Chapter 34

Chapter 34: The Encounter

Nagtipon-tipon na kaming lahat sa meeting room at ramdam pa rin namin ang pagbigat ng paligid.

"Sisimulan na natin ang pagpupulong." panimula ni Ken habang siya ang nag fla-flash sa projector.

Hindi lang ito isang ordinaryong projector dahil ginawa nang makabagong teknolohiya ang glass na lamesa na parang lumulutang ito sa harap namin. Nag to-touch lang rin si Ken sa hangin na naka project din ang mga imahe na gusto niyang ipakita.

Naka-ikot kami ngayon sa isang mahabang lamesa at tinitigan namin ang mga nag fla-flash na imahe nung nangyari kanina.

"Gustavo Cruz, 50 years old. Walang pamilya at ulila na. Isang normal na mortal na nabigyan ng pahintulot para mag trabaho sa ASSEA. Siya ang hardinero ng botanical garden ng ating paaralan. Bandang 8:30 ng umaga kanina ay karumal-dumal itong pinatay gamit ang isang sickle para sa damo."

Naka flash samin ang talikod na pagkahiga nito sa lupa at naliligo sa kanyang dugo. Nakatarak rin ang sickle sa likod nito. Nakita ko naman si Florence sa harap ko na pinapatahan dahil nag babadyang umiyak na naman.

"During the investigation, we found some few evidence. An Ecmascript brooch pin and black threat letter." sunod naman nag flash sa harap ang dalawang item na nasa panyo ko.

Ang Ecmascript ay nabibilang sa apat na houses ng paaralan. Pamantayan rin ang pinakamalaking merits ay mas mataas na rango ng houses na kinabibilangan.

Kada houses ay may freshmen to seniors years. Naka depende ang pag sort ng house mo sa ability o katangian na meron ka. Nangunguna ang Python, sumunod ang Java, ikatlo ang Ecmascript at pang-apat ang Laravel. Ang brooch pin ang nagsisimbolo kung aling house ka nabibilang.

Napag-alaman ko rin na ang dormitory ay naka-ayon kung aling house ka nabibilang at isa ako sa mga Python. Hindi ko alam paano nangyari at paano ang pamamalakad nila pero wala namang umangal dito.

"Hindi tayo pwede mag conclude muna na nasa Ecmascript ang salarin. Pwede din kasing maging rason na nahulog o nabitawan ng pag mamay-ari nito. Pwede din natin itong maging clue. At isa pa ang ikinababahala ko." seryosong tingin ni Ken sa amin.

"Kung para kanino ang letter. May natatandaan ba kayo o nalalaman tungkol sa simbolo na ito?" pag zoom in niya sa letter na may tatak ng skull na logo na nakaukit sa gold nitong seal.

Unang tingin ko pa lang dito ay masama na ang kotob ko. Ang ipinagtaka ko kung paano nila natuntunan ang lugar na ito?

Blanko ko lang tinignan ang simbolo na nag fla-flash sa screen. Kita ko sa peripheral view ang pagtaas ng kamay ni Harry. Wala naman kaming masyadong impormasyon tungkol sa grupong ito kundi sakit ng ulo.

"May alam kami pero hindi marami. At wala ako sa posisyon para mag paliwanag nun." sabi nito at ramdam ko naman na tumingin siya sa akin.

Kahit hindi ako nakatingin sa kanila ay alam kong naghihintay sila ng sagot kaya bumuntong hininga na lang ako.

"That's the Skull Crusher logo, one of the rebels of Black Night. They're bunch of gangsters na taliwas sa rules na meron ang Black Night. Sa madaling paraan ang Black Night ay discreet na pangalan for underground society. They slaughter without mercy and wanted to rule." monotone kong sabi.

"H-How did you know about this?" pagtataka na takot na tanong ni Ken.

I just shrug my shoulder and sigh again. "Because they attempt to kill me."

Tipid kong sabi at nag dilim ang paningin ko. Naalala ko yung gabing trinaydoran ako ng kasapi ko.

"Morgana's has been receiving a lot of death threats, and one of her admirers are the Skull Crusher. Though, their name is kinda bit of cliché but they're just bunch of easy target." Harry laugh with sarcastic response.

