Chapter 36
Chapter 36: Meeting New Memories
Nagdaan ang isang linggo at wala naman gaanong nangyari maliban sa nakapasa ako sa audition at patuloy na pag iimbestiga namin sa nangyaring krimen.
Panibagong linggo na naman at ngayon hindi ko na masyadong nakakasalamuha ang mga seniors na Knights dahil sa kaliwa't-kanan pagiging busy nila. Ang ilan din sa amin ay tutok sa kanilang mga sariling clubs at organisasyon.
Ngayon ko lang din makakasama ang buo ng lahat na nasa House of Python. May nakikita akong ilan na namukhaan na kaklase ko sa mga minor na subjects ko. Kahit napaka-busy ng marami ay patuloy pa rin ang klase.
Marami sa Nobilissimus Association members ang nabibilang sa House of Python. Isa din ako sa kabilang ng mga seniors dito pero nasa eleventh grade pa lang ako. May isang taon pa ako bago grumaduate sa paaralan na 'to. At madalas sa populasyon dito ay dito na nag aral simula nung grade school.
Nagtitipon-tipon ang lahat ng nasa House of Python sa designated classroom namin na para lang sa block namin. Isa itong napakalaking kwarto na pataas ang upuan at pinalilibutan ito paharap ng malaking white board.
Pinatawag ang lahat dahil sa magiging representative ng block namin as a senator. At kahit nasa pinakadulo ng likuran ako namalagi para hindi na sana pansinin yan ay nakatuko sa akin ang obligasyon.
Ako ang pinili bilang senator ng House of Python.
At kung bakit? ay nakakatamad daw ang trabaho na sasalihan ko. Wala naman umangal dito at mas lalong walang may gustong lumaban sa posisyon ko.
Dalawang representatives sana ang kukunin nila at basehan na lng sa pag votes ang sinong mananalo.
Pero desidido na talaga sila at nagkaisa pa ang mga hangal para ako na mismo ang maging representative dahil gusto din nila ito.
Hindi naman gaano ka busy ang trabaho ng isang representative, taga balita lng ng mga events at tungkulin na gusto ipahayag ng student council. Nakakayamot lang talaga dahil dapat kasama mo lagi ang student council at panay ang meeting, pag aasikaso, at pag brai-brainstorm para sa mga upcoming events.
Napag-alaman ko rin na kailangan pang e approve ng Student Council sa Nobilissimus Association kung magugustuhan nila ang proposal. Pero dahil leader na nga si Ken at president din siya ng student council ay nasa kanya lahat ng huling sagot. Kaya din nasali ako dahil pabor sa kanilang malapit ako kay Lolo at descendant ako ng mga ancestors ng pag mamay-ari ng school na ito ay hindi na lang din ako pumalag.
Dumating na rin ang Week of Meeting De Avance at kaliwa't-kanan rin ang pangangampanya namin. Lahat ng candidate ay nagbunotan sa pamamahala ng SBO adviser namin sa dalawang party. Nasali ako sa party nila Kuya Ken– ang SPIRIT partylist.
Running for President: Ken
Running for V-President: Aia
Running for Secretary: Shayne
Running for Biddle: Aia
Running for Treasurer: Faith
Running for Auditor: Rey Ann
Running for Sgt. & Arms: Maynard, Mark
Running for Seniors Representative: Kevin
Running for House of Python: Morgana
Running for House of Ecmascript: EJ
Running for House of Java: Julie
Running for House of Laravel: Cristalyn
Magaling ang mga kalaban at magaganda din ang mga plataporma nila. Lahat kami ay isa-isang ipinahayag ang mga gawain namin at nag de-debate ayon sa paksa na ibinibigay ng mga panel, at sa gymnasium ginanap ito. Lahat ng estudyante na nag aaral sa ASSEA ay nakatutok, nakikinig, at humihiyaw.
Matapos ang nakakakaba na pangyayaring yun ay dumating ang biyernes para sa voting. At sa di inaasahan at patas na botohan ay lahat ng nasa partylist namin ay nanalo. Walang mintis at lahat kami nagulat. Nagpasalamat naman kami sa kabilang partido at masaya rin sila sa naging resulta.
