Chapter 35
Chapter 35: In His Tidal Waves
Sinabi naman ni Gerald na pansamantala wala kaming major classes sa hapon dahil na rin sa preparasyon sa mga upcoming events. Kaya bakante ang hapon namin at kung wala naman kaming magawa ay wag kalimutan ang mission.
Binigyan din niya ako ng bagong uniform na ipinadala ni Chief Sigismund. Pabalik na kami ngayon ng school grounds para mag sign-up sa mga clubs.
Nalaman ko rin na kasali siya sa swimming varsity team at pabor daw sa kanya dahil ability niya ang tubig.
Ako? Hindi ko pa alam at agree din ako sa sinabi niyang mas busy pa kami kaya mahirap mamili ng mga clubs. May choice ako na isa na minsanan lang naman gamit ang presensya at kahihiligan ko rin ito.
"Gerald! Tawag ka ni Coach." isang matikas na lalaki at naka varsity jacket pa ito na may naka-burdang alon na patch sa dibdib nito.
"Bakit daw?" pag baling ni Gerald nito.
"Hindi ko alam." tumingin naman siya sa gawi ko. "Pasensya na pala, hindi ko alam na may kasama ka. Josh pala." paglahad nito ng kamay at malapad na ngumiti.
"Morgana." tipid kong sabi at tinanggap yun.
"Kukunin ko muna si Gerald ha?" sabi nito.
"Stay here, Morgana. I'll be back." Gerald replied. Tinanguan ko na lang sila at naglakad na sila papalayo.
Nag tingin-tingin naman ako sa mga booths. Ilan bang clubs ang meron sa skwelahan na 'to?
"Hey!" sigaw ng babae sa harap ko at nang mamukhaan ko ito ay siya yung babae na kinausap ni Ken sa canteen.
"I'm Shayne pala. I'm running for student council secretary and currently handling the Performing Arts Group, and you're Morgana am I right?" masayang bati nito.
Ibang-iba siya nung una namin nakita. Ngayon at makikita mo talagang friendly siya at pala ngiti.
"Morgana."
"Hmm.. not a talker. But anyways, do you want to join PAG? Baka interested ka." paglapit nito sa akin sa booth nila.
Nakalahad ang lahat ng mga forms na under sa PAG. Dance Troupe, Traditional Dance, Rock Band, Orchestra Band, at Choir. Binatian naman ako ng iba pang kasama niya na.
May isa talaga akong gustong salihan dito at matagal na rin nung huling pag sali ko. Isa din to sa stress reliever ko na malaya kong malabas ang emosyon ko. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang inilista ang pangalan ko dito.
"Alam mo, you look better when you smile." malapad na ngiti sa akin ni Shayne.
"May audition pala mamaya pagkatapos nito, mga 4pm. Sa rehearsal hall ng studio building katabi lang ng cafeteria building. You know the drill, sasalain namin ang masasali. Goodluck and see you there, sweetie!"
Aalis na sana ako ng maalala ang bilin ni Gerald. Kaya nag hintay na lang ako sa gilid malayo ng konti sa mga booths. Pinanood ko ang buong kabuan ng school grounds at kulang ang isang araw para malibot lahat ito.
"Morgana! Andito ka lang pala." hingal na bungad ni Gerald.
"Ang tagal mo naman."
"May importante lang sinabi si Coach. Tara na."
Dahil wala naman kaming magawa ay napag desisyonan na lang namin bumalik sa Hideout at mag pahinga. Alas-tres na rin kasi at naalala ko yung audition.
"May sinalihan ka bang club?" tanong nito sa akin.
"Hmm, audition mamayang four."
"Whoa! Goodluck! Alam kong kaya mo yan." pag-gulo ni Gerald ng tuktok ng buhok ko at ngumiti ng malapad.
Umiwas naman ako ng maramdamang uminit na naman ang tenga ko.
"Tsk! Maghahanda na ako. Bahala ka na diyan."
Bakit ganun siya maka-asta? Tsk! Ang lapit-lapit niya!
Naiinis akong pumasok sa kwarto at nag bihis ng P.E uniform dahil yun ang hinabilin ni Shayne. Nagdala na rin ako ng extra shirt, towel at tubig sa mini bag ko.