"Pero-" dagdag na sabi ni Harry at nag iisip pa. "We believe that there's bigger picture than this. Without anyone's help they couldn't get near inside ASSEA. So,"

"May boss na nag uutos sa kanila," dagdag na sabi ni Maynard.

"At kasama mismo sa paaralan natin." patuloy na pag tagpi-tagpi ni Mark.

"I thought the spies that infiltrate the academy is now gone?" Florence asked in concern.

"Either it's inside na nag papanggap na estudyante o pwede ring nasa matataas na posisyon." seryosong sabi ni Kim.

"What do we do?" tanong ni Rey Ann.

"This month is a busy day for ASSEA. We have a week of club day, another week of meeting de avance, a week to prepare, and last but not the least ay ang acquaintance. We have to be prepared for the security for everyone. Kakasimula pa lang at may napatay na, how much more as the days goes by? Hinding-hindi ko hahayaan mangyari pang ulit yun. We need to be more careful and look thoroughly on this." seryosong sabi ni Ken na determinado na talagang matuldukan ito.

"May isang lead na tayo ay hindi na pwedeng magpakampante. We will give this to authorities- kina Chief at sila na ang bahala dito. The most important part here is our zone, the academy itself. I'll divide and I hope you will cooperate. Every week ay mag me-meeting din tayo tungkol sa trabaho na inaatasan ko sa inyo. For now, all we can do is observe and protect."

Nakikinig lang kami kay Ken at siya lang ang nagsasalita. Sumang-ayon naman ang lahat sa kanya dahil siya naman ang leader ng Nobilissimus Association – ang elite class sa paaralang ito.

Humihingi rin ito ng opinyon ng iba na mas ikinabibilib ko sa kanya. Hindi madaling trabaho ang ginagawa niya kaya kinahahangan ko siya. He speaks gracefully, kalmado, pero dama mo ang authority nito. Bukod sa malinis siyang tignan ay totoo naman talagang gwapo ito.

Hindi ko siya crush! Namamangha lang talaga ako.

Mga dalawang oras din kami sa loob. Ibinahagi din ng team nila Jerson na inutusan kong mag hanap sa paligid ay wala silang makitang kahina-hinala pero may isang witness silang napag tanungan at ngayon ay kasulukuyan itong kinakausap ni Chief. Pati na rin yung mga estudyanteng andun sa crime scene.

Ang trabaho na lang namin ngayon ay wag kalimutang mag matyag at mas doblehin pa ang seguridad lalong-lalo na dahil madaming activities na gaganapin.

"This is our second mission for this school year. At katulad ng first mission natin ay same groupings pa rin ang mangyayari." kalmadong sabi ni Ken na agad nag pantig ang tenga ko.

"What?!" inis kong biglang pag sigaw.

Shit! Shit! Lumabas na naman sa bibig ko! Arghhh!!

My group is not bad! But they're so cold with each other! Ang hirap pakisamahan!

"Is there something wrong, Morgana?" nagtatakang tanong ni Ken at natuon naman ang tingin nila sa akin.

"W-wala." mahina ko na lang ng bulong at nakdungo na. Nakakahiya!

Natatawa na lang siya ng mahina at ipinagpatuloy ang pag bibigay ng mga trabaho namin.

Ang grupo ko ang na atasan mag bantay sa sa school grounds, sakop namin ang mga buildings. Sina Florence ay sa garden, function hall, forest at kung ano-ano pang likurang bahagi ng paaralan. Sina Kim ay sa mini community kung saan mas maraming tao nakakasalamuha. Sina Rey Ann naman ang naatasan sa mga dormitories.

"Knights? Maasahan ko ba kayo?" siglang tanong ni Ken.

"Yes boss!" sigaw ng kalakihan sa amin.

Ngayon ko lang din nalaman na "Knights" ang tinatawag ng mga estudyante sa elite class. Dahil daw knight in shining armor nila sila. Ang baduy!

Lunch time na at hindi man lang kaming nakapasok sa minor subjects namin. Pina-excuse na raw kami dahil sa meeting. Nagkahiwalay-hiwalay na kami dahil sa mga mission namin at dahil sa school grounds kami na atasan ay kasama ko ngayon ang mga bugnutin at suplado na kasamahan ko.

