Chapter 22

Chapter 22: New Perspective

Ano bang problema ng mga kasama ko at ayaw nilang masikmura ng mag-kasama?

"Just please, kung ano man ang mga alitan niyo pwede ba e-set aside niyo muna yan? We're a team here." naiinis na sagot ko.

"I don't have any plans being buddy-buddy with them." Gabriel said.

"Me neither." sabi naman ni Harry.

For pete's sake! Nakikisali pa talaga tong kupal na to. While Glenn and Gerald just stood there silently.

"Fine. Do what you want." I said plainly and walked out with irritated look.

Hindi ako namimilit ng tao kung ayaw nila. Bahala sila diyan. Ayusin na muna nila problema nila.

As I walked down the hallway on this underground base. Everyone whom I will encountered immediately parted their ways away from me as possible and bowed. I really don't like that part, I just want them to treat me as normal. I'm heading towards the cafeteria to cool off my head. Nakalimutan kong hindi pala ako nakakain ng pananghalian kaya bad mood ako. Nalipasan na naman kasi ng gutom.

Dumeretso agad ako sa counter na agad naman akong tinugunan ng masayang ngiti ng cook namin dito.

"Maligayang pagbabalik po, as usual po ba mistress?" magalang na tanong nito.

"Sige po, pakidagdag na lng ng empanada at shawarma. Kailangan lang ng pang enerhiya." nahihiyang sabi ko.

Nag nod lang ito at inasikaso na ang order ko. Umupo naman ako sa dating puwesto ko, sa gilid malapit lang sa dispenser ng tubig. Buti na lang at walang masyadong tao na dito dahil hapon na man. May mga iilan akong nakikita sa malayong lamesa na nag-iiwas ng tingin sa gawi ko at nag bubong-bulongan. Madalas naman ay nag bo-bow at binabati ako ang iba naman ay natatakot.

Nilapag naman sa lamesa ko ang mga pinag-order ko, as usual adobong manok lang ang at kanin. Nagpasalamat na ako at agad na nag dasal at tahimik na kumakain. Gusto ko sanang mag isip-isip tungkol sa nangyayari sa buhay ko ngayon. This is the closest time I have being alone. Nakakamiss rin pala ang ganito kapayapa. Ngunit may isang hangal ang gumimbala ng aking katahimikan. Umupo ito sa harap ko at ngumiti.

"Hey, miss. Anong ginagawa mo dito at bakit mag isa ka lang?" may nakakalokong ngiti ito at tumitingin pa sa damit na suot ko. Obvious ba na kumakain ako dito?

Nakalimutan ko palang magpalit. Di ko na namalayan na kanina pa palang umaga yung suot ko. May nadidinig akong bulungan sa kalayuan at di makapaniwalang mga tinginan sa lalaki na para bang kikilatayan na nila ito ng buhay. Maging mga kusinera ay na alarma sa pag disturbo nito sa akin. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain. Sinulyapan ko ang suot niya. Bagong recruit naman pala pero kung maka-asta kala mo kung sino. Inagaw naman nito ang aking tinidor at walang pahintulot na kinuha ang aking empanada na ikinagalit ko ng lubusan bago ko pa man siya tignan ay may mas nauna na pala sa akin dahil ang tinidor na hawak niya ay bumaon ito sa kamay niya. Ang paghiyaw at sakit nito ay nadidinig sa buong cafeteria.

"How dare you touch the mistress?" an icy deep voice with his usual dead eyes looked down at the guy in front of me. While his bladed knife pointed on the guy's throat.

The guy look at me with horror as he slowly recognize me. Such a fool.

"S-sorry p-po. Hi-hindi ko po alam. P-patawad po talaga." pag mamakaawa pa nito habang takot na takot at iniinda ang sakit ng natuman nito.

Nawalan na ako ng gana kumain at dahil na rin sa dugo nito sa lamesa.

