Chapter 25

Chapter 25: Calm Before The Storm

"What do you mean?" I asked them still looking puzzled.

"Tri-ling. A hybrid of a diverling. It is rare to have a Tri-ling and some says it's just a myth!" Florence exclaimed with excitement.

"Naguguluhan pa rin ako tsk." sagot ko na naiinis na.

"They're both part nymph, a water ability holder pero hindi ko alam kung ano ang ibang ability nila. Base sa kulay na berde baka may parte rin sila na konektado sa kalikasan." mahabang sabi ni Gerald habang nakatingin sa glass wall.

"I see, it should be a good thing right?"

"It depends. Being a Tri-ling is a threat for some others. Because there are still prejudice about having two abilities at the same time. Some says it's out of law marrying to another culture and bearing an offspring. You know, since they stick to their strict rules and old traditions. Some also had an offspring from two cultures but only bearing the ability of which the strongest from their parents. Halimbawa, kapag ang nymph na natural na water ability at vampires na may earth ability ay nagbunga ang kanilang pag-iibigan. Ang anak naman ito ay makukuha ang ability, kung sino sa magulang nito ang may malakas na element. Ang Tri-ling ay offspring sa dalawang kultura, pero makukuha nila ng pareho ang element ng kanilang mga magulang." Kim replied looking concerned while explaining.

"May iba pa bang tri-ling na sinasabi mo?" tanong ko ulit.

"We don't know. Nobody knows. The last time a tri-ling was spotted hundred years ago was taken, wala na kaming balita pagkatapos." malungkot na sabi ni Florence.

"We can't assume yet not until it's confirmed. Pero kung totoo nga, dapat nga lang protektahan sila." sabi ni Gerald habang may tinatype cellphone niya. "Mauna na muna kayo, kami na ni chief bahala dito para makapaghinga naman sila."

"Okay lang ba sila?" tanong ko.

"They're fine bro, don't worry. It's normal for them to collapsed while doing the initation. Let's go." sabi ni Kim habang nag pa una lumakad sa pintuan.

"Take care of them will you? Dadalaw na lang ako mamaya sa kanila." sabi ko kay Gerald at nginitian niya ako pabalik.

Nakasunod lang ako nila Kim at Florence. Tahimik akong naglalakad habang malalim ang iniisip. Iniisip kong makakaya ko ba ang lahat nito? Ano ang mangyayari pagkatapos?

I shake my head.  I'm Morgana Arianrhod Simmons. I do not backed away with my words. I fight for what is right and reverse the unjust.

"Guys, mauna na muna kayo," humarap sina Kim at Florence na nagtataka. "May gagawin lang ako." nginitian ko sila at tumalikod na.

I just need to let loose. Masyado akong nag-iisip at na fru-frustrate. This is not the usual me, this is not who I am.

Naglakad ako ng lakad sa mahabang hallway dito. Nasa pinakadulo kasi ang room na yun. Kada pinto ay iba't-ibang facility depende sa kung ano ang iyong gagamitin. Kalapit na room nito ay ang entertainment room kung saan pwede makapag games o manood ng sine sa isa pang kwarto sa loob nito. May kalakihan rin ang entertainment room para sa iba't-ibang pang aliwan.

Nasa pinakasulok at tago lang ang room na ito, di mo mapapansin kung hindi ka dederetso. Kinuha ko ang susi nito kasabay ng iba ko pang susi. Ng mahanap ay binuksan ko ang pang-isahan na pinto. Sumalubong sa akin ang alikabok at dilim ng paligid kasama rin ang mga gamit na natatakpan ng mga puting tela.

I've never been this room for ages. This is my sanctuary room that I could vent and rest easy. Whenever I'm feeling to let out my emotions I go here. It was my mom old getaway room, ako naman ang pumalit kasi ayokong may ibang mag occupy dito.

Hinanap ko ang switch at mabuti na lang at umiilaw pa ito. There's a huge window glass that can overview the indoor training ground. Yung indoor training ground ay parang outdoor training ground rin, parang simulation para mag mukhang nasa labas ang ambiance. Binuksan ko naman ang binders dito at bumati sa akin ang maaliwas na paligid. Tinanggal ko naman ang mga tela na nakatakip.

"It's been a while my old friend." bulong ko sa aking sarili habang pinagmasdan ang drum kit.