At dahil diyan, lunes na lunes na naman at preparasyon sa susunod na linggo para sa acquaintance ay naatasan akong gumawa ng banner. Kung saan ilalagay sa malaking pader ng gymnasium!!
Hindi ko alam saan nila nalaman o napulot na marunong akong mag lettering at kahiligan ko ang arts at ibinigay na nila mismo itong trabaho sa akin dahil hindi daw sila marunong.
5 am naman ang call time ng dance troupe at hanggang 7 am. Umagang-umaga pagod na ang katawan ko. At ngayon araw ay hapon na at nandito ako ngayon sa student council room na nag gugupit ng mga letra na ipapaskil ko sa tarpaulin.
Nag meeting din kami para sa tema at ano ang gagawin at mas dagdag sakit sa ulo ito dahil sa amin nakasalalay ang program.
Napabuntong-hininga na lang ako at napaisip sa mga nangyari. Ang bilis ng oras at madami na ka agad ang nangyari. Kalaban mo talaga dito ang time management.
"Oh? Bakit naka busangot ka na naman diyan." natatawang tanong ni Sir Jason ang IT instructor namin at siya ang nakatuka na program head sa event na ito.
"Wala naman po." mahina ko na lng bulong.
"Ako na gumawa ng iba niyan. Tutal nasimulan mo naman ang title at theme." dagdag na sagot nito at nag le-lettering na rin sa neon paper.
Nasabihan na sa mga students ang theme ng party at magaganap sa party. Dahil malapit na rin yun at sa biyernes sa susunod na linggo na gaganapin ang party sa gymnasium.
Dahil alas singko ang napili nilang oras at nayayamot na rin sila sa glamour na theme ay nag suggest ako ng Neon Party. Kaya heto ako ngayon, nalunok ko ang sarili ko.
Sinabihan ko na rin sina Kuya Ken kung ano-anong klase ng materyales ang gagamitin. Katulad na lang ng mga uv lights at mga glow sticks. Kasalukuyan namin prine-prepare ang lahat para sa dry run at pag design namin sa huwebes ng venue para madali na lang.
"Morgana, kain ka muna. We bought some snacks." pag bukas ni Ken na may dalang pizza boxes na agad naman nag liwanag ang mukha ko.
"Baby girl, daliii eto oh." tawag sa akin ni Ate Rey Ann at binigyan ako ng pizza sa paper plate.
Sa lahat ng members ng student council ay siya ang pinaka close ko dahil palagi niya akong inaalalahanin. Para siyang second mother kabilang na dun ang adviser namin na si Ma'am Dianne o Ma'am D. Parang bata ito umakto at kumilos. Paborito nito ang kulay yellow at halata naman sa mga kagamitan niya. Tinatawag niya kaming lahat na baby bears niya at siya si mama bear. Palagi din niya akong tinatawag kapag masyadong akong tahimik.
Tahimik lang kasi ako at palabiro naman sila at mag kaklase at matagal ng ka close ang ibang myembro namin kaya minsan na o-op ako. Pero lahat sila mababait at talagang hindi nila ipinaramdam sa akin na nag-iisa ako. Makukulit din sila at tawa ng tawa.
Late na din kami kung umuwi mga alas nuebe na ng gabi at madalas nahihigitan pa niyan. Nag ro-rounds din kasi ang student council minsan at binabantayan nila kung sino ang lumalabag sa curfew.
Natatawa na lang din ako kasi halos buong araw ko nang kasama si Ate Shayne. Bukod sa pudpod na practice sa umaga ay hapon hanggang gabi naman para sa student council. Bilib nga ako sa kanya dahil paano niya na handle ang pagiging secretary ng student council at president ng performing arts group. Masaya din siya sa kanyang ginagawa at alam mong mahal niya ang mga tungkulin na ito.
