Chapter 30
Chapter 30: Illusion
I was just following Gabriel to who knows where. Yes, it's Gabriel who bumped me. I don't know why he suddenly wants me or what he wants to talk about. I don't really care about it.
Tahimik kaming sumakay ng elevator pataas. He's so silent. I can't even read his mind. It's not like I have ability to read it but his face are just blank.
There's own exit for agents if gusto nila lumabas ng headquarters. I don't know how he come up with the idea of going up into the mansion. The class knows the rules and regulations before we got here and alam nilang bawal sila sa mansion kung hindi ko pinahintulutan.
Sumunod na lang ako sa kanya at lumabas na kami patungong bakuran. Huh? Anong gagawin namin dito?
I saw the repears behind the shadows. There's many of them. This is why it's prohibited to step foot inside the mansion. Madami kasing bantay.
I just nod at them indicating it's alright. Alam na nila anong gagawin nila kundi wag na lang kaming pakealaman.
"What are we doing here?" walang tono kong pagbasag sa katahimikan.
The chilly feeling engulfed the darkness of the moonlight. Despite the cold and bitter tension I have on this mansion, this backyard shines the beauty behind this sad place.
It's a huge garden with different bushes of flowers, there's also street lamps that guides to our backyard fountain. The crystalized water shines because of the moonlight. Ito lang ang lugar kung saan hindi ako nasasakal sa loob.
"Sorry for barging in here. I know it's prohibited but I found myself stuck on this spot while I was roaming around the place earlier. Hindi rin ako nakatagal dito dahil pinabalik ako nung butler niyo."
Ahh, same old Luther. Kapangalan niya pa yung kababatang kaklase ko. Buti hindi ito napahamak sa pag e-explore? Kasapi niya na ba si Dora?
Napatigil naman ang pag iisip ko ng tumawa ito.
"B-bakit?" takang tanong ko.
"Wala ka pa rin pinagbago." malumanay na sabi nito at sa ilang segundo nakita ang kalungkutan sa kanyang mata.
"Do I know you?" I ask still confused.
"I forgot I haven't properly introduce myself yet. Gabriel btw," nilahad niya ang kanyang kaliwang kamay. "Gabriel Blackledge." sabay ngiti nito.
"Morgana Simmons." pag tanggap ko ng kamay nito. Mga ilang segundo pa ang tinagal namin at binitawan naman niya.
Parang familiar talaga siya eh. Hindi ko alam kung saan.
"Have we met before?" takang tanong ko sa kanya na ikinabigla ko.
Tsk! Lumalabas na naman sa bibig ko ang nasa isip ko!
"Have we?" pag smirk pa nito.
Teka.. yung ngiti na yan..
Shittt!!
"I-ikaw!" sigaw ko sa kanya sabay turo.
Nagtaka naman siya sa akin kahit halata sa mukha nito na nang aasar.
"Anong ako?"
"Ikaw! Oo ikaw! Pero hindi! Hindi pwede!"
"Ano nga?" natatawa na siya sa itsura ko.
Naguguluhan na at mukha na akong timang sa sa harap nito.
"You're the guy who kissed me at the parking lot!" inis na sigaw ko sakanya.
Oo! Naalala ko na yang pagmumukha na yan! Siya lang naman ang humalik sa akin sa parking lot na katabi ng Duaw Park! Yung lapastangan kinorner ako sa bisig niya!
Ughhhh!! Bakit ngayon ko lang naalala!
"Pero.. hindi pwede! It was just a dream... But it felt real.." pagyuko ko pa na nag-iisip.
Dream? Premonition? Ano ba talaga?!
"Yes, it was me." tipid na sabi nito. Pero biglang sumeryoso ang mukha niya. "And it wasn't just a dream. It was an illusion."
"P-pero paano? After you k-kissed me.. I was back on the car. And I was dreaming! That's imposible!"
"Pinatulog nga lang kita at binalik sa sasakyan mo. Someone help me with ability to make everything looks like an illusion, a dream, para hindi ka maghinala. But it was all real."