Nag practice pa ako ng kunti sa kwarto ko at sinuot ang ipod ko. Bitin ang oras at hindi ako masyadong prepared pero kaya to!
"Just calm down, Morgana." bulong ko sa sarili habang nakatingin sa body mirror.
Hindi ko tinanggal ang earphones dahil kinakabisado ko ang kantang gagamitin ko maya-maya. Lumabas na rin ako ng kwarto at tumambad ang ilan ko pang kasama sa sala na nanood.
Tinanggal ko naman ang isang earphone ng makitang nagsalita si Jerson.
"Oh? Saan ka pupunta?" tanong ni Jerson.
"Audition." tipid kong sagot.
"Sama ako!" sigaw ni Earl.
"Hindi pwede." nahihiya kong sagot.
"Sige na ate! Manood lang naman kami." pag pipilit pa nito.
Makulit talaga tong bata na 'to. Ang hirap tumanggi!
"Bawal nga."
"Malakas naman kami kay Shayne eh! Tsaka bored na ako dito." pagsali naman ni Gerald.
"Sige na ate pleaseee.." pag mamakaawa pa ni Earl sa harap ko.
Tsk! Sinasabi ko na ba eh! Nakakahiya kasi!
"Nakakahiya nga. Baka di ako matanggap." pag aalala ko.
"Hindi yan! Tara na!" paghila na naman ni Gerald at sumunod naman ang dalawang asungot na masaya pang naghihilaan.
Hindi na ako naka-angal dahil wala naman akong magagawa at male-late na rin ako.
Sinamahan naman ako nila sa rehearsal hall at isa pala itong napakalaking studio. Wooden floors at malalaking mga salamin ang tumambad sa amin. May mga benches na pataas sa pinaka likuran nito.
Narinig ko naman ang tilian ng mga kasama kong mag audition ng pumasok kami.
"Omg! Jerson!"
"Hiii, Earl ang cute cute mo!"
"Ang gwapo mo Gerald!"
Tumahimik naman sila ng masama silang tinignan ni Shayne.
"Boys? What are you doing here? Mag a-audition ba kayo?" naka-pameywang na si Shayne sa harap namin.
"Ah hindi, sinamahan lang namin si Morgana. Manonood lang kami. Pwede ba?" mahinahon na sabi ni Gerald.
"Okay lang basta wag kayong magulo ha? Kundi, ipapalabas ko kayo at tatawagin ko si Rey Ann."
"Ay wag ganun ate Shayne.." nalulungkot na sabi ni Earl.
"Sige na pumasok na kayo." pag taboy nito sa tatlo at humarap sa akin.
"Dumating ka! Yieee! Eto idikit mo na lang sa baba ng shirt mo. Goodluck!" masaya pa ring bati nito at binigyan ako ng sticker na nakalagay ang apelyido at number ko.
Umupo na ako katabi nila Gerald. Nasa last number na raw ako at ako yung last na nagpalista ngayong araw. May lamesa sa harap namin at tatlong tao ang nakupo dun. Si Shayne at isa pang babae at lalaki na hindi ko kilala.
Gerald POV
Nanginginig ako sa di malamang dahilan. I don't know what kind of audition Morgana will get.
At the same time I'm very nervous! Bading na kung bading pero takte talaga! Feeling ko ako pa yung nag a-audition!
Tinignan ko lang si Morgana na relax lang at blanko pa rin ang tingin.
Kinakabahan siya? Natatakot ba siya?
Stop it, Gerald! You're being crazy!
Yes! I'm definitely crazy and I admit it. I'm crazy in love with this cold heart women beside me. I was just his best friend and having a secret crush on her is so damn hard!
I know whatever it is, I support her in anyway! I'm always be there for her. One day, I'll find my courage to let her know what I feel about her.
Just wait, Morgana.
Nagsisimula nang tawagin ni Shayne ang unang sasabak at nag play na ang nakakaindak na musika. Nabigla naman ako at napatingin kay Morgana. That mean she's auditioning for the dance troupe!
Why I was blind?!
I've only seen her once during our childhood years and magaling talaga siyang sumayaw.
Sumayaw na yung babae at hiphop ang napili niya. Magaling siya, na e-execute niya ng maayos ang mga steps.