"Yieeeee!!! Core Four is coming in our way!!!"

"Ayan na si Glenn!"

"Ang gwapo-gwapo mo talaga Gerald!"

"Ang cool mo Gabriel grabe!"

"British hits different! Harry FTW!"

WTF??!!

Naririnig ba nila yang pinagsasabi nila? Hanggang dito ba naman may cheerers din? Jusq! Ano? Core what? Parts ba yan ng Earth?

Nasa gitna nila ako at hindi ko alam bakit ganito ang set up namin.

"Oh my girl! Jean! Diba yun ang transferre?"

"Balita ko apo siya ni Headmaster."

"Ang swerte niya girl!"

Siniringan ko ito ng tingin at agad naman nagmamadaling umalis sa puwesto nila. Naririndi ako! Ano ba meron sa apat na kabute na 'to?!

Dumeretso kami sa cafeteria hall na nasa second floor. Yung canteen ay nasa first floor at yung rooftop cafe ay panghuling floor.

Hindi ko nalang pinansin ang mga nakatingin at impit na bulong nila hanggang sa dumeretso kami sa pwesto namin. Ang VIP section. Kabaduyan talaga!

Tahimik naman kaming naka upo at nasa malayo ang tingin. Magdala kayo ng jacket dahil mas malamig pa sa aircon itong mga kasama ko na halatang ayaw nila ang bituka ng isa't-isa at kulang na lang mag patayan sila!

Tatayo na sana silang apat ng inunahan ko na.

"Ako na!" padabog kong labas at pumila.

Bahala kayo diyan! Ayusin niyo mga problema niyo at wag niyo akong idamay!

Nakapila lang ako at hindi ko pinapansin ang mga estudyanteng nakatingin sa gawi ko. Ako na sana ang susunod ng may sadyang bumangga sa kaharap kong babae na matapos mag order. Dahil papaharap siya sa gawi ko ay nabuhos niya ang spaghetting dala niya.

Nakapikit akong nag pipigil ng inis at naliligo na rin ako ng spaghetti. Naririnig ko ang samo't-saring pagkagulat, pagtawa, at awa sa mga estudyanteng wala man lang ginawa kundi manood.

"Ano na namang nasa isip niyan ni Nathalie?"

"Hindi niya ba alam na apo siya ni Headmaster at may ari ng school na 'to?"

"Isa rin siyang Knight at parte ng Nobilissimus Association!"

"Siya yung transferee diba?"

"Malalagot talagang si Lily! Hindi niya alam ang binabangga niya!"

Iyan ang madalas kong rinig ngayon na bulung-bulungang sa paligid. Ano ba pinaglalaban nila?

"M-Ms! M-Ms! S-sorry hindi ko sinasadya." pag agaw ng atensyon sa akin nung babaeng nag order ng spaghetti at inaalis niya ang pasta sa uniform ko.

Alam kong hindi siya dahil nakita kong may walang utak na bumangga sa kanya. Hinanap ko ang babaeng bumangga sa kanya at nagtitimpi ako ng galit ngayon na nakikitang tumatawa pa ito sa harap namin.

"Oops! Paharang-harang kasi. Freak!" mas malakas na sigaw nito at tumatawa na sinasabayan pa ng mga estudyante.

Sorry naman ng sorry ang babaeng nag aalis ng pasta sa akin. Naka eyeglasses ito ng makapal at halata naman sa itsura nito na hindi niya kayang lumaban.

Eto namang mga bullies na ito, hanggang ngayon ba? Mga makikitid pa rin ang mga utak niyo!

"Stop." malamig kong tugon sa kanya. Ayoko ng hinahawakan ako at dahil malagkit ang ngayon ay mas nag titimpi ako ng galit.

"Sorry talaga miss, hindi ko talaga sinasadya." pag uulit pa na sabi niya.

"I said stop." inis na tugon ko nito.

"You!" tinuro ko ang mean girl na tinatawag nilang Nathalie. Natandaan ko rin siya dahil siya ang nagbuhos ng kape sa akin nung assembly. "Say sorry to her." malamig na utos ko sa kanya.

