Chapter 27

Chapter 27: Ain't It Much

"Babe, gising na."

Mahinang mag tapik ng isang pamilyar na boses ni Harry. Minulat ko ang aking mata at parang wala pa sa huwisyong gumising.

"Hmm. Ilang oras ba akong nakatulog?" tanong ko pa habang tinitignan siya. "Ngayon lang kita nakita Hermano, saan ka galing?"

"30 minutes lang naman. Sinamahan ko pa yung kambal." pagtabi nito sa akin. Napa-ayos naman ako ng pag upo.

"Kumusta na pala sila?"

"Okay lang. Bantay sarado ng mga tauhan na ipinagbilin ng lolo mo."

Nakatingin ito ngayon at kasalukuyang naglalaban naman si Kim. Tapos na pala si Florence. Pero bakit malalim ang kanyang iniisip?

"May problema ba?"

"Sa ngayon wala pa naman. Nadakip na rin ang mga traydor." may bahid na galit sa pagsabi ni Harry habang nakatingin sa field.

"Paanong nangyari yon?" takang tanong ko.

"Hindi pa rin namin alam kung sino talaga ang nasa likod ng mga 'to. Ang totoo hindi na rin namin ipinagtaka kung bakit naging mabigat ang seguridad ng ASSEA. Mapayapa at isa sa pinaka-safe ang paaralan natin sa HIRAWEI. Simula nung dumating ka, ay may mga nag paninlang naman." tinignan niya ako ng blanko.

Hindi ko mabasa ang kanyang iniisip at napahiya akong napayuko.

"Wag mo sanang mamasamain. Nagagalit ako dahil akala ko nasa ASSEA ang loyalty nila. Nangako sila sa batas at hindi basta-bastang makapasok ng ASSEA pero nagawa pa rin nila yun. Ang hindi ko maintindihan bakit ganun sila ka desididong makuha ka." pag pakulambaba na sabi niya.

Ngayon ko lang rin nadinig si Harry na hindi straight mag English. Batid na galit o naiinis talaga siya. Bihira sa kanyang mag Tagalog o mag Bisaya.

"Ano ba dapat ang gagawin ko, Hermano? Hindi ko rin alam kung ano ba dapat ang gagawin. Buong pagkatao ko ipinagkait sa akin. Hindi madaling mag adjust ng ganun lang. Maya't-maya pa ay may mga panibagong rebelasyon uungkat kung ano ba dapat ang pagkatao ko. Nangangapa ako ng sagot, Harry. Parang inuunti-unti binibiyak ang nasa kaloob-looban ko." tinignan ko siya ng blanko.

Ayokong kaawan niya naman ako. Pinapakita ko sa kaniyang kahit nasasaktan ako ay okay lang sa akin. Parte na rin ba to ng pagiging manhid ko? O nag papaka martyr ako?

Hindi ko alam.. Nauubos na ako..

"Matinong sagot lang naman ang hinihingi ko, Hermano. Ayoko ng awa at sorry. Sagot lang at kahit papano mabuo at makilala ko naman ang sarili ko." pilit ng ngiti ko sa kanya.

"M-molly.." nakatinginan kami sa mata.

Makikita ko sa kanyang mata na hirap na hirap siyang mag explain. Naiintindihan ko naman yun eh. Nasasaktan lang ako tuwing nakikita ko siya ay parang may malaking pagitan sa aming dalawa. Parang ang layo-layo ko na sa kanya.

Napahinto lang ang pagtitig namin ng tawag ni Mang Simon ang pangalan niya.

"Sangster! Ikaw na!" may inis na tawag nito. Ika-ilang ulit na kasi siya nitong tinawagan pero parang walang pakealam itong katabi ko.

"Sige na, tawag ka na. Panonoorin kita." binigyan ko siya ng ngiti na hindi pilit.

Napa-iwas naman siya ng titig at napatayo. "Sorry.." mahinang usal niya ngunit nadinig ko pa rin bago siya umalis.