Hindi muna in-announce ni Shayne kung tanggap ba o hindi dahil by the end of the week ng club day pa malalaman. Matapos sumayaw ay ipinauwi na sila at ko-kontakin na lang, yun ang nadinig namin.
Halos lahat sa kanila ay prepared at magagaling talagang sumayaw at bente silang nakuha ngayong araw at panghuli sa number si Morgana. Tinawag na ang number ni Morgana kaya tumayo naman ito.
"G-goodluck." pag pigil ko sa kamay niya at pinipilit kong wag nguminig at napangiti na lang ng makitang ngumiti din ito.
"Goodluck ate Molly!!!" sigaw ni Earl at umecho naman ito sa studio. Kaming apat na lang kasi ang natitira at ang tatlong judges.
"Kaya mo yan, Morgana!" pag che-cheer pa ni Jerson.
Sabay namin kaming bumaba sa first bleachers para makitang malapitan si Morgana.
"You can start now." dinig namin na sabi ni Shayne na ngumiti pa kay Morgana.
Nakadungo naman si Morgana at ng magsimulang tumugtog ang isang musika na parang k-pop ay nagsimula na itong sumayaw.
At halos napanganga ako sa aking nakita at dinamdam ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang huminto ang paligid at oras at tanging siya ang nakikita kong sumasayaw.
Swabe siyang sumayaw, malabot ang kanyang katawan at dama niya ang musika sa bawat galaw na binibitawan niya. Parang naging isa ang ritmo ng katawan niya sa musika at nasa sariling mundo niya siya.
Titig na titig ako na ayaw kong matapos ang kanta. Mabilis at ma beat din ang kanta kaya pati tambol ng tibok ng puso ko ay sumasabay dito. Kahit pinagsusuntok at palo nila Earl at Jerson ang natanggap ko ay di ko nilalayo ang tingin sa kanya.
"Wohooo!!!! Ate!!!!" malakas na sigaw ni Earl na kung akala mo ay championship ang sinalihan ni Morgana.
"Grabeee!!! Idol!!!" sigaw rin ni Jerson na walang katapusang pumalakpak.
At eto ako ngayon, nakatulala lang at napako sa kinauupuan ko at pigil na pigil ang hininga.
A-Ano bang nangyayari sa akin? Ganito na ba ako kalala?
Malakas yata talaga ang pana ni kupido!
Natapos na ang kanta at napatayo ang tatlong judges.
"Well done!! Congratssss!" masayang pag palakpak ni Shayne.
Binati naman ng ibang judges si Morgana at nagpasalamat naman ito. Nabalik nalang ako sa ulirat ng binatukan ako nung dalawa.
"A-Ano ba!" angal ko sa kanila.
"Kanina ka pa tulala! HAHAHAHA!" pang-aasar ni Jerson.
"Isa ka pang bading!" sabi naman ni Earl at pinapalo ako ulit.
"Tama na yan." pag lapit ni Morgana sa amin at nagpupunas ng pawis. Bitbit din nito ang tubig sa kabilang kamay niya.
"Ateee grabeee! Nasalo mo yata lahat ng talent nung nag paulan!" pang-aasar nito ulit kay Morgana.
"Natuto lang, at hindi naman." piningot niya ang ilong nito.
How I wish it was me..
"Pero, maraming salamat sa inyo dahil sinamahan niyo pa talaga ako." sabay ngiti nito sa amin na nahihiya pa.
I always want to see that genuine smile.
Ang cute-cute niya pag nahihiya siya dahil namumula yung tenga at pisngi niya. Ang sarap kurutin ng chubby cheeks niya.
"Wala yun at palagi ka namin susuportahan."
"Ang baduy mo kapre! HAHAHAHA!" pag batok ni Earl at tinakbuhan siya.
"Lagot ka sa aking bata ka! Pakyu ka!" sigaw nito at sumunod naman.
"Tara na." sabi ko kay Morgana at kinuha ang tubig na dala niya. Nakasunod naman ito sa tabi ko at nag paalam na kami nila Shayne.
Madilim na sa labas at nakabukas na ang mga ilaw. Mabuti na lang at nakabukas pa ang mga ilaw ng hallway ng building na ito.
Napag desisyonan namin pumunta na lang ng cafeteria building dahil mag di-dinner na din naman. Hindi naman mawala ang mga ngiti ko na kanina ko pa dinadamdam.
