Chapter 37 • 1
Chapter 37 • 1: Everything Tonight
Kim POV
It's 4 pm in the afternoon, Friday of the last week of the month of June.
Morgana's has been busy for the past few weeks because of student council and dance troupe. Hindi siya nag sabi pero shinare nila Earl at Jerson ang tungkol dito.
Hindi naman ito big deal sa akin lalo na mas close kami na magkaibigan. Nakasanayan ko na lang ito.
Everyone's been really busy for acquaintance and here I am stuck again with Florence showing me different kinds of outfits she suggested to wear.
"Florence, I'll just pick a plain white. The theme is neon, it will not be visible anyways. So your fashion sense doesn't matter." bored kong tingin sa kanya.
Nauna na sila Morgana, Ken at Rey Ann dahil dapat ahead sila sa mga students. Sila kasi ang nag ma-manage dun. Bantay sarado naman ang venue kaya hindi namin alam anong design ang ginawa nila.
"Kim! Ang KJ mo! You can wear this yellow top if you like!" malapad na ngiti na pinakita niya ang nakapa bright na yellow na agad kong inalis sa mukha ko.
"Tama na, Florence. Mag susuot lang ako ng normal. Bahala ka na sa'yo." tamad kong sabi sa kanya at aalis na sana sa kwarto niya.
"You know! There's a best dress right? Kim naman eh!" malungkot na tinig nito at naiiyak na.
Ugh!! Ano bang gagawin ko sa babae na ito!
Ang ikli-ikli kasi ng binibigay niya na mga kasuotan. At binili niya ito kahapon sa mall ng mini community namin. Puro mga matitingkad na kulay pa ang pinili niya.
"Sige na nga, pero ako ang pipili." pag suko ko dahil hindi talaga ako titigilan ng babae na 'to.
"Yesssss!!" masiglang sigaw nito at inirapan ko naman.
May nakita akong simpleng white dress na hindi rin siya sleeveless at hindi na rin kita ang cleavage. May mga simpleng gemstone din ito sa harap na pwede na rin sa tema ng party. Wala naman akong ma ipakita na cleavage pero ayokong nakikita ang balat ko.
Boyish na kung boyish!
"Sige naa!! Alam kong babagay sa'yo yan! Mag prepare ka na bilis! Shooo!" at tuluyan na nga niya akong kinakaladkad papaalis ng kwarto niya.
Mga ilang oras din ginugol ko sa sarili ko para mag mukhang tao. Hindi ako mahilig sa make up at hindi ko nakasanayan ang mga jewelries. Sinuot ko na lang ang converse na puti at ang pins ko. Sinabihan kasi kami na kailangan suot namin ito palagi. Nakalugay na man ang shoulder length na buhok ko.
Nahihiya akong lumabas dahil sa suot ko. Hindi naman maiksi at sakto lang talaga pero hindi ako sanay.
"Girls? Are you done?" dinig kong sigaw na tinig ni Gerald.
"I'm almost done!" rinig kong sigaw ni Florence sa katabing kwarto ko.
Dahan-dahan ko naman binuksan ang pintuan ko.
"Ohhh.. Kim. You look great!" nag aasar na tingin ni Gerald at tinanaw pa ako ng buo na hindi makapaniwala. Alam niyang hindi ako mahilig sa mga dress.
Naka polo naman ito ng puti at puti ring pants. Mas makikita mo ang kisig ng katawan nito. Naka gel rin ang buhok niya pataas.
"Stop it, G." I gave him a death glare.
"Whoa! Relax. Totoo naman talaga."
"Oyyyy couz! Dalagang-dalaga na ah!" panunukso rin na tingin na pinsan kong si Dexter. Isa pa to!
Naka white t-shirt lang ito na may neon patterns na parang hobo designs at shorts na hanggang tuhod. Nakalaglag lang iyang buhok.
Bumakas naman ang pinto sa kwarto ni Florence at dali-daling tinignan ako.
