masama na talaga ang pakiramdam ko!" mangiyak-ngiyak na tugon sa kanila ni Florence.
"ANO?!!" sabay-sabay nilang sagot na para bang nagka huwisyo sila at umatras ang pagka lasing nila.
"Baka andiyan lang." takang sagot ni Jerson.
"Hindi eh! Kanina pa siya umalis na patapos na sana ang performance niyo. Hindi niyo ba talaga siya nakita?! Wala din siya sa backstage at maski sa Hideout! Nag aalala na ako!"
Nataranta naman sila dahil hindi pa nila nakikitang ganito matakot at maiyak si Florence. Pala-ngiti kasi ito at di nila lubos maintindihan bakit umiiyak na ito sa harapan nila.
"T-Teka! Kalma ka lang Florence." pagyakap naman ni Jerson sa kanya, at mas lalong humahagulgol ito.
"Walengya! Asan ka na ba kasi Simmons?!" naiinis na sigaw na rin ni Akirra.
"A-Ate Molly!! Natatakot na rin ako!" bigla na lang umiiyak at nguminig si Earl sa harap nila. Hindi nila alam na katulad kay Florence ay masama na rin ang kutob nito.
"Magmadali kayo, kung sabi niyong wala sa backstage at wala rin sa Hideout ay hanapin niyo sa buong school grounds." na alarma naman sila sa pag seryoso na tugon ni Bertram.
Lakad-takbo ang ginawa nila papalabas na sana sa gymnasium ng pigilan sila nila Dexter at Gerald na hingal na hingal sa pag hahabol sa kanila. Nagulat naman sila sa mga itsura ng mga kasamahan nila.
"A-anong nangyayari??" takang tanong ni Dexter.
"S-si ate M-Molly.. kanina pa daw nawawala at wala sa Hideout at backstage.. S-si a-ateee..." halos pabulong na sabi ni Earl na agad naman pagtakbo papalabas ni Gerald sa kawalan.
"Gerald!!" sigaw ni Kim para pigilan sana ang kaibigan.
Wala na silang magawa kundi hanapin sa buong eskwelahan ang kaibigan. Hati-hati at natataranta silang naghahanap sa dormitoryo, sa mini community, sa fiction hall, at maski ang lahat ng buildings. Tumulong na rin nag hahanap ang student council.
Mag aalas-onse na at tumunog na ang kampana hudyat na nagsisimula na ang curfew. Pinahintulutan naman sila nga mga securities para hanapin ang nawawalang kaibigan.
Hangos na hangos si Gerald at mag-isa na sinusuyod ang dilim na kagubatan ng paaralan. Ang kagubatan ito ay tinatawag nilang Lureil Woods at nahahati ito sa pamamagitan ng isang malaking lawa ang Hiraweiam Lake. Malalim na ang gabi at napakadelikado na ng parte na ito ng kagubatan. Dahil abilidad niya ang tubig ay parang tinatawag rin siya ng tulong sa tubig kaya napag desisyonan niya ang maghanap dito.
"Morgana! Please mag pakita ka na!" sigaw nito sa kawalan at ramdam din niya ang kakaibang kaba sa sistema niya.
Naging kulay na asul na ang kanyang mga mata ng maramdaman ulit ang pag tawag ng tulong sa tubig. Ang takbo nito ay parang nagiging hangin na at ng maka abot sa harapan ng lawa ay tila para bang nakuryente siya sa kinatatayuan niya.
Nakita lang naman niya ang isang nymph sa kabilang dako ng lawa at masayang nakangiti sa bato. Nakita rin niya ang papalunod na mga kamay kaya agad din siyang kumumpas sa kamay niya at agad nahati sa dalawa ang gitna ng lawa. Halos mapaluhod siya ng makita ang walang malay na si Morgana.
"Fuckkkkk!!!!!! Morganaaaa!!!!!!!" sigaw nito at pag hinagpis. Agad din naman siyang tumakbo sa direksyon nito na maluha-luha na.
"M-Morgana!! Gising!!" nanginginig na kamay nito at tinapik-tapik ang pisngi.
"Ano ba ang nangyari?!" sigaw nito at namumuo na ang galit sa kalooban niya.
Sinikap niyang sampal-sampalin si Morgana para gumising. Mag pe-perform na sana siya ng CPR ng umubo ito ng tubig.
"Mom.." bulong ng dalaga hanggang sa nahimatay ito.
Niyakap naman ng mahigpit ng binata si Morgana at iyak na masaya ang pagka-akay nito.
