Chapter 31
Chapter 31: No Escape
Florence POV
It's good to be back people of the Earth! I miss the place, and I mean the Philippines! Good morning!!
I haven't been here since long time. 3 years ago na yata at kakabalik ko lang ay mission ka agad!
Actually, we have our agency for our kind here. It's a nationwide agency! Nasa iba't-ibang bahagi ng Pilipinas. But, kailangan naming mag panggap as detectives and police! Exciting hindi ba? Yieeeee!
But that agency only gives us information about sightings of cataracts and mortracts in mortal realm- yun ay yung Earth! Dahil dito kami nakatalaga sa Pilipinas ay naka-assign kami sa kung saan-saang bahagi na mission.
I wish I was on the worldwide group! Well, hindi lang naman kami ang pumapatay sa mga creepy na creatures na yun! Yuckieee!!!
Because of this complicated schedule ay nauna akong umalis at iniwan ang CDO. Hindi pa nalalaman ni Besty ang tungkol sa mundo namin dahil higit ito na ipinagbabawal ng Headmaster namin!
Naawa nga ako eh, kasi she's always act like she's tough! Naiinis rin ako kay Headmaster dahil tinatago pa nila kay Morgana ang dapat na malaman niya. Pero kasi, alam ko naman na para sa safety na rin niya yun.
Tinignan ko naman ang kasama ko sa kwarto at natataranta akong tumingin na wala na si Kim sa kabilang bed.
Asan na naman kasi yung masungit na babae na yun! Iniiwan ba naman ako palagi!
Bumukas naman ang pinto at iniluwa nito ang masungit pero maganda kong kaibigan.
"You're finally awake. Get up and get ready. Meeting at 8." sabi nito at padabog na isinara ang pintuan.
Nakaka-haggard! Bakit ba naka bugnutin ang paligid ko!
"Omg! Bilis!" sigaw ko ng makita ang oras sa side table. "7:30??!"
Bakit hindi ako ginising ng maaga eh! Baka pagalitan na naman ako dahil late ako! Arghhh!
Agad-agad naman ako ng shower dito sa CR ng room namin ng mabilisan at kumuha na ng damit.
"Omg!! Bakit kasi hindi ako nakapag handa kagabi!"
Dapat lang talaga! You always have to look presentable and especially fashionable! Di baleng nang ma late basta maganda pa rin ako!
"This is perfect!" ngiting tingin ko sa salamin.
Naka suot lang naman ako ng yellow na tank top at tinernohan ng yellow din na jean jacket na crop top din. Naka black jogger pants naman ako na mala bell bottom at may yellow na stripe rin sa gilid nito. Black boots naman ang sinuot ko, dahil may training na naman after ng meeting.
"Florence! Ba't ang tagal mo na naman!" sigaw ni Kim sa labas.
"Eto na! Ang arte mo!"
Dali-dali naman akong lumabas sa kwarto at naka busangot sa lamesa ng mini kitchen namin dito si Kim.
"It's still morning, Kim." pag arte ko sa kanya. Siniringan naman nito ako.
"Good morning, everyone!" masayang bati ni Ate Rey Ann at hinalikan kami sa pisngi.
"Morning." tipid rin na sabi ni Brooke.
Oh diba?? Kami lang ni Ate ang magkakasundo dito eh! Ang daming bad mood kahit napaka morning pa!
"Anong ating ngayon? Wow! Ang dami naman ng pagkain!" ngiting-ngiti ni Ate Rey Ann.
"Morgana's butler and her maids came down here to sent us our breakfast. He also said we will be having our meeting at 8." dere-deretsong sabi ni Kim at agad kumain.
"Anong oras ka ba gumising? Ang aga naman yata!" pag busangot ko sa kanya habang elegante parin kinakain ang bacon at pancakes.
"7 am." tipid pa rin na sabi nito.
"Teka! Anong oras na! Bilisan niyo at baka tulog pa na naman yung mga kumag na yun!"
Ate Rey Ann is the mother of our group. Kahit hina-high blood na siya dahil sa mga mokong na yun ay hindi pa rin siya sumusuko nito.
If I were her, I don't care about them! They will be just added to my stress! Even I'm just talking to them, I can feel their stress! Ugh! My poor beauty face!
Matapos namin kumain ay lumabas na kami ng kwarto at kinakatok ni Ate ang mga room ng mga lintek na lalaki!