"Omgggg!! Sabi ko sa'yo bagay eh!" pag papalakpak pa nito.
Naka bright yellow na dress si Florence at heels. Nakalugay rin na naka kulot ang mahaba nitong buhok.
"Ano yan? Converse? HAHAHAHAHAHAHA!" asar na naman ni Dexter at napahalakhak na sa tawa. "Ang baduy mo!"
"Pakyu ka! Umalis na nga kayo!" inis kong nag pauna sa kanila.
"Wow! It's a miracle!"
"Nanaginip ba ako?"
"Alarm! Alarm! Si Kim!"
Dinig kong salubong nila Jerson, Earl, at Lorenz sa sala. Sino pa bang mga siraulo na talent yata ang mang asar? Sila yun!
Nag pauna na akong lumakad papalabas ng Hideout at hindi na lang sila pinakinggan. Dali-dali naman nakapulot ang kamay ni Florence sa tabi ko.
Halos lahat sa amin ay naka puti at plain lang yung iba ay katulad nung kay Dexter na may hobo designs na pag matapatan ng ilaw ay magliliwang eto.
"Sa tingin mo? Ano kaya isasayaw ni Besty? Excited na ako!"
"Hindi ko pa alam." tipid na sagot ko na lang.
"Minsan ko lang siyang nakita sumayaw at napilit lang yun. Ahhh basta! Excited na excited na ako!" may pag papadyak pa nito.
"Halata nga eh." pagbibiro ko sa kanya na ikinatawa namin.
Nakasunod naman ang mga bata sa likod. Mga isip-bata lang naman. Para nga kaming naging bodyguards ni Florence dahil siya lang ang naiiba ang kulay.
Malayo pa kami sa bukuna ng entrance ng gymnasium na matanaw namin ang malaking trapal na itim na kurtina nito. May lamesa din ng student council na nakaharang dito. Hindi rin nawawala ang tilian at pag humaling ng mga kababaihan sa mga kasama ko.
"Knights! Andito na pala kayo. Oh eto pakisuot na lang ito. Nasa unahan ang designated table niyo. Enjoy the night!" pag bati ni Faith at Aia ng makarating kami sa table. Binigyan niya kami ng mga glow stick na ikinatuwa naman ni Earl.
Nakikita mo palang sa entrance ang dilim ng loob at klase-klaseng lights ang meron. Malakas na din ang tunog ng musika sa paligid.
Kami nauna ni Florence at talaga naman namangha kami sa buong lugar. May disco lights sa gitna na pinalilibutan ng napakaraming mala kurtina na christmas lights. Ang mga lamesa na may telang itim at kandila sa ibabaw na ito. At napakaraming uv lights at tumiting-kayad ang mga makukulay na neon colors.
"Grabe! Sino kaya naka isip nito? Ang ganda!" manghang bulong ni Florence.
Hindi na kami nagkakaintindihan dahil na rin sa lakas ng musika at sigawan ng mga estudyante. Yung glow stick kasi na binigay nila Faith ay iba ang kulay sa amin. Kulay blue ito at mas malaki kumpara sa normal na glow sticks na sinusuot ngayon ng lahat.
Pumwesto na kami sa pinakaharap at gilid lang na malapit sa stage. Naka set-up ang lamesa namin sa isang mahaba na mesa na may mga bulaklak at mga kandila. May pangalan din na nakalagay para sa amin.
Kanya-kanya na kaming umupo at ilang minuto na lang mag sta-start na ang program. May mga server naman na dumating at binigyan kami ng mga canned drinks at pastries.
Wala talaga kaming ka ide-ideya sa lahat ng to dahil surprise na lang daw sabi ni Ken. Nakatuon lang kami sa stage ng tumigil na ang musika at magsimulang itutok ang spotlights sa podium ng mga emcees.
"Good evening, ASSEAIANS!!" buong sigaw nila Ken at Aia.