"Maliban sa mga babae ay dual na ang mga boys. Partner mo si Blackledge. Goodluck!" dinig kong sabi ni Chief.

Nag umpisa na sila Harry at Gabriel. Napansin ko rin ang pag-iba ng mood ni Harry at mukhang may namumuong tensyon sa pagitan nung dalawa. Ngayon ko lang rin napansin simula pa nung una ay matalim na ang tinginan nila sa isa't-isa. Hindi rin naman ako interesado at lalo't-lalo nang hindi ako chismosa.

Nanonood lang ako sa kanila at hindi ko maiwasan mamangha. Hindi ko aakalain nababasa at napapanood ko lang ay posibleng totoo palang mangyari. Natatawa ako dahil akala ko sa fantasy lang meron ganun. Natatawa rin ako sa isip ko dahil kahit reality na ito ay parang bangungot sa akin lahat. Hindi ko akalain ang pinapantasya ko lang ay naging realidad ng buong pagkatao ko.

Napapikit ako sa aking iniisip at mapait na napangiti.

"Pwedeng tumabi?" nakangiting sabi ni Maynard. Taka ko naman siyang tinignan.

Ang dami-daming bakante.

"S-sige." sagot ko na lang. Ako pa ang nahihiya tsk.

"Hmm something bothering you?" nilingon ko ito sa tanong niya sa akin pero nasa harap ang tingin niya.

Close ba kami nito?

"F-feeling c-close na ba ako?" nakatingin na siya sa akin at nahihiyang napahawak sa batok niya.

Hala siya! Nadinig niya?

Kung bakit naman kasi kung ano ikinatatahimik ng bibig ko ay sing-dami naman ng sinasabi ng utak ko! Tskk!

Tinawanan niya lang ako. "Hindi ko binabasa ang isip mo. Halata lang talaga sa reaksyon mo."

"A-ahh ganun ba? S-sorry." nahihiyang sabi ko pa. Lintek ka kasi!

"Sige, pero pwede ba makipag kaibigan?" pag ngiti niya. Ramdam ko naman ang sinseridad niya.

"Oo naman. Bakit hindi?"

"Thanks. Masaya ako dahil kaibigan na kita." nakangiting tugon nito na animo'y mata ay nag niningning pa. Iniwas ko na lang ang tingin ko. "How are you so far?"

"Hmm.. kung sasabihin kong okay ako ay maniniwala ka?" umiling siya. "Magiging okay rin ang lahat."

"Eh ikaw? Hanggang kailan?"

Nabigla ako sa tanong niya. Hindi naman sarcastic ito at simpleng tanong lang pero hindi ako makasagot. Hanggang kailan nga ba? Kapag ubos na ubos na ako?

"Kahit papano ay sarili mo naman ang piliin mo Morgana. Wala ako sa posisyon para sabihin to sa'yo at alam kong ayaw mong kaawan ka. Pero sa posisyon mong ngayon ay hindi ka magiging selfish. Ibahagi mo lang ang tunay na nararamdaman mo. Ilabas mo lang lahat ng galit, sakit at hinanakit na nakatuon diyan sa loob mo. Maiintindihan ka ng lahat, magsabi ka lang." napalingon ako sa kanya at bahid sa mukha nito na nalulungkot siya.

"Hindi naman kasi sa lahat ng panahon ay kailangan ko rin magsabi ng nararamdaman ko. Kahit pa aakuhin at pasan ko pa ang mundo ay sa akin na yun, dahil problema ko yun. Ayoko lang talaga ako pa ang nakaka-abala sa iba. May kanya-kanya tayong problema, Maynard. At sari-sariling lang natin ang makakatulong nito."

"Alam ko. Tama ka naman. Pero wag mong aakuhin lahat. Kaya nga may mga taong nasasandalan dahil makikinig sila diba? Walang masama kung mag bahagi ka, na nasasaktan ka na. Kahit yung pakikinig lang nila ay tanda na para makaramdam na hindi ka nag iisa." pag ngiti na parang sinasabi nito na magiging okay rin ang lahat.