Haysss.. ganito talaga ang ma-in love!
Tahimik talaga si Morgana, may pake naman siya sa paligid niya kung importante ito. Observant din siya at nakikita niya ang hindi nakikita. Hindi ko nga alam kung nararamdaman din niyang matagal ko ng crush siya.
Simula first year of junior high pa lang. Nung panahon nabuo ang pagkakaibigan namin nila Florence. Magkakatabi kasi kami ng upuan at pinapagitnaan namin si Florence. Nasama lang namin sina Kim at Dexter dahil mag pinsan sila at kasabay umuwi ni Morgana.
Hindi ko lang alam kung talagang manhid siya. Dahil, nag papakita naman ako ng mga motibo pero para bang iniiwasan niya? Sila Florence nga pati ang mga kaklase namin nun halata daw ako masyado. Kinukulit na nga nila ako.
Late night texts, letters and gifts that I'm willing to give— just so she can see my love of her. I haven't heard anything from her until I was transferred. Siguro, basted na talaga ako? I didn't officially courted her but, she's the first woman that I love this deeply.
Hanggang first year of junior high ko lang sila nakasama dahil kailangan kong mag transfer dito. Nalulungkot ako dahil naiwan ko siya/sila. Nauna akong lumisan at late ko na rin nalaman ang pagka aksidente niya.
Kaya bumabawi ako sa kanya ngayon. Kahit ngayon man lang ay ma ipakita ko sa kanya ang tunay na nararamdaman ko na hindi ko magawang masabi-sabi sa kanya.
Naduwag ako. Natakot ako. Nanghina ako.
Alam ko sa sarili ko ang lahat ng yan. Pero hindi ako tatagal ng ganito kung panandalian ko lang siyang crush. Hindi na yata crush ang tawag dito, dahil mahal ko na siya.
At naiinis ako ngayon dahil madaming umaaligid sa kanya. At mas lalong naiinis ako dahil sa mga taong naiingit sa kanya. Alam kong ayaw niya lang palakihin ang gulo pero walang sino mang lalaki na gustong makita ang taong mahal nito na inaapi.
Kung pwede ko lang burahin sa mundo ang gumawa nun ay ginawa ko na. Pansin ko naman rin na hindi nag papa-api si Morgana, yung mga walang kwentang bagay lang talaga ang hindi niya pinagtutuunan ng pansin.
Mahaba ang kanyang pasensya, maunawain, mabait kahit hindi siya magalang minsan ay hindi nito matutumbasan ang kabutihan ng loob na meron siya. Iyan ang mga klase ng bagay na mas lalo kong nagustuhan sa kanya. Kahit hindi siya mag sabi ay mararamdaman mo pa rin.
Hindi masyadong madami ang kumakain ng dinner dito sa cafeteria dahil pwede naman sa mini community sila pumunta or sa resto na nasa rooftop. Napangiti naman ako ng palihim ng ma realize ko ay buong araw kong kasama si Morgana.
Wala na akong pakealam sa ibang asungot sa buhay niya dahil solo ko siya ngayong araw. At napaka swerte ko dahil nakita ko ang kahiligan niya sa pagsasayaw.
Hindi siya showy, at hindi rin pala salita sa mga bagay na tungkol sa kanya. Tinatawag nga naming himala pag may ma banggit siya at ikinatutuwa namin yun.
I know she's trying her best. She's still trying to be open with her feelings. It's not time for me to be sad how she became like that and I know with those mystery expression she have is just a shield to protect herself.
It's hard to climb on her walls. Higher walls that no one could get into. She looks lifeless, stoned, and cold. But, I know she's bleeding, and in pain.
If only I could do anything to take that pain away, I just hope it would be me instead of her. Gusto ko na lang ako ang nasasaktan kaysa makita siyang nasasaktan. And I don't wish to see to her real cry, real cry of agony and sadness.
I will make sure that it would not happen. I will make sure I'll be there to protect her even if it cost my downfall. I'll be there to protect my heart, the women I only love.
Even if takes thousands of tidal waves to swam the oceans, I will do anything because she's my coastline.
She's important person in my life, even if she doesn't know. At least for now, I'm admiring her from afar, wishing only she could feel my reaching heartbeat. My reaching soul that echoing that I truly love her.
I fell in love with my bestfriend.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top