Ang President at Vice President ng student council. Naka white din sila pareho na may mga neon designs.
"How's everyone feeling? Are you guys excited??" sigaw ulit ni Ken.
"Yes!!"
"Simulan niyo na!!"
Naririnig kong sigaw ng lahat na ikinatawa naman ng mga emcees.
"That's a good energy, am I right VP Aia?"
"Yes, Mr. President. But, before we start the program. Let's all rise for the prayer and for the anthem."
Tumayo kami lahat at nag dasal at kumanta ng anthem ng skwelahan at mundo namin- ang HIRAWEI. Naka taas noo kaming kumanta at nakinig hanggang sa matapos ito.
Nagsiupuan naman kami at bumalik na ang masiglang kanta.
"Bago natin kalimutan ang lahat, gusto lang namin magpasalamat sa mga panauhin na dumalo para sa event na ito." ngiting sabi ni Ken.
"Let's give them a round of applause! The Royalties of HIRAWEI!!" buong lakas na sigaw nila at nagtayuan naman ang lahat.
"Bakit palagi na lang sila sumusulpot?" dinig kong sigaw ni Dexter.
Nag iba naman ang direksyon ng spotlight sa other side na kaharap namin na mesa. Naka formal attire silang lahat at dali-dali kaming yumuko at tumahimik.
"Magmasid kayo. Maraming bantay." bulong ni Gerald. At inikot ko naman ang tingin ko. Nakapalibot nga sila!
Takot at taka rin ang napansin ko sa mga kasamahan ko na ipinaupo na kami. Hindi naman sila dumadalo sa ganitong mga events ng school. Kaya napaka impossible na lahat sila ay present!
Naputol naman ang pag mamasid ko ng magsalita ulit sila Ken.
"Well, well, well. Hindi na namin patatagalin ang lahat! Let's all welcome the newest and new set of members of ASSEA DANCE TROUPE!!"
Naghiyawan naman ang lahat at biglang pumatay ang spotlight. Pero kita-kita pa rin namin ang dali-daling pag set up ng mga tao sa stage.
May dalawang puting kurtina at nakikita namin ang dalawang shadow na babae at lalaki na Naka upo na magkatalikod. May props din na pader sa pagitan nila.
♫ Now playing: Close by Nick Jonas ft. Tove Lo ♫
(A/N: Kindly check the multimedia for reference. Mas madama yung scene pag narinig mo yung music nito.)
Tumugtog na ang opening ng kanta at bumukas ulit ang spotlight. Naunang inalis ang kurtina sa lalaki na shadow at mas lalo kaming nagulat ng mapagtuntun kung sino yung sumasayaw.
"WAHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!"
"SI GABRIEL BA YAN???!!!!!"
"GRABEE ANG POGI POGI MO!!!"
Parang akong nabingi sa sigaw ng karamihan at nakatulala lang nakatingin kay Gabriel na sumasayaw! As in never! Never namin ipinagkaila na marunong talaga siyang sumayaw!
Siya lang ang nagsasayaw at naka polo ito ng itim at itim na pants rin. Naka bukas naman ang mga apat na butones nito at kitang-kita mo ang kanyang makikisig na katawan.
"OMGGG!!! GO GABRIEL!!" sigaw ni Florence sa tabi ko na nakatayo na at nagtatalon-talon.
Maski ang mga kasama ko ay grabe kong makapalakpak!
"SHITTTT!! PREE!!! ANG GALING MO!!" manghang-mangha sigaw ni Jerson.
"WAHHHH KUYAAAA GAB!!!" sigaw ni Earl na nakikisali sa ingay ng karamihan at tumung-tong pa sa bangko niya na agad naman sinuway ni Akirra.
Dama na dama nito ang tugtug at siya lang ang nagsasayaw sa side niya. Tingin rin ito ng tingin sa kabilang panig ng isang pader na napapagitan sa kanila ng pares na babae nito.