Bakit ganun? Kakaiba yung nararamdaman ko sakanya? Hindi kilig, hindi rin naiilang. Magaan at kusa yung kaloob-looban kong pagtiwalaan siya. Para bang matagal na tao na hindi ko nakikita?

Ang weird!

Hindi na ako nagsalita nun. At alam kong naiilang rin siya dahil panay ang sulyap niya sa akin. Blanko lang akong nanood. Walang nag iimikan sa amin. Hindi rin feeling awkward. Ang hindi ko maintindihan ay yung kakaibang nararamdaman ko tuwing nasa malapit siya. Yung dugo ko ay parang lumulukso.

Ano? Luksong dugo lang?

Tsk! Kalokohan!

Naiinis rin ako sa iniisip ko. Magkasalungat sila sa bibig ko. Pero naiintindihan ko yung mga sinasabi niya. Lahat yun nakatatak sa isip ko. Tama naman siya. Hindi ko lang talaga ugaliing magbahagi ng nararamdaman. Kahit sarili kong nararamdaman ay hindi ko rin naman alam.

"G-gutom ka ba? Gusto mo kumain?" pagbasag niya ng katahimikan.

"Oo, pero baka pagalitan tayo."

"Hindi yan. Chief already said it's okay to take a break, basta babalik lang din daw."

"Okay, if he said so."

Inilahad naman niya ang kamay niya at tumayo. Taka ko naman tinignan yun pero hinawakan ko pa rin at tumayo na. Binitawan naman rin niya at nakasunod ako sakanya. Magkatabi lang kami naglalakad at hindi nagkikibuan. May ilan ilan rin na tauhan na bumabati sa akin at ngiti ko lng ang ginagawaran ko sa kanila.

"Kilala ka talaga nila dito noh? Lahat yata ng tao dito ay malaki yung respeto sa'yo at sa pamilya mo. Para saan pala tong base na ito?"

"Hmm. Training ground lang." tipid kong sabi.

"G-ganun ba? Para saan naman?"

"Security."

"A-ahh ganun ba? Maganda yan." naiiling na napapahiya na tanong niya.

Batid niya sigurong hindi ko gustong mag kwento kaya naging tahimik na rin siya. Mabuting ng maingat kaysa kung ano-ano pa yung masasabi ko.

Bago kami makarating sa cafeteria na nasa kabilang dulo pa ay madadaan pa muna namin ang center ng underground base na ito. Pakorteng bilog ito at apat na malalaking hallway lang ang labasan nito. Isa na dun yung pinanggalingan namin. At nasa harap pa na hallway pa yung room para sa canteen.

Kada hallway may iba't-ibang pintuan at sa loob nun ay iba't-iba rin ang laman. Depende sa espasyo at para saan ang kwarto na yun. Parang meeting place yung area na ito na nag kokonekta sa mga pasilyo. Sa gitnang sahig rin kasi nakaukit ang malaking simbolo ng crest of arms ng pamilya namin. Naging simbolo rin yun para sa mga organisasyon hawak ng pamilya ko.

Naalala ko naman yung makahulugang tingin ni Glenn nung sabihin niyang "mafia" ang pamilya namin. Saan niya naman nakuha yun? Natatawa na rin ako kasi pati sina Kim, Dexter at Akirra ay sinakyan yung trip ko. Baka kasi kung ano't-ano pa ang itatanong nila kaya naging ganun mabuti na lang at sanay na sila sa takbo ng utak ko. Pero hindi naman siya mali at hindi rin tama. Namimis-interpret niya lang talaga ang lahat at maling headquarters ang napagdudahan niya.

Katulad nung nasa taas na papasok sa mansyon ay meron ring malaking picture frame na nakasabit ng pamilya namin sa gilid. Talagang center of attraction ito dahil bukod sa paglabas ng mga hallway na palipat-lipat at saan saan papunta ang mga tao ay nakangiwi ako sa isipan na yun.