"Boys! Hindi ba kayo nakinig sa sinabi ni Butler Luther?! Bilisan niyo at 8 am na! Bahala kayo diyan!" sigaw na naman ni Ate Rey Ann at padabog na sinirado ang huling pintuan na pinagalitan niya.
"Tara na. Mauna na tayo sa meeting room." pag uuna niya nito sa amin.
Morgana is sleeping upstairs on their mansion so kulang kami ngayon. Bakit ba kasi lima lang kaming babae eh!
Binuksan namin ang meeting room at nakita namin si Morgana na natutulog sa pinakalikuran na upuan.
Hala! Dito ba siya magdamag na natulog? Omg!
Napatingin naman ako sa kabuaan ng meeting room at nag tama ang paningin namin ni Glenn na unang umiwas ng tingin.
Omggggggggggggggg!!!!
Ang cold cold talaga nitong demon na 'to. Bakit nandito rin si Glenn? At bakit magkasama sila?
Sapakin niyo ako ngayon na!!!!
"Hoy! Yung mukha mo kinikilig na naman." mahinang pag sundot sa akin ni Ate Rey Ann na natatawa na rin.
"Haysss, bahala nga kayo. Wag niyo na lang gisingin baka kulang sa tulog." pangaral nito sa amin at nag pauna ng umupo.
Tingin pa rin ako ng tingin sa dalawa kahit alam kong natutulog si Morgana!
Butttt freakk!! I can feel something! I can feel love!!!
Love is like the sun~
Love is in the air~
Love is everywhere~
Unlimited and free!
Kinakanta ko naman sa isip ko ang kanta ni Daniel Padilla na crush na crush ko simula pa lang nung Got To Believe! KathNiel Forever!
"Florence, stop making make believe forlorn in your imagination." basag trip naman ni Kim sa tabi ko. Umupo naman ito ng parang walang pakealam!
Nakakaasar na talaga to si Kim eh! Ang KJ KJ! Di man lang marunong kumilig! Hmp!
I know naman na may pakealam talaga yan! Kunware pa!
Padabog naman akong umupo sa tabi nito. Pero di pa rin nababawasan ang kilig ko dahil sa nakita ko. Hindi rin pala sayang yung effort gumising ng maaga ngayon!
Hihihihihi! Isa lang naman akong witness!
Nabasag na naman ang pag iimagine ko ng bumukas ang pintuan.
"Late na ba kami?" bungad ni Kuya Ken.
Ang gwapo talaga ni Ken eh! Ang dami-dami ngang nagka-crush sa kanya tapos complete package na! Aside sa pagiging student council president ay matalino rin.
"No, but be quite. Natutulog pa si Morgana." pangaral naman ni Ate Rey Ann.
Nagulat naman si Ken na nagtataka at umupo na rin. Nakasunod naman sa kanya sina Kuya Maynard, Mark, Bertram at Gabriel na agad din tumingin sa natutulog na si Morgana.
Bumukas na namang muli ang pintuan at iniluwa ito si Ghiovanni.
"Lintek ka bro! Ang aga mo naman gumising!" pagkukutos nito kay Glenn.
"Shhh! Morgana's sleeping!" suway na namang muli ni Rey Ann.
"A-ahh eh. Sorry..." payuko nitong sabi sabay upo dahil inaambahan na siya ng folder na dala ni Ate.
Sumunod naman sa kanya sina Gerald, Lorenz, at Luther.
Isa pa tong bestfriend namin na si Gerald! May crush rin kasi 'to kay Morgana! Napaka torpe naman!
"Love is in the air..." napakanta ko pa na agad naman kunot-noong nilingonan ni Gerald at pasiring na tingin ni Kim. Mga epal!
Bumukas naman ng ang pintuan at patakbong sumisigaw si Earl. "Bading! Bading! Kapre na bading!"
"Lintek ka talagang bata ka! Mamaya ka sakin!" nakasunod na nakabusangot si Jerson.
"Tahimik! May natutulog!" pag-amba sa kanila ni Rey Ann ng folder na agad rin naman niyang hinampas sa dalawa.
Buti nga! Ang ingay ingay kasi! Alam naman nilang wala silang talo pag galit na Rey Ann ang humarap sila. Kaya tahimik na lang silang umupo at nag aasaran.
Naka sunod naman si Dexter, Akirra at Harry na pumasok.
Tumabi naman ng upo si Harry sa natutulog na si Morgana na hanggang ngayon ay hindi parin gumigising. Nakaka-bilib naman talaga ang pagkama-antukin nito dahil walang naririnig!