Sinayaw niya ang first verse at first chorus. Naramdaman din namin sa pamamagitan ng sayaw at expression niya na parang nasasaktan. Napag-alaman kong contemporary dance ang ginagawa nilang intermission number.
Nag aakto ito ngayon na gusto niyang sirain ang wall na naka pagitan sa kanila. Pero humihiwalay ito papalayo sa pader. Parang hindi sila ipinaglalapit ng tadhana at pilit niya itong nilalabanan.
Literal speechless! No one as in no one expected he could do something like this! He's cold, mainitin ang ulo, ang hirap rin pakisamahan pero eto siya ngayon sa harap namin!
Ng matapos ang verse niya ay nakatalikod naman itong umupo sa upuan niya. Nawala naman ang kurtinang nakatago sa babae at halos pigil na hininga ko na lang ang nadinig ko.
"WAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!! BESTYY!!!!!!!!!!!!" isang malakas na tili ni Florence habang pinagpapalo ako.
"Ano ba!!!" inis na sigaw ko nito.
"ATEEEEEEE WAHHHHH I LOVE YOUUUU!!!" sigaw ni Earl at nagpapalo na ng taklob ng pagkain.
"WOHOOOO!!! GO MORGANA!!!" sigaw ng mga kasamahan ko.
Hindi ko alam saan niya yun nakuha at halos kaming lahat ay nagulat, nakanganga at nakatayo na sa upuan namin!
Parang walang narinig si Morgana at patuloy lang itong sumasayaw! Dinig na dinig din ang tilian ng lahat, sigaw at kung ano-ano pang paghahampas.
Parang may riot sa kilig na pinakita nilang performance!
Naka satin silk dress na itim si Morgana at sleeveless ito! Taliwas sa usual na sinusuot niya! Makikita mo pagka sexy at hubog ng katawan nito. Kahit maikli ang dress nito ay may cycling shorts naman siya at naka paa lang din sila pareho.
Swabe lang ang sayaw niya at katulad ng kay Gabriel ay ganun din na emosyon ang pinapakita niya. Siya lang ang nagsasayaw at wala namang humpay ang tilian ng karamihan. Makikita mo sa mata nito ang longing at sakit na nararamdaman niya.
Shit! Unexpected to lahat! As in! Hindi namin ito inakala na mangyayari! Pero eto ngayon! Sumasayaw siya sa harap ng maramihan!
Sexy din ang galaw nito at parang iisa ang ritmo nito sa musika. Manghang-mangha akong nakatingin sa kaibigan ko at nag papalakpak na rin.
"Iba ka talaga, Morgana." masayang bulong ko habang nakanood sa kanya na hataw na hataw.
Tumayo naman si Gabriel sa kabila at papalayo silang naglalakad sa ibang direksyon habang papahina ang musika. Dahan-dahan din tumaas ang mga props na pader at bangko at sila na lang dalawa na nakatalikod ngayon sa stage. Bumalik sila ng tingin at malayong nagkatinginan lang sila sa ganong posisyon. Unti-unting naglalakad si Gabriel pabalik sa gitna at huminto sa center kung saan ang pader kanina.
Biglang tumahimik ang musika at pigil na pigil rin ang ang aming hininga. Sa ilang segundo bumalik ulit ang tugtog at tumakbo ng mabilisan si Morgana patungo kay Gabriel na agad naman sinalo ito at inikot-ikot.
Bigla din nagliyab ng props na apoy ang stage at mas lalong uminit ang naramdaman sa performance nila! Mas lalong lumakas ang tilian, kilig at sigawan ng karamihan na ngayon ay sabay na nilang sinasayaw ang tugtog at dikit na dikit sa isa't-isa! Nakatingin lang silang dalawa na parang sila lang ang tao sa mundo!
Jusq!!!! Kinikilig na rin ako!!!!
"AHHHH!!!! IT'S SO HOTTTT!!!!!!" tiling kinikilig rin na sigaw ni Florence.
