Prompt + Rules & Regulations (CLOSED)
Pasko na, at kasabay ng pagsasara ng taon na ito ay isa na namang contest na susubok sa limitasyon ninyo - limitasyon ng comment section namin, rather.
Dahil sa patimpalak na ito, ang kailangan niyo lamang gawin ay magsulat ng kuwento base sa napiling prompt sa aming comment section.
Yes, tama kayo! Hindi niyo kailangang gumawa ng bagong kuwento.
Magsulat ng isang buong kuwento sa loob ng iisang comment bubble lamang. Ibig sabihin 1 submission = 1 comment = 1 entry = 1 form.
Sa bawat kuwento/comment na iyong iiwan sa baba ng aming comment section ay mayroon kang isang entry para sa contest na ito!
Ngayon, para naman sa mga prompt:
PROMPT 1: Mistletoe Magic
Ang iyong first kiss ay nangyari sa ilalim ng mistletoe sa isang random Christmas event kung saan ikaw ay naimbitahan. Ang problema, hindi mo alam(o maalala) ang pangalan ng taong nakahalikan mo. Kaya ba ng magic ng Pasko na maibalik ka sa kanila?
PROMPT 2: HOLIDAY HOLIDAZE
Mortal na magkaaway kayo ng iyong katrabaho dahil sa pag-aagawan sa promotion. Pero paano kung kayong dalawa ay napili para planuhin ang Christmas party ng opisina na magkasama?
PROMPT 3: MERRY MOMENTS
Naaalala mo ba ang iyong huling Christmas Eve kasama ang iyong minamahal? 'Yong mga araw na pinagdiwang mo ito nang masaya, in love, at marry... hanggang sa ang mismong disperas ng Pasko ang dahilan ng paghihiwalay niyong dalawa. Ano nga ba ang itsura ng Christmas Eve noong kayo pang dalawa?
RULES AND REGULATIONS:
❤ Siguraduhing nakaayon sa prompt ang iyong kuwento
❤ Ang mga sasali ay maaaring gumamit ng Filipino, Ingles, o Taglish
❤ Bigyang pansin ang iyong pagbaybay at balarila
❤ Ang bilang ng salita ng iyong kwento ay dapat hindi lalagpas sa ISANG COMMENT SECTION. Maaari itong mas mababa ngunit hindi maaaring lumagpas.
❤ Maaaring gumamit ng kahit anong POV: First, Second, o Third.
❤ Maaari itong i-post bilang isang komento sa comment section ng page na ito.
❤ Maaaring magpasa ng higit sa isang submission, ngunit magsumite ng submission form para sa lahat ng iyong entries. Kung mayroon kang 3 entries, 3 submission form din ang kailangan mong ipasa.
❤ Hindi kami tatanggap ng mga kuwentong may Mature Content
❤ Hindi kami tatanggap ng mga fanfiction
❤ Welcome na welcome po ang mga kuwentong may tema o mga karakter na kabilang sa LGBTQ community
❤ Siguraduhin na nakaayon sa Wattpad Guidelines ang iyong kuwento.
❤ Deadline: January 20, 2023 @ 10:59PM - PH Timezone (GMT+8) gamit ang SUBMISSION FORM na ito.
❤ Makukuha niyo ang link ng inyong kuwento sa pamamagitan ng paggamit ng computer at pagpindot ng 3 dot sa itaas na kanang bahagi nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top