Nararamdaman ko na yung pagod sa katawan pero masaya rin ako dahil napamahal na at gusto ko ang ginagawa ko. Nung una ay nagduda ako sa kakahayan ko, nag do-doubts ako kung mapabayaan ko ito. Pero, dahil may mga taong naging dahilan para lumaban at ipaalala ako kung kaya nila ay kaya ko rin.
Kasabay ng one week na preparasyon para sa acquaintance ay one week din na pag e-ensayo ng dance troupe. Mabuti na lang ay wala na kaming practice sa thursday dahil dry run at decoration na namin yun.
Nakuha ang 30 na members sa 50 na students na sumali sa dance troupe. Ipapasayaw naman kami na mga new members lang sa unang pagkakataon para pagkilala nila.
At sa di inaasahang pagkakataon ay ka partner ko si Gabriel.
Majority of votes ang nangyari at hindi mo naman talaga maitatago na magaling talaga itong sumayaw. Hindi rin halata sa kilos at first impression mo sa kanya kaya marami samin ang nagulat at natuwa. Dating member daw siya ng drance troupe nung middle school pero huminto daw siya ng mag junior high.
Dahil Neon ang theme ng party ay napag-usapan ng mga officers ang remix. Intermission number pa lang daw kailangan pasabog na ka agad! Way din to para makilala ang husay ng mga bagong myembro ng dance troupe.
First choice ng kanta ay contemporary dance. Kaya napili kami maging duo partner ni Gabriel. Kami lang muna ang sasayaw sa first half tapos ang karugtong nun ay party-pop o hiphop na mala disco para ma-ayon sa theme.
Hindi naman ako umangal kaso hirap na hirap akong pakisamahan si Gabriel. Matapos nung usapan namin sa bahay ay mailap na ako sa kanya dahil nahihiya ako at ewan ko ba! Tapos kailangan mag kadikit kami kung sasayaw para ma feel ng iba ang chemistry namin!
Nakakaasar!! Pag hindi namin ginawa ay pinapapush-up kami nila Ate Shayne. Minsan nag e-ensayo kami na kaming dalawa lang at bumuo ng ibang stepping. Tahimik rin siya at ginagawa niya lang talaga ang trabaho niya. And I don't want to be a burden just to slow him down.
Same routines, and same schedules. As the week goes by, it's already thursday afternoon.
We're now decorating the whole gymnasium and since I was assigned with the design of the banner, I am just stuck in front of the huge stage. There's huge ass wooden wall facing all the gymnasium and glad that Sir Jason and the rest of maintenance team is helping me with this matter.
We had this plain white tarpaulin on the platform as me and Sir Jason painted it with black paint. So the neon letters that we made will be visible when we put the uv lights around it.
Everyone's busy of doing their own respective tasks. It's also getting darker and we're already starving.
Lumapit naman si Kuya Ken sa gawi ko para e test ang mga lightnings.
"Paano ba ito?" takang tanong nito. Natatawa naman ako dahil nag volunteer pa talaga siya pero hindi naman alam.
"Ako na nga. Ganito kasi yan." sabi ko at inayos ang mga uv lights. Tinuruan ko naman siya paano gawin at umilaw ito ng lilang kulay ay namangha kami ng mag si ilaw rin ang mga letterings na ginawa namin.
"Ang galing mo talaga!" pag hanga nito.
"Sus, kunwari ka pa." pag bibiro ko sa kanya at agad naman piningot nito ang ilong ko at si malamang dahilan biglang kumabog ng mabilisan ang puso ko.
Parang biglang huminto ang oras at nakatutok lang ako sa kanyang tumatawa habang inaayos ang mga lights. Palabiro ito sa akin at pilosopo naman akong sumagot.
Ano bang nagyayari sa akin?!
His genuine smile and laughs is like a melody to my ears. He's friendly, and I don't know why am I acting this way. Hindi to maganda.
"Baby bear, are you okay?" biglang sulpot ng adviser namin.
"A-Ahh ma, okay lang po." nahihiya kong tugon at nag iwas ng tingin.
