Chapter 37 • 2

Chapter 37 • 2: Everything Tonight

Morgana POV

It takes a lot of time to take off the shame, nervous, and pride. I just can't believe I did all that just for an intermission number!

I thought I was gonna lose my mind back there! I could feel every ounce of rapid beating inside my chest as I also couldn't breathe the whole time! I set aside everything just to dance- to dance freely.

I'm looking now at myself in the mirror of girls comfort room backstage. I'm the only one who left here because I want to calm down my nerves.

I already change my outfit to a simple white shirt, black pants, and my black leather jacket. I could still the breeze and touches of the hands of Gabriel while we dance. It wasn't like that when we did the rehearsals, it wasn't that close.

Ate Shayne even praises us because we did beyond their expectations! She thought we would still danced like we loathe each other. But what was that? I was definitely lost!

"Why did he look at me like that?" I whispered looking at myself.

I wasn't blind, but also I couldn't assume. It was just for the dance! Right, Morgana! It's not time for you to conclude! It was just all for the sake of the performance!

Kinuha ko na ang bag ko at umalis na ng CR.

"What tooks you so long?" malamig na tugon ng isang boses sa likod ko na naging dahilan para hindi ako lumingon.

What do I do? Why am I avoiding him now?!

"A-Ahh nag palit pa ako ng damit. Mauuna na ako." hahakbang na sana ako papalayo ng pigilan niya ako sa braso at pihitan papaharap sa kanya.

Nagkatinginan na naman kami ngayon. Masyado siyang malapit at nakaka-ilan na siyang hawak-hawakan ako ah!

"Why are you avoiding me?" Gabriel said while still looking intently at my eyes.

I don't know what to say. Ano nga ba ang dahilan ko para iwasan siya? Dahil natatakot ako sa nararamdaman ko?

"Let go." I only replied with a blank face. This time, I close my eyes for a seconds. I also pulled my arms and turned my back from him walking away.

I don't like this! Damn this stupid heart for being abnormal! What the freaking hell is happening with you!

I also don't understand him! Why would the heck he said that words during our dance?! The heck, Gabriel?!

Bumalik na ako sa lamesa ng klase namin at samo't-saring salubong naman ang natanggap ko. Madalas ay mga papuri at pagkamangha na hindi ko pinansin.

Sinabihan na rin kasi kami ni Ken na mga representatives kanina, na we can stay with our respective group to enjoy the rest of the night. Sila na daw bahala during the event, at mag pa-paiwan na lang kami mamaya. Hindi na rin kami mag pe-perform ulit dahil may rock band at choir pa.

"You look amazing earlier, Morgana." bulong na sabi sa katabi kong si Kim.

"Salamat." tipid ko pa rin na sagot.

I lost control with my emotions. And now, I'm getting bad mood for no reasons.

"Maduga ka besty eh! Ba't di mo sinabi sa akin! Hindi ako naka prepare!" naka busangot na sabi sa kabila ko pa na si Florence.

"Oh? Ba't paos ka niyan? kakasimula pa lang ng event ah." natatawa kong tugon. Pahina na pahina kasi ang boses nito.

"Hayaan mo na, para minsan tumahimik naman." pang-aasar ni Kim na tinugonan ng masamang titig ni Florence.

"Hoy kayong dalawa! Iniisahan niyo naman ako!" pag pipilit na sumigaw nito.

"Luh, hindi ka naman inaano." pabulong kong sabi pero pinalo ako sa braso. "Masakit yun ah!" dagdag kong sabi na ikinatawa niya lang ito.

Hilig talaga manapak sa braso itong brutal na babae na 'to! Malakas kaya yan! Hindi nga lang halata sa katawan.

Nakita ko naman sa peripheral view ko ang pag upo ni Gabriel.

"Grabe ka pre! Ang lakas talaga ng dating!"

"Marunong ka pala sumayaw? Congrats! Chansing ka tol!"

"Bading ka rin bading!!"

Mga panunukso at asar na kantyawan ng mga kasamahan ko. Sino pa nga ba ang mahilig mang asar? Grupo lang naman ng mga kumag na yun.