"NAGLILIYAB NAAA!!!!" sigaw ni Lorenz.
"MULING IBALIKKK!!!!" napalingon ako sa sigaw ni Dexter na akala niya walang nakapansin sa sinabi niya.
Ano ba pinagsasabi niyan?
Hindi ko na lang pinansin at nakangiti ng nanood sa kanila na ngumingiti rin na nagsasayaw. Mga tinginan nila na makahulugan sa isa't-isa.
♫ Now playing: Give Me Everything by Pitbull ♫
(A/N: Kindly check the multimedia for reference. Mas madama yung scene pag narinig mo yung music nito.)
Dumilim na naman ang paligid at isang nakakaindak na musika na ang napalitan dito. Umilaw ulit ang spotlight at ang disco ball. Lumabas naman ang ilan sa dance troupe sa stage habang magkahiwalay ang grupo ng babae at lalaki sa pamamagitan ng pangunguna nila Gabriel at Morgana.
Ngayon parang nag papaligsahan sila nakatingin sa direksyon ng isa't-isa. Girls VS Boys! Hataw na hataw ang mga kilos na ito at lahat ng mga members ng dance troupe ay nakasuot ng itim na t-shirt, pants, at checkerd na polo.
Naunang sumayaw ang mga boys tapos ang mga girls naman! Pinaglalayo nila ang isa't-isa at nagkukunwaring nagtatalo gamit ang sayaw.
Grab somebody sexy tell 'em hey!
Pinalapit pa ni Gabriel si Morgana sa kanya at kita mong may sinasabi ito na lyrics sa kanta at ng matapos ang halos pag kadikit nila ay bigla na lang sila nakatingin sa amin. Nasa stage lang sila Gabriel at Morgana at yung ibang members, yung iba naman ay bumababa sa stage dahil may malaking space at dun sila umiindak na sayaw.
Parang party music at naglabasan ang mga props na confetti! Naging maingay din ang lahat at halos napapaos na kakasigaw! Intermission number pa lang yan!
Ilang minuto pa silang ganun at halos mabibingi na ako sa ingay at walang humpay na sigawan. Tinignan ko naman ang direksyon ng mga Royalties kasama ang Headmaster at pumapalakpak na rin ito. Masaya silang nakatingin sa lahat at sa stage!
Lahat ng tao sa gymnasium ay dama ang musika at nag pa-party na rin. Masaya akong nakangiti ng hilahin ako ni Florence at iginagalaw-galaw ang kamay ko.
Nakikisabay na rin kaming uumindak sa lahat. Ito na yata ang pinaka exciting na event na nangyari sa ASSEA!
Natapos na ang musika at nag bow naman lahat ng members at umalis na sa stage.
"Isa pa!"
"Isa pa!"
"Wohoooo!!!"
Sigaw pa rin ng karamihan habang nag papalakpak. Nahihingal rin akong umupo kasi kanina ko pa pinipigilan ang pag hinga ko.
"Phew!! That was hot and intense!! Pigil na pigil pa rin ba ang pag hinga partner?" sigaw ni Aia sa stage.
"It was indeed a blazing performance from our very own ASSEA DANCE TROUPE! Let's give them again a round of applause!"
Nagpalakpakan naman sila ulit. Hindi na ako nakikinig kasi parang nawalan na ako ng enerhiya kakasigaw.
Kinuha ko ang bottled water at ng matignan ang direksyon na nasa harap ko ay bigla na lang akong napatawa.
Sila lang yata tatlong bagot na bagot at hindi nag enjoy! Si Harry na nilalaro ang wine na inom nito, Si Glenn na tahimik pa rin at walang pakealam na umupo, Si Gerald na blankong tumingin sa stage.
"May lamay ba dito?" dinig ko pagbibiro ni Jerson. Nakikitawa naman kami. Halata sa kanila ang pagiging KJ!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top