"Yieeeee!! Baby, crush mo si kuya Ken no? Naku baby ha! Magtatampo ako niyan! Bawal muna magka love life!" panunuksong tingin nito sa akin at agad naman akong napalayo.
Ako ang pinakabata sa lahat ng members ng student council. Protective at binababy nila ako at tinuturing na nakakabatang kapatid.
Hinayaan ko na lang sila dahil nag eenjoy naman silang tuksuhin at kulitin ako. Hindi ko naman sila mapipigilan sa ganyan eh. Mas makulit pa kasi sila kaysa sa akin.
"Ma'am! H-hindi ko siya crush! W-wala akong crush!"
"Sabi mo eh." tipid na sabi nito pero di pa rin nawawala ang tingin niyang nanunukso.
Badtrip! Bakit kasi natutulala na rin ako! Kung ano-ano pa naman naiisipan ni Ma'am D.
"Let's go baby bear, dun tayo sa baba bilis. Titignan natin kung maayos ba paglagay ng banner."
Tuluyan na niya akong hinila sa baba at malayo ng kunti sa stage. Nagkukumpulan naman ang ibang members sa gawi namin.
"Ready na ba kayo?" excited na sigaw ni kuya Ken sa stage.
"Sige na!" sigaw pabalik ni ate Faith.
"3.."
"2.."
"1.."
"YESSSS!!!!!" masayang sigaw at palakpakan nilang lahat.
Lahat kami namangha sa buong lugar na lahat kami nag tulong-tulong mag design. Ang buong stage ay may uv lights at christmas lights sa gilid. Ang buong gymnasium naman ay napapalibutan na ngayon ng mga mesa na may itim na tela at mga kandila. Sa taas naman ay mga mala kurtinang christmas lights na nagsasayaw sa hangin.
Nagbibiruan naman kami dahil sa uv lights visible ang mga puti at neon na kulay. Madilim ang lahat at tanging mga kulay lang ang tumiting-kayad sa buong gymnasium.
"Wow! Grabe! Thank you baby bearssss!!!" maluha-luhang tugon ni Ma'am D at niyakap kami.
"Mama Bear, wag muna. Bukas pa yung acquaintance. Mas haggard tayo bukas!" pag dabog ni ate Rey Ann na ikinatawa naman namin.
"Dahil successful ang decorations natin and you guys did so well that way beyond my expectations. May boodle fight sa labas! Tara na! Alam kong gutom na kayo!" masayang na e-excite na bati ni Ma'am D.
Pinatay naman namin lahat at inayos ang dapat tapusin tapos sama sama kaming kumakain ng boodle fight sa isang mahabang lamesa na nasa labas ng gymnasium. Iba't-ibang klase ng street foods ang nalagay sa isang mahabang dahon ng saging at madaming kanin rin. Nakatayo lang kami at wala na kaming pakealam sa mga itsura namin dahil gutom na gutom na talaga. Hindi mapapawi ang snacks sa pagod at gutom na dinanas.
Hindi ko aasahan na maramdaman ko ang ganitong kasiyahan. Sa simpleng bagay ay magkakasundo kami ng walang ilangan at iisa lang ang mga utak. Kahit bago pa lang at hindi pa mahaba ang samahan namin ay parang matagal na namin kilala ang isa't-isa.
I'm definitely grateful for having them. I wouldn't be here without them. I wouldn't pick up myself again at sa ganitong paraan nakikita kong masaya ako sa naging desisyon ko, na piliin ko naman ang sarili ko ngayon.
Hindi ko man ito choice nung una, pero natutunan ko na rin itong mahalin. That unexpected friendship is what I want to protect. Nabibilang sila sa mga tao na importante sa akin. Kahit hindi ako showy and expressive ng feelings ko ay naiintindihan nila.
The moon is so bright outside in the darkest of vast sky. It's like smiling, and giving me comfort that everything will be fine.
But, as much as I want to feel much happier, I can't help to feel worry.
Because everytime there's a happy memory of mine, it will also be a tragic that can be taken anytime.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top