Ilang minuto rin ang ginugol ko para linisan at alisin ang mga alikabok. Chineck ko rin kung nasa condition pa ang mga components nito katulad ng mga shells, cymbals, and hardware. After a while setting up my kit ay tuning naman. 

Each drum needs to be tuned slightly differently to achieve a variety of sounds. Tightening the heads will increase the pitch of their sound. To get the entire drum kit in tune, you need to achieve similar tension levels across all the drums. Most drum kit setups are pretty standard. However, you'll start to develop your own voice on the kit over time and in turn will start altering how your drums are set up. Hindi naman ako bihasa sa pag dru-drum, natutunan ko lang talaga dahil rin sa kinalakihan ko.

Swinitch on ko naman ang audio interface at equalizer, hindi na ako nag abala pang asikasuhin ang in-ear mixes. Yun bang metronome na gumagawa ng click sound to keep in time sa beat ng kanta. May tablet kasi para e set-up yung adjustment kung kinakailangan, at mostly professional use naman nagagamit yun or kadalasan kung may audience. Solo ko naman maririnig tsaka ako lang mag isa dito, soundproof naman itong room na ito. Kinuha ko na lang ang headphone at sinuot ito para mag provide ng clear sound at ma minimise ang external noise. Nakakabingi rin kasi kada palo kaya mabuting nang maingat. Naghanap na muna ako ng backing tracks sa kantang pipilian ko at plinug ang cellphone ko sa AI.

♫ Now playing: Jet Lag by Simple Plan 
(A/N: Kindly check the multimedia for reference. Isipin niyong si Morgana yung nag dru-drum hehe.)

https://youtu.be/pj8jXBz0DeQ

Bumuntong hininga ako bago ako nagsimula. Gusto kong kalimutan ng panandalian ang lahat ng kinikimkim ko sa aking kalooban. Gusto kong maging malaya at pilian muna ang aking sarili. Gusto kong magpakalulong at malunod sa ritmo ng musika.

I keep drumming aggressively at sinasabayan ko pa ito ng tahimik na pagkanta. Para bang ako lng ang tao sa mundo at ang musika ang nagpapakalma sa aking kalooban. Saktong spot-on na timing, the hitting is hard, the rhythm is steadfast, at inenjoy ko lang ang sarili ko sa set.

I don't want to worry with everything for now, madaling sabihin pero mahirap gawin lalo na't ang bigat ng responsibilidad ang binigay sa akin. Lubos ko pa rin hindi maintindihan ang lahat ng nangyayari feeling ko ang bilis bilis.

Wala naman akong choice eh..

Lumipas ang ilang minuto at natapos na ang kanta. Hingal kong nagpakawala ng buntong hininga at binitawan ang drumsticks. Nagulat naman ako ng makita kong kumakaway sa labas ng bintana si Florence at ngiting ngiting pumapalakpak.

Anong ginagawa niya diyan?!

Nagtataka at gulat kong tanong sa aking sarili. Sumesenyas naman ito na bumaba ako sa field. Hindi ko siya marinig dahil soundproof nga diba? Naka angat kasi ang room ito na parang stage na studio at gaya ng sabi ko kanina ay kaharap ang indoor training field nito.

Wala akong ibang choice kundi tumayo at kinuha ang towel na nilabas ko kanina. Dali-dali ko naman swinitch off ang lahat at binalik yung tela sa pagkataklob.

Tch! Hindi man lang ako nagtagal dito!

Naiinis kong bangit. Di bale na at babalik pa naman ako. Nilock ko yung kwarto at lakad takbo papunta sa kabilang dulo kung saan ang pinto papasok sa training field.

"Besttyyyyyyy!!" sigaw nito at masayang bumungad sa akin. "Ang galing galing mo! Wohoo!"

"Ano?" inis na pagtatakang tanong ko.

"Ang sungit mo naman, eh kasi nadinig ka kako namin dito." panunuksong tingin niya.

Nagulat naman ako at nahihiyang di makatitig sa kanya.

Hindi ko naman in-on yung switch for speakers eh! Bakit nadinig niya yun?

"Tanaw ka namin dun mula dito," turo niya sa bintana ng studio. "Yieeeee bakit di mo sinabi?? Magaling ka naman pala mag drums eh!"

