Chapter 26
Chapter 26: Endless Possibilities
Kalmado akong nakikinig sa mga sinasabi nila Mang Simon at Mr. Kill. Pero, ang totoo ay lutang ang isip ko. Iniisip ko pa rin ang nangyari sa akin kanina sa di ko malaman na dahilan. Medyo distansya nang kaunti akong nakaupo sa benches, na kaharap namin ang mga instructor namin ngayon para sa field training. May mga klase-klaseng armas at kagamitan ang dinisplay sa lamesa habang tinuturo nila kung paano gamitin ang mga ito.
Nalaman kong hindi sila sanay sa combat at tanging ability lang nila ang ginagamit sa pag laban. Pero dahil nga hindi naman unlimited ang pag gamit ng ability nila ay nang-hihina pa rin sila. Sa ASSEA kasi may physical training raw sila na hindi ginagamit ang ability kumbaga para masanay ang katawan nila lumaban. Hindi daw nila nakasanayan gumamit ng kahit na anong armas maliban sa traditional gaya ng pana at palaso, espada o katana at iba pa. Nadinig kong hindi na raw kailangan nila ito dahil kaya naman nila, pero mas mabuting nang may malaman daw sila kahit papano.
Maliban kay Harry ay may illan lang sa klase namin ang marunong humawak at makipaglaban gamit lang ang mga armas. Kaya sinasanay sila para hindi lang rin sila mag depend sa kanilang abilities.
"Simmons, you'll be the first one. Pick your weapon first, you can pick anything you want." tawag sa akin ni Mang Simon o mas kilala na Chief Sigismund sa kanila.
Nakatingin lang ako sa lamesa at minamasdan ito, sinasaulo ko kung para saan ang mga armas. Mas sanay ako sa long range kasi tamad akong makipaglaban ng malapitan minsan. Wala yung katana ko dito malamang kapag kinakailangan lang kasi nagagamit yun.
"Do you want to use your own weapon?" bulong ni Mang Simon na tiningnan ko naman ng pagtataka.
"What for?"
"Hindi ka sanay gumamit ng mga armas na hindi sa'yo."
"Okay lang po, kaya ko naman."
"Sige, mamili ka na. 20 minutes lang naman run time natin." pag ngiti nito.
Nag nod lang ako at kinuha ang isang baril, bala, pana at palaso. Isinabit ko ang palaso sa aking likod at nilagay sa holster ang baril at mga bala. Hawak-hawak ko naman ang pana at nakatalikod na sakanila, habang papalakad sa platform na kung saan ay may X na marka.
"We will have the same stimulator sa dome at may mga mages na nakahanda para dun. 20 minutes run time at kailangan mo makuha ang puting flag na andun sa dulo. Let's begin!" masayang sigaw ni Chief at biglang dumilim ang paligid.
Napansin ko ang mist na bubble na unti-unting bumaba sa paligid ko at ng pag talikod ko wala na ako sa training field namin. Wala na rin yung mga kaklase ko na nasa benches kundi parang abandonadong gusali ang nasa likod ko. Nasa alleyway ako.
Paano ba ako magsimula?
The first thing to do in this kind of situation, is to think of a plan. A plan is a must. Where would they put the white flag? Where should I go? It's the common questions you have to answer before you step into the battle ground.
Dahan-dahan ako naglakad papalabas ng alleyway. Ganito pala ang feeling kapag nag lalaban sa loob dito. Malamig at napakatahimik. The eerie feeling just added to the tense of this place.
Madilim at abandonado lahat. Mga biyak-biyak na gusali ay nagkalat sa daan. Even the street lights keeps flickering. Nararamdaman kong may nag mamasid at inaabangan ako.
Naglalakad lang ako sa main road at mahigpit na hawak sa aking pana habang taimtim na ina-analyze ang aking palagid. I open all my senses, alerto ako habang pinapakalma ang aking sarili.
May nadinig akong paang tumatakbo sa likod ko at sadyang pinatabig ang sirang taxi na gumawa pa ng kalawang na ingay at nahulog ang mga bubog na salamin nito.
This is dangerous spot for prey.