Na alerto naman ang iba pang Knights ng maramdaman nila ang masamang kutob na nanggaling sa Lureil Woods. Lahat sila ay nagtungo at sumugod sa madilim na kakahuyan. At ng malapit na sila sa dulo kung saan ang lawa ay lahat sila nagulat sa nakita nila.
Ang malaking at mahinahon na lawa ay nahati sa gitna. At malalakas na alon ang tumatalsik sa gawi nila. Na aninag naman nila si Gerald sa gitna at akay-akay nito si Morgana.
"Morgana!!!" sabay-sabay nilang sigaw at ang iba ay walang pag alinlangan sumugod sa gitna.
"Take her out now." malamig na tugon ni Gerald. "Please, I can't hold it much longer."
"G-Gerald.." natatakot na sambit ni Kim na makita ang kaibigan sa ganun na sitwasyon.
Ang mga mata nito ay asul na asul, at nangingitim na rin ang mga kamay niya. Halatang nanghihina na rin ito dahil sa malakas na pag gamit ng ability. Si Morgana rin ay halos mag kulay papel sa hitsura, basang-basa na rin ito ng tubig.
"Let's take them to the clinic!" sigaw ni Ken na naka sunod na pala.
Agad naman kinuha ni Maynard si Morgana sa kanyang bisig at walang alinlangan tumakbo pa-palayo. Ng mabalitaan niyang nawawala si Morgana ay naging balisa at nataranta rin siya, hindi niya alam kung bakit na hantong sa ganitong sitwasyon at sinisisi niya ang sarili.
Inakay naman nila Ken at Dexter ang nanghihina na si Gerald habang nakasunod sakanila si Kim. Unti-unti na din bumabagsak ang mga tubig kaya lakad-takbo ang ginagawa nila makaalis lang sa gitna ng lawa.
"Bilisan niyo!!" sigaw ng mga kasamahan nila sa dulo ng lawa.
Timing ng maka abot sila sa dulo ay bumagsak na lang bigla ang lahat ng tubig na parang binagyo. Naging malamig at maingay ang tahimik na kapaligaran dahil sa nangyari.
Nakasunod naman ang lahat at patakbo rin papuntang clinic ng paaralan. Nag-aalala sila sa sitwasyon ng dalawang kaibigan. Ang masayang gabi ay nabalot ng hikbi at panlulumo.
Pagdating sa clinic ay nataranta rin ang mga nurse na healers dahil hindi nila inaasahan ang pangyayari, naunang inakay nila si Gerald dahil sa lubos na panghihina nito na agad ikinagalit ng binata.
"No! Unahin niyo siya! Okay lang ako." pagtaboy nito sa mga healers na akmang lumapit at e-check siya.
"Pero, sir. Kailangan po kayo agad na mabigyan ng lunas." natataranta nitong sabi.
"Fuck it! She was drowned! She was drowning!" humikbi ito sa harapan nila. "Please... kahit mamaya na ako.." pag mamaka-awa nito.
"Nurse! Ano ba! Tutunga-tunga pa rin ba kayo diyan?!" galit na sigaw ni Maynard sa kabilang bed.
"Maynard, just calm down." mahinahong pag saway ni Ken.
"Anong calm down?! Tignan mo ang itsura ni Morgana! Hinding-hindi ko kayo mapapatawad kung sakaling anong mangyari sa kanya!" nanginginig na galit ni Maynard na hindi inaasahan ng lahat.
"Ano ba kasi ang nangyari?? Why did she go to that dangerous woods!" humahagulgul na tinig ni Florence. Niyakap naman ito ni Kim para tumahan.
Nakatalikod si Maynard sa kanila at hinaplos-haplos ang buhok ni Morgana. Kahit galit na galit ito ay alam niyang ang sarili lang dapat na sisihin nito. Dahil, hindi dapat hahantong sa ganito kung hindi siya naging pabaya.
Naghati naman ang dalawang nurse na naka duty sa clinic at dali-dali nilang inasikaso ang dalawang pasyente.
Umiiyak naman sina Florence at Dexter habang nakatingin sa mga kaibigan nila. Tahimik lang si Kim pero nanginginig na rin ang kanyang mga kamay dahil sinisisi rin niya ang sarili niya dahil wala itong magawa. Siya ang huling nakausap at katabi ni Morgana sa buong gabi pero hindi rin niya inaasahan ang ganitong pangyayari.