"Bakit mo nga kasi yun nagawa?!"
"I had no other way." pag tigil pa nito. Ayan na naman yung nalulungkot na tingin niya. Pero bigla na lang ulit nag bago ang itsura nito ng mapansin na nagtataka ko siyang tinignan.
"Gusto mo bang patunayan ko sa'yo ngayon para maniwala ka?" a sly smirk formed on his lips.
"The heck?! No way! And you!" dinuro ko siya ulit sa mukha. Lahat ng inis ko ay bumalik ulit sa aking katawan. "You monster! You just stole my first kiss! How dare you!" sigaw ko pa uli sa kanya.
"Stop shouting, and I'm not a monster. And so? I want it. I will get what I want."
What? Napakayabang talaga! Siya na nga ang naging bastos siya pa nag dadahilan! Pwe!
Kinalma ko naman ang sarili ko kahit nagtitimpi ako sa galit. "Ano ba dapat yung sasabihin mo?"
"How are you doing?"
Napatitig na naman ako sa kanya na hindi makapaniwala. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko pag nasa paligid ko itong mokong na 'to? I also have the same feels back then. But it also felt longing and parang nasasaktan ako. It's very weird!
"What do you mean?" I asked with a blank face.
"I'm just asking how have you been." kumpara kanina na pagiging sarkismo nito ay parang naging mahinahon at sweet ang dating niya.
Teka? Sweet? Ew!
"I'm doing fine, thanks for asking." tipid ko pa rin na sabi.
"You're the truth that I can't explain." Huh? Anong sinasabi nito? "I miss you."
Napahinto ako sa aking iniisip at para akong nasemento sa tinatayuan ko. Naririnig ko naman ang mabilis na pagkabog sa aking dibdib sa 'di ko malaman na dahilan. Parang nabibingi ako at nanginginig ako. Lahat ng katanungan sa isip ko ay gusto kong isumbat sa kanya pero hindi ko magawang mag-salita.
Pero bakit ganun? Yung titig at pagkasabi niya ay parang nalulungkot siya. At parang pinipiga rin ang puso ko. Matalim lang kami nagtitigan at nagkikibuan lang.
Ano bang nangyayari sa akin?!
"Morgana!" rinig kong pag tawag ni Harry.
Pero hindi ko siya nilingon at nanatili kay Gabriel ang tingin ko. Ilang sandali pa ay nagbago naman ang ekspresyon nito na naging cold at blanko. Parang nag ibang tao ang kausap ko ngayon.
"Morgana! I told you that I will bring you up to your room. Why are you here?" galit na tono ni Harry.
Tinignan ko naman ito ay ngayon ay masama ng tumingin kay Gabriel. What's going on with this two?
"Stay away from her." kalmado pero nag babanta ni Harry.
"You can't make me." sarkismo na pagtawa ni Gabriel.
Malalim ang kanilang titigan at kulang na lang mag patayan sila sa harap ko. Kinakabahan na ako dahil mas malamig at madilim pa silang dalawa.
"You better be, if you want to live." pag asar naman ulit ni Harry.
"Hey! Hey! What's going on here? What's with you two?" pag singit ko sakanila sa gitna at inis na tinignan sila ng parehas.
"It doesn't matter. Let's go." hinawakan naman ako sa kamay ni Harry na ramdam ko ang panginginig sa galit. Hinila naman niya ako pabalik sa loob.
Ano bang problema nito?
"You can't hide the truth, Sangster. Time will prevail." malalim na sabi ni Gabriel sa likod namin at napahinto naman si Harry sa paglalakad.
"Let's go." blanko nitong sabi at nagpatuloy na kami hanggang sa naka akyat na kami ng dating kwarto ko.
Nakatingin lang siya sa kawalan habang hawak-hawak pa rin ang kamay ko. Halatang malalim ang kanyang iniisip. Hindi ko rin mabasa dahil pinapakita niyang blanko at malamig na ekspresyon.