Mabuti na lang at may naka serve na na mga pagkain sa amin dahil naka abang talaga ang mga server. Nanahimik na lang ako habang kumakain ng cupcakes.

The event went well, the student council made some games to engage more with the audience and each bench cheering of houses. Pinakilala rin ang new set of student council, iba pang officers ng ibat-ibang organization at nag oath taking. There are also some performances of the rest in Performing Arts Group. The Royalties was also engaging with the event, they were clapping even though their faces demands authority.

The night is getting darker, and it's time to wrapped up the event. Ken announced the best dress, and it was no other than the two guys in the House of Python!

They wear some neon fabric clothing that it looks like they were floating, the type you can see when driving at night! They were indeed the best dress because they are visible to many during the whole time. They really deserve it.

I also saw Harry and Jerson excused theirselves. We were just sitting and listening the whole time.

"Before we end the night, I just want to thank each and one of you for making this event successful! We wouldn't done this without y'all cooperation. I wanna thank also the Lords and Majesties for getting this far just to be part of the success in the making of ASSEA! Rest assured, this is just all the beginning!" masayang pag bati ni Ken.

"But before we partied and part our ways, for the last intermission number may we call our very own rock band! THE KLICK FOUR!!" sabi naman ni Aia at tumaas naman ang platform at naka ready na sila sa likod.

There, I saw Harry in the lead in front of the standing microphone while he fix his guitar. I also saw Jerson fixing the cymbals and playing with his drumsticks. The two guys are also familiar with me, the keyboard and the bass guitar.

"Let's give them a round of applause and enjoy the rest of night! Goodnight ASSEAINS!" sabay na pagbati nila Ken at Aia at umalis na ng stage.

Nakatutok na ngayon ang spotlight kina sa banda at nagsimula na ang lahat umingay. Mga tilian at hiyawan ng mga kababaihan.

♫ Now playing: Try Hard by 5 Seconds of Summer♫
(A/N: Kindly check the multimedia for reference. Mas madama yung scene pag narinig mo yung music nito.)

https://youtu.be/KXpsZOVIFcE

"1! 2! 3! Go!" sigaw ni Harry at nagsimula na silang tumugtog.

Nagulat din ako dahil intro pa lang ay alam kong isa sa paborito kong banda ang napili nilang kanta.

"WAHHHHHHH!! GO BOYSSS!!!" kahit napapaos na na tinig ni Florence ay may gana pa rin itong nag che-cheer.

Sinimulan niya ng pag kanta ang first verse. Lead singer at lead guitar siya ng banda nila. Nakapikit lang itong kumakanta habang nag gu-guitar.

"KAPRE! KAPRE NA BADINGGG!!" sigaw ni Earl at nagpapalo na ng taklob ng stainless ng mga pagkain. "WAHHHH KUYA JAMES BOND!!"

"Saan niya nakuha yan?" takang tanong ko kay Kim na natatawa na.

"Just look at his back." tinuro ni Kim ang lalaking server na naghihintay sa likod nito at parang sasabog na sa inis. Natataranta rin ito dahil malakas ang pag papalo ni Earl. Natawa naman kami kasi hindi talaga ito nakikinig.

"Loko din tong bata na 'to eh." natatawa kong banggit.

Tumingin na lang ako ulit sa stage at pinagmasdan ang banda. Si Jerson na maayos at may kagalingan sa pag dru-drums. Malakas ang pag palo nito pero sakto lang sa ritmo na ayun sa musika. Manghang-mangha ako na nakatingin sa kanya dahil dama na dama niya nito.

At nang tignan ko na si Harry ay napahinto ako ng nakatingin na ito sa direksyon namin at diretso lang ito na nakatingin.

"Omggg he's looking at her!"

"Ayoko na Anna!"

"Ang swerte niya girl!"

"Ang sweet sweet naman ni Harry!"

Dinig kong bulungan ng mga babae na malapit sa table namin. Hindi ko naman ito pinansin at nagtatakang naka focus lang kay Harry.

Hindi pa rin niya pinutol ang tingin at bigla na lang akong kinakabahan.

My heart! My freaking heart is beating so damn fast again!