Nakatulala naman sina Jerson at Akirra sa tabi at parang hindi alam ang gagawin. Kalmadong tahimik lang din si Bertram at malalim ang iniisip. Si Dexter naman ay tinutulungan rin ang nurse kay Gerald.
"¡Dios mío! ¿Que pasó aquí?" (My God! What happened here?)
Galit na bungad ng Headmaster nila ng malaman ang nangyari sa kalagayan ni Morgana. Nanigas at nakayuko lang ang iba kasi pati sila ay di nila alam ang tunay na dahilan.
"¡Solo me fui por un tiempo! Simon! Alamin niyo ang nangyari!" (I was only gone for a while!)
Umalis naman ka agad si Sigismund Sangster para imbestigihan ang nangyari sa Lureil Woods. Wala silang ka alam-alam sa nangyari at nadatnan na lng nila ang balita na dinala sa clinic si Morgana.
Lumapit si Frederick sa harap ng apo habang inaasikaso pa rin ito. Nagtama naman ang paningin nila ni Maynard at madilim ang tingin na iginawad nito. Wala silang sali-salita at para bang nag uusap gamit ang diin na tinginan nila.
Sinulyapan naman saglit ni Frederick ang apo at pa iling-iling na tumalikod na. Sinundan naman ito ka agad ni Maynard.
"Kayo na muna bahala dito. Sasabihin ko lang sa iba na nakita na natin si Morgana." pag bagsak ng katahimikan ni Ken.
"Sasama rin ako." tipid ni sagot ni Bertram at umalis na sila sa kwarto.
"Earl, hali na kayo. Bukas na lang natin ulit bisitahan si Simmons. Mag papahinga na tayo." mahinahon na sabi ni Akirra.
"Ate.. be strong okay?" hinawakan ni Earl ang kamay na natutulog na si Morgana, at hanggang ngayon ay parang nakatulala at balisa pa rin.
Kahit sa sandaling pagkakilala niya kay Morgana ay tinuring niya na rin itong malapit na kaibigan at nakakatandang kapatid. Kaya, nahihirapan naman siyang sa ikalawang pagkakataon ay wala siyang ginawa upang iligtas ito. Iniisip nitong mahina pa rin siya at walang silbi.
"Mag pagaling ka, Morgana. Kailangan maging okay ka na ha?" paglapit at pabulong na sabi ni Jerson.
"Alam kong malakas ka Simmons, kaya wag mo na ulit to gagawin ha? Ako malalagot sa angkan ko eh." pagbibiro ni Akirra kahit ramdam pa rin nito ang kabang may masamang mangyari kay Morgana.
Sabay-sabay naman silang umalis na tatlo matapos nila kamustahin ang lagay nila Morgana at Gerald.
"I think we should go too." seryosong sabi ni Kim.
"But K-" aangal na sana na sabi ni Florence.
"Kailangan niyang mag pahinga at maging ikaw rin. Dadalaw na lang ulit tayo bukas. Sabay ka na sa amin Dexter." hinila na ni Kim si Florence at malungkot naman siyang sumunod na lang.
"Bro, ikaw na bahala sa kanya. Mag pahinga ka na rin. Salamat pala ha?" pag-yakap ni Dexter sa kaibigan na si Gerald.
"Geh, pre. Salamat din." tipid na sabi ni Gerald. Niyakap naman nila Kim at Florence si Gerald at nagbatian pa sila bago umalis.
Alas dose na ng gabi at tinignan ni Gerald si Morgana sa katabi nitong kama. Nasabihan naman siya na stable na ito at kailangan lang ng matinding pahinga. Bumabagabal pa rin sa isipan ni Gerald ang naabutan niyang nangyari sa forest. Tinanong niya ang sarili niya kung bakit napunta dun sa pinakadelikado na lugar si Morgana.
The Hiraweian Lake is known for its dangers especially the whole Lureil Woods. It keeps away unwanted visitors who tried to infiltrate the academy. Beyond the lake, on the other side is a mist barrier that immediately alert the instuition for outsiders. Bystanders also isn't allowed there because it can kill them in second, and the lake is where most dangerous nymphs inhabitant.
He saw a siren. But he was confused since most siren known to lure men, and Morgana isn't one of them. There's so much bugging him while he stared of the face of sleeping Morgana. He also can't believe he can conjure the ability to part the lake in most unexpected situation. He was that eager to learn to control that skill, he spend years to learn it and it happened quickly without him realizing.
"I will protect you." he murmered until he fell asleep.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top