Bulong ko sa aking sarili ng mapansin kong nasa gitnang main road na pala ako. May nakita akong mukhang apartment building at may emergency exit na hagdan sa gilid. Tinignan ko pa muna kung safe bang akyatin at hindi kinakalawang, at ng minabuti ko na ay inakyat ko yun. Nasa rooftop na ako at mga tatlong palapag lang naman ang taas nito kaya medyo kahit papano ay kita ko na ang kabuuan ng lugar. Sinadya kong umakyat dito dahil hinahanap ko yung puting flag.
Sinuri ko ang buong paligid. Nang may mapansing puting flag sa rooftop ng isang hotel five blocks away mula sa kinatatayuan ko ay agad akong napangiti.
One way lang ang daanan papunta dun gamit ang main road. I have no choice but to use the easiest but dangerous way. Napabuntong hininga na lang ako at pababa na sana ng hagdan ng may mapansin akong cataracts na nakaharang malapit sa baba ng hagdan.
I observed it at first. Palinga-linga ito at mukhang May hinahanap. I notice he used his nose to sniff around.
I wonder...
May nakita akong tipak na block malapit sa paa ko at kinuha ito. Itinapon ko ito malayo sa daanan ko at gumawa ito ng ingay at agad naman sinundan nung creature na kung maka takbo ay parang gutom na gutom.
"They can't see but they can sense through their smell and hearing. Interesting." pagtataka ko pa rin tanaw nito.
Mag isa lang ito at hindi malabo ay may susunod pa kaya mas maagang mawala na ito. Kinuha ko ang aking palaso at pinosisyon ang aking pana sa kung saan palinga-linga pa rin ang cataracts sa katayuan nito. Kalma kong ine-release ang palaso at tumama ito sa mismong noo niya. Naging abo naman siya pagkatapos nun.
Bumaba na ako at kinuha ang palaso at ibinalik sa lalagyan. Naglalakad na ako sa main road at grabe naman talaga ang swerte ko noh?
Nabasag ang katahimikan ng umalingawngaw ang party music na nagmula sa isang casino, ilang kanto na lang sana at nasa hotel na ako! Agad naman nagsilabasan ang limang cataracts at papasok sana sa casino na yun kung hindi lang yun lintek na isa ay naka amoy sa akin!
Sumunod ang iba at patakbo silang sumulong sa akin. Isinabit ko ka agad ang pana sa likod ko at mabilisang kinuha ang baril at kinasa ito. Aiming for their foreheads, the bullet pierced deep into them as their ashes slowly fading away.
6 to go and more to come.
Gumawa ng ingay ang kada putok ko ng baril kaya agad nagsilabasan ang iba pa na ginawaran ko ng malamig na pag-ngiti. Apat silang tumakbo sa harap ko na naglalaway at pula ang mata. I scrunched my nose out of disgust.
Tinamaan ang isa at bulls eye sa noo nito pero may napansin akong may isang papalapit sa likod ko, dahil hindi pa ako naka recover ay agad akong humarap sa kanya at sinipa ito papalayo at pinutukan ito ng baril na agad rin ito nawala. Hinarap ko muling ang tatlo at isa-isa silang pinagbabaril.
Hiningal ako at tinignan kung may bala pa ako ng makitang dalawa na lang ang natira ay kumuha ako ng reserba. Lakad takbo kong tinahak ang hotel na yun. Tinignan ko ang relo ko at may 8 minutes na lang akong natitira.
Nang makita ang hotel ay mabilis kong ipinasok ito. Napakagulo at luma-luma na ang mga gamit at napakatahimik rin. Malamang may naghihintay sa akin diyan. Tumakbo ako papuntang elevator at alam ko naman hindi gumagana yun may nakita kasi akong map ng hotel na to sa gilid nun at titignan ko rin kung ilang palapag ang meron dito. Mabilisan kong mine-memorize ang map at dumaan sa fire exit. May lima pang palapag ang hotel na ito na agad kong inismid.
I hate stairs.
Parang may mali talaga. Parang ang dali lang at hindi ko kayang paniniwalaan yun. Binilisan ko ang pag akyat at nung makarating na sana ako sa huling palapag ay biglang yumanig ang paligid.