Mukha ba naman namin ang palaging makikita? Tsk! Ang corny nila kahit kailan!

"Ang cute ng family mo." ngiting titig niya nito. "Ang cute mo rin oh!" pang aasar niya pa.

Mga 5 years old pa siguro ako niyan. Hindi ko na matandaan. Huling picture na kuha rin namin yan bago mawala ang parents ko.

"Saan pala mommy mo?" takang tanong nito. Habang nakatingin sa portrait.

"Patay na." walang emosyon kong sabi habang nakatingin na rin sa portrait.

"A-ahh s-sorry." nahihiya niyang sabi.

"Okay lang."

"How about your dad?" tanong niya pa rin.

"Wala na rin."

Agad naman niya akong nilingon at kahit hindi ko kaharap siya ay ramdam kung nabigla siya sa mga sagot niya.

"S-sorry ulit." sabi nito at tinanguan ko lang.

Nasanay na siguro ako. Namimiss ko pa rin sila pero anong magagawa ko? Hindi naman sila mababalik kung mag mukmok ako.

"T-tara na! Baka nagugutom ka na." pag-iiba niya ng usapan. Alam kong nahihiya siya pero hindi ko na lang yun inisip at sumunod na lang sa kanya.

Nasa canteen na kami at mangilan-ngilan lang ang mga tao dun. "What do you want to have?" tanong nito sa akin.

"Anything, yung nakakabusog."

Natatawa naman siya sa sinabi ko. "Sure! Wait for me here." Iniwan niya ako sa bakanteng lamesa sa gitnang bahagi ng cafeteria.

Nakahalukip lang ako at nakatitig sa likod nito. Ngiting-ngiti siya nag uusap sa mga crew at hindi ko mapigilan ang mag isip. Sino ka ba talaga? At ano ang maging papel mo sa buhay ko?

Iniwala ko sa aking isipan yun at umayos ng upo nung mapansin babalik na siya sa puwesto ko.

"They will just serve it. Ako na sana ang mag bitbit pero nung tinanong nila ako na kasama ko ba raw ikaw ay nagpamilit na silang sila na lang." bungad nito sa akin at umupo sa harap ko.

Dumating naman agad yung server. "Excuse me, Sir and Mistress Morgana. Please enjoy your meal." sabi nito habang nilalapag ang pagkain namin. Nagpasalamat naman kami pareho.

"Ang dami naman ng kinuha mo?" gulat na tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan ang lamesa namin.

"Ganun ba? Hehehe kaya ubusin mo. Magtatampo ako sige ka." nakanguso niya pang sabi at napilitang maging malungkot.

"Tsk hindi bagay sa'yo. Kumain ka na lang."

Tahimik kami kumakain hanggang sa magsalita siya.

"Paborito mo pala ang shawarma?" tanong nito at nagtataka naman akong tinignan siya. "Ahh nasabi kasi kanina sa crew ng mag tanong-tanong ako sa kanila. Hindi ko naman kasi alam ano ang gusto mo." nahihiya niya pa ring sabi.

Hindi ko alam kung mahiyain at matanong tong tao na ito? Minsan makulit at mapang asar. Lahat ng bagay na yan ay napapansin ko.

"Bakit sa kanila ka mag tanong? Eh nasa harap mo naman ako tsk." natatawa naman siya. Ano bang klaseng topak ang lalaki na ito? "Imbutido at Adobo ang paborito kong ulam. Shawarma at Empanada din. Lahat yata ng may binabalot sa dough at may laman na karne o gulay sa loob. Pero yung dalawa na yun ay paborito kong talaga. Hindi ako mahilig sa sweets. Kumakain ako ng lollipop at chocolate para ma boost lang ang energy ko. Mahilig ako sa may salt and sour na flavor gaya ng chichirya pero bawal rin sa akin ang palaging kumakain nun. Allergic rin ako sa seafoods at mapili na isda lang ang kinakain ko. Hindi ako pihikan sa pagkain pero ang katawan ko lang daming arte."