Pero napansin ko lang ang malungkot na mata ni Harry habang sumusulyap kay Besty. Blanko ang mukha niya pero ang kanyang mga mata ay nakikita mo ang kalungkutan.
Ano kaya ang nagyari sa hilaw na yun? Hilaw kasi half British yan.
Sabay naman kaming tumayo at gumalang ng bumukas ang pintuan at pumasok si Headmaster at Chief Sigismund. Nagtaka naman sila na nakatingin sa direksyon ni Morgana na hanggang ngayon ay walang kamalay-malay.
Narinig ko pa ang pag buntong-hininga ni Headmaster. "Hayaan niyo muna. Umupo na kayo." sabi nito sa amin.
"May importante akong sasabihin ngayon at kasama ko ang mga Royalties sa pag desisyon nito. Kailangan ko rin ang opinion niyo pero kung ayaw niyo naman ay pwede din naman kayong tumanggi. But since the Royal Guild suggested this ay pabor din 'to sa akin." seryosong sabi ni Headmaster at ramdam ko ang bigat ng paligid.
"Ano po ba yun, Headmaster?" tanong ni Ken. Siya kasi ang leader ng Nobilissimus Association. Ang naatasan namin mag lead sa amin.
"With the decisions of Royal Guild, Instructors, and myself, we will be conducting our training class here in Casa Simmons Agency. Para maliwanagan pa kayo, DT is for your physical and weaponry training. DSA or Defense, Skills, and Abilities ay paghahasa naman ng ability niyo. Simula ngayon ay dito na magaganap ang klase ng DT at DSA niyo at hindi na sa ASSEA."
"What? Pero paano po yun, Headmaster?" takang tanong rin ni Maynard.
"The royals helped to build pathway between ASSEA and CSA. May pintuan dito na tanging makakapunta lang ay kayo at kami. Lagusan ito patungong ASSEA para mabilis ang paglipat-lipat natin dito."
"Bakit po, Headmaster? Aside sa training ay bakit pumayag ang Royals?" tanong naman ni Rey Ann.
"Dahil dumadami ang naglalabasan na cataracts at mortracts. Yung agency natin ay kulang sa tao at late na rin kung dumating ang balita sa ASSEA para ma inform kayo. Kaya napag desisyonan na lang namin na tuwing DT at DSA class at kung may mission lang kayo pwedeng makatawid sa lagusan."
"Why we can't do our training in ASSEA anymore?" Ken asked still looking puzzled.
"CSA is a private headquarters that no one knows where and its existence is unknown. In ASSEA your field training is inside the dome and can be visible to our enemies. Alam niyo naman siguro ang mga spy na kumakalat diba? Sa ngayon ay nahuli na namin ang lahat pero wag tayong mag kampante."
Tumahimik naman kaming lahat at nag-iisip. Lalong bumigat ang atmosphere ng meeting room.
It's actually a hassle but it's better than be prepared rather than they know what will be our next move.
"How about the people here, Headmaster? Do they know that we're not mortal?" biglang tanong ni Kuya Mark.
"Oh, about that. Everyone here is a diverling." kaswal na sabi nito.
What?! Bakit hindi naman nahalata? Wow! So ganun na ba talaga sila ka pro? Incredible!
"How do they hide their diverling presence? A diverling can sense another diverling." gulat na tanong ni Gerald na agad naman nginitian ni Headmaster.
"It's because, we trained our agents exclusively. CSA agents are skilled on hiding their diverling presence which their specialty." pag kumbinsi nito sa amin.
Advantage rin sa amin yun kasi never pa kami tinuruan ng mga new skills. I thought we were just gotta keep on repeating the same routine.
"So what are your decisions now?" sabi pa nito.
"I'm in." pag payag ni Maynard.
"Ako rin." Ken replied.
At sunod-sunod din silang pumayag at halos lahat sa amin ang agreed nito maliban kay Morgana na hanggang ngayon tulog pa rin!
"Glad to know. Hindi kayo nagkakamali sa desisyon niyo. Don't worry about the necessities dahil sagot na namin ito. Mag iiba na rin pala ulit ang schedule niyo. Napag-usapan na namin ito ng adviser niyo at ibalik ang dating schedule. Lahat ng minor subjects ay sa umaga at pang-hapon na ang mga majors. Ilang oras lang naman ang DT at DSA at pwede na kayo makakabalik ng ASSEA pag tapos na. It's still an advanced training like what your adviser told you in your first class. Gusto pa rin namin mamuhay kayo na estudyante lang kaya ibinalik namin ang unang schedule. I know you guys can do it. Isipin niyo na lang nasa kabilang building ng skwelahan ang CSA. Makakaasa ko ba kayo?" tanong nito sa amin.