"Shit! Lumilindol!" na pa sigaw kong sabi.
Hindi to pwede! Kailangan ko muna makuha ang flag!
Hingal takbo kong tinahak ang pintuan papasok ng rooftop. Yumayanig pa rin ang paligid pero hindi ko na pinansin ito at hinanap ang flag. Nang makita itong nakasabit sa kable ng antenna ay hahakbang nasa ako pero natigilan akong may sumulpot na dalwang malalaking halimaw. Kulay green na may itim ang kulay nila at mga pangil nila ay nasa labas ng kanilang bibig at napakalaki nito! Mapupula rin ang kanilang napakalaking mata at sing talas ng patalim ang kanilang mga kuko.
WTF?!
"Ano bang klaseng halimaw na naman kayo??" galit na tanong ko sa kanila kahit alam kong hindi sila nag sasalita.
Tinignan ko ang aking relo at may apat na minuto na lang akong natitira. Itinapon ko sa gilid ang pana. Wala akong choice kundi ang labanan ito.
Walang pag alinlangan at sumulong ako at sinipa ang isa para maghiwalay sila. Hindi siya natumba dahil sa impak pero sapat na para malayo sila sa pagsugod sa akin. Inambahan naman ako nung isa gamit ng kanyang kamay at agad ko itong naiwasan. Kinuha ko ang baril at pinuputokan ito sa noo pero parang walang nangyari at nabaon lang ito.
Hindi na ako nagulat kasi alam kong hindi nila kahinaan ang parte na yun. Sipa, suntok at pag-iwas ang tanging laban ko sa kanila. Kailangan kong mag madali dahil na uubos ang oras. Nasipa ko ang isa sa puso at napansin kong prinoprotektahan niya ito na agad kong nginisian.
Sinipa ko yung isa para maging libre ang nasa likuran ako at patakbong sinulong ako. Ilang pulgada na siya sa akin at mabilis kong pinutukan ng tatlong bala ang dibdib nito at binunot ko ang palaso sa aking likod at tinurok ito sa kanya.
1 minute..
Mabilis din akong umalis sa gitna at tinakbo ang gawi kung saan ang flag. Agad kong kinuha ito at nang mapansin susunggaban na sana ako ng patalikod nung isang buhay na halimaw ay itinurok ko sa kanya ang metal na stick sa flag ng hindi lumilingon. Nadinig ko pa ang ungol nito sa likod ko at ang pagdiinin nito sa kanyang puso. Umaagos ang maitim na pulang dugo nito sa puting flag at natabunan ito ng kanyang dugo. Binitawan ko na ang stick at malakas na pag tumba niya pa ang nadinig ko.
Umingay ang tunog ng siren sa field at unti-unting nawala ang mga buildings at ang paligid. Nawala na rin yung dalawa pag kaharap ko at unti-unting lumilitaw ang mga kaklase kong naka-upo sa bench. Nasa gitnang field lang ako na nakatayo. Pinulot ko ang pana at binitbit ito.
"Magaling! Magaling! Napakahanga!" sigaw at palakpak ni Mang Simon habang papalakad ako sa gawi nila. Gayun din ang ginawa ng iba ko pang kaklase. Nakita ko naman si Mr. Kill na yumuko sa akin na katabi ni Mang Simon na nginitian ko lang.
"Wohooo! Ang galing mo Besty!" sigaw ni Florence habang nakatayo at pumalpak.
"Congratssss Ate Molly!!" pag kaway-kaway ni Earl na parang nag wa-wave sa ere. Loko talaga.
"Grabe Idol! Idol na talaga kita!" sigaw naman ni Jerson. Isa pa to.
"Congrats Morgana!" masayang bati ni Maynard at ganun rin si Ken.
"Salamat." tipid ko na lang sabi at nginitian sila. Nahihiya ako dahil hindi ako sanay sa ganito.
Inilagay ko na lang pabalik sa lamesa ang mga nagamit ko at bumalik sa pwesto ko kanina. May lumapit naman na dalawang healer at inasikasuhan ako. Wala naman akong galos maliban lang sa pagod na ako.