"Vince, calm down it's alright." sagot ko habang tinatanggal ang tinidor sa kamay niya at binalot ng table napkin. "He's still a newbie." tipid kong sagot.

Ayoko naman ng malaking gulo at di naman maiiwasan ang ganito. Ang ayoko ko lang ay yung pasmado niyang bibig. Nasa rules ng clan namin na di ka tanggap-tanggap ang pagbabastos.

"But mistress! Binabastos ka niya!" may bahid na galit sa boses na ito. Knowing him this guy is already been dead.

I looked calmly at the newbie. "Do you mean the words you said earlier?"

"H-hindi po. Pasensya na po talaga. Aakuhin ko ang k-kasalanan na nagawa ko. M-mali po ako."

"I see. Sa susunod wag niyo na po ulitin yun. You'll make anyone uncomfortable. Diba nasa handbook natin yun? Malaking kasalanan ang pambabastos. Wala sa kasuotan ng tao o kahit na anong nabubuhay ang dapat binabastos. It's your problem after all. Fix that mindset first, since this is your first offense I'll guarantee you will not be beheaded." I said.

"S-salamat po m-mistress. Salamat po ng marami." sabi nito habang naiiyak na.

"Tandaan niyong hindi kayo kinuha rito ng basta-basta lang. The commanders must have seen potential in you kaya andito ka ngayon. Everyone deserves a second chance pero pag naulit pa ito ay hindi ko na masisigurado ko ano pa ang mangyayari sa iyo pagkatapos. Sige na, umalis ka na at baka mag bago pa ang isip ko." tinignan ko naman ang isa pang recruit malapit sa lamesa namin na tahimik lng nakikinig. "You there. Could you please watch him and take him to infirmary? After that go see your troop commander. He'll know what to do for his punishment." I kindly smiled at her.

"O-okay po mistress." nakayuko nitong sabi habang inaalayan ang lalaki sa harap ko.

Niligpit ko naman ang pinagkainan ko maliban sa shawarma. Buti na lang at na save to. Ayoko naman magsayang ng pagkain at baka magalit sila aleng kusinera.

"You're too kind, Morgana. This is not the usual you." Vince said while he seat infront of me.

"You're too hot headed, Vince. This is not you." I repeated what he said and rolled my eyes on him. Kinain ko naman ang shawarma. I need energy.

"You're welcome. Kumusta ka naman?" naging ma aliwas naman ang mukha niya ngayon kumpara kanina.

"I'm alright, how about you? And what's with the welcoming earlier at the gate? Kung hindi ko pa nakita kita kanina sa itaas ng kahoy ay baka kayo ang napatay ng mga kasama ko. Pinag tri-tripan niyo ba kami?"

"Precautions mistress. Simula nung nabalitaan namin na dadating kayo ay mahigpit na ang seguridad dito."

"I see." natapos ko rin ang kinain ko at uminom ng tubig. "Gusto ko sanang makapag usap pa tayo pero Mr. Kill just gave us 20 minutes break. We're on a mission."

"Do you want me to get your things in your locker?"

"Oy thank you ha! Balak ko sanang aakyat pa sa taas sa kwarto ko pero baka hanapin na ako nila. Buti na lang pina remind mong may naiwang gamit pa pala ako sa locker." masayang pag ngiti ko sakanya. Nagulat naman ito. "Okay ka lang?"

"O-okay lang. Sige I'll meet you at outside of women's lavatory. I'll bring your other things also. I'll be back" mabilisang pag alis niya.

Anong problema nun? May saltik rin ata ang mokong na Vince na yun.

Umalis na ako sa cafeteria at naghintay sa labas ng c.r mga ilang minuto pa ay dumating naman si Vince na bitbit ang mga gamit ko. Nagpasalamat naman ako at pumasok na dito. Sinabihan ko naman siya na pwede na siyang umalis at baka matagalan pa ako dito. Buti nalang at may shower area ito at naligo na rin ako. Alam na alam talaga ni Vince ang kakailanganin ko kasi dinala rin niya ang hygiene kit at toiletries ko.