"He's looking at you." dinig kong bulong ni Kim.

"No.." halos pabulong ko din na sabi. Kami lang ang apat na babae, Ako, Kim, Florence, at Brooke sa gawi dito at mga server naman ang nasa likod namin.

Pero mali eh! Bakit ba siya ganyan maka tingin?!

Hinawakan ko ang likod sa batok ko at nataranta na nasakto sa verse na meron akong tattoo. Oo may rose tattoo ako sa likod na simbolo ng clan namin.

Kumakanta si Harry na para bang pinapahayag niya ang mga linya ng kanta at hindi ako mangmang para hindi mapansin yun.

Napatulala na lang ako ng mapag tagpi-tagpi ang mga lyrics na binabanggit niya. Halos mabingi na rin ako sa mga sigawan at tilian ng karamihan.

Why? Why Harry?

His eyes.. his eyes are sad. I don't know if I'm the only one who can see it and it feels like it pierced through me.

Libo-libo na ring tanong na bumubuo sa isip ko. Ayoko! Ayokong maniwala! Ayokong mag conclude!

This is not all happening! Hindi pwede! At hindi dapat!

He's trying hard? For what Hermano? Ano ba pinag-gagawa mo diyan! Nakakainis ka na!

Nanginginig na ang mga kamay ko at tinignan ko naman ito dahil hindi ko na gusto pa ang aking naririnig lalo na ang nararamdaman ko.

What's happening?! Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon at ang hirap-hirap makahinga?

Nakayuko ako at pilit na pinapakalma ang aking sarili.

Pero para bang napako ako sa upuan ng umangat ulit ako ng tingin at siya na lang ang kumakanta. Naging malabo ang lahat ng tao at tanging siya lang ang nakikita ko. Nararamdaman ko rin na nag babadyang tutulo ang luha ko sa di malamang dahilan. Pilit kong pinipigilan ito at tumitingin na lang ng blanko sa kanya.

Ayokong mapahiya siya kaya mabuti na lang na wag na akong mag drama. Hindi naman ako sigurado na ako talaga ang binabanggit sa kanta niya. Mas lalong ikinayanig ng buo kong katawan na sumakto naman ang verse sa gusto niyang iparating.

Nakatulala na lang ako at hinihintay na lang matapos ang kanta. Hirap na hirap na ako huminga at ramdam ko rin ang tingin ng iba sa direksyon ko.

Kaunting tiis na lang, Morgana..

Bulong ko sa aking sarili. I feel empty suddenly. I feel on the verge and I don't know why. Nakabobo! At natatakot akong malaman ang dahilan.

Natatakot ako dahil.. alam kong masasaktan ko lang siya... sila...

This life is miserable and I'm suffering. Natatakot akong maging masaya, at maramdaman ang tibok ng puso ko.

Matagal ko nang sinirado ang lahat. Matagal na ako naging bato dahil ayokong may mawala pa dahil lang sa akin! Natatakot ako sa oras na iwanan din nila ako ay hindi ko na mabuo pa ang sarili ko.

Hindi ko na nakayanan at bigla na lang ako tumayo. Nadinig ko pa ang tawag ng kasamahan ko pero patuloy pa rin akong naglalakad papalayo. Lakad na naging takbo na. Nakalabas na ako sa gymnasium at naririnig ko pa rin ang huling verse ng banda nila.

"Stop! Make it stop!" sigaw ko hangin habang tumatakbo papalayo.

Tuluyan na naman tumulo ang mainit na mga luha sa pisngi. Pilit kong pinupunasan ito pero hindi na ito matigil.

Bakit?! Dahil wala na rin ba akong choice?!

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nag tatakbo sa forest, hindi ko na nadidinig ang banda sa gymnasium. Madilim at tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay ilaw sa malamig na gabi.

May natanaw akong malaking lawa na kailanman ay hindi ko pa napupuntahan. Napaluhod na lang ako at niyakap ang sarili ko. Umiiyak ako na parang batang inagawan ng laruan.

"Bakit..." mahinang bulong ko.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Itinaga ko sa sarili ko noon pa man na ayokong may madamay pa ng dahil sa akin. Kapalit nun ay ang pag manhid ng buo kong pagkatao. Pagkatao na puro kasinungalingan at walang pakilanlan!!