"Ms. Yates! Ikaw na ang susunod. Goodluck!" dinig kong sabi ni Mang Simon at gaya nung kanina ay si Florence na man ang lumaban.
Kung kanina ay nasa abandonadong city ako ay siya ay nasa mukhang kagubatan. Madilim rin at mahirap hanapin ang flag dahil sa nag ta-taasang mga puno at mas namangha ako sa kung sinong may ability na ganito. Iba yung feeling kapag nasa loob ka nung mist para bang lahat ng dapat nararamdaman mo ay dapat mong maramdaman. Kahit dito at nanonood lang kami ay ramdam din namin ang kaba ni Florence habang pinagmamasdan nito ang kanyang paligid.
Illusion ability. It could be good or bad depends on the person who is using it. Kaya nitong ma-panipula ang paligid at ang tao nasa loob ng kapangyarihan nito. There's many possibilities that it could happen. You just have to see beyond their eyes and manipulate their own game. If you know how to fight it. It is scary indeed, and you can die even without trying.
Na agaw ang atensyon ko nag may dalawang babae na lumapit sa akin.
"Hello Miss, I'm Raya at si Cheska naman itong kasama ko. Relax na lang po kayo at gagamutin po namin kayo." sabi nung mas singkit na babae na mukhang nasa 20s niya habang umilaw ang palad nito at nabalot ako sa isang bubble mist. Naka puting apron na dress sila at pula na pink na panloob sa loob nun. Naka bun din ang mga buhok nila.
"Eto po, uminom po muna kayo." ngiting sabi nung Cheska na mas maliit kumpara kay Raya. Mas matangkad kasi si Raya.
"Salamat." pag tanggap ko nung bottled water at nginitian siya.
"Ohh? Ngayon lang po ako na ka gamot ng walang galos! Ang galing niyo naman po!" pag liwanag ng mga mata at may pag hanga ni Raya habang nakatingin pa rin sa katawan ko.
Nagtataka akong nakatingin sa kanya. May scanner ba ang mata nito?
Tinignan niya naman ako sa mata at tumawa. "We're healing mage po. Gamit ang bubble mist na ito ay makikita namin kung anong parte ng katawan ang kailangan mapagtuunan ng pansin." paliwanag nito at may kinuha na parang cream sa dala niyang box na mukhang kit. Pinahid niya ito sa kamay at paa ko.
"A-ahh ganun ba?" nahihiya pero may pag hanga kong sabi.
"Ang astig niyo naman po kanina! Kahit ako hindi ko kayang lumaban nang ganun. Eto po kainin niyo at ng mabalik ang sigla niyo po." nahihiyang sambat ni Cheska at binigyan ako ng parang siopao. Sinuri ko pa ito at nagpasalamat.
"Wala naman po masyadong apektado sa inyo maliban sa muscles niyo po na siguradong pagod lang kanina. Ipahinga niyo na lang po. Andun lang kami sa station, magsabi lang kayo kung kailangan niyo po kami." ngiti pa ring sabi nito habang nagliligpit nung kit niya. Naka bubble mist pa rin ako. "Mga 15 minutes po mawawala na yung bubble. Mas mabuting magpahinga kayo habang nasa loob po nito. Mas relax yun."
"Ahh sige, maraming salamat." tipid na sagot ko lang sa kanila at nginitian lang nila ako at umalis na.
Kahit nasa bench ako ay parang naka upo ako ng may malambot sa likod ko. Siguro dahil sa mist na ito. Kinain ko na lng yung mukhang siopao na bigay nila at gulat akong napatingin nito ng mapansin parang nabuhayan ang kaloob-looban ko. Parang lahat ng sakit na ininda ko kanina ay nawala. Inubos ko na yun at ininom ang tubig.
Maya't-maya pa ay naramdaman ko na ang matinding antok kahit tutok ako kay Florence habang lumalaban siya. Para akong ini-hele at di ko mapigilang pumikit. Inaantok na talaga ako kaya hinayaan ko na lang ang sarili kong matulog at inirelax ang katawan ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top