"Yes, Headmaster!" sigla naming bati.
"Nga pala, I need to have the signature of the owner of CSA para ma approve na ito." biglang lungkot na tinig nito na ikinapagtaka ko.
"Bakit po, Headmaster? Hindi po ba kayo ang may-ari dito?" takang tanong ni Ken.
"No, I'm just the one who's managing. Simon, pakipirma nga sa kanya." binigay ni Headmaster ang folder na kakapirma niya lang rin.
Lumakad naman si Chief patungo sa likuran na bahagi. Teka! Saan ba to pupunta?
Nagulat na lang ako pati ang iba ng huminto ito sa likod ni Morgana.
"Lady, please wake up." bulong nito sa kanya na agad naman gumising si Morgana na nakatulala pa.
Ang cute cute niya talaga pag bangag siya! Pero bakit mugto ang kanyang mga mata? Umiiyak ba siya?
"May kailangan po kayong pirmahan." mahinang sabi ni Chief.
Lahat kami nakatutok sa kanya at pinapanood lamang siyang nasa ibang mundo pa! Hahahaha!
Inilahad naman ni Chief at binuklat ang folder. Tinanggal naman ni Morgana ang earphones niya na hindi pa rin tumitingin sa paligid.
"Pwede pong mamaya na?" sabi nito na inaantok.
"We need it now, Mistress." mahinahon pa rin na sabi ni Chief. Kung pwede na talagang tumawa ay kanina pa ako tumawa.
"Pen." tipid na sabi nito at binigay naman ni Chief ang isang parker pen! Wow!
Halatang pilit binabasa ni Morgana ang nakasulat sa folder at pinapaikot-ikot na nilalaro pa niya ang ballpen. Para siguro hindi siya makatulog ulit.
Napansin ko naman ang paghinto ng ballpen nito at pagbago ng ekspresyon. Ang pag bilis ng pag bago ng ekspresyon nito ay tandang hindi niya gusto ang kanyang binabasa. Naging malamig at blanko ang ekspresyon ng kanyang mukha.
It's scaryyy!! This is why I hate when she's angry or upset!
I love Morgana with all my heart but I'm worried when she's like this. Hindi rin siya madaling kausapin at mahirap lapitan pag ganito. Ayoko talagang nakikita na nasasaktan ang bestfriend ko!
Pinirmahan niya naman ang tinuturo ni Chief na tatlong page pa. Pero di pa rin nag bago ang ekspresyon niya. Kinuha naman ni Chief ang folder.
"Thank you, Lady Morgana." sabi nito pero hindi siya nilingunan ni Besty.
Napatulala na lang kami sa nangyari at mas lalong ramdam namin ang lamig ng aircon o dahil pigil na pigil kami at nakikiramdaman lang?
"I also need your signature's each and one of you. Dala mo ba ang copy ng terms and conditions Ms. Rey Ann?" tanong ni Headmaster na para bang walang nangyari.
"Y-yes, Headmaster." pag aalinlangan ni Ate. Pinaghahampas ba naman kasi kanina.
"Pwede mo nang ibigay sa kanila ito para mabasa rin nila." sabi naman ni Headmaster.
Pinasahan kami ni Rey Ann nito at sunod-sunod din kaming pumirma. Yung terms and conditions lang naman ay mga bawal at dapat gawin.
Lahat ng magaganap at napag-usapan sa loob ng CSA ay hindi makakalabas. Bawal rin ipag-alam ang tungkol sa CSA. At kung ano't-ano pang tungkol sa policy.
"Today is your last day and the remaining training is cancelled for the preparation of the activities inside the campus. I know you all are busy at nagpapasalamat ako dahil pinagtaunan niyo ng pansin ang mahalaga na pangyayari na ito. Para rin naman sa kapayapaan ng lahat ito."
"Thank you rin po, Headmaster." sabay sabi ng ilan sa amin.
"Pwede na kayong mag impake o kung gusto niyo mag iwan na lang ng gamit dito pag balik niyo. Kayo na ang mag o-okupado sa mga executive rooms at may locker rin kayo dito. Si Chief na ang bahala sa inyo. Meeting adjourned." sabay tayo naming lahat at nag bow sa kanya.
Sumunod naman si Chief at naiwan kami nasa meeting room.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top