"Hey, everything's alright?" pagbasag ko ng tanong sa kanya. Tumingin naman siya sa mata ko at pait na ngumiti. "You can tell me, Harry."
I want to ask him. I really want to ask him lots of questions of what does Gabriel meant to say. What kind of truth they hide? Why Gabriel acts like he knew me before the encounter? Why Harry and Gabriel tensions are deeper than the sea?
Pero hindi ko magawa mag tanong dahil nasasaktan akong tignan siya. Alam kong nasasaktan siya. Kahit hindi niya sabihin, kahit hindi niya ipapakita ay alam kong may sapat naman siyang dahilan para hindi sabihin sa akin.
"It's nothing, go to sleep now. I know you're tired." sagot nito na hindi pa rin makatingin ng deretso sa akin.
Ano ba talaga ang dapat kong malaman, Harry? Maghihintay ako sabihin mo lang.
"You're not okay not until you tell me you're okay."
"I'm fine, Everything will be fine." he holds my cheeks and caresses it while he said this words with sincerity.
"You're hiding from me again, Harry. But, I understand. I will wait." pag ngiti ko sa kanya kahit nasasaktan na naman ako.
He kissed my forehead. It was a long kiss until he broke it and our foreheads close to each other. He held both my hands.
"Thank you, Morgana. Kahit alam kong nasasaktan ka rin ay mas iniintindi mo pa ang nararamdaman ng iba. That's what I like about you."
Humiwalay na ito pero nakahawak pa rin sa aking kamay. "At sana sa pag dating ng panahon na pwede ko nang sabihin na lahat ay sana hindi mo ako kamuhian."
Bumigat lalo ang nararamdaman ko. Para akong hindi makahinga. Ano ba ang dapat ko malaman, Harry? Gulong-gulo na ako.
"Mag pahinga ka na. Goodnight." binitawan niya ang kamay ko at tumalikod na.
Ng makalabas na siya sa kwarto ay agad kong naramdaman ang paghina ng aking tuhod at pagtulo ng mga pinipigilan kong mga kuha.
Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit ganito? Bakit maging ganito ang nangyayari sa buhay ko? Ayoko na!
I embrace my knees as I cried silently. I'm used to this. Those screaming whispers that I can only hear. My silent agony to let go of my heavy feelings. This pain, I don't know where it came from. All these pain are fucking b*llshit!
Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa! Gusto kong tumigil sa pag iyak pero lalo lang tumutulo ang mga pesteng luha na ito! Wala akong maintindihan bakit nasasaktan ako ng ganito ka sobra-sobra! Hindi ko maintindihan ang lahat bakit nagkaganito!
Nanatili ako sa ganun na sitwasyon hanggang sa tumigil ang pag-iyak ko at naramdaman ang antok. Humiga na rin ako at nakatulog na.
⋆⋅☆⋅⋆ ༻✦༺ 。☬————☬。 ༻✦༺ ⋆⋅☆⋅⋆
Nagising ako sa mahinang pagkatok ng aking pintuan. Nakasimangot naman ako nito dahil ayaw na ayaw kong ginigising ako dahil magiging bangag lang ako.
"Go away!" mahinang sagot ko nito habang nakapikit pa.
"Lady Morgana, Don Señor is waiting for you at breakfast downstairs. Please, get up now." rinig kong boses ni Luther Vandross ang butler namin dito.
Inis naman akong tumayo at padabog pumasok sa CR ng kwarto ko. Nakatayo lang ako sa shower at naalala ang nangyari kagabi. Ang daming nangyari kahapon na nagkahalo-halo na isipan ko.
Matapos ang ilang minuto pag aayos sa sarili ko ay tumingin naman ako sa salamin ng nasa walk in closet. Shit! Ang mugto ng mata ko at lalo lang sumingkit ito. Such troublesome!
Bumaba na ako sa dining area at na abutan ko si Abuelo na nagkakape.
"Oh? Kulang ka ba sa tulog?" mahinang pag pipigil ng tawa nito. Inikutan ko na lng siya ng mata at umupo sa tabi niya.