Mahabang litanya ko sa kanya at tumuloy sa pagkain. Hindi ko rin alam bakit okay lang mag share ako sa kanya. Wala rin naman kaso yun kasi tinatanong niya naman. Gulat naman akong napatingin sa kanya na mas lalong lumawak ang ngiti niya at natatawa siya.

"B-bakit?"

"Wala. I'm just feeling grateful that you said all of this to me. Thank you for saying that."

"Nagtanong ka lang naman."

"Oo nga. Pero, hindi ko akalain na lahatin mo."

"Tsk." napatungo kong tingin sa pagkain at kain lang ako ng kain. Ngayong lang ako nailang!

"Oh? Dahan-dahan lang baka mabulunan ka." natatawang sabi nito.

At di nga siya nagkakamali ay nasamid ako at napaubo.

"Ayan na ba! Eto eto oh tubig. Uminom ka muna." bigay niya sa akin ng bottled mineral water. "Taray ng tubig niyo, Evian pa talaga. Wow!"

Muli akong nasamid sa pag inom ng tubig pero pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Bakit ba siya ganyan? Inaasar ako tapos mahihiya.

Natapos namin ang pagkain at kinukukit pa rin niya ako. Seryoso, Matanong, Mahiyain, Pilosopo, Mapang-asar, Makulit! Lahat na lang! Salungat sa ugali kong pinapakita ay nasa kanya niya!

Hinayaan ko na lang siya at nung makabalik na kami sa field at timing naman na tinawag na siya.

"Where did you go?" bungad na tanong ni Harry habang pinagmasdan si Maynard na pumunta sa loob ng mist.

"Sinamahan niya lang ako kumain. Nagugutom na rin kasi ako."

"Okay ka na ba?" tanong nito habang sinusuri ako.

"Ano? Ano bang sinasabi mo? Okay nga lang ako." pag-iiwas ko ng tingin sa kanya.

Lumapit naman sa kanya yung mga healers kanina. May mga sugat rin siya at halatang pagod na pagod.

"Babe, dito ka lang. Wag mo akong iiwan." sabi niya sa akin habang pinapagpag ang bakanteng tabi.

Nahihiya naman ako sa inasta niya dahil dinig na dinig nila Raya at Cheska na nag aasikaso sa kanya. Nag iimpit naman sila ng kanilang mga kilig. Kung ano na man pa ang maiisip nila! Loko tong Harry na 'to!

"Babe! Sige na. Dito ka lang. Pagod na ako." malumanay na pag uulit niya pa at binigyan naman ang ng mga matutuksong tingin ng mga healers! "Magagalit ako."

"Oo na! Oo na! Mahiya ka naman! Tsk!!" naiinis kung upo sa tabi niya na nagpatagilid naman si Cheska. Nakahilig yung ulo ni Harry sa balikat ko at tanging siya lang ang nasa bubble mist parang nag shape lang sa katawan niya.

"I love you.." mahinang bulong nito na nadinig ko at nag pantig ang mga tenga ko.

"Ano?! I love you-hin mo mukha mo!" inis na sigaw ko sa kanya. "Hoy! Matulog kang maayos. Wag dito."

"Hmm.." inaantok na boses niya.

"Ang sweet niyo naman po, nakakilig!" sabi ni Cheska animo'y kinikilig talaga siya.

"Eto po yung pagkain. Pakigising na lang po siya after ng 15 minutes para manumbalik ang lakas niya." binigay niya naman sakin yung parang siopao at tubig na pinasalamatan ko naman.

"Ikaw na po bahala sa kanya." makahulugang tingin rin ni Raya habang ngumingiti at umalis na sila.

Tsk! Kalokohan to!

Napapikit ako sa sarili ko at pinipigilang mainis. Ano ba kasing ka dramahan na naman ba to, Hermano? Mahimbing pa ang tulog nito! Hanep talaga ginawa akong unan!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top