Hindi niya naman ako pinansin at mas lumapit pa sa gawi namin kasama ang mga nakasunod sa kanya. She has shoulder length hair at kita mo sa mukha niya na sanay itong mag make up. Mas maikli ang palda nito at may lakad na arte. Spoiled brat!

"Why would I?" maarteng sagot nito. I heard few gaps and whispered.

"May mga mata kami at hindi kami bulag." blankong tingin ko sa kanya.

"Are you accusing me??!!" di makapaniwalang sigaw nito.

Tinignan ko na lang siya na bored sa pinag gagawa niya. Mag maang-maangan pa.

"What's going on here?" dinig kong sigaw ni Harry na galing sa likod ko.

"She started it!!" sigaw ni Nathalie at nag kukunwaring inaapi siya.

Tumawa naman ako ng hindi makapaniwala. May saltik na yata 'to.

"Molly- what the fuck happened?!" sigaw ni Harry ng matignan ako ng buo. Galit na galit na rin ang mata nito.

"Morgana, are you alright?" lumapit naman ang nag aalalang si Gerald.

"Who did this?!" rinig ko rin na nagtitimpi sa galit si Gabriel.

"Ikaw ba?" mahinahong tugon ni Harry sa babaeng tumilapon ng pasta at nanginginig na ang kamay na nakahawak ng tray.

"No." malamig kong tugon sa kanya. Humarap naman ako sa babae na yun. "Just go and clean yourself."

"S-salamat po at sorry." agad naman siyang umalis at inilagay ang tray sa lalagayan.

"Let's just go." sabi ko at hahakbang na sana patalikod. Nagkatinginan naman kami ni Glenn.

"No! Not until you tell me who did that to you!" galit na sigaw ni Harry sa likod ko. Blanko lang ang tingin ni Glenn sa sinusuri ako.

Bumuntong hininga na lang ako dahil wala naman kaming magagawa. Mas lala lang kung papansin nila 'to.

"Just leave it, Hermano." nag pauna na akong lumakad at hindi ko na sila hinintay.

Kailangan kong maligo dahil nalalagkit na ako. Mga usisang tingin naman ng mga estudyanteng ang nadaanan ko kaya nag lakad-takbo na lang ako. At wala akong panahon para pagka interesan pa sila.

Hindi ko alam gaano kalayo na ang nilakad ko at napunta akong Hideout. Kahit hindi pa ako kumportable dito ay nakasanayan ko na ang lugar na ito kumpara sa dorm ko.

Dali-dali ko naman inilabas ang exclusive ID ng NA ko at bumukas na ang pintuan. Dumeretso ako sa mismong kwarto ko nung niligtas ako ni Maynard. Naligo na rin ako at nagpalit. Dahil wala akong dalang extra na uniform ay plain na white tshirt at itim na jogger na lang.

Nagugutom na talaga ako at mas lalo lang akong magalit kong hindi ko mapakalma ang sarili ko. Kaya dali-dali akong pumuntang kusina at sinimulan mag luto. Ayoko na bumalik dun cafeteria hindi dahil sa nahihiya kundi baka hindi na ako makapagtimpi ng galit. Wala na akong pakealam dahil ako na man lang naiwan at mag-isa dito. Ewan ko na lang kung saan ng lunch ang iba.

Ng matapos akong mag luto saka ko na lang napansin na andami ko palang naluto. Adobo, Curry, at Nuggets. Hindi ko namamalayan dahil sa inis ko. Bahala na.

Nagdasal na ako at nag sandok ng kanin. Susubo na sana ako nag mag fluxuate si Gerald sa harap ko.

"Morgana! We've been looking all over for you. Andito ka lang pala." nag aalang pag lapit niya sa akin.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Bigla ka na lang umalis at hindi na namin mahanap. Okay ka lang ba?" umupo ito sa tabi ko.

"Kumain ka na lang." tipid kong sabi.

Ayoko na muna pag usapan ang nangyari sa cafeteria. Simpleng bagay lang naman yun at di na man mahalaga.

Narinig ko na lang siyang bumuntong hininga at kumuha ng kanyang mga kubyertos.

"You don't have to be so hard on yourself. You're not a burden, Morgana. You're one of us now." seryoso nitong sabi habang nakatingin na ngayon sa aking mga mata.

Mga tingin na nagsasabi hindi ako nag-iisa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top