"A-hh eh h-hindi naman pero s-salamat." 

"Sus pa humble pa eh!"

"Ano ba kasi ginagawa mo dito? Wala namang tao dito kanina."

"Anong ako lang?" tinuro nya naman ang mga kaklase namin na nakaupo sa mga benches. "Pinatawag kasi kami dito ni Chief at Mr. Kill para mag training. Hinahanap ka nga namin kanina pa eh! Umalis ka kanina akala ko pa naman saan ka pumunta susss!"

"G-ganun ba? tara na nga! Tsk!" hinila na niya ako at sabay kaming lumakad patungo sa mga kaklase ko.

"Matanong lang.. malakas ba yung pag drum ko?" nahihiya kong tugon. Nahihiya ako kasi hindi ako sanay na may makarinig sa akin mag drums. Pwera na lang sa pamilya ko at pamilya nila Harry.

"Anong malakas? Naka speaker kamo! Dinig na dinig ng buo dito oh!"

"ANO??!" gulat kong sigaw sa kanya.

"Ayaw pang maniwala! Sige makinig ka sa sabihin nila." huminto naman kami nung sinalubong kami. "Hi guys!" ngiting-ngiti niya.

"Idol!" tawag ni Jerson at mahinang pumalakpak na nakangiti. "Jamming tayo minsan ah!"

"Wahhh Ate Molly! Ang galing moo!" sigaw ni Earl na agad naman nilapitan ako at hinawakan sa braso. "Bat di mo agad sinabi! Ang cool cool mo naman!" nakangiti niyang sabi.

Hindi naman kayo nag tanong. Malay ko ba..

Bulong kong sabi sa isipan ko. "A-ahh eh hindi naman." nahihiya ko pang tugon.

"Niceee. Why won't you apply for PAG?" ngiting tanong ni Gerald.

Ha? Anong PAG? Pagutom ba?

Natatawa siya na animoy nababasa ang nasa isipan ko. "PAG, Performing Arts Group. An organization built for performing in ASSEA kung saan related sa sayaw, pagkanta, theater at iba pa. As of currently, there's 7 clubs under PAG."

"A-hh okay." naiiling na sagot ko.

"Pwedeng pwede ka sumali sa band ate kung gusto mo." nakangiti pa ring sabi ni Earl na mahinahon.

"Oo nga noh! Bat hindi ko naisip yan!" pag-aakto na parang nag iisip na sabi ni Florence. "Di bale na ay may club activities naman magaganap before sa acquaintance! Excited na rin ako!"

"Pagkabalik natin ay siguro magsisimula na ang club activities." sabi naman ni Gerald.

"Ang bilis naman?" pagtatakang tanong ko.

"Magkaiba kasi ang daloy ng oras sa mundo dito at dun besty. Hmmm a day here consist with one week there." seryosong sabi niya namas lalong ikinagulat ko.

Alam niyo ba yung feeling na sobrang sasabog yung dibdib mo sa bigat at bilis ng tibok nito? Hindi ko rin alam bat hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, sumisikip at parang hindi ako makahinga. Parang hindi ko sila naririnig habang nag uusap silang tatlo. Tinignan ko ang kamay ko at nanginginig ito.

WTF?? Ano ba ang nangyayari sa akin!!!

Inis na sigaw ko sa aking sarili. Hindi naman dahilan ang pagkabigla ng nalaman ko yun. Iba yung feeling ko. Halo-halo lahat ng emosyon ko ngayon!

"H-hey. Okay ka lang?" pag-aalala na tanong ni Gerald habang sinusuri ako.

"O-okay lng." pilit na ngiti ko at iniinda ang bilis ng tibok ng puso.

"Teka! Di ka okay eh. Besty, namumutla ka! Okay ka lang ba??" pag singit ni Florence at hinawakan ako.

Hindi ako makasagot parang nabablisa ako at hindi ko maintindihan lahat ng sinasabi nila. Naramdaman ko naman ang mga butil sa noo ko na halatang pinagpapawisan ako.

"A-ate Molly tara kay Chief." pag-aalala na rin ni Earl at katulad ko ay parang nababalisa na rin siya.

Napahawak ako sa aking tenga nag narinig ang isang nakakabinging ingay. A painful ringing in my ear that takes minutes to last. Para akong nahihilo at kahit umiikot ang paningin ko ay pinilit kong buksan ang mga mata ko. Nag-aalala silang tinignan ako at paulit-ulit binabanggit ang pangalan ko.