Natatakot ako. Natatakot ako kapag naramdaman kong tumibok ang aking puso ay ito ang magiging kahinaan ko. At kapag mahina ako ay hindi ko na sila ma pro-protektahan.

Mapait naman talaga ang laro ng tadhana sa buhay ko. Wala akong magawa kundi sumunod na lang sa utos! Bakit hindi ako maka-angal? Dahil wala naman akong choice. Nabuhay na lang yata ako para mapasunod nila.

"AHHHHH!!! Ayoko na! Ayoko na nito.."

Masakit. Masakit sa dibdib na maramdaman na kinakaawan ko ang sarili ko. Ayokong maramdaman ang ganitong feeling. Feeling na kinatatakutan ko kaya pinipigilan kong makaramdam pa.

Ilang oras din ako sa tabi ng lawa hanggang sa matapos akong umiyak. Umiyak lang ako ng umiyak at inilabas ang lahat ng frustrations ko. Lahat ng masasakit na pinigilan ko. Dahil sa susunod, ayoko ng umiyak pa. Ayokong nakikita nila akong mahina.

Nakatulala lang ako nakatingin sa tubig. Mala crystal ang at kumikinang ang lawa dahil sa liwanag ng buwan. Buwan na saksi sa lahat ng tahimik kong pagtatangis. Buwan na andyan parati tuwing hindi ko ma kontrol ang emosyon ko.

May nadinig naman akong tinig ng kumakanta. Mahina at parang nag e-echo sa lawa. Hinanap ko ito pero wala akong makita. Maganda sa pandinig ito at nakakalula ang magandang tinig nito. Maagan sa loob at pinapakalma ako nito, at para bang inaakit ako na lumusong sa tubig.

Tinanggal ko ang mga sapatos ko at inilagay sa gilid na nakatulala pa rin sa kawalan. Masarap sa pakiramdam ang dinudulot nito sa akin, na hindi ko na nararamdaman ang sakit ng dibdib ko. Natagpuan ko na lang ang mga paa kong lumulusong sa tubig. Hindi ko inalintana ang pagkabasa ng aking pantalon.

May naaninag naman akong babae sa kalayuan at masaya itong ngumingiti sa akin.

"M-mom.." bulong ko sa sarili ng mamukhaan ang aking ina na inilalahad ang kamay nito.

Nanghihina ako at nilalamig na rin. Hanggang baywang na ang taas ng tubig at mas lalong tumulo ang mga luha ko ng maging klaro ang itsura ng ina ko.

Alam kong patay na si mommy pero andito siya ngayon sa harapan ko at yun ang importante!

"M-mom.." mapiyok kong sabi habang umiiyak na.

Nagulat naman ako ng umatras ito ng umatras at malungkot na tumingin sa akin.

Hindi pwede! Wag mo na aking iwan mom!

"Mom!!!" malakas na sigaw ko nito. Sigaw ng pagkasabik, kalinga, at hinagpis. Wala pa ring humpay ang sigaw at iyak ko.

Hanggang leeg na ang tubig at hindi ko na ramdam ang pagkatapak ng mga bato at lupa. Pinilit ko pa rin ilangoy at ihaon ang sarili ko ng matandaan na hindi pala ako marunong lumangoy.

Kumakapay ako sa tubig sa ka dahilanan gusto ko pang masilayan ang mukha ng aking ina. Napa-ubo na ako dahil naiinom ko na rin ang tubig ng lawa. Kalmado ang agos ng tubig pero malakas ang higit sa ilalim na para bang pinababa ako nito.

Nanghihina na ang katawan ko at nag babadyang pumikit na ng mga mata ko. Ramdam ko rin ang pag simula ng pamamanhid ng paa ko at nag cram na ito.

Bagay kaya hindi ako marunong lumangoy dahil kapag napatagal ako sa tubig ng ilang minuto pa ay nag mamanhid bigla ang mga paa ko.

Eto na ba yung katapusan ko?

Mapait akong napangiti. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang sarili ko at napapikit na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top