"How's your training?" bungad nitong tanong sa akin. Hindi pa nga ako nakakasubo eh.
"Weird. But it was fine, Abuelo." tipid ko nalang na sabi at nag dasal. Kumain na rin ako. At nadinig ko pa ang mahina na pagtawa niya.
"Iba sa mga nakasanayan mong kalaban. Na cha-challenge ka ba?" seryoso na tanong nito.
"Minsan. Eh kasi naman Pa, ang weird weird ng mga monster na yun. Tsaka! Ew! Wag na nga natin pag usapan. Kumakain tayo eh." pandidiri ko pang sabi na inaalala yung mga cataracts.
"Mabuti naman. How about your studies in your new school?"
"It was fine, Pa. Don't worry about it."
Naging tahimik naman kami at tanging kubyertos lang ang nadidinig namin. Marami pa sana akong gustong itanong kaya pasulyap-sulyap ako sa gawin niya.
"What is it, Apo? You've been staring at me." natigilan ako ng mag seryoso ang boses na ito kahit hindi tumitingin sa akin.
"I was just curious, how did you allow them to get inside the CSA or our manors?" I asked plainly. Nothing sarcastic just a kid who's confused.
"Hmm, we'll be having a meeting after this so you can know later."
"But why you didn't tell me?"
"Because, you will act like this." malalim at nakakatakot na boses nito. Nagbabadya na magagalit na naman ito. "It's for your safety and their own too. We can both benefits to it."
"Abuelo, paano na yung mga tao? Do they know about them not being normal?"
"Yes."
Napako ako sa upuan ko ng marinig yun. Alam nila? Aware sila? So it's possible they're one like us too? Pero bakit? Paano nangyari yun?
Nadagdagan naman ang mga rason sa isipan ko. Na ipinagkait ako sa mundo at ako yung mangmang. After all this time? Grabe! Best in acting na talaga. Pang Oscar na!
Hindi na ako umimik pa at minadali ko ang pagtapos ng agahan. Nasasakal na naman ako. Hindi na naman ako makahinga.
"Thank you for the breakfast, I'll head first downstairs." pag galang na sabi ko sabay pagtayo. Pinipigilan ko ang nararamdaman ko. Hindi ko gusto magalit pero ano nga ba ang magagawa ko kapag nag wala ako? Wala naman akong choice.
Hanggang sa maka abot ako ng elevator at pumasok ay saka na lang ako nakahinga. Nanginginig na naman ang kamay ko sa inis at galit. Pinapakalma ko ang sarili ko hanggang sa lumabas ng elevator.
Hindi ko binatian ng ngiti ang mga nakakasalubong kong yumuko at dere-deretsong nag lakad. Alam naman nila kung bakit. Dahil galit na naman ako! Napaka bad mood!
Nasa CR ako at naghilamos. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Namumula ang mukha ko sa pinipigilang galit. Naghugas na lang ako dahil sa inis. Ganito na lang lagi.
Matapos pakalmahin ang sarili ay dumeretso na naman agad ako sa meeting room. Pag pasok ko ay wala pang mga tao at ikina-pasasalamat ko yun. Napa-aga siguro ako. Umupo na lang ako sa pinakadulo.
Hindi naman labag sa kalooban ko ang mananatili sila dito pero ang itinago na naman sa akin ang katotohanan? Ayan na naman sila sa mga dahilan nila!
If only I could wish this was just all an illusion. A temporary trance of make believe. An illusion that I can escape, even if I'm lost within. That I can still find my way out inside the darkness.
But this is reality. The reality that makes me feel it was the whole truth. Even if it cost my pain, my bleeding, and my agony. Even if it cost me my true identity of the world I haven't been.
I'm not that strong. I'm fragile and weak. I break and I feel worst. But these things made me numb. Numb to everything and away from it.
Nakatungo na lang ako sa lamesa, isinuot ko na rin ang nadala kong player at earphones. Hanggang sa hindi ko namamalayan na nakatulog na naman ako sa kakaisip.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top