Hindi naman nagtagal at nakabihis na ako. Fitted long sleeves top, cargo pants at boots. Naka all black pa ako. I just put my hair into ponytail para di na sagabal. Binalik ko naman ang ibang gamit ko sa itim na maliit na backpack. Tinignan ko ang katana sa sink. I sighed and look myself in the mirror once again.

"You'll be fine, Morgana. Everything will be fine." pilit na pag ngiti ko at umalis na. Nagulat naman ako na nadatnan ko pa si Vince na naghihintay sa labas.

"I thought you were gone? Why are you still here?"

"Hinahanap ka ni Harry 5 minutes ago atnaliligo ka pa kasi. Ayaw namin na ma disturbo ka."

"What? Eh di sana kumatok na lang kayo. Halika na nga."

Lakad takbo ang tinahak namin. Nagtungo naman kami sa parking lot at emergency exit sa likod ng bahay. Dun daw kasi nabanggit ni Harry. As soon as we arrived halos kinapos na kami ng hininga.

"You're late." Glenn said with annoyed tone. At pumasok na sa sasakyan.

"Na una na ang ilan sa atin. They will cleared the surroundings first para mabilisan ang pagkuha natin. Let's go." Harry said while gesturing me to sit in passenger seat.

"Wag na. Mag mo-motor na lang ako tsaka hindi na tayo ka-kasya pag alis natin kasabay nung kambal." sabi ko na nag tatampo pa rin sa kanila.

Nakita ko naman kasi naka park ang motor ko dito. Tinanggal ko ang nakatabon dito at kinuha ang susi sa loob ng nakatagong lalagyan nito. Buti na lang at puno pa ang tangke ng gas nito.

"Morgana, hindi pwede. Kasya naman tayong lahat dito." pag pipilit pa rin ni Harry.

"Vince will be with me. Is that all right?" I glanced towards Vince who's silently standing and watching us.

"Pero, wala ito sa plano. Hindi niya alam ang plano."

"I know. Don Señor and Mang Simon instructed me to look out for Morgana." he said while he gestured the motorbike he had prepared.

Kaya naman pala palaging nakabuntot ito sakin. Akala ko pa naman namiss niya lang ako.

"Fine. Whatever. Just be sure she'll be safe on the way, kung hindi ikaw ang makakatikim sakin." pagbanta ni Harry at nagsalitan pa sila ng masasamang tingin. Binigay ko naman kay Harry ang bag ko at kinuha naman niya at sumakay na sa driver seat.

"I'll do without you telling me anyways." Vince replied.

"Tsk. Tara na!" sabay sabi ko at pina-andar ang motor. Siniguro ko muna na nakalock ng mahigpit ang katana ko sa likod ko at nagsuot ng helmet.

Bumusina naman ako kay Vince at nauna na, sumunod naman siya sa akin saka ang sasakyan nila Harry.

Rush hour at mag ga-gabi na rin pala kaya paniguradong mag tra-traffic. Mga higit 15 minutes ang biyahe namin kasabay ng pag aalala ni Harry sa in-ear piece ko na binigay niya kanina.

"Morgana, you're driving too fast."

"Morgana, slow down!"

"Morgana, hindi ka ba nakikinig?"

Parang nanay! Hindi ako maka concentrate ng maayos dahil sa sunod-sunod niyang pag re-reklamo. He's so overprotective.

Tinahak namin ang Gusa crossroad at lumiko patungong coastal road. Binalaan pa kami ng iba na sarado ang daan dito ngayon dahil sa sunog sa kalapit na bayan. Hindi naman gaano karami ang sasakyan dito dahil one way lang ito. Malamig na hampas ng hangin mula sa natatanaw na dagat sa kaliwa namin ang bumati sa katawan ko. Nakita ko naman ang mga nag lalakihang mga barko palatandaan lng na andito na kami sa pantalan. Nakita ko naman ang mga nagkukumpulang mga tao sa daan. May mga naka parke rin na ambulansya at bumbero na kasalukuyang pinapatay ang malalaking apoy sa kabahayan.