Everything surrounds me feels like I'm in a slow motion. Pinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdam ang sarili ko. Biglang bumagal ang oras sa pandinig at wala na yung pananakit nito, wala na yung nakakabinging ingay.

Tahimik. Napakatahimik...

Bulong ko sa aking sarili at minulat ang aking mga mata. Nabigla ako ng mawala na ang mga kaibigan ko at ako lang ang mag-isa na nakatayo sa gitnang field. Hindi ko rin lubusan maigalaw ang katawan ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Parang nangyari na to??

Pilit kong inaalala kong kailan ko huli naramdaman ang ganito na para bang may pumipigil sa akin.

Sa Duaw Park! Nung hinintay ko sila Papa sa labas ng municipal hall!

Sigaw ko sa aking isip ng maalala ang kaparehas na nangyari. Hindi ba ito panaginip lang? Baka nanaginip pa rin ako?

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang may narinig akong isang ingay na huni ng ibon. Paanong May nakapasok na ibon dito?

Teka..

Pinakinggan ko ng maigi. Narinig ko na rin ito dati nung matuklasan ko ang lugar ng HIRAWEI. Tunog yun ng howla ng kuwago kung hindi ako nagkakamali.

Sa harap ko ay may puting liwanag na mist ang unti-unting lumilitaw at iniluwa dun ang isang napakagandang puting kuwago. Nakatuon ang mga mata niya sa akin na para bang nag uusap kami. Ang mga puting pakpak nito ay nanatiling nasa ere.

Huminto ito sa aking harapan at gamit ng bibig nito ay tinuro ang aking mga kamay. Kahit hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin ay nakatulala pa rin akong nakatungo pero inangat ko ang aking mga palad. Ngayon ko lang nakita na may inipit at dala pala ito sa mga kamay niya at inihulog niya.

I was so confused looking at the item until I realized it was a stopwatch. A golden vintage stopwatch. But as I was about to ask for what is it for ay mas lalo akong nagulat at kinakabahan ng mawala na lang bigla ang kwago. Lumilingon-lingon ako para hanapin siya pero nabigo lang ako. Binuksan ko yung stopwatch at napansin ang hindi paggalaw ng orasan nito.

Baka may sira? Ano bang gagawin ko dito?

Mga ilang minuto pa ay narinig ko naman yung nakakabinging ingay at napapikit ako. Pero hindi katulad nung kanina ay may lumilitaw na na mga boses, malalim at para bang hindi pa klaro.

"Besty! Hey Besty! Are you alright?" dinig ko ang mahinang tinig ni Florence sa kung saan.

"Ate Molly! What's wrong?" sa tabing gawi ko naman ang boses ni Earl.

"Idol? Okay ka lang ba?" malumanay na tanong ni Jerson.

"Hey! Morgana? Are you with us?" klaro na boses ni Gerald.

Binuksan ko yung mga mata ko at laking gulat ko na bumalik na sa dati ang ingay ng paligid. Nasa tabi ko na yung mga kaibigan ko at katulad nung kanina ay parang walang nangyari. Yung mga mukha nila na nag aalala ay nakatingin sa akin na naghihintay kung ano ang isasagot ko. Nakatayo lang ako sa kanila na parang wala sa sarili.

"I-I'm f-fine." pilit kong pag ngiti sa kanila pero halatang hindi sila kumbinsido. "O-okay lang talaga ako. Halina tayo."

Nag pauna akong lumakad patungo sa gawi kung saan nagtipon-tipon sila Mang Simon para hindi na sila mag tanong. Nasa gitnang field kasi kami nung sinalubong nila ako. Mabilis pa rin ang tibok nang puso at pilit kong kinakalma ang sarili ko. I'm so confused at pilit kong iniisip kung guni-guni lang ba yung nangyari o nanaginip lang ako.

Ano ba ang ibig sabihin ng pag pasok ng owl na yun? Dati nadidinig ko lang at hindi ako sigurado kong iisa lang sila, pero bakit ngayon pa siya nagpakita? At ano yung ibinigay niya?

Ano ba dapat ang gagawin ko? Ito na ba ang simula sa sinasabi nila?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top