"Bumalik kayo sa main road! Sarado ang daan dito ngayon. Hindi kayo makalampas dito." sabi nung traffic enforcer gamit ang mikropono sa kalayuan.

Nag parking naman kami sa tabi at lumabas silang Harry sa sasakayan. Tinanggal ko naman ang helmet ko.

"Nasa tamang daan ba tayo?" tanong ni Gerald.

"We are. Malapit rin dito ang bahay ng kambal." sabi naman ni Harry.

"I don't see the other team in vicinity." Gabriel said while looking out.

"Baka nasa kabila sila dumaan? There's two road from main road connecting the coastal road together. Baka sa Puregold sila lumiko?" sabi ko naman.

"I can't reach them. Even the walkie talkie they gave isn't working." Gerald said while continuously adjusting the walkie talkie he had on his hand.

"Not working? How? There's a lot of frequency signal here. Nasa pantalan tayo." Harry said.

"The signal has been jammed. Someone or something is closing the communication." Glenn said with his serious look as if his thinking something.

"Vince? Do my grandfather sends you here? Alam mo ba yung bahay ng tinutukoy namin?" tanong ko kay Vince ng maalala na nagpapadala si papa ng tagabantay rito.

"I only came here once since I'm not part of the troop who guards here." Vince replied.

"Na alala mo pa rin ba ang daan?" I told him.

"Yes, just block away."

"Then let's go. We can't wait for others but try to contact them Gerald as possible. We'll meet them at the target location." I said. "Bakit wala kayong dalang mga armas?" aside from me and Vince who is armed ay sila lang ang kaswal na napansin ko.

"We don't need them. Worry yourself first." Glenn said while walking away.

Yeah, I forgot that they have abilities. How stupid of me.
Siniguro namin ni Harry na hindi mapapansin ang mga sasakyan namin at may nilagay siya na parang malaking tela dito para mag camoflouge ang mga sasakyan namin.

"Ano yun?" manghang tanong ko.

"Just a quick spell para hindi agaw pansin. No one will know na may naka-park pala." Harry said.

Nasa unahan si Vince na sinusundan namin. May napansin akong kakaiba sa lugar dito.

"Harry, you notice something?"

"Yeah, it's too quiet."

"Means danger. Maging alarma kayo." Gabriel said.

Vince pulled out his gun on his front while I slash out my katana. We were walking silently and observing our surroundings. The rest of the guys drew out their hands as if they're ready to release their abilities anytime.

"Where are the people?" Gerald asked almost whispering.

Nakakapagtaka rin. Ang whole block ng daan dito ay sobrang tahimik. Walang katao-tao kung meron man ay dapat nag pa-panic sila at nagliligpit ng mga gamit. Nagulantang naman kami sa tunog na nagmula sa kalangitan. Isa itong mist na parang bubble na unti-unting bumaba sa paligid na nasasakupan.

"Who's doing that?" Gabriel looked still cautiously looking at surroundings.

"What's that?" I asked.

"A time barrier. A mist that within inside will stop the time. Every damage that cause inside the barrier will came back to what it was as if nothing happened.  Parang dome sa school natin but may limited time lang ito. As you can see walang makakakita sa mangyayari sa loob mula sa labas maliban sa mga tao na nasa loob. Hindi rin sila makakapasok at para bang pinagbabalik-balik lang sila ng ilusyon sa lugar na ito. It also means someone is preventing them to get outside on this barrier or trapped us in." mahabang sabi ni Harry sa tabi ko.

"It must be the others. Tayo lang naman ang makakagawa nito maliban lang kung may alam rin ang kalaban tungkol dito." Glenn replied.

Out of nowhere we hear slow growls and fainting heavy footsteps coming into our direction.

"They're here before us." Gerald said while looking